Walang lumabas na balita tungkol sa nangyaring iyon kay Love. Lahat ng nakasaki ay kinausap ng pulisya na walang lalabas tungkol sa pangyayari na iyon. Kaya naman, naging tahimik na ng sumunod na araw. Wala kang maririnig tungkol sa nangyari noong nagdaang gabi.
Nahuli naman ang lalaking gumawa noon kay Love. Lulong ito sa ipinagbabawal na gamot. Wala itong ibang tangka kundi ang manakit ng mga oras na iyon. At nagkataong mag-isa lang si Love noon. Kaya naman iyon ang nakaagaw ng atensyon sa lalaking iyon. Para gawin ang nais nito.
Napilitang umuwi ng mga magulang nila, dahil sa nangyari kay Love. Umiiyak ang mommy niya ng makita ang kinahihimlayan ng anak.
"Dimitri, ang kapatid mo? Ang prinsesa ko. Love, anak bakit naman ganito? Sana naman, umuwi ka naman kay mommy. Bakit naman ganito anak." Wika ng umiiyak na si Lovelle sa harap ng nakahimlay na anak. Habang si Dimitri ay nakatitig lang sa kawalan.
Walang masabi si Dimitri dahil kahit siya ay hindi alam ang gagawin at nararamdaman.
Napatayo naman si Dimitri, ng haklitin siya ng kanyang ama at binigyan ng isang sundok sa panga. Sumalampak siya sa sahig, pero wala pa rin siyang reaksyon kahit nasasaktan na siya sa mga paulit-ulit na suntok na ibinibigay ng ama.
"Damian tama na!" Sigaw ni Lovelle sa asawa.
"Lovelle kung hindi dahil dyan sa anak mo! Hindi mawawala si Love! Kung hindi niya inalis sa poder natin ang ating anak! Malamang buhay pa ang prinsesa natin!" Ganting sigaw ni Damian sa asawa.
"Kagustuhan ni Love ang sumama sa kuya niya Damian. Hindi kagustuhan ni Dimitri ang nangyari. Sa palagay mo ba, magugustuhan ni Love na sinisisi mo si Dimitri sa nangyari sa kanya! Damian! Alam mo kung gaano kamahal ng mga bata ang isa't isa. Halos ayaw humiwalay ni Love sa kuya niya. Lahat ng pagkukulang natin bilang magulang nila si Dimitri ang nagpuno. Ni, hindi tumatanggap ng pera si Dimitri ng galing sa atin, para sa pantustos nila sa araw-araw. Pati pag-aaral ni Love si Dimitri lahat ang sumasagot. Sana naisip mo kung gaano kamahal ni Dimitri ang kapatid niya. Palagi niyang sinasabi, na lahat ng ibibigay ko sa kanila, ay ipunin ko na lang dahil para kay Love ang lahat ng iyon. Sana alam mo din kung gaano kasakit kay Dimitri ang nangyari kay Love. Alam kong masakit sa atin ang nangyari. Pero sa tingin mo ba? Okey lang kay Dimitri? Intindihin mo ang anak ko Damian! Nasasaktan din si Dimitri sa nangyari sa kapatid niya!" Umiiyak na wika ni Lovelle habang itinatayo sa pagkakasalampak sa sahig si Dimitri.
"I'm sorry mommy, kasalanan ko ang lahat, hindi ko nagawang protektahan si Love. Mommy, ang kapatid ko. Patawad po." Wika ni Dimitri na hindi na nito naikapigil ng pag-iyak.
"Masakin para sa akin anak, at hindi ko matanggap. Pero hindi kita sinisisi. Alam kong masakit din para sayo ang nangyari. Kaya wag kang panghinaan ng loob. Mahal na mahal kayo ni mommy. Mahal kita Dimitri, kahit hindi tayo palaging magkasama." Umiiyak na wika ni Lovelle, na ikinayakap naman ni Dimitri sa ina. Kahit papano sa mga oras na iyon, kahit sa pagkakataon na iyon. Naramdaman ni Dimitri ang yakap ng isang nangungulila at magpagmahal na ina. At hindi ang isang magulang na trabaho lang ang mas mahalaga.
Pumunta sa burol ang ilang mga kaklase ni Love na galing pang Maynila, pati ang ilang mga professor. Nadoon din ang mga magsasaka, na naging kanilang pangalawang pamilya.
Ilang araw lang ang itinagal ni Love at inihatid na nila ito sa huling hantungan. Hindi naman nagtagal ang mga magulang niya at bumalik na ang mga ito sa ibang bansa. Hindi iyon ang inaasahan ni Dimitri. Akala niya ay makakasama niya ang mga ito, ng matagal. Pero , nagkamali siya, mas mahalaga pa rin pala talaga ang trabaho, ang negosyo kay sa ang makasama siya.
Naiwan si Dimitri sa bahay niya ng mag-isa. Alam ng mga tauhan sa sakahan ang pinagdadaanan ng kanilang amo. Lalo na at sobrang bait sa kanila ng magkapatid. Kaya naman, kahit wala ang presensya nito sa sakahan ay inaayos nilang mabuti ang kanilang trabaho.
Halos isang buwan na nagkukulong si Dimitri sa sariling pamamahay. Dinadalhan lang siya ng mga pagkain, gulay at prutas ng mga tauhan sa sakahan. Nakikita naman ng mga ito palagi si Dimitri na nakaupo at nakatingin sa kawalan.
Kinakausap naman nila ito, tapos pag naayos na ang kanilang mga dala ay nagpapaalam na rin sila dito.
May nagkukusa ding magtungo sa bahay ni Dimitri para ipagluto ito ng pagkain. Minsan nakikita nilang kumain si Dimitri. Minsan naman ay tinatapon lang din nila, dahil napanis na, at hindi man lang nagalaw.
Sa mga lumilipas na mga araw ay hindi malaman ni Dimitri kung paano, ipagpapatuloy, ang bawat sandali, ng wala ang kapatid. Maayos lang sa kanya sana kung kahit wala doon sa bahay si Love, pero alam niyang nag-aaral lang ito. Pero dahil sa nangyari dito. Hindi na niya ito makakasama, hindi na niya ito makikita pa kahit kailan.
Pumasok si Dimitri sa kwarto ni Love. Nakita niya ang apat na frame doon. Ang una ay larawan nila noong mga bata pa sila. Hanggang ngayon, iniingatan pa rin ni Love ang larawang iyon. Picture ni Love iyon ng 7th birthday nito, magkatabi sila doon. Habang si Love ay nakahalik sa kanan niyang pisngi. Ang isa namang frame, kasama ang lolo at lola niya. Nandoon din ang isa pang frame na kasama naman ang pamilya ni Gia.
Hindi na maiwasan ni Dimitri ang hindi maiyak. Kinuha niya ang huling larawan na magkasama sila. Iyon ay ang dalawang araw nitong walang pasok sa school. Pinilit pa siya ni Love noon na magpicture daw sila. Tapos ay nagpasama ito sa bayan para bumili ng frame. Iyon na pala ang huli.
Napansin naman ni Dimitri ang bag ni Love. Kinuha niya ang mga gamit ng kapatid. Doon niya nakita ang isang Diary. Wala namang kakaiba sa Diary na iyon, hanggang sa makita niya ang nakasulat sa isang pahina.
'Dear Kuya kong Pogi,
Kuya Dimitri, sorry kong nagsinungaling ako. Hindi ko masabi sayo ang nangyari sa akin, noon. Noong gustong-gusto ko ng banana chips, kuya akala ko kasi wala lang, iyon pala buntis na ako noon kuya.
Kuya sorry po, dahil natatakot akong amin lalo na at iniwan ako ng lalaking nakabuntis sa akin. Minahal ko naman s'ya, pero hindi niya ako pinahalagahan. Walang nakakaalam sa school ng pangyayari iyon. Kaya wala akong mapagsabihan ng problema ko. Kaya dito ko na lang sinusulat.
Gusto ko mang-umuwi dyan sa atin, nahihiya ako sayo. Kasi napakabata ko pa, pero nabuntis agad ako, tapos hindi pa pinanagutan.
Pero kuya, ngayong araw napagdesisyunan ko ng umuwi, at sabihin sayo ang lahat-lahat. Kung hindi mo ako matanggap ayos lang. Mahalaga masabi ko sayo ang sitwasyon ko.
Wag mo kuyang hahanapin sa akin ang lalaking nakabuntis sa akin ah. Dahil may girlfriend na pala ang walang hiyang iyon. Tapos ginawa din akong girlfriend. Hindi ko naman gusto na mangyari ito kuya. Kaya lang mahina ako. Kaya kuya wag kang tutulad sa akin na marupok. Hanapin mo si Beth ha.
Noong nalaman ko kuya na buntis ako, noon ko narealize kung bakit hindi ka pa nag-aasawa. Siguro hinihintay mo si Beth. Pero paano kung may-asawa na si Beth? Pagnangyari iyon kuya, hindi kayo ang forever. Pero ibigay mo pa rin iyong kwintas na ipinagawa ko para sa kanya. Kasi para sa kanya talaga iyon.
Sa nga pala kuya, may ibibigay pa pala ako sayo. Nandoon lang sa drawer ko, doon sa may susi, at ang susi niyan, nasa jewelry box ko.'
Hindi muna tinuloy ni Dimitri ang binabasa dahil nacurious siya sa sinasabi ni Love. Kinuha muna niya ang susi sa jewelry box nito at binuksan ang drawer.
Walang ibang laman ang drawer. Maliban doon, sa medyo may kalakihang kulay itim na kahon. Kinuha ni Dimitri ang kahon at muling naupo sa kama.
Pagbukas niya ng kahon, doon tumambad sakanya ang tatlong singsing. Isang blue diamond engagement ring, at dalawang wedding ring. Isang panglalaki at isang pangbabae.
Hindi tuloy napigilan ni Dimitri ang lalong maiyak, dahil, sa ginawa ni Love.
'Love, alam mo bang lilisan ka at iiwan mo si kuya kaya, inuunahan mo na agad ang mangyayari? Paano kung hindi ako mag-asawa? Love bakit naman kasi ang aga mong iniwan si Kuya. Mahal na mahal kita bunso. Mahal na mahal kita kapatid ko.' Umiiyak na wika ni Dimitri sa sarili.
Muling kinuha ni Dimitri ang diary ni Love at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
'Kuya, pag nakuha mo iyong box, makikita mo doon ang surpresa ko sayo. Gamitin mo iyong engagement ring, pagmag propose ka na sa babaeng mamahalin mo at makakasama mo habang buhay. Pati iyong singsing ninyong dalawa, gamitin mo sa kasal n'yo ha.
Hindi ko na kuya pinalagyan ng pangalan kasi baka mamaya, hindi pala si Beth ang makatuluyan mo. Kaya ikaw na lang magpalagay ha.
Wag kang mag-alala hindi ko tinipid yan kuya, kahit patingnan mo sa jewelry store, baka magulat ka.
At kuya isa pa nga pala. Wag mong hayaan na pangunahan ka ni daddy sa kagustuhan mo. Sundin mo ang puso mo. Wag kang papadala sa sinasabi ni daddy, dahil hindi naman siya ang matatali, sa kagustuhan niya kundi ikaw. Kaya ipangako mo sa akin kuya. Gagawin mo ang lahat para magmahal ng malaya, at ipaglaban mo ang babaeng nais mong makasama habang buhay.
Ito pa kuya, sorry kung dito ko idadaan sa sulat ang mga sasabihin ko sayo. Hindi ko kasi kayang sabihin sayo ng personal kaya naman, naisipan kong isulat na lang lahat dito ngayon, tapos ibibigay ko ito sayo.
Tapos aalis din ako, kaagad dahil ayaw kong magalit ka sa akin. Basta kuya, mahal na mahal kita. Palagi mo iyang tatandaan ha. Wag mo akong kalilimutan. Kahit wala na ako sa tabi mo.
Ay parang namamaalam ang dating. Wag mo iyong pansinin kuya, papangit kasi pag may erasure ay maganda pa naman itong diary ko colorful. Wag mo na lang pansinin.
Basta mahal na mahal kita kuya, sana matanggap mo kami ng baby ko.
I love you so much Kuya Dimitri ko,
From: Love and Baby'
Hindi na lalo maampat ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ni Dimitri. Lalo lang siyang nasasaktan sa mga nalamang plano ng kapatid.
Siya pa rin ang inaalala nito, kahit ito ang may malaking problema.
"Love mahal na mahal ka ni Kuya. Hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko. Ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko. Kung sinabi mo naman agad hindi naman magagalit si Kuya eh. Kahit napakabata mo pa, syempre aalagaan kita at ang pamangkin ko. Sana kung nasaan ka man ngayon. Maging masaya ka ha. Mahal na mahal kita kapatid ko. I love you, Love." Wika pa ni Dimitri, habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Habang yakap-yakap ang dairy ni Love.
Buhat ng araw na iyon, pinilit ni Dimitri na maging maayos ang buhay niya. Hindi man niya kasama ang kapatid, alam niyang binabantayan siya nito.
Nakipagkita na rin siya sa mga tauhan niya sa sakahan. Kahit papano ay naging masaya ang mga ito, dahil kahit masakit sa kanya ang nangyari kay Love ay pinipilit na niyang bumangon.
Ang mga tauhan nila sa sakahan ang naging karamay niya sa mga oras na iyon. Hindi man niya maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ngayong kailangan din naman niya ng pagmamahal ng mga ito. Nararamdaman niya ngayon ang pagmamahal at kalinga sa piling ng mga magsasaka. Kaya kahit papaano, nakakabangon siya sa pagkawala ni Love.
Kahit masakit pinipilit niyang lumaban. Alam niyang iyon din ang nais ni Love. Ang bumangon siya, at wag ikulong ang sarili sa masakit na nangyari sa buhay niya.
Isang taon buhat ng mawala si Love, ay ninais ni Dimitri na puntahan ang lugar kung saan binawi sa kanya si Love. Tuwing alas nueve ng gabi, ay nandoon lang siya sa may terminal, at nakatanaw sa mga bus na umaalis at dumarating.
Noong una ay napupuna na siya ng mga tao, dahil wala naman siyang ginagawa doon at nakaupo lang. Kaya naman kinausap siya ng management ng terminal. Doon nalaman ng mga ito ang lahat. Kaya naman hinayaan na lang siya ng mga ito. Lalo na at wala naman siyang ginagawang masama.
Buong management lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya, Dahil hindi nga nila pinalabas ang balita noon kay Love. Naawa ang mga ito sa kanya, pero wala namang magagawa ang mga ito, para mawala ang sakit, na nararamdaman ni Dimitri. Kaya naman hinayaan na lang nila ang nais nitong pagtambay, at magmamasid sa paligid ng terminal, hanggang sa nais nito.
Isang gabing nakaupo siya, napatingin na lang si Dimitri sa saradong tindahan. Doon lang niya muli naalala ang babaeng nagngangalang Ria. Napangiti pa siya ng maalala ang kakulitan ni Love noon, tungkol kay Beth at Ria.
'Sa tagal ng panahon, pwedeng may asawa na s'ya. Pero bakit ko ba iisipin, si Ria, may kailangan pa nga akong ibigay kay Beth. Hay, ang kapatid ko talaga.' Wika ni Dimitri sa sarili. Habang nakatingin lamang sa saradong tindahan.
Muli namang napatingin si Dimitri sa mga bus na nakatigil, at mga pasaherong naghihintay ng byahe. Napangiti na lang siya ng mapait. Masakit pa rin, pero pinipilit niyang tanggapin ang mga pangyayaring iyon sa buhay niya.
Kahit dumaraan ang mga araw hanggang maging taon, ganoon lang ang ginagawa ni Dimitri, nag-aabang sa terminal na wari mo ay may darating. Kahit ganoon lang ang ginagawa niya, pakiramdam ni Dimitri ay kasama niya si Love, habang pauwi ng bahay nila.