Chapter 10

1514 Words
Halos nasa dalawang buwan na ng huling umuuwi si Love ng San Diego. Tumatawag lang ito kay Dimitri ng saglit, tapos pagbababaan na ng tawag ang kapatid. Hindi naman ganoon si Love kaya naman, nag-aalala na si Dimitri sa nangyayari dito. Nagkataon naman na busy talaga siya kaya naman hindi niya ito mapuntahan, sa Maynila, dahil napakadaming trabaho sa sakahan. Nagsabay-sabay ang ani ng mga prutas at gulay. Medyo kulang sila sa tao, dahil sa dami ng mga aanihin, kaya naman hindi siya makaalis ng probinsya para bisitahin ang kapatid. Minsan pag tinatawagan niya ito ay palaging cannot be reached. Gustuhin man niyang mapuntahan ito sa Maynila, ay sinasabi nitong busy sila at nasa field. Kaya hindi din sila magpapangita. Hindi na mapalagay ang kalooban, ni Dimitri kaya sa araw na iyon ay gusto na sana niyang puntahan ang kapatid sa Maynila. Tinawagan niya itong susunod sa Maynila para malaman kung kumusta ang kalagayan nito. Pero hindi siya natuloy ng sabihin ni Love, na nakasakay na ito ng bus patungong San Diego, dahil pauwi na ito ngayon sa kanila. (Kuya, mahal na mahal kita ha. Palagi mo yang tatandaan ha.) Wika ni Love sa kabilang linya. "Ako din naman Love, mahal na mahal ka ni Kuya." Malambing na sagot ni Dimitri dito. Nang biglang magtaka, si Dimitri at napansin niyang sa boses ng kapatid na umiiyak ito. "May problema ba Love? Sabihin mo sa akin, hindi naman magagalit si Kuya, kahit ano pa iyan. Mahal na mahal kita." Nag-aalalang tanong ni Dimitri. (Kuya, may nangyari kasi. Hindi ko sinasadya, pero sasabihin ko din naman sayo pag nagkita tayo. Tanggapin mo pa rin sana ako ha. Alam kong itatakwil ako ni Daddy at Mommy ikaw lang ang inaasahan kong tatanggap sa akin. Kahit nagkamali ako.) Umiiyak ng wika ni Love sa kabilang linya. "Love, Bunso. Tahan na. Kahit ano pa iyan, tatanggapin ka ni kuya at hinding-hindi kita pababayaan. Kahit ano pa man iyang nangyari na iyan. Maging malaki man ang kasalanan mo. Tatanggapin at tatanggapin pa rin kita at hindi kita pababayaan. Tahan na bunso. Nag-aalala na ng sobra si Kuya sayo." Pag-aalo pa ni Dimitri kay Love na umiiyak pa rin. (Kuya, mahal na mahal kita, pasensya na kung paulit-ulit ako. Hindi ko pinagsisihan na ikaw ang naging kuya ko. Maswerte akong ikaw ang nakasama, habang lumalaki ako. Masaya akong lumaki ako dito sa piling nina lolo at lola kasama mo. Kuya, miss ko na sina lolo at lola gusto ko silang makasama.) Wika ni Love na biglang binundol ng kaba si Dimitri. "Love ano ba yang mga sinasabi mo? Wag mo namang takutin si Kuya. Love, kinakabahan ako sa mga lumalabas dyan sa bibig mo ngayon." Naguguluhang wika ni Dimitri na hindi malaman ang gagawin. Sumakay si Dimitri ng kotse niya, ng hindi ibinababa ang tawag. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse habang kinakausap si Love. "Are you okey Love? Nasang part ka na ba?" Tanong niya dito. (Medyo malayo pa ako kuya. Kuya si Beth, alam kong magiging masaya ka pagnahanap mo siya. Ibigay mo ang kwintas na binigay ko sayo ha. Wag kang mag-alala hindi iyon fake. Legit na gold iyon. Alam mo ba kung magkano? Silipin mo ang pinakamalaking withdraw ko sa passbook na bigay mo.) Natatawang wika pa ni Love, habang sobra namang nag-aalala si Dimitri. "Oh! Sh*t! T*ngna!" Malakas na sigaw ni Dimitri na ikinagulat ni Love. (Kuya, okey ka lang? Anong nangyari sayo?) Tanong bigla ni Love. "Nasiraan ako ng sasakyan Love medyo malayo pa ako sa may terminal. Tatawag lang ako sa mag-aayos ng sasakyan. Hintayin mo ako ha. Ibaba ko muna itong tawag." Sagot ni Dimitri sa kapatid. (Okey kuya. Kuya Dimitri Sandoval.) Wika bigla ni Love na ikinatigil ni Dimitri. Ngayon lang binanggit ni Love ng buong-buo ang pangalan niya. (Mahal na mahal kita, kuya. Always remember that. Not only in your mind, but always remember my love for you in your heart.) Malambing na wika ni Love na hindi malaman ni Dimitri kung bakit parang huling beses na niyang maririnig ang sinabi na iyon ni Love. Magulo ang isipan ni Dimitri ng oras na iyon, sa halip na masaya siya sa sinabi ng kapatid, ay parang gustong-gusto niyang umiyak. "I love you more Love Sandoval. Mahal na mahal ka ni kuya. Palagi mo iyang tatandaan. Not only in your mind, but always remember my love for you, in your heart." Sagot ni Dimitri na hindi na niya napigilan ang mga luha niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ng ibaba ni Love ang tawag. Matapos niyang makausap ang kapatid ay tumawag na kaagad si Dimitri ng mag-aayos ng kotse niya. Bigla kasi itong tumirik sa daan, kahit nasa kondisyon naman ito. Samantala, malapit na ng terminal ang bus na sinasakyan ni Love. Naayos na rin niya ang mga gamit niya. Halos nasa alas nueve na rin kasi ng gabi, hindi niya alam kung nandoon na ang kuya niya or wala pa. Nang tumigil ang bus, ay pinauna na muna ni Love ang ibang pasahero. Nang makababa na ang lahat saka siya bumaba. Kumaway pa si Love sa driver na ikinakaway pa nito pabalik sa kanya. Nagpalinga-linga muna si Love kung makikita niya ang kuya niya pero wala siyang makita. Hindi pa siya nakakahakbang ng biglang may lalaking nakahood ang lumapit kay Love. Hindi naman agad nakakilos si Love ng maramdaman niya ang kutsilyong nakatutok sa tagiliran niya. Nang nakakuha si Love ng buwelo, ay itinulak niya ang lalaki. Tatakbo sana siya palayo ng mahagip nito ang buhok niya. Dalawang beses, sinaksak ng lalaki si Love, sa tagiliran, dahilan para matamaan ang internal organ nito. Huli na ng may makakita sa pangyayari. Mabili na nakatakbo ang lalaking sumaksak kay Love. Mabilis namang tumawag ng ambulansya ang mga mga taong nakasaksi. Nagkakagulo sa terminal ng dumating si Dimitri. Tulad ng nararamdaman niyang kaba kanina, ay lalong tumindi iyon. Habang papalapit sa babaan ng mga pasahero ay umagaw sa pansin ni Dimitri ang nakakalat na bag ni Love sa semento. Iyon ang paboritong shoulder bag ni Love, na siya pa ang bumili noong minsang magpunta siya ng ibang bansa. Bigla niyang nilapitan ito, at biglang kinuha. Tinanong naman siya ng isang taong saksi sa pangyayari. "Kilala mo ba ang may-ari ng bag na iyan?" Mahinahong tanong nito. "Sa kapatid ko itong galing Maynila, susunduin ko dapat siya ngayon dito. Nagkaproblema lang ang sasakyan ko, kaya pinaayos ko muna." Sagot ni Dimitri, na kita ng nagtanong na naguguluhan na siya sa mga nangyayari. "Nasaan ang kapatid ko may nakapansin ba sa inyo?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri ng hindi niya talaga makita si Love. "Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang kapatid mo. Nagtamo siya ng saksak sa tagiliran. Hindi namin masasabi sayo ang lagay niya. Pero malala ang nangyari sa kapatid mo. Puntahan mo na siya ngayon din." Wika ng lalaki, na hindi na ni Dimitri nagawa pang sumagot at mabilis niyang tinakbo ang sariling sasakyan. Mabilis niyang binuhay ang makina ng kotse at mabilis na pinaharurot iyon sa pinakamalapit na ospital. "Love, kayanin mo. Wag mong iiwan si Kuya. Diyos ko, wag mo namang kunin sa akin ang kapatid ko." Piping dasal ni Dimitri habang, hindi naman maampat ang mga luha sa mga mata. Pagdating ng ospital ay nagtungo agad si Dimitri sa emergency room. Itinuro naman siya kaagad sa operating room. Siya lang mag-isa ang nasa labas. Hindi niya malaman ang gagawin. Wala siyang karamay ng mga oras na iyon. Tinawagan niya ang mga magulang, pero cannot be reached ang mga ito. Maya-maya pa ay may lumabas na doktor. Malungkot itong lumapit sa kanya. "Ikaw ba ang kamag-anak ni Ms. Love Sandoval?" Wika ng doktor sabay abot ng i.d ni Love. Hindi siya makapagsalita kaya tumango na lang siya, at hinihintay ang sasabihin ng doktor. Halos, wala na siyang maramdaman sa kanyang mga paa. Parang kaunting galaw lang ay babagsak siya. "I'm sorry Sir, but we did our best to save Ms. Love, but she can't make it. Pati ang baby na nasa sinapupunan niya, ay hindi namin nagawang iligtas. She's four months pregnant. I'm sorry Sir." Malungkot na wika ng doktor. Tinapil pa siya nito sa balikat bago ito tuluyang umalis sa kanyang harapan. Bumagsak ng tuluyan si Dimitri sa pwesto kung saan siya naroroon. Hindi niya alam kung paano pa makakaahon sa biglaang pangyayari. Gusto niyang sundan ang kapatid sa mga oras na iyon. Halos pagapang siya patungo, sa loob ng operating room, dahil hindi niya kaya pang tumayo. Gusto niyang makita si Love. Pero may nakatabon na dito na puting kumot. Nakita naman siya ng dalawang nurse, at inalalayan naman siya ng mga ito, at inilapit sa pwesto kung saan naroon, at nakahiga ang kapatid. Hindi niya alam kung paano tatanggapin sa sarili ang nangyari. Habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Love, ay wala ding tigil ang pag-iyak ni Dimitri. Sumisigaw si Dimitri, habang umiiyak sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Hinayaan muna siya ng mga nasa loob ng operating room. Lumabas muna ang mga ito. Para mapag-isa si Dimitri kasama ang babaeng kahit kailan ay hindi na magbabalik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD