Chapter 8

1415 Words
Habang nasa byahe ay nakamasid lang si Love sa bawat daraanan nila. Pabalik na kasi siya ng Maynila. May pasok na rin kinabukasan. Malapit na sila ng terminal ng may itanong si Love kay Dimitri. "Kuya, okey ka lang bang nag-iisa sa bahay?" Biglang tanong ni Love. "Oo naman. Ikaw, okey ka lang ba sa dorm mo? Bawal ang lalaki doon ha. Sabihin mo agad sa akin pag may nanliligaw sayo? Wag kang babarkada sa mga, taong alam mong toxic para sayo. Maliwanag? At isa pa. Palagi kang mag-iingat. Hmmmm. " Wika pa ni Dimitri na ikina thumbs up pa ni Love. "Yes naman kuya. Tatandaan ko po lahat ng sinasabi mo. Wag ka pong mag-alala kuya. Palagi po akong mag-iingat doon. Ikaw, ingatan mo po ang sarili mo dito ha." Malambing na wika ni Love. "Oo naman." Sagot pa ni Dimitri. "I love you Kuya, always remember that. Hindi lang sa isipan mo. Kundi pati sa puso mo ha." Malambing na wika ni Love na ikinangiti naman ni Dimitri. "And Kuya loves you so much Love. I love you more, Love. Palagi mo din yang tatandaan, hindi lang sa isipan, kundi pati sa puso." Sagot ni Dimitri na ikinatango naman ni Love. Pagkarating nina Dimitri at Love, sa may terminal, ay bumili naman agad ng ticket ni Love si Dimitri. Hindi na sumama si Love sa kanya, dahil doon na lang daw muna ito sa may tindahan, sa harap ng paradahan ng mga bus. Masaya namang nagtungo muna si Love sa may tindahan, na binilihan nila ng banana chips, noong uwi niya, na animo ay nagmamasid. "May kailangan ka Miss?" Tanong ng isang tindera, si Rica. "Ah, wala naman. Pero, nasaan iyong isang tindera ninyo? Yang, Ria ang natatandaan kong pangalan niya." Masayang wika ni Love. "Bakit? May problema ba kay Ria?" Tanong naman ng isa pang tindera, si Rona. "Naku, wala naman mga ate, sa kanya kasi kami bumili noong nakaraan, gusto ko lang sanang sa kanya ulit bumili." Wika niya na ikinatango naman ng dalawa. "Sandali lang Miss ha, nasa loob kasi ng stock room si Ria, nakuha lang ng ibang paninda na pang display." Sagot ng isa sa tindera. Napatingin naman sa relo si Love, at sa iilan pa ngang paninda na nasa labas. Dahil alas syete singko pa lang naman ng umaga. Siguro ay kabubukas pa lang talaga ng tindahan. Habang hinihintay ni Love na dumating si Dimitri ay sumalampak na naman ng upo si Love sa semento sa tabi ng tindahan. "Ate, pwede ba akong kumuha ng isang banana chips. Wala lang akong pambayad, pero darating na iyong financer ko. Babayaran naman niya. Okey lang ba?" Nagmamakaawang boses ni Love na ikinatawa ni Rica at Rona. "Oh. Heto na Miss. Sa pagkakaupo dyan parang walang wala ka ah. Pero sobrang ganda mo at ang kinis ng balat mo." Wika ni Rica. "Hindi naman ganoon mga ate, ayaw ko lang magbayad, para bayaran niya." Sagot ni Love ng matanawan ang papalapit na si Dimitri. Lumabas na rin si Ria sa stock room. Bitbit ang isang kahon ng banana chips. Kasunod si Ms. Rowella na may dalang ilang plastic na may laman ding iba't ibang klase ng pampasalubong. Matapos maiayos ni Ria ang lahat, ay napatingin siya sa babaeng bumili noong isang araw at sa lalaking nagpapabilis ng pintig ng puso niya. "Ria, hanap ka ng customer mo. Sayo daw niya gustong bumili." Wika ni Rona sa kanya. Bumalik na naman si Ms. Rowella sa counter, at ang dalawa sa kanilang ginagawa. Napatingin naman siya sa lalaki at babaeng magkasama. Pinigil ni Liza ang reaksyon ng puso niya. Kahit naman papano ay nahihiya siyang may maramdaman ang lalaking customer na ilang sa kanya. Dahil lang sa kilig na mahahalata sa kanya. Tumikhim muna si Liza para naman, maalis ang bara sa kanyang lalamunan. "Ano ang bibilhin ninyo?" Magiliw na tanong ni Liza. "Gusto ko noong banana chips, kahit ilan lang wag mo ng kadamihan, baka mamaya mabigatan pala ako. Tapos idagdag pa itong kinakain ko na." Nakangising wika ni Love, na ikinakamot na lang ni Dimitri sa ulo. "Miss, bigyan mo nga ako ng sampong balot niyang banana chips, tapos isama mo sa babayaran ko ang kinakain ni Love." Wika sa kanya nung lalaki. Napatingin naman si Liza, sa magandang babae, na ngayon ay nakasalampak pa rin sa semento, sa gilid ng mga paninda. Napakaganda nito at makinis. 'Kung love ang tawag ng lalaking ito, sa babaeng iyon. Pwedeng magkasintahan nga itong dalawa. Wala na akong pag-asa.' Napangiti ng may pait, na lang si Liza sa laman ng isipan niya. Hindi man lang banggitin ng babae ang pangalan nung lalaki. Gusto sana niyang malaman kahit pangalan lang. Ayaw naman niyang itanong. 'Para saan pa? Ay kitang-kita naman, na sa tindig ng lalaki, at aking kagawapuhan nito. Bagay na bagay silang dalawa.' Napangiti na lang si Liza sa mga naiisip niya. Para siyang tangang kinakausap ang sarili. 'Syempre tayo lang talaga self dapat ang magkausap, mahirap ng malaman ng mga kasamahan natin ang laman ng isipan ko okey. Baka ibenta pa ako ng mga ito sa lalaking ito, mahirap na.' Wika pang muli ni Liza sa isipan. Wala namang kahit anong kaugnayan siya sa lalaking bumibili, pero pakiramdam niya broken hearted na siya. Nilagay na lang ni Liza sa isang medyo may kalakihang eco bag ang mga binili ng mga ito, dahil malaki ang balot ng banana chips, hindi pwedeng sa papel na lalagyan lang. Nag-abot naman sa kanya ng bayad ang lalaki. Nang masabi niya ang presyo ng napamili nito. Hindi naman agad nito nakuha ang sukli dahil tumawag na ang bus na sasakyan ni Love. Napatingin naman si Liza sa dalawang taong magkasabay na naglalakad papalayo habang inaalalayan ng lalaki ang magandang babae. Inihatid na muna ni Dimitri si Love, sa bus. Nagbilin pa muna ng napakarami si Dimitri dito. Niyakap muna ng mahigpit ni Love si Dimitri. Hinalikan naman ni Dimitri si Love sa noo. Pagkatapos ay si Love naman ang humalik sa pisngi ni Dimitri, bago tuluyang sumakay ng bus si Love. Kitang-kita ni Liza ang napaka sweet na gestures ng dalawa sa isa't isa. Isang pinong kurot naman ang naramdaman ni Liza ng mga sandaling iyon. Natawa naman si Liza, dahil naguguluhan talaga siya sa sarili niya para maramdaman ang bagay na iyon. Ipiniling na lang ni Liza ang ulo niya, ng mawala ang kakatwang kanyang nararamdaman. Ilang sandali pa at nakita niyang umalis na ang bus na sinasakyan ni ng magandang babae. Kita pa niya ang pagkaway nito sa lalaki, nagbibigay sa kanya ng kakaibang emosyon. Emosyong masarap sa pakiramdam, pero masakit sa puso at isipan. Nang makalayo na ang bus, ay napansin ni Liza na naglakad ng pabalik ang lalaki patungo sa tindahan nila. Nakangiti pa ito ng makalapit sa tapat niya. Iniabot naman niya ang sukli nito dito. Sinadya naman ni Dimitri na hawakan ang mga kamay ng babae, dahil baka naman normal na minsan makaramdam ka ng pagkakuryente sa isang tao na hindi niya kilala. Pero nagkamali si Dimitri, sa iniisip niya. Dahil ang paglalapat ng kanilang mga balat ay parang kuryente talaga. May sparks. Mabilis namang kinuha ni Dimitri ang sukli at hindi nagpahalata. "Salamat." Mabilis na wika ni Dimitri, sabay talikod kay Liza. Kung naguguluhan si Dimitri sa nararamdaman niya. Mas naguguluhan siya sa nangyayari sa kanya. Paanong pareho ang nararamdaman niya sa batang si Beth at sa dalagang si Ria. Natawa na lang siya sa kanyang sarili. 'Bakit ko naman kailangan silang pagkumparahin kung magkaiba naman sila?. At isa pa, para saan ang pagkukumpara, kung ikakasal naman ako sa iba, pagdating ng araw.' Wika ni Dimitri at mapait na lang siyang napangiti. Pero ng maalala niya lahat ng sinabi ni Love ng makausap niya ito sa kwarto niya ay parang bigla na lang siyang nabuhayan ng loob. 'Bakit naman ako panghihinaan ng loob, kung hindi pa naman dumarating ang araw na iyon. Kung pwede ko namang pigilan na mangyari iyon. Bakit hindi? Total naman hindi ko pa kilala ang Zusainne na iyon. Maliban sa pangalan na iyon. Bahala na. Mahalaga, wag kong aksayahin ang masasayang oras, sa mga walang kabuluhang bagay.' Wika pa ni Dimitri sa sarili, habang papasok sa kotse niya. Mabilis naman niyang pinaandar ang sasakyang dala niya, dahil nais niyang magtungo sa sakahan, dahil mag-aani sila ngayon ng mais. Mas mabuting ituon muna niya ang isipan niya sa mga bagay na dapat pagtuunan nito. At hindi sa bagay, na ayaw naman niyang gawin, pag dating ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD