Chapter 7

1565 Words
Tahimik lang habang nagmamaneho si Dimitri pauwi sila ng bahay nila ni Love. Umuwi kasi si Love mula sa Maynila. Wala kasing pasok sa school ng dalawang araw. Ayaw kasi ni Love magmaneho ng sasakyan, kahit ibili ito ni Dimitri. Kaya naman, palagi itong sumasakay ng bus, tuwing paalis at pauwi ng San Diego. Naubos na ni Love ang pangalawang balot ng banana chips, pero hindi pa rin niya naririnig na magsalita ang kuya Dimitri niya. "Kuya may problema ka ba? Ang tahimik mo?" Nag-aalalang tanong ni Love ni ikinalingon ni Dimitri dito. "May sakit ka ba? Masakit ba ang puso mo?" Nakangising tanong pa ni Love. "Ang dami mong napapansin. Bakit kaya ang dami mong alam? Bakit kaya hindi ka na lang kumain dyan?." Sagot lang ni Dimitri. "Ehhhh? Hindi mo nga napansin na nakadalawa na akong balot na banana chips. Iisa na tuloy. Ang sarap ng banana chips na tinda nila. Kuya bili mo ulit ako, pagpabalik na ako ng Maynila, babaunin ko. Masarap lalo pag nagrerelax ako, habang nagrereview, or nagbabasa ng notes." Wika pa ni Love na ikinatawa naman ni Dimitri. "Oo naman, kahit pa pakyawin natin lahat ng tinda nilang banana chips. Kung iyon ang gusto mo." Natatawang wika ni Dimitri na ikinasilay ng ngiti ni Love. "Yehey..!!" Sigaw pa ni Love na ikinailing na lang ni Dimitri. "Tuwang-tuwa naman si bunso ah." Biro pa ni Dimitri sa kapatid. "Kasi kuya, pag madami akong dala, hindi ko mababawasan ang ipon ko. Hindi na ako bibili." Nakangising wika ni Love na ikinatawa ni Dimitri. "Gipit na gipit Love?" Tanong bigla ni Dimitri. "Hindi naman kuya. Basta." Nakangiting wika nito na ikinatango na lang niya. "Pero hindi nga kuya. Bakit ka tahimik kanina?" Balik tanong ni Love. "Nandito na tayo, pahinga ka na." Pag-iiba ni Dimitri. "Madaya ka kuya. Iisipin ko crush mo iyong isang tindera doon sa binilihan natin sa terminal. Nagkatinginan lang kayo nagkaganyan ka na. Ano ngang pangalan noon? Ahmmm.. Ria??? Oo tama Ria ang pangalan nun." Panunukso pa ni Love na ikinailing na lang ni Dimitri. "Walang ganoon Love. Kung ano iyang nasa isip mo. Alisin mo na. Kasi hindi ganoon iyon." Natatawang wika pa ni Dimitri. "Ehhh??? Pero bakit tinatago-tago mo iyong panyo na may pangalan na Be--." Hindi natapos ni Love ang sasabihin ng biglang maalala na hindi pala alam ng kuya niya ang ginawa niya. "Nasaan ba ang panyo ko, pinagpapawisan pa naman ako ng noo." Biglang wika ni Love at iniwan na si Love sa loob ng kotse. Nakahinga naman si Love ng maayos ng makaalis sa tabi niya ang kuya niya. "Ay sus si kuya, kala mo hindi ipapakasal ni daddy sa iba. Pumapag-ibig eh. Pero naaawa ako sayo kuya kung alam mo lang. Sana mahanap ng puso mo ang nakatadhana sayo. Ayaw kong maging malungkot ka pag wala na ako sa tabi mo." Malungkot na wika ni Love sa sarili, habang nakatingin sa papasok na bulto ni Dimitri sa loob ng bahay. Pagpasok ni Dimitri sa loob ng bahay ay hinayon agad niya ang sariling kwarto. Pagtapat ng sariling kama ay bigla na lang niyang ibinagsak ang sarili. Hindi niya maunawaan ang kakatwang kanyang naramdaman kanina. Kakaiba ang pakiramdam ng maglapat ang mga palad nila noong babaeng nagngangalang Ria. Natawa pa siya sa sarili ng maramdaman niya ang kuryenteng dumaloy sa kanyang kamay. May dulot na kiliti iyon sa kanyang puso. Hindi lang niya pinahalata, pero ramdam niyang naramdaman din ng babaeng nagngangalang Ria ang naramdaman niya. "Ganoon din ang pakiramdam ko noong mahawakan ang kamay ko ng batang si Be----." Hindi natuloy ni Dimitri ang sinasabi niya sa sarili ng bigla niyang maalala ang panyo na galing kay Beth. Matagal na niya iyong itinatago. Pag wala siyang malayong pupuntahan. Pero palagi niya itong dala, kung aalis siya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang kasama ang panyong iyon. Nasa isip lang ni Dimitri. Ay parang lucky charm na niya iyon. Binuksan niya ang cabinet kung saan niya inilagay ang kahon na kinalalagyan nito. Dahil wala naman siyang pinupuntahan na malayo, kaya naman nawala sa isip niya panyo. Pero pagbukas niya ng kahon ay nawawala doon ang panyo. Kaya naman bigla siyang nakaramdam ng panlulumo. Hindi mahagilap ni Dimitri ang sariling nararamdaman. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabigo, sa hindi mapaliwanag na larangan. Napaupo ito sa sahig, habang hawak ang maliit na kahon na kinalalagyan dapat ng panyo. Doon siya naabutan ni Love na nakatingin sa walang lamang kahon at nakasalampak sa sahig. Ni ang pagpasok ni Love sa kanyang silid ay hindi naramdaman ni Dimitri. "Kuya okey ka lang? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Love kay Dimitri na ikinatitig ni Dimitri sa kapatid. "Wala naman." Tipid na wika ni Dimitri sa kapatid. Mahahalata mo ang lungkot sa boses niya. Daig pang nalugi ng sampong milyon si Dimitri base sa kawalang pag-asa na mahanap pa ang panyo. Hindi tuloy niya malaman kung naibalik ba niya iyon noong huling alis niya o hindi. 'O baka naman naiwala ko ng talaga.' Wika pa ni Dimitri sa sarili na ikinayungyong pa ng ulo nito. Napabuntong hininga na lang si Love sa kawirduhang ikikikilos ng kuya niya. Gusto niyang matawa dito. 'Pero baka naman mag-iyak lang si Kuya. Kawawa naman.' Wika pa ni Love sa sarili. "Kuya gaano ka importante ang laman ng box na iyan? Para ka kasing nalugi sa itsura mo ngayon. Akalain mong titig na titig ka dyan sa maliit na kahon na wala namang laman." Biglang tanong ni Love na ikinatingin ni Dimitri dito. Bago ibinalik sa kahon na walang laman ang mga mata. "Hindi ko alam. Pero nalulungkot akong, hindi ko na nakikita ang laman ng kahon na ito. Hindi ko talaga maipaliwanag, pero malungkot talaga ako." Wika ni Dimitri na ikinaluhod ni Love sa tabi niya at niyakap siya nito. "Kuya, sana pagdating ng araw mas piliin mong maging masaya ha. Wag mong gawin ang mga bagay, na alam mong ayaw mo at alam mong pagsisisihan mo. Kuya sana maging masaya ka sa buhay mo. Mahal na mahal kita. Naaalala ko kasi iyong dahilan kung bakit umalis tayo sa poder ni mommy at daddy. Ayaw kong malungkot ka. Sana mahanap mo ang babaeng makakasama mo habang buhay." Wika pa ni Love na naguguluhan naman si Dimitri sa sinasabi nito. Akmang magtatanong pa si Dimitri ng iharang ni Love ang panyong hinahanap niya, at ang isang kwintas na may pendant na puso. "Paano napunta sayo ito?" Tanong bigla ni Dimitri. "Sorry kuya hindi ko naipagpaalam sayo, dahil alam kung hindi mo iyan ipapahiram sa akin. Dinala ko iyan ng Maynila noong nakaraan. May nakita kasi akong, gumagawa ng kwintas at nag-uukit. Gusto kong ipagaya ang pagkakasulat ng pangalan dyan sa panyo, kaya ninenok ko muna." Nakangising wika ni Love na ipinagtaka naman ni Dimitri. "Bakit mo naman ipapagaya? Saan mo ba ipinalagay?" Tanong pa ng kuya niya. "Dito sa puso na pendant. Kita mo ganyang ganyan ang pagkakasulat ng burda sa panyo. Nilagay ko din ang pangalan mo. Syempre kasama ko. Double meaning lang." Natatawang wika ni Love. Dahil ang nakasulat sa maliit na pendant ay 'Beth and Dimitri with Love.' "Ano bang iniisip mo at may paganyan ka? Walang ganoon kapatid. Kaya wag mong kalawakan ang imahinasyon mo. Masasaktan ka lang." Natatawang saad ni Dimitri na ngayon ay masaya na ulit dahil napabalik na sa kanya ang panyo ni Beth. "Basta ibigay mo kay Beth iyang kwintas pagnakita mo siya. Malay mo kayong dalawa ang my forever." Natatawang wika pa ni Love na ikinailing na lang ni Dimitri. "Paano ko naman makikilala pa iyong si Beth? Maalala pa kaya ako noon kung sakali man." Tanong ni Dimitri. "Ako na lang ang gagawa ng paraan kuya. Promise magkikita kayo." nakangiting wika ni Love, na ikinailing na lang ni Dimitri. "I love you Kuya. Pag nakilala mo si Beth. Basta ibigay mo iyang kwintas na ipinagawa ko para sa kanya ha. Sana ipaglaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Ipaglaban mo kung ano ang tinitibok ng puso mo. Wag mong hayaan na pangunahan ka ng iba. Decide for yourself, and not for the sake of others. Even if they are our parents. Hmmm. Mahal na mahal kita kuya." Wika ni Love, na hindi na nakaimik si Dimitri. Nang bumitaw na ito ng yakap sa kanya, at hinayon ang patungong pintuan. Napamaang na lang si Dimitri habang nakatingin sa papalabas na si Love. Mas matanda siya dito pero ang mga sinabi nito sa kanya ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Madalas ay parang bata si Love, kung kumilos. Pero sa mga sinabi ni Love, parang siya ang batang turuan na ngayon lang natuto. Lalong gumaan ang pakiramdam niya, sa payo nito. Hindi naman talaga niya kailangang ikulong ang sarili sa isang sitwasyon na ayaw niya. Sa ngayon ang iisipin na lang muna niya ay si Love at ang sarili niya. Wala naman pang nababanggit ulit ang mga magulang niya tungkol sa bagay na iyon kaya hahayaan na lang muna niya. Lumabas na si Love ng kwarto ni Dimitri, dahil nagugutom daw ito. Matapos niyang itago ang kwintas at ang panyo sa kahon, ay sinundan na niya ang kapatid sa kusina. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Love. Pero kung ano man iyon. Masaya pa rin siya, dahil kahit sa ganoong paraan. Nababawasan ang tensyon sa puso ni Dimitri pag naiisip ang plano para sa kanya ng Daddy nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD