Chapter 9

1379 Words
Kalalabas lang ni Liza ng stock room ng makita niya ang lalaki at ang babae noong nakaraan. Nakasalampak pa sa semento ang babae, habang nag-eenjoy sa pagkain ng banana chips. Nang mapansin niyang tapos ng mag-usap ang dalawa ay tumikhim muna siya, para makuha ang atensyon ng mga ito. Matapos niyang magtanong kung ano ang bibilhin ng mga ito, ay inayos naman agad niya ang sinabing nais ng mga ito. Hindi niya agad naiabot ang sukli, ng tumawag ang konduktor ng bus, na sasakyan ng babae. Napangiti pa si Liza, sa sobrang kasweetan ng lalaki dito. Siguro nga masasabi niyang, nakakainggit. Minsan na nga lang siyang magkacrush, taken pa. Ipiniling na lang ni Liza ang kanyang ulo, para mawala kung ano ang iniisip niya. 'Sabi nga nila, crush is paghanga, sa mga taong pahara-hara. Pahara-hara kasi iyong lalaking iyon dito sa terminal, naging crush ko tuloy. Kasalanan talaga ng lalaking iyon, titig pa lang ng mga mata n'ya, nahuhulog na ako. Marinig ko pa ang boses nitong kay sarap pakinggan. Yawa ka naman heart. Wala tayong pag-asa doon sa lalaking iyon. Unang-una, taken. Pangalawa sino naman ang papansin sayo self. Isang hamak na tindera ka lang oi.' Sambit pa ni Liza sa sarili na, bigla niyang ikinatawa. Hindi naman, inaasahan ni Liza na mapapalakas ang tawa n'ya. Dapat kasi, tahimik lang talaga iyon. "Oi, Ria anong nangyari sayo? Nababaliw ka na? Tumatawa ka na ng mag-isa eh." Tanong ni Rona na bigla niyang ikinahiya. Tumikhim muna si Liza, para maalis ang pagkapahiyang nadarama. "Wala ah. May naalala lang akong magandang teleserye, na gusto ko sanang mapanood. Medyo nakakatawa kasi iyong thriller, kaya naman natawa ako bigla. Sorry ha. Napagkamalan pa ninyo akong baliw." Pagdadahilan ni Liza, na ikinatawa nung dalawa. "Ay sus, crush mo lang siguro yong si pogi. Kanina ka pa nakatingin doon sa dalawang hindi pa nakakasakay ng bus eh." Tudyo naman ni Rica. "Eh, hindi ko nga napansin na nandoon pa sila. Hinihintay ko lang iyong lalaki, gawa ng sukli niya oh." Wika ni Liza na ipinakita pa ang perang hawak na nasa kamay. "Okey sabi mo eh." Biglang sabat ni Ms. Rowella, na hindi niya napansin na nasalikudan pala niya. "Pati ba naman ikaw Ms. Rowella?" Tanong pa ni Liza na ikinatawa ng dalawa. "Ah wala akong sinabi ha. Hindi ako nagsasalita ha. Tiningnan ko lang kung maaayos ang pagkakadisplay ninyo ng paninda oh. Babalik na nga ako sa pwesto ko." Tanggi ni Ms. Rowella sa sinabi ni Liza na ikinatawang muli ni Rica at Rona. Ilang saglit pa ay umalis na nga ang bus na sinasakyan nung babae. Napansin naman niya ang paglapit ng lalaki sa pwesto nila. Nakangiti itong nakatingin sa kanila. Kaya naman ngumiti din siya ng tipid dito. Nang makalapit ang lalaki sa pwesto niya. Nginitian niya ito ng tipid tapos ay iniabot ang sukli nito. Hindi malaman ni Liza kung sinadya ba nitong hawakan ang kamay niya, dahil ramdam na ramdam niya ang init ng kamay nito, na humaplos sa kanyang palad. Na ang init ay parang bumabalot sa kanyang puso. Pero hindi din iyon nagtagal at bigla itong tumalikod at naglakad papalapit sa sasakyan nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Nakatingin lang si Liza sa sasakyan nitong, unti-unting lumalayo. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Liza at alam niya sa sarili na crush niya talaga ang lalaking iyon, kahit hindi niya alam ang pangalan. Kaya lang sobrang kabog naman ng puso niya kung simpleng pagkacrush lang ang nararamdaman niya dito. Alam niyang sa saglit niyang makita ito. May mas malalim pang dahilan ang puso niya sa nararamdaman dito, at hindi simpleng crush lang. Ipinagpatuloy na lang ni Liza ang ginagawa, lalo na at dumadagsa na ang mga pasaherong, paalis at dumarating. Masyadong madaming customer ngayon, kaya naman kahit papano ay naging okupado ng trabaho ang isipan niya. Kay sa isipin ang lalaking iyon. Na ni pangalan ay hindi man lang niya nalaman. Sa mga linggo na dumaan, ay inaabangan ni Liza iyong pagdating ng magandang babae, dahil alam niyang susunduin ito ng lalaking crush niya. Hindi naman masamang maging crush niya ito. Humahanga lang talaga siya sa angking kagwapuhan nito. Pati na rin sa pagiging caring nito sa magandang babae na iyon. Pero sa bawat linggo na dumaraan ay parang nakakaramdam si Liza ng pagkabigo. Pagsilay na nga lang sa lalaking crush niya, naipagkait pa. Hindi niya alam kung bakit, hindi mawala sa isipan niya ang itsura ng lalaking iyon. Para kasing inukit sa puso niya ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang dating ng lalaking iyong sa kanya. Wala pa ngang ginagawa, pero hinahanap-hanap na niya ang presensya nito. Kahit ngiti lang nito ang makita nita, kompleto na ang araw niya. Pero dumaan na ang apat na linggo ay hindi man lang niya nakita na sinundo o hinatid ng lalaki ang babaeng nagtutungo ng Maynila. Malungkot sa parti niya, pero ano ba talaga ang dapat ikalungkot niya. Hanggang sa dumating ang araw, na naging normal na lang ang lahat, hindi na rin niya muling nakita, maalin man sa lalaki or sa babae. Medyo nalungkot din siya. Dahil sa kakatwang kanyang naramdaman, kahit wala siyang karapatan. Tinago na lang niya sa kaloob-looban ng puso niya ang nararamdaman niyang iyon. Noong una ay naging crush niya ang batang si Doraemon. 'Magagawa ko ba, hindi ko alam pangalan niya eh. Pero crush ko talaga iyon, kahit mas matanda si Doraemon sa akin ng ilang taon.' Tapos ngayon, humanga na naman siya, sa lalaking hindi man lang niya kilala. 'Iyong lalaking iyon siguro ang tunay na Damulag. Binata na eh.' Wika ni Liza sa isipan na ikinatawa pa niya sa sarili. Iniisip na lang niya ang lalaki, pero hindi na niya hinahanap. 'Hindi na lang ako siguro mag-aasawa kung hindi din naman katulad ng naramdaman ko kay Doraemon at Damulag ang mararamdaman ko sa mapapangasawa ko. Iba ang pakiramdam ko noong mahawakan ko ang kamay ni Doraemon, nakakagulat, may kuryente na hindi mo maipaliwanag. Ganoon din kay Damulag. Makita ko pa kaya kahit sino sa kanila? Wag kang umaga Liza. Masasaktan ka lang. Promise. ' Wika pa ni Liza sa sarili, ng bigla siyang magbalik sa realidad, na nasa harapan pala siya ng tindahan at nag-aayos ng mga paninda. Napangiti na lang si Liza sa sarili. Hindi talaga niya alam kung bakit ganoon ang impact ng dating ng lalaking iyon sa kanya. Siguro, talagang humahanga siya dito, kahit naguguluhan siya sa nararamdaman niya para sa lalaki. Dumaan pa ang ikalawang buwan buhat ng huli niyang nakita ang dalawa. mula noon nawalan na talaga siya ng pag-asa na makita ang mga ito. Naisip niyang sobrang busy siguro ng babae sa Maynila, kaya ganoon na lang at hindi na niya ito nakita. Pero ang naiisip pa niyang isa, baka naman nagpakasal na ang mga ito. Kahit naman sabihin na medyo bata pa ang babae, sino bang makakatanggi sa karisma ng lalaking iyon. Kahit sa sarili ni Liza, magpakita lang iyon ng motibo sa kanya ay, susugal siya, pero wala eh. Ang bigo niyang puso, na bigong umaasa, na ngayon ay sobrang bigo na talaga. Ipinagpatuloy na lang ni Liza ang buhay. Anong magagawa niya kung hindi na niya nakita pang muli ang lalaki iyon. Hindi lang talaga siguro iyon ang tamang pagkakataon para siya ay magmahal. Nakakataka lang talaga sa part niya, na sa ilang beses lang niyang nakita ito, hindi na talaga nawala sa puso at isipan niya. 'Ang galing naman kasing iskultor ng puso ko, grabe ang pag-ukit. Hinding hindi na mapawi eh.' Wika pa ni Liza sa sarili. Gabi na at hindi niya napansin ang oras, dahil itinoon na lang ni Liza ang isipan sa trabaho. Matapos maisara ang tindahan ay inihatid muna siya ni Rona at Rica sa paradahan ng dyip, dahil katabing dyip lang din naman ng sasakyan niya, ang ruta ng dyip patungo sa bahay ng mga ito. May sariling sasakyan naman si Ms. Rowella na nasa tabi lang ng tindahan nila. Kaya pinauna na silang umalis nito. 'Isang araw na muli ang lumipas ng hindi ka man lang nakita. Sana walang masamang nangyari sayo. At sana okey lang kayo palagi ng babaeng kasama mo.' Mahinang bulong ni Liza sa sarili, bago muling kumaway sa dalawang kasamahan. Dahil nauna ng umalis ang dyip na sinasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD