Chapter 12

1405 Words
Lumipas ang mga araw at wala na ngang nabalita na kahit na ano, tungkol sa pangyayaring iyon, doon sa terminal. Naging tahimik ang lahat ng nakasaksi at walang naglakas ng loob na magkwento. Hinihintay ni Liza na muling makita niya kahit ang babaeng sinusundo ng lalaking iyon, pero sa bawat araw na lumilipas ay bigo siya. Ni kahit anong balita ay wala man lang siyang narinig. Kung may nangyari bang hindi maganda o ano man. Kaya ang nasa isip na lang ni Liza ngayon, ay maaaring nilisan ng mga ito ang bansa. At doon na lang naninirahan, sa bansa kung saan ang mga ito nagtungo. Dumaan ang mga taon, at hindi na talaga nakita pa ni Liza ang lalaking iyon. Wala din siyang naging balita pa sa mga ito. Nakakapanghinayang lang, dahil hindi man lang niya, nalaman ang pangalan ng lalaking iyon, kahit sa huling pagkakataon. 'Ilang taon na ang lumipas, Damulag pa rin ang pangalan mo. Bakit kasi, hindi ako naglakas loob na itanong iyon sa iyo noon. Nakakapanghinayang talaga.' Kausap ni Liza sa sarili bago, nagbitaw ng isang malalim na paghinga, at ipinagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa. Nagsisimula na ring mag-aral ang kanyang dalawang pamangkin. Medyo nalate pa nga ang pasok ng mga ito, dahil na rin sa payo ng mga doktor, na magpahinga muna ng maayos ang mga bata, hanggang sa tuluyan na ngang gumaling ang mga ito. Ngayon naman ay okey na ang mga ito, kaya nagsisimula ng mga magsipag-aral. Iyon nga lamang ay mas mahihirapan na silang magporsyento sa napagsanglaan nila ng lupa. Hindi naman ito nagdedemand ng kung ano man. Pero sa parti nila. Sila ang nahihiya, dahil sa kabutihang ginagawa nito sa kanila. Ayaw naman nilang abusuhin ang kabaitan nito, kaya isang pasya ang gagawin ni Liza, para sa pamilya. "Inang, Amang, payagan na po ninyo akong magtungo sa Maynila. Kahit po katulong ay alam ko pong, malaki ang sweldo doon. Ako naman po ay babalik dito, pag talagang alam kong mahihirapan ako. Isa pa po, promise hindi po ako magpapawala ng pera sa bulsa, kung sakali man na apihin ako ng magiging amo ko, makakatakas po ako at makakabalik dito. Buong-buo walang labis, walang kulang." Pakiusap pa ni Liza sa mga magulang, na hindi naman makapagdesisyon para sa nais ng anak. "Beth naman. Malayo ang Maynila. Alam mo gang halos nasa sampu hanggang labing dalawangvoras ang byahe, mula dito hanggang sa Maynila." Wika pa ng kanyang amang. "Inang. Amang, Gasino na ga po ang labing dalawang oras kung makakahanap naman po ako ng mabait na amo. Sayang din po ang dapat kikitain ko. At isa pa po Inang at Amang, Liza na lang po itawag po ninyo sa akin." Nakangisi pang wika ni Liza. "Kasi po, inang, amang, si Beth po kasi, uhuging bata pa iyan. Habang si Ria, alam naman po ninyo ang kwento, hindi pa nagsisimula ang love life n'yan na broken hearted na. Hindi pa iyan makamove on kay Damulag." Dagdag pa ni Liza na ikinatawa ng mga magulang niya. "Habang si Liza, sisiguraduhin ko pong magiging matapang yan sa Maynila. At hindi po basta basta magkakacrush. Lalo na po at trabaho ang hanap ni Liza at hindi love life. Promise." Natatawang wika ni Liza pero seryoso siya sa kanyang sinabi. "Buo na ba ang desisyon mo anak na magtrabaho sa Maynila?" Tanong ng kanyang inang. "Opo inang, amang. Buo po ang loob ko, at buo na rin ang desisyon kong makipagsapalaran sa Maynila. Gusto ko pong mabigyan ng magandang buhay ang mga pamangkin ko. Gusto kong matupad nila ang mga pangarap nila. Dahil para po sa akin, ang katuparan ng pangarap nila, ay katuparan na rin ng pangarap ko. Ang magkaroon sila ng magandang buhay." Wika ni Liza ng bigla silang makarinig ng pagsinghot, na wari mo ay pinipigilan ang maiyak. "Bunso/ Beth/ Tita." Sabay-sabay na wika ng Kuya Elirio niya, ate Maria at ang dalawa niyang pamangkin. Si Mario at Eliza. "Oi, bakit may pag iyak? Wala pa naman akong ginagawa, nagsasabi lang ako kay inang at amang." Maang ni Liza sa mga ito. "Kasi naman bunso, bakit ba ganyan ka sa amin. Ako ang dapat nag-iisip niyan para sayo, pati sa mga anak ko. Pero ikaw pa itong malaki ang pangarap at gagawin ang lahat para sa pamilya natin. Daig mo pang ikaw ang panganay." Wika ng kuya niya na ikinasabat ng amang nila. "Daig pang siya ang padre de pamilya, yan sabihin mo Elirio. Hindi ko alam kung saan ka nagmana ng sobrang kabaitan anak. Pero ipinagmamalaki kong naging anak ko kayo ng kuya mo. Mahal na mahal namin kayo ng inyong inang. Sana pag dating ng araw ay pagpalain pa lalo kayo ng Poong Maykapal." Naluluhang wika pa ng kanyang ama. "Sino po ba ang palaging may pangaral, kaya ako lumaki ng ganito. Di ba po kayo? Palagi po ninyong sinasabi na magmahalan kaming magkapatid, kaya naman po mahal na mahal ko po si Kuya Elirio at Ate Maria. Pati na ang mga pamangkin kong si Mario at Eliza. Pati na syempre kayo po Inang at ikaw po Amang ay mahal na mahal ko po kayong lahat." Saad ni Liza na ikinayakap ng mga ito sa kanya. "Pero tuloy ba talaga ang paghahanap mo ng trabaho sa Maynila? Kailan ba ang balak mo?" Tanong ng kanyang Amang. "Sa susunod na linggo na po. Luluwas po si Ms. Rowella, nagsabi na rin po ako sa kanya na kailangan ko ngayon ng malaking kita. Nauunawaan naman daw po niya ako. Pero alam po ba ninyo ang nakakatuwa? Pag hindi daw po naging maayos ang lagay ko sa Maynila, bukas daw po ang tindahan nila para sa akin. Para tanggapin akong muli." Wika ni Liza na ikinatuwa ng pamilya niya. "Sobrang bait mo kasi bunso. Kung alam mo lang. Sana makita mong muli iyang si Damulag mo." Sambit ng kuya niya na ikinahagikhik ng dalawa niyang pamangkin, dahil nanonood ang mga ito ng cartoon na Doraemon. "Hindi ko alam kung anong nakita mo sa lalaking iyon, bakit lahat ng manliligaw mo, hindi mo man lang binigyan ng pansin. Wala ka man lang napili sa kanilang lahat. Aba ay gwapo naman si Glen, Marcel, at Junie. Pero binasted mong lahat. Baka tumanda kang dalaga n'yan." Dagdag pa ng kuya niya. "Okey lang na tumandang dalaga, kung iyon ang kapalaran ko. Masaya na akong makilala ang lalaking iyon." Nakangiting wika ni Liza. Na wari mo ay nananaginip pa sa kawalan, dahil sa pagbibigay nito ng matamis na ngiti. "Wag kang mangarap anak. Hindi ka pa tulog. Gising na gising ka, alam mong alam naming hindi mo nakilala ang lalaki na iyon. Hindi mo nga alam, ang tunay na pangalan. Sabihin mo anak, masaya ka ng nakita mo ng malapitan ang lalaking iyon at nahawakan ang kamay mo ng iabot mo ang sukli. Iyon ang saktong nangyari anak. Wag assuming anak ha, Masasaktan ka lang." Sabat ng kanyang inang na ikinatawa ng lahat. "Panira si Inang talaga. Inang pangarap na ngalang, ay dream sa Ingles. Hindi pa napagbigyan ang kanyang pinakamagandang anak eh." Reklamo ni Liza sa kanyang inang, na hindi pa rin mawala ang pagtawa ng mga ito sa kanya.. "Anak, talagang ikaw laang ang pinakamaganda naming anak ng iyong amang, ay lalaki ang kuya mo eh." Wika ng kanyang inang na lalong ikinatawang lalo ng pamilya niya. Nakangiti na rin si Liza habang pinagmamasdan ang pamila niyang masayang nagtatawanan. 'Panginoon, maraming, maraming salamat po sa biyayang ipinagkaloob mo sa akin. Ang magkaroon ng pamilyang katulad nila ay masasabi kong, napakahalagang kayamanan, na kahit saan ay maiipagmalaki ko, habang buhay.' Usal na pasasalmat ni Liza, habang nakatingin sa pamilya niya, ng biglang magsalita ang kanyang inang. "Ay s'ya tama na iyang tawanan. Nandito na rin naman tayong lahat ay maghahayin na ako ng makakain na tayo." Wika pa ng kanyang inang at nagsimula ng maghayin. Tumulong na rin siya sa kanyang inang pati ang kanyang ate Marie. Naging masaya naman ang kanilang pagsasalo ng mga oras na iyon. Napuno ng tawanan at asaran. Masaya si Liza na mapunta siya sa pamilyang meron siya ngayon. Salat man sa pera at materyal na bagay, pero mayaman naman sila sa pagmamahal. Sa susunod na linggo ay susubukan niya ang buhay sa Maynila para sa kanyang pamilya. Kahit mahirap kakayanin niya ang lahat. Masarap pa ring makita niya na nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya, lalo na kung mabibigyan niya ang mga ito ng maginhawang pamumuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD