Chapter 6

1371 Words
Malaking pera ang kailangan nina Beth para magamot ang pamangkin. Kaya naman ang sakahan na meron sila ay isinangla nila sa isang mayamang negosyante doon. Sa kabilang sitio lang nakatira ang negosyanteng iyon. Kahit papano, ay nakahinga ng maluwag si Beth dahil hindi nagbigay ng limitasyon ang napagsanglaan nila ng lupa. Naiintindihan daw nito ang kanilang sitwasyon. Iyon nga lamang ay negosyante ito, kaya may kondisyon. Ang kondisyon lamang ay kung may ani sa pananim ng kanyang amang ay, bahagihan sila ng kahit limang porseyento. Wala ding limitasyon ang tubo. Dahil kung magkano ang kita nila. Limang porseyento lang noon ang ibabahagi nila sa pinagsanglaan nila ng lupa. Kahit papaano, ay maswerte pa rin sila. Dahil kahit totoong naghihirap sila ay sarili nila ang lupa na sakahan. Na ipinamana pa iyon ng lolo ng lolo daw niya na ama ng kanyang amang. Ngayon naman ay masaya na silang may magagastos sa pagpapagamot sa kanyang pamangkin. Hindi kasi sasapat ang mauutang niya kay Aling Bebang. Dahil mahina ang baga ng kanyang pamangkin, ay nagkaroon na ito ng pneumonia. Sinabayan pa ng nagkaroon ito ng dengue. Mabuti na lang at kahit mahina ang pangangatawan ay kinaya nito ang sakit. Dahil kung hindi baka nahuli na ang lahat. Nagtagal ng halos isang buwan si Mario sa ospital. Kailangan kasing mamonitor ng maayos ng mga doktor ang kalagayan nito. Hindi kasi pumayag ang doktor ni Mario na sa bahay na ito magpahinga lalo na at halos mag-agaw buhay ito noong isugod nila sa ospital. Dahil medyo malaking pera ang napagsanglaan sa lupa. Ipinagamot na rin nila si Eliza. Kahit papano sabi naman ng doktor ay palagi lang magvitamis at regular check up para mamonitor ang kalagayan nito at kalagayn ni Mario ay makasisigurado silang gagaling ang dalawang bata. Habang tumatagal ay napapansin na nga nila ang magandang pagbabago sa dalawang bata. Ang payat na katawan ng mga ito ay nagkaroon na ng laman. Mapapansin rin ang dating hupak na pisngi ay naging mabilog na at matambok. Naging masigla na rin ang dalawang bata. Ang palaging nakaupo lang sa isang tabi at nakamasid sa paligid, ngayon ay naghahabulan na sa malawak na parang. Maririnig na rin ang malakas na tawanan, ng dalawang bata na noon ay napakatahimik lamang. Napangiti naman si Beth, habang papalapit sa kanilang bahay, at naririnig ang malakas na sigawan ng dalawang batang naglalaro. "Tita Beth!" Malakas na sigaw ng dalawang bata ng makita siya. Kauuwi lang niya ng bahay dahil naghahanap siya ng trabaho. Wala namang tatanggap agad sa kanya dahil high school lang ang narating niya. Isa lang ang tumanggap sa kanya. Isang tindahan ng mga pasalubong sa may terminal ng bus sa San Diego. Kahit papaano ay masaya siyang magkaroon ng trabaho. Medyo malaki din ang sweldo dahil, nasa harap mismo ng babaan at sakayan ng pasahero ang naturang tindahan kaya naman, malaki ang nagiging benta dito. Niyakap naman ni Beth ang dalawang bata. Masaya namang nagkwento sa kanya ang mga ito, sa mga nilaro nila maghapon. Nang dumating ang hapunan, ay nakwento ni Beth sa mga magulang ang nangyari sa paghahanap niya ng trabaho. Naramdaman pa niya na nahihiya ang kanyang kuya sa kanya, dahil siya na halos ang gumagawa ng paraan para sa pamilya nila. Maliban sa pagsasangla ng lupa, dahil sa kanyang amang iyon. Pero pag nagkatrabaho siya ay, syempre babayaraan niya ang pagkakasangla ng lupa. Hindi din siya nakatuloy sa pag-aaral dahil sa naging gastusin ng magkasakit ang dalawang anak nito. "Kuya, Ate, ano ba naman kayo. Sino bang magtutulungan kundi tayo tayo lamang. Mas hindi ko naman kayang, makita na nahihirapan ang mga pamangkin ko. At isa pa. Ituloy n'yo lang ang pagpoporseyento sa lupang nakasangla. Makaipon lang po ako huhulugan ko po iyon, para naman mabawi na natin. Mabuti na lang talaga, at naawa ang napagsanglaan natin ng lupa, dahil naiintindihan ang ating sitwasyon." Mahabang paliwanag ni Beth, na kita niyang nagpahid ng luha ang kuya niya. "Ay suhus si Kuya, nagdadrama na eh. Mas mahalaga pa rin ang pamilyang meron ako. Kung makakagawa lang ako kaagad ng paraan. Gagawin ko ang lahat para sa inyo. Mahal na mahal ko po kayong lahat." Wika ni Beth na kahit na ang mga magulang niya ay hindi mapigil ang mga luha. "Aba naman, grabe kayo, nasa harap tayo ng pagkain nag-iiyakan kayo." Natatawang wika ni Beth na ikinatawa naman ng lahat. Nagtuloy na sila ng pagkain, pati na ng kwentuhan. Kinaumagahan ay mabilis na, nagbihis si Beth, dahil papunta na siya ng terminal. May nasasakyan naman dyip deritso doon. Need lang niyang maglakad ng labing limang minuto patungo doon sa may sakayan ng dyip. Hindi na rin masama dahil mura lang naman ang pamasahe. Libre naman ang pagkain doon sa napasukan niyang tindahan. Alas syete naman ng umaga ang pasok niya at alas syete hanggang alas otso ng gabi ang trabaho niya. Tamang tama naman sa last trip ng dyip patungo sa kanila. Habang sa daan na bababaan niya ay sabi ng kuya niya na ito na ang magsusundo sa kanya. Pagdating niya sa tindahan ay agad naman siyang nagpakilala sa mga ito. Masyado daw mahaba ang pangalan niya kaya naman natatawa siyang Ria na lang daw ang itatawag ng mga ito sa kanya. Nakilala din niya ang makakasama niya sa tindahan, si Rona at Rica. Kaya pala Ria ang tawag sa kanya. Pati ang may-ari kasi ng tindahan ang pangalan ay Rowella. Kaya naman Four R na daw sila. Silang tatlo ang nagbebenta at ang may-ari ng tindahan ang nasa counter. Madaming bumibili kaya naman sobrang busy nilang tatlo. May customer ang dalawa ng kausap siya ni Ms. Rowella. Tinawag siya ni Rona dahil may customer pang isa. "Love anong gusto mo?" Rinig niyang tanong ng lalaki sa babaeng kasama nito. Sa tingin niya ay mas maedad ang lalaki kaysa doon sa babae. Kung magkasintahan man ito ay hindi na masama. Lalo na at napakagwapo ng lalaki. Hindi man niya kita ang mata nito dahil nakatingin sa paninda. Dahil naka side view ito. Ay masasabi niyang maganda ang mga mata nito. "Hmmmmm. Gusto ko ng banana chips, at shing-a-ling." Malambing na wika ng magandang babae, na nakahawak sa braso ng lalaki. Doon din niya napansin na ang may bitbit ng gamit ng babae ay ang lalaki. Dahil sa pink na shoulder bag na nasa balikat ng lalaki. Napangiti pa siya dahil gwapo nga ang lalaki. "Yang, Miss, tatlo nitong banana chips at tatlo nitong shing-a-ling. Samahan mo na rin noong ubeng halaya at Durian Candy." Wika ng lalaki sa kanya. "May gusto ka pa Love?" Tanong nung lalaki sa babaeng kasama nito. Na umiling lang. Hindi na nito pinabalot ang isang banana chips, dahil pinabuksan na ng babae, at parang batang naupo sa harap ng tindahan at kumain ng banana chips. Habang hinihintay ng lalaki ang kwenta ng babayaran nito. Nang mapatingin si Ria sa mata ng lalaki ay biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya malaman kung bakit. Pero kakaiba ang t***k ng kanyang puso ngayon. Nangmasabi ni Liza kung magkano ang babayaran nito ay mabilis itong nag-abot ng isang libo. May dumating namang customer kaya naman inasikaso muna ni Ria. Nang maayos na ni Ms. Rowella ay narinig na niya ang pagtawag nito. "Ria ito ang sukli, noong may banana chips." Tawag nito sa kanya. Kaya naman mabilis niyang pinuntahan ito. "Thank you Sir." Wika pa niya sa lalaki sabay, abot ng sukli. Gulat na gulat naman si Ria ng maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa mga kamay niya ng maglapat ang kamay nila nung lalaki. Kahit ito ay napatingin din sa kanya. "What's wrong?" Biglang tanong ng babaeng nakasalampak pa rin sa sahig habang kumakain ng banana chips. "Nothing." Tipid na sagot ng lalaki, at itinayo na ang babae. "Thank you Miss." Wika pa sa kanya ng lalaki at inalalayan pa nito ang babaeng kasama nito paglalakad. Napatitig na lang si Ria, at iniisip kung saan niya nakita ang mga mata na iyon. Sa tagal ng panahon hindi na niya gaanong maalala, kung saan man. Pero alam niya sa isipan niya na nakita na niya iyon. Pero isa lang talaga ang nagpapalito sa isipan niya ngayon. Anong meron sa lalaki kanina bakit ganoon kalakas at kabilis ang t***k ng puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD