Nang makauwi ng Pilipinas si Dimitri at Love, ay nagpatulong si Dimitri na ayusin lahat ng papeles nila ni Love para makapag-aral. Noong una ay nahirapan pa sila sa sitwasyon ni Dimitri. Lalo na sa edad nitong labing tatlo ay first year college na ito.
Pero ng maipasa niya lahat ng, mga exams ay tinanggap din siya sa school na nais niya pasukan. Masyado lang talagang namangha ang mga ito sa talino at galing ni Dimitri.
Hindi man niya iyon ipinagmamayabang, simple lang talaga si Dimitri at Love. Mahalaga sa kanila ang pagkakapantay-pantay. Masabi mang mayaman. Simpleng buhay pa rin, ang nais nila. At magkaroon ng mga tunay na kaibigan.
Sa edad na lima ay grade one na si Love. Grade one na rin naman ito sa dating pinapasukan sa ibang bansa. Kaya naman tinanggap kaagad ito doon. Iyon nga lamang at wala siyang ibang kaibigan dahil hindi naman talaga siya pala kaibigan. Taging ang kapatid lamang ang kaniyang palaging kasama. Lalo na at home schooling naman siya doon sa ibang bansa.
Isang beses na hindi agad nasundo si Love ng lolo nila. Natakot si Love, lalo na at malayo ang school ng college, kung saan pumapasok ang kuya niya. Umuulan noong mga oras na iyon. Kumukulog at kumikidlat, ng may dumaang isang batang babae.
Maganda ito, pero alam niyang mas matanda ito sa kanya. Sumilong din ito sa pwesto niya. Nanginginig na siya sa takot ng hawakan nito ang kamay niya.
Nagulat man sa ginawa ng babae, at natuwa na rin si Love. Kahit papaano ay naibsan ang takot na nararamdaman niya. Sa unang tingin pa lang ay mabait talaga ang babae. Isa lang ang nais ni Love ngayon. Gusto niya itong maging kaibigan.
Napatingin naman si Love, na habang hawak nito ang kamay niya, ay nagsalita ito.
"Wag kang matakot. Dahil hindi iyan lalakas. Maniwala ka sa akin. Pero kung lumakas man. Ang ulan at ang kulog at kidlat. Wag kang mag-alala kasi takot din ako. Kaya ibig sabihin pareho tayo." Wika ng batang babae na nakahawak sa kamay ni Love.
Sa halip na matakot sa kulog at kidlat ay natawa si Love. Akala niya ay may poprotekta sa kanya dahil nilapitan siya nito. Katulad din pala niya ito na takot sa kulog at kidlat kaya naman, pala nilapitan siya nito.
"Ako nga pala si Gia. Grade one lang ako kahit nasa walong taong gulang na ako. Mahirap lang ang pamilya namin. Kaya naman, na late ako ng pasok. May nakababata akong kapatid si Glenda. Day care pa lang siya ngayon." Madaldal na wika ni Gia na ikinangiti ni Love.
"Love ang pangalan ko. Grade one din ako, magkaklase ba tayo?" Tanong Love na ikinailing ni Liza.
"Base sa suot mo. Doon ka nag-aaral sa private school. Doon sa may kasamang high school. Kami ng kapatid ko ay doon sa katapat lang ng school ninyo pero public iyon. Mayaman at mahirap pwedeng pumasok doon. Iyon nga lang isa kami sa mahirap. Wala din kaming pambili ng uniform kaya. Ganito ang damit ko. Mukhang hindi nag-aaral." Mapait na wika ni Gia na ikina tango ni Love.
"Pwede bang doon ka pumasok kung saan ako nag-aaral. Para may kaibigan na ako, bukod sa kuya ko? Hindi kasi kami magkasama ng school, dahil sabi ni lolo qt lola college na daw si Kuya." Wika ni Love na ikinailing ni Gia.
"Uniform ko nga, hindi kami makabili kasi hindi sapat ang kita ng tatay ko sa construction. Ang nanay ko naman ay sa bahay lang. Naku hindi ko kayang mag-aral sa school na sinasabi mo." Wika ni Gia ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas.
"Ito na nga ba. Bakit ba kasi hindi pa muna ako pinauwi, bago kumulog at kumidlat, tapos umulan pa." Natatakot na reklamo pa ni Gia na hindi nila pansin na magkayakap na sila ni Love.
Matapos ang malakas na kulog at kidlat, ay unti-unti naring lumiwanag ang paligid. Mabilis ding humupa ang malakas na ulan, na ngayon ay ambon na lamang. Nakahinga naman ng maluwag si Gia at Love, na parehong takot, sa kulog at kidlat.
Ilang sandali pa ay, may tumikhim na lalaki, sa tabi ni Love. Napatingin naman si Gia dito, at nakatanggap naman ng matamis na ngiti si Gia.
"Kuya, mabuti naman at nandito ka na. Buti dinaanan mo ako dito. Hindi ako nasundo ni lolo kanina. Siguro ay gawa ng kulog at kidlat tapos naulan pa." Naiiyak na wika ni Love na ikinayakap ni Dimitri dito.
"Salamat sa pagsama mo sa kapatid ko. Ako nga pala si Dimitri." Pakilala ni Dimitri kay Gia.
"Ah, hindi ko naman sinamahan ang kapatid mo. Kumukulog at kumikidlat ng mapadaan ako dito. Sa tingin ko ay takot s'ya, ay natatakot din ako. Kaya mas ok na dito na lang din ako. Atleast takot man kaming pareho, dalawa naman kami." Walang prenong wika ni Gia, na ikinatawa ni Dimitri.
"Anong nakakatawa?" Mataray na tanong ni Gia.
"Wala naman bata, pero salamat pa rin." Wika ni Dimitri na ikinatango na lang ni Gia.
"Okey Good." Sagot na lang ni Gia, na ikinailing na lang ni Dimitri at ikinatawa ni Love.
Ilang sandali pa na at tumigil na rin ng tuluyan ang pag-ambon. Wala na ring mababakas na kulog at kidlat. Kaya naman nagpaalam na rin si Gia sa magkapatid.
Nang makaalis si Gia ay dumating na rin ang lolo nila para sunduin sila. Medyo na late nga daw ito at umulan. Tapos noong daanan pa nga si Dimitri sa pinapasukan nito, wala na ito doon. Nagpasabi na lang kasi siya sa mga guard doon na, pag dumating ang lolo niya ay pinuntahan niya ang kanyang kapatid.
Pagkarating ng bahay, ay mabilis na nagpalit ng damit si Love. Nagtungo din siya sa kusina at sabay-sabay silang kumain ng hapunan, kasama ang lolo at lola nila.
Naging masaya ang kanilang naging hapunan ngayon. Nagkwento naman si Love sa maghapon na ginawa nila sa school, lalo na sa mga activity. Hindi katulad noon, nasa ibang bansa pa sila at kasama ang mga magulang. Minsan lang sila magkasabay-sabay sa pagkain, tapos hindi naman sila kinukumusta sa maghapon. Lalo na at puro business pa rin ang napag-uusapan sa hapag.
Matapos ang hapunan ay nagtungo na sa kaniyang silid ang lolo at lola nila. Dahil magpapahinga na ang mga ito. Nasa kwarto na rin si Dimitri. Kaya naman pinuntahan muna ni Love ang kwarto ng kapatid.
"Kuya, busy ka?" Tawag ni Love sa labas ng kwarto ni Dimitri.
"Hindi naman, pasok ka." Tugon nito sa kanya, at ikinapasok na ni Love sa loob. Nagtungo naman siya sa kama at tumabi sa pagkakaupo ni Dimitri dito.
"Kuya, pwede bang doon na lang pumasok si Gia sa school na, pinapasukan ko? Nasa tapat lang daw ng school ko ang school nila. Construction worker daw ang tatay niya at walang trabaho ang nanay niya. May bunso pa daw siyang kapatid, at napasok ng day care. Grade one lang din si Gia." Masayang wika ni Love na ikinakunot ng noo ni Dimitri.
"Who's Gia?" Maang na tanong ni Dimitri dahil hindi naman talaga nito iyon kilala.
"Iyong bata na kasama ko kanina. Kuya naman mukhang mabait si Gia. Gusto ko siyang maging kaklase. Gusto ko rin siyang maging kaibigan. Please kuya. Ngayon lang po ako, natuwa na magkaroon ng kaibigan." Masayang pakiusap ni Love sa kuya niya na ikinatango nito.
"Okey bukas na bukas din ay kakausapin ko si Lolo. At hahanapin natin ang bahay nina Gia, para naman, mapalipat natin siya ng school." Tugon ni Dimitri na ikinalungkot ni Love sa halip na matuwa.
"Oh, bakit naman nalungkot ang baby ko. Gagawin naman lahat ni kuya ang lahat ng nais mo. Basta hindi makakasakit at makakasama sa iba." Malambing na tugon ni Dimitri dito.
"Kasi kuya, wala daw silang pera para sa uniform. Kaya kahit hindi naka uniform, pag napasok si Gia. Kasi ipambibili na lang daw nila ng pagkain ang pambili ng uniform. Sabi ni Gia, mahirap lang daw sila." Malungkot na wika ni Love.
"Papayagan ba kita sa gusto mo, kung hindi sasagutin ang pag-aaral niya. Siguro nga Love, bata pa ang tingin sa akin ng iba, dahil thirteen pa lang ako. Pero Love, kaya kitang pag-aralin kung saan mo gusto, kahit wala pang trabaho si Kuya. Pati kapatid ba noong si Gia, gusto mong ilipat natin? Bibigyan ko din ng trabaho ang nanay ni Gia, pag natapos na iyong bahay na ipinapagawa ko doon sa may bundok. Gusto mo ba iyon?" Wika ni Dimitri na ikinatango ni Love.
"Salamat kuya. Kaya mahal na mahal kita. Salamat din at isinama mo ako ng kinuha ka nina lolo at lola. Kasi kung naiwan ako kina mommy. Sure naman akong, parang wala din akong kasama." Masayang wika ni Love na ikinayakap ni Dimitri dito.
"Kahit anong mangyari hinding-hindi ka iiwan ni kuya. Mahal na mahal kita. Dahil tayo lang dalawa ang nagkakaunawaan dito. Pati na rin si lolo at lola. Kasi si mommy at daddy, mas mahal pa yata ang mga negosyo nila kay sa ating dalawa." Sagot ni Dimitri na ikinayakap ni Love lalo sa kanya.
"Salamat, kuya. Excited na ako para bukas. Para makita at makausap natin si Gia. Pati ang mga magulang niya." Masayang sambit ni Love, bago nagpatuloy ng paglabas ng kwarto ni Dimitri, dahil need na rin nila ang magpahinga. Dahil gumagabi na.