Bago pumasok ng bahay, ay pinagmasdan muna ni Dimitri ang kabuoan ng bahay sa labas, masasabi niyang malaki talaga iyon, para sabihing bahay. Nang makapasok siya sa loob ng bahay, ay pinagmasdan muna ni Dimitri ang loob nito. Hindi maiipagkaila na mayaman ang dalawang De La Costa na iyon. Magiging maganda ang buhay ni Anna, at sure naman siyang hindi ito pababayaan ni Lucas.
Nakita niyang pumasok sa kusina si Gia, kaya naman sinundan niya ito. Nakita din niya si Diesel sa may pintuan at nakatingin kay Gia kaya hindi muna siya lumapit.
"Babe, can we talk?" Dinig niyang wika ni Diesel na ikinakunot ng kanyang noo.
'Anong meron sa dalawang ito? Why Babe? Wag sabihin ni De La Costa, na si Gia ang babaeng tinutukoy nito?' Wika pa ni Dimitri sa sarili.
Nagtatanong pa si Gia kung sino ang maiiwan na tutulong kay Manang Fe sa pagluluto ng lumabas siya sa may likuran ni Diesel at nagprisentang siya muna ang tutulong dito.
Ipinagmalaki pa ni Dimitri ang galing niya sa pagluluto. Dahil totoo namang, natutunan niya iyon, mula ng sila na lang nila ni Love ang magkasama sa bahay, kasama pa ang ilang itinuro ni Manang Gina.
"Sure? Marunong kang magluto?" Walang believe na tanong ni Gia, na ikinangisi lang ni Dimitri.
Doon niya nabanggit kay Gia na tinuturuan siya noon ng nanay nito na si Manang Gina. Kaya naman marunong siyang magluto.
Nagulat din siya ng malaman, na nagkaroon ng problema si Gia, sa pamilya nito, buhat ng mabutis ito noon. Na ikinalungkot ni Dimitri. Dahil sa nangyari kay Gia, pero hindi pa rin maiwasang magalit ni Dimitri sa lalaking nakabuntis kay Gia.
"What the? F*ck? Gia. Sino ang lalaking nakabuntis sayo? Nasaan ang anak mo? Dapat bumalik ka ng San Diego. Para ako na ang nag-alaga sayo at sa anak mo. Dapat bumalik ka sa amin ni Love noon. Alam mo namang hindi ka na iba sa akin. Bakit hindi ka bumalik?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri kay Gia, pero napansin ni Gia ang malungkot na mga mata ni Dimitri.
Doon nalaman ni Gia, na wala na si Love. Hindi lang niya, ipinahalata, pero gustong-gusto na ni Gia ang umiyak. Kapatid na ang turing nila ni Love sa isa't isa. Hindi matanggap ng isipan at puso niya ang nangyari dito. Paano pa si Dimitri na mahal na mahal ang kaibigan niya. Paano ito nakabangon sa sakit ng pagkawala ni Love, ng kapatid nito. Naawa tuloy siya dito.
Nalaman din ni Gia na si Dimitri pala ang nakakuha kay Anna. Ngayon alam na niya kung bakit at paano nakayang malampasan ni Dimitri ang sakit. May isang taong kinupkop si Dimitri. Na siguro ay nabuhos kay Anna ang pagmamahal nito sa kapatid nitong si Love.
Napansin naman ni Dimitri ang pagngisi ni Diesel dahil sa tanong siguro niya kay Gia, kung sino ang nakabuntis dito. Kaya naman naasar si Dimitri sa reaksyon nito.
"Anong ikinangingisi mo?" Inis na tanong pa ni Dimitri kay Diesel.
"Hindi mo kailangang alagaan si Gia at ang anak namin. Dahil nandito naman ako. Hinihintay ko lang na sagutin ako ni Gia. Para maging opisyal ng akin s'ya." Nakangising paliwanag pa ni Diesel.
"What! The! F*ck! Ikaw ang lalaking nakabuntis kay Gia? Holy cow! T*ngna naman De La Costa! Anong meron sa inyong mga De La Costa at nagkakaproblema ang mga babaeng nabubuntis, ninyo? Haist!" Inis na wika ni Dimitri, at gusto niyang bigyan ng isang suntok si Diesel, dahil sa kanyang nalaman. Pero humarang sa kanyang harapan si Gia. Kaya hindi na niya natuloy ang kanyang balak.
Parang kapatid na niya si Gia, kaya naman, ayaw niyang masasaktan ito nino man. Kahit matagal silang hindi nagkita.
Pinalampas muna ni Dimitri si Diesel, dahil mukhang mas masasaktan si Gia, pag nasaktan niya ang lalaki. Kaya naman pinilit niyang pahupain ang inis na kanyang nararamdaman.
Pumasok na rin ng kusina si Manang Fe, at tinulungan munang pakalmahin si Dimitri. Nang medyo ok na si Dimitri, ay sinabi niyang siya na lang ang tutulong sa pagluluto. Sinabi din niya na madami siyang alam na lutuin na ikinatuwa naman ni Manang Fe.
Nagpaalam na rin si Diesel at Gia, na mag-uusap muna. Pero itong si Dimitri, masama pa rin ang tingin kay Diesel. Pero napansin ni Dimitri na medyo urong ang buntot ni Diesel kay Gia. Kaya naman natawa na lang siya ng lihim sa mga ito.
Papasok si Liza ng kusina dahil nakaramdam siya ng uhaw. Tuloy-tuloy lang siya hanggang makarating sa may counter island. Kumuha siya ng isang baso, at sinalinan ng tubig sa pitchel.
Hindi niya napansin si Manang Fe, dahil nandoon ito sa may dulong parte ng kusina at kinukuha ang mga kasangkapang gagamitin sa pagluluto.
Matapos maubos ni Liza ang laman ng baso, nagulat pa siya ng makita ang lalaking kasama ni Sir Diesel. Dahil sa gulat ay nabitawan pa ni Liza ang baso, mabuti na lamang at sa mismong counter island ito bumagsak kaya hindi nabasag.
"Okey ka lang?" Nag-aalalang wika ni Dimitri, lalo na at pansin nitong medyo nataranta ang babae.
"Ayos ka lang Liza?" Tanong naman ni Manang Fe sa kanya.
"Okey lang po ako, Manang Fe, Sir. Dumulas lang po iyong baso, pero hindi naman po nabasag. Medyo basa po kasi ang kamay ko." Wika ni Liza, na medyo pinatatag ang boses. Pakiramdam kasi ni Liza, matutunaw siya sa titig ng lalaking kaharap.
"Sigurado ka?" Tanong muli ni Dimitri. Na ikinatango naman ni Liza.
"Ako nga pala si Dimitri, ako ang nakakita noon kay Anna. Ayaw kasing sumama kina De La Costa ng hindi ako kasama." Nakangiting pakilala ni Dimitri kay Liza. Kilala na naman ito ni Manang Fe, dahil nagpakilala na si Dimitri kanina kahit naiinis ito kay Diesel.
'Ito na naman po ang pakiramdam na parang matutunaw ako. Bakit ba kasi kailangan pang ngumiti? Heart relax. Baka mamaya atakihin ka na. Ngiti pa lang nakakatunaw na.' Wika pa ni Liza sa isipan niya.
"Ah, Sir Liza po pala. Isa po ako sa katulong dito. Kasama po ako ni Manang Fe." Pakilala naman ni Liza sa sarili.
Nagkakwentuhan pa sila habang nagluluto si Dimitri. Naging apprentice tuloy si Manang Fe, dahil hinayaan ni Manang Fe, na si Dimitri ang mamahala sa kusina ng mga oras na iyon. Hindi na rin pinaalis ni Manang Fe si Liza, dahil wala na rin naman itong ibang gagawin.
Masaya namang nakatingin at pinapanood lang ni Liza ito sa ginagawa nito. Kahit naman sa pagtitig lang maging masaya siya. Alam ni Liza sa sarili niya na hindi siya nababagay sa lalaki, lalo na at naiisip pa rin niya ang magandang babaeng sinusundo at hinahatid nito sa may terminal.
Naisip din ni Liza na hindi naman talaga siya magiging mahalaga dito, lalo na at hindi naman siya nito nakikilala. Wala man lang itong nabanggit tungkol, halimbawa, sa nakita na siya nito sa may terminal. O kaya naman ay kung nagkita na ba sila? Wala man lang natanong ang lalaki na parang namumukhaan siya. Kaya hinayaan na lang ni Liza. Hindi naman talaga siya mahalaga dito. Pero ang puso niya, sinasabing mahalaga ang lalaking ito.
'Ano yan? Presensya pa lang mahalaga na? Yano ka naman self? Relax, wag kang mahuhulog. Sa isang tingin pa lang, hindi ka niyan sasaluhin. May mahal iyang iba.' Kontra pa ng isipan ni Liza.
Mahalaga, may pangalan na si Damulag. At napakagandang ng pangalan. 'Dimitri.' Ulit pa ni Liza sa isipan, ng mapagtantong kapakangalan ito ni Sir Lucas, pero hindi man lang nabigyan ng magandang dating sa kanya.
Pero ang pangalang Dimitri sa lalaking nasa harapan ng kalan at nagluluto, ay sobrang ganda ng dating sa pandinig niya.
Nakatitig lang si Liza sa lalaki, ng sundutin ni Manang Fe ang tagiliran niya, dahilan, para magulat siya at mapasigaw.
"Kay, gwapong kusinero ka!" Sigaw ni Liza na agad namang ikinatakip ng sariling bibig. Natawa naman si Manang Fe sa reaksyon ni Liza.
"Manang ah, daig mo pa ngayon si Gia sa kulit. Hindi ka naman ganya. Sinapian ka ba ni Gia Babe, Manang?" Nakangusong wika ni Liza, na bigla namang ikinatitig ni Dimitri dito.
Hindi malaman ni Dimitri ang dahilan. Dahil sa gestures na nakita niya kay Liza ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Kung bakit parang naging kakaiba ang awra ni Liza sa kanya. Naririnig pa rin niya ang tawa ni Manang Fe at ang pagrereklamo ni Liza, na kay sarap sa pandinig niya.
'Dimitri Sandoval, ano bang nangyayari sayo? Tumigil ka na sa mga naiisip mo. Hindi maganda iyan. Sa totoo hindi lang si Beth na hindi mo pa nakikilala at nakikita ang problema mo. Ang daddy mo pa.' Saway ni Dimitri sa sarili at napatinging muli kay Liza. Napabuntong hininga na lang si Dimitri sa mga naiisip niya.
Tumikhim muna si Dimitri, para mawala ang kung ano man sa lalamunan niya, dahil hindi niya alam, bakit talagang may kakaiba kay Liza, na hindi niya magawang pangalanan.
"Liza, Manang Fe, tikman po ninyo, itong luto ko. Kung papasa po sa panlasa po ninyo." Wika ni Dimitri sa dalawa, na ikinalapit naman ni Manang Fe sa niluluto nito. Kumuha naman si Manang Fe ng kutsara para matikman, ang niluluto ni Dimitri.
Dahil nasa harapan ng kalan si Manang Fe. Si Dimitri na ang kumuha ng kutsara at ng sauce ng ulam na niluto nito, para ipatikim kay Liza.
Hinipan muna ni Dimitri ang pinaka sauce ng putchero, para ipatikim kay Liza. Hinayaan na lang naman ni Liza ang ginawa nito, dahil sa amoy pa lang ng luto nito ay sure na masarap na. Kaya gusto talaga niyang matikman.
Pagkasubo ni Dimitri kay Liza, ay napapikit pa si Liza dahil masarap ang pagkakaluto nito. 'Sauce pa lang ulam na.' Wika ni Liza sa sarili.
Ipinatong naman ni Dimitri ang kutsara na ginamit sa may lababo, haharap na sana siya kay Liza, ng makita na natuluan pala ng sauce ang apron na suot niya. Kaya naman dinampot muna niya ang basahan at ipinunas dito.
"Nagustu----."
Hindi natapos ni Dimitri ang pagtatanong ng pagharap niya kay Liza, ay siya namang pagtunghay niya, kaya, hindi nila parehong inasahan ang pagtama ng labi niya sa labi ni Liza.
Hindi agad siya nakagalaw, katulad din ni Liza. Napatingin pa sila sa isa't isa. Halos nasa limang segundo ding magkahugpong ang kanilang mga labi, bago magawang itulak ni Liza si Dimitri.
Hindi naman sila nakita ni Manang Fe dahil, nakatalikod pa ito sa kanila, at busy sa pagtikim sa luto niya.
Mabilis namang nawala si Liza sa harapan niya. Nakita na lang niya ang likudan nito palabas ng kusina. Dahil sa bilis nitong tumakbo.
Napahawak naman si Dimitri sa mga labi niya. Ganoon na lang kabilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya malaman, at hindi niya maunawaan kung paano iyon patitigilin. Pakiramdam ni Dimitri lalabas ang puso niya sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang dating ni Liza sa kanya. Parang gusto niya ulit itong habulin at halikan. First kiss niya iyon, pero masasabi niyang masarap sa pakiramdam. Parang nawala sa sistema niya bigla si Beth at Ria. Pero bigla naman niyang naalala ang hiling ni Love na hanapin si Beth.
Naguguluhan tuloy siya ngayon sa kanyang nararamdaman.
'Ganoon ba talaga ang nakakaranas ng halik? Mabilis lang iyon, pero. Bakit parang gusto kong ulitin? Parang nabitin ako ng slight sa part na iyon.' Wika pa ni Dimitri sa sarili, na biglang ikinaharap sa kanya ni Manang Fe.
"Nasaan pala si Liza? Bakit bigla na lang nawala ang batang iyon?" Tanong ni Manang Fe, na ikinaturo ni Dimitri palabas ng kusina, na ikinatango na lang ni Manang Fe.
"Ang batang iyon talaga, hindi man lang nagpaalam ng lumabas." Dagdag pang wika ni Manang Fe.
"Sa nga pala, ang galing mo palang magluto hijo, napakasarap." Natutuwang wika ni Manang Fe, at nagpaalam munang lalabas ito, na ikinatango lang niya. Naiwan lang muna si Dimitri sa kusina.
Nang makalabas si Manang Fe, saka lang nagawa ni Dimitri na magsalita.
"Tama po kayo Manang Fe, napakasarap."
Wika ni Dimitri sa sarili, na ikinangiti na lang din niya. Habang iniisip ang aksidenteng naganap, sa pagitan nila ni Liza, kani-kanina lang.