Chapter 20

2011 Words
Paglabas ni Liza ng kusina ay dumiretso agad siya sa dating bodega. Alam niyang sobra siyang namumula, dahil sa pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Dimitri. First kiss niya iyon. Dahil wala naman siyang naging boyfriend mula noon, hanggang ngayon. Hindi niya akalain, sa ganoong pagkakataon mawawala ang first kiss niya. Pagkapasok ni Liza ng bodega ay mabilis niyang isinara ang pinto at inilock iyon. Napaupo pa siya sa likod ng pintuan, dahil sa sobrang panghihina ng tuhod niya. 'Presensya pa lang ni Dimitri, nakakaubos na ng lakas. Sa halik pa kaya ang hindi maubos ang lakas ko? Halos ilang segundo din iyon, kung hindi pa ako natauhan. Baka nakita pa kami ni Manang Fe. Lizariabeth!! Nakakahiya.' Saad pa ni Liza sa sarili, habang nagpapaypay ng kamay, sa init ng pakiramdam na kanyang nadarama. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing, mangyayari ang bagay na iyon. Ang mahalikan, ng isang taong matagal na niyang iniisip at kahit siya lang, ay ito talaga ang nilalaman ng kanyang puso. Kasiyahan na para sa puso ni Liza, ang pangyayaring iyon, kahit pa iyon ay hindi sinasadya. 'Kinilig naman ang puso ni Lizariabeth, ng slight.' Wika pa ni Liza sa sarili. Napangiti pa siya ng ubod ng tamis, dahil sa pangyayaring iyon. Hindi na rin masama, na kay Dimitri iyon napunta. Hindi naman talaga, kalugi-lugi na si Dimitri ang first kiss niya. Mabilis lang iyon, pero sobrang saya, at sarap sa pakiramdam. Para pang kinikiliti ang kanyang puso at isipan. Kaya lang, ang puso niya, parang lalabas na, sa sobrang kilig, at sobrang kaba, na kanyang nararamdaman. Pinilit muna ni Liza na kalmahin ang sarili. Gusto niyang ipakita, kay Dimitri na wala lang iyon. Nagtagal pa ng ilang minuto sa loob ng bodega si Liza, bago tuluyang lumabas, dahil hinahanap na siya ni Manang Fe. Ilang araw lang na nagstay sila sa bahay nina Diesel at Lucas. Ngayon naman ay magtutungo sila sa bahay nina Anna. Ayaw sanang sumama ni Liza dahil si Dimitri ang nagpupumilit na isama siya. "Liza, sumama ka na please, naiilang ka ba dahil sa nangyari doon sa kusina?" Nakangising wika ni Dimitri kay Liza. "Luh hindi ah. Para iyon lang, sus. First kiss mo iyon? Ang hina mo naman. Walang kasama si Manang Fe dito, kung lahat tayo ay sasama." Wika ni Liza habang pinatatatag ang boses. Ayaw niyang makaramdam si Dimitri na naiilang siya dito. "Sumama ka na Liza, darating ang pamangkin ko. Siya na muna ang makakasama ko dito. Alam na rin iyon ni Sir Lucas." Wika ni Manang Fe kaya naman wala na ring nagawa si Liza, kundi ang sumama, patungong San Miguel. Habang nasa byahe ay tahimik lang si Liza, at nakatingin sa daan. Naka, convoy sila sa sasakyan ni Diesel at Lucas. "Wala ka bang ibang ikukuwento? Mapapanis iyang laway mo." Saad ni Dimitri, na ikinalingon naman ni Liza dito. "Anong ikukuwento ko sayo? Hindi naman tayo magkaibigan." Sagot ni Liza. "Di magkaibigan na tayo ngayon. Wala din naman talaga akong ibang kaibigan. Hindi ako malapit na iba." Wika ni Dimitri. "Ayaw ko, nahihiya ako sa mga boss ko. Mababait silang boss, kaya nahihiya akong maging kaibigan ang kaibigan nila. Katulong lang nila ako noh?" Tanggi pa ni Liza. "Talaga? Pamilya kaya ang turing nila sayo, sa inyo. Kitang kita ko kung paano nila kayo pakisamahan. Naiinis ako dyan sa dalawang De La Costa na iyan. Dahil tulad ni Anna. Ang tagal niyang nahirapan dahil kay Lucas, habang si Gia, matagal pa lang nawalay sa pamilya dahil kay Diesel. Pero alam kung mabubuti silang tao." Mahabang saad ni Dimitri. "Nahihiya pa rin ako." Sagot ni Liza. "Kung nahihiya ka, di pakitunguhan mo na lang ako ng normal, pag kaharap sila. Pwede naman tayong maging magkaibigan di ba?" Tanong ni Dimitri na ikinatigil din niya. 'Anong ginagawa mo Dimitri? Gusto mong makipaglapit kay Liza? Habang hinahanap mo si Beth? Sorry Love. Parang nasabik lang si Kuya sa naramdaman kong iyon na katulad ng pakiramdam ko kay Beth at Ria. Hindi ko na idadagdag si Liza. Alam ko namang mali ang naiisip ko. Daig ko pang nagto-two timer ah, kahit wala naman akong girlfriend.' Saad ni Dimitri sa isipan, na ikinabuntong hininga niya. "Wag mo na lang pansinin ang sinabi ko." Wika ni Dimitri na ikinatango na lang ni Liza. Lalo silang napuno ng katahimikan, hanggang sa tumigil sila ng San Isidro at bumili si Anna ng pasalubong na prutas at gulay para sa pamilya. Hanggang sa nagpatuloy na sila sa byahe. Nang makarating sila, ng bahay nina Anna sa San Miguel, ay nagulat din sila na makita doon sina Maam Antonia at Sir Rodrigo. Nakita din niya si Sir Andrew at si Ms. Julz na pinsan nito. Si Sir Andrew pala, nagsundo sa mga magulang ni Sir Lucas. Napag-usapan ang kasal ni Anna at Sir Lucas na gaganapin isang buwan matapos ang araw na pag-uusap na iyon. Masayang masaya silang lahat dahil tuloy na tuloy na ang kasal ng dalawa, na deserve naman ng mga ito, dahil alam nilang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa. Si Gia at Sir Diesel na lang ang problema. Bakit kasi palaging natatakot si Gia, na magmahal. Mahal na mahal kaya ito ni Sir Diesel. Hindi na nakausap pa ni Liza si Dimitri hanggang sa umalis ito. Babalik na lang daw ito sa araw ng kasal ni Anna. Hindi na lang muli pinansin ni Liza, dahil wala naman siyang ginagawang masama, para iwasan siya ng kaibigan ng kanyang boss. Araw ng kasal ni Anna, kaya naman excited siya, alam niyang kahit sulyap lang ay, masisilayan niyang muli si Dimitri. Alam niyang hindi naman siya papansinin nito, dahil sa pagkakaibigan nitong, tinanggihan niya. Kahit papano ay natuwa pa siya, ng ito ang kapartner niya sa entourage ng kasal ni Anna at Sir Lucas. Masaya sila habang nakikinig sa seremonya ng kasal. Nangiti pa siya, sa inasta ni Sir Diesel at Dimitri. Nalaman din kasi niya na wala pala itong girlfriend, at ang Love na hinahatid at sinusundo noon sa terminal ay kapatid pala nito. Nakwento iyon noon sakanya ni Gia. Noong minsan na nag-iisa ito sa bodega, at umiiyak. Kaibigan pala ni Gia si Love na kapatid ni Dimitri. Kaya naman sobra siyang nalungkot ng maalalang tinanggihan niya ang alok na pakikipagkaibigan nito. Na buhat noon ay hindi na siya pinansin ni Dimitri. Wala naman siyang ibang binanggit kay Gia, tungkol doon, sa terminal na nakita niya ang mga ito. Nakwento lang niya noon kay Gia ang crush niya sa may terminal, pero hindi talaga niya akalain na si Love na love ni Dimitri ay ang kapatid nito na ngayon ay wala na. At hindi din niya akalain na makikila niya si Damulag, na si Dimitri pala. Ang liit lang talaga ng mundo. Matapos ang kasal ni Anna at Sir Lucas ay umalis ang mga ito. Kasama si Lucci, nina Maam Antonia at Sir Rodrigo ay lumipad ng U.S. Para habang nasa honeymoon ang dalawa, maaalagaan ng mag-asawa ang kanilang apo. Si Sir Diesel naman ang naiwan sa bahay, para siya ang mag-asikaso, ng mall at company dito sa Pilipinas. Hindi na naman muling nakita ni Liza si Dimitri matapos ang kasal ni Anna. Bumalik na daw ito sa probinsya nito. Alam niyang sa San Diego iyon. Dahil taga roon din siya. Kaya nga nakita niya ito noon, doon sa may terminal. Naging normal lang ang bawat araw para kay Liza. Lalo na at hindi na naman niya nakita si Dimitri. Nasa America pa rin si Anna at Sir Lucas. Habang itong si Gia, nag-eemote dahil sa hindi na daw siya mahal ni Sir Diesel. 'Pagbuhulin ko kaya itong boss ko at itong si Gia. Iyong isa habol ng habol itong isa tanggi ng tanggi. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa dalawang ito. Mahal na mahal naman ang isa't isa ayaw pang mag-aminan. Sana all nga may love life. Tulad ni Kuya Elirio, aba ay malalaki na ang anak, parang mangyayari nga iyong single for life ko ah.' Wika no Liza sa sarili habang nakatingin ky Gia, na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Galing sila, sa palengke ni Manang Fe, at sakay sa taxi, ng madaanan nila sa may labasan ang patingil ng bus na service ni Gael. Hinahanap nila si Gia pero hindi na nila nakita, kaya naman isinabay na nila ang bata. Pagdating sa bahay, ay hindi nila makita si Gia. Doon lang nila nalaman na bar station si Gia ng may narinig silang boteng nabasag. Kinausap nila si Gia ng maayos. Lalo na at para itong broken hearted. Hinayaan muna nila si Gia, tulad ng hiling nito. Si Liza na muna ang nag-abyad kay Gael. Noong gabi ay dumating si Sir Diesel, pero bumalik din siya sa kwarto ni Gael at Gia, at siya ang tumabi kay Gael para makatulog ito. Kinabukasan, wala si Gia, na akala nila ay kasama ni Sir Diesel. Pero hapon na noong talagang mapagtanto nila na nawawala si Gia. Ipinahanap naman agad ni Sir Diesel si Gia, pero hindi nila ito matagpuan. Nang sumunod na araw at dumating si Dimitri, para daw tumulong sa paghahanap kay Gia. Mapait namang napangiti si Liza, ng masilayan ito. Siguro ay galit pa rin ito dahil sa pagtanggi niyang maging kaibigan ito. Naaawa din siya dahil ngayon mag-isa na lang ito sa buhay, dahil wala na ang kapatid nito. Wala namang nakwento si Gia tungkol sa magulang ni Dimitri. Ang alam lang ni Gia nasa ibang bansa ang mga ito. Matapos labahan ang mga labahin ni Sir Diesel, ay tinungo naman ni Liza ang guest room, na inuukupa ni Dimitri. Kinuha na rin niya ang mga labahan nito. Wala kasi ito doon, dahil kasama ito ni Sir Diesel paghahanap kay Gia. Si Gael naman ay siya ang nagsusundo at naghahatid sa may labasan. Kinapa naman muna ni Liza ang mga bulsa ng pantalon nito. Mahirap ng may mahalagang gamit na malabahan. Paghugot ni Liza sa isang bulsa nito, ay naagaw ng pansin ni Liza, ang isang panyo. Napasinghap pa siya ng makilala ang panyong iyon. Iniladlad pa ni Liza, ang kabuoan ng panyo para makasigurado siya, kung tama ang kanyang hinala. Akmang ibabalik ni Liza sa pagkakatiklop ang panyo, ng marinig niya ang sigaw ni Dimitri. "Bakit mo hawak ang panyong iyan?! Bakit ka ba nangingialam ng gamit na hindi sayo?!" Inis na wika sa kanya ni Dimitri. "Ito?" Tanong ni Liza sa hawak na panyo. "Oo ayan. Bakit mo pinakialaman ang mga gamit ko. Kaya ko namang maglaba. Mabuti na lang nakasalubong ko si Manang Fe, at sinabi sa akin na bitbit mo ang mga gamit ko para labahan.!" Inis pa ring wika ni Dimitri sabay hablot sa panyo na hawak ni Liza. "Wait nga lang. Paano napunta sayo ang panyo na iyan? Sa akin ang panyo na iyan eh." Inis na ring wika ni Liza, na hindi na rin niya napigilan ang sarili. "Paanong magiging sayo ito?! Nakikita mo ba na may pangalan ito na Beth? Paanong magiging sayo ito kung Liza naman ang pangalan mo?" Sabay harap ng Liza ng nakaburdang pangalan. Itinuro pang mabuti ni Dimitri ang nakaburdang pangalan na 'Beth.' "Oo nakikita ako iyan. Dahil iyan ay ibinurda ni Inang sa mga gamit ko para daw hindi mawala. Pero noong isang beses na naglalakad ako, noong bata pa ako, may isang lalaki, na nakatanghod na pahara-hara sa daan na nilalakaaran ko at natamaan ng sinisipa sipa kong bato sa ulo. Dahil sa hindi ko naman sinadya ipinahiram ko ang panyo na iyan sa kanya. Dahil dumugo ang parte ng ulo niya na tinamaan ng bato. Kaso nakalimutan ko ng kunin ang panyo. Kaya hinayaan ko na lang. Humingi na lang ako ng tawad kay Inang, dahil wala na ang panyo. Kaya paanong napunta sayo ang panyo na iyan. Kahit napakatagal na noon. Hindi ako maaaring magkamali na akin iyan. Dahil burda ni Inang, ang nakalagay diyan." Mahabang paliwanag ni Liza kay Dimitri, na hindi naman ikinakilos ni Dimitri. Nakatingin lang si Dimitri kay Liza. Dahil hindi maarok ng isipan ni Dimitri ang mga sinasabi ni Liza sa kanya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD