Prologue

1312 Words
Maganda ang sinag ng araw sa labas, kaya naman naging maganda ang gising ni Dimitri. Dahil kahit papano ay umiinit na ang sinag ng araw. Malamig pa rin ngayon, pero masarap sa pakiramdam. Lalo na at kaunti na lang ang mga namumuong yelo sa paligid. Nagsisimula na itong matunaw, gawa ng sinag ng araw. Hindi gusto ni Dimitri ang malamig na klima kahit minsan masarap iyon sa pakiramdam. Mas gusto pa rin niya ang klima sa Pilipinas. Kung saan doon nakatira ang lolo at lola niya. Mabilis siyang bumaba ng kama, at ginawa ang palagi niyang ginagawa sa umaga. Matapos makapagbihis ay pinuntahan niya kaagad ang nakababatang kapatid. Alam niyang tulad niya ay gustong-gusto nito ang sinag ng araw. Labing tatlong taon na si Dimitri, habang nasa limang taon pa lang ang kapatid niyang si Love. Matalino si Dimitri, kaya naman sa edad na Labing tatlo ay nasa first year college na siya. Hindi tulad ng ibang kabataan na sa edad na iyon ay nasa, high school pa lamang. Palaging busy ang kanyang mga magulang kaya naman kahit napakabata pa lang niya ay tumayo na rin siyang kuya, ina, at ama sa kanyang kapatid. Hindi naman sa gawaing bahay, dahil may gumagawa noon. Kundi sa atensyon na hindi kayang ibigay ng kanyang mga magulang. Pagpasok ni Dimitri sa kwarto ni Love, nakita niya itong nag-uunat ng katawan at halatang bagong gising. "Good morning Love. Maganda ang sinag ng araw. Gusto mo bang maglaro sa labas? Natutunaw na rin ang mga yelo." Nakangiting wika ni Dimitri. "Totoo kuya?! Sige po. Yehey walang pasok, pwede akong maglaro. Salamat kuya." Masayang tugon ni Dimitri, na ikinahalik pa ni Love sa pisngi niya. "Mag-ayos ka na ng sarili mo at hihintayin kita sa kusina. Kumain muna tayo, para mayroon kang lakas sa pag-lalaro." Saad pa ni Dimitri na ikinatango at thumbs up pa ni Love. Pagpasok ni Love ng banyo, ay lumabas na rin si Dimitri. Hinayon naman niya ang daan patungong kusina. Narinig ni Dimitri ang pag-uusap ng magulang kaya naman mabilis siyang tumakbo, patungo doon. Hanggang sa marinig na niya ng tuluyan ang pag-uusap ng mga ito. "Damian, hindi ba at parang ang bata pa naman ni Dimitri para sa arrange marriage na iyan. Wala pang alam ang anak mo tungkol sa pag-ibig. Tapos may kasunduan na kaagad na ganyan. Oo nga at nasa college na si Dimitri. Pero Damian, thirteen pa lang si Dimitri. " Rinig niyang sambit ng kanyang ina. "Lovelle, hindi naman agaran ang pagpapakasal na sinasabi ko. Sa takdang panahon pag nasa tamang edad na sila. Mabait na tao si Amando De Vega. Alam mo iyan, at gustong gusto ko ang anak niyang ni Zusainne para kay Dimitri. Hindi lang naman basta sa pagbibitaw ng pera, kaya ko gustong makasal sila. Dahil kilala kong mabait ang pamilya ni Amando. Siguradong lalaking maayos at mabuting tao ang kanyang anak." Mahabang paliwanang ng kanyang ama sa kanyang ina. Kahit nasa may likod lamang ng pintuan ng kusina ay hindi magawang pumasok ni Dimitri. Gusto niyang marinig ang pag-uusapan pa ng kanyang ama at ina. Kahit sa batang edad niya ay hindi pa niya naiintindihan. Matalino siya sa academics. Pero sa usaping, pag-ibig, pagpapakasal na naririnig niya ay wala pa talaga siyang alam. "Pero Damian, naiisip mo ba ang magiging reaksyon ng anak mo, pag naintindihan na niya ang plano mo. Bakit hindi na lang natin hayaan ang magiging desisyon ni Dimitri pag dating ng araw. Hayaan natin siyang pumili ng babae para sa kanya. Nang babaeng mamahalin niya." Pakiusap pa ng kanyang ina, pero mukhang bingi sa pakiusap nito ang kanyang ama. "Wag mo akong pakialaman Lovelle! Ako ang masusunod sa pamamahay na ito. Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa akin ay wala ka sa kinalalagyan mo ngayon." Singhal ng kanyang ama sa kanyang ina. "Wag mo akong matatakot Damian. Sa ating dalawa, ikaw sana ang wala sa posisyon mo kung hindi dahil sa akin. Oo sinalo mo ako noon sa problemang aking kinakaharap, pero wag mong ipagmamalaki sa akin, ang karapatan na meron ka. Dahil kung pera ang pag-uusapan. Wala ang yaman na meron ka, kumpara sa yaman na meron si Dimitri." Inis na wika ng kanyang ina na ikinagulo ng isipan ni Dimitri. Alam ni Dimitri may pera siya, dahil sa limang passbook na meron siya sa iba't ibang banko. Pero naguguluhan siya dahil sa kanya lang iyon nakapangalan at hindi kasama si Love. Pero hinayaan na lang niya dahil, pagkagraduate ni Love ng college siya na mismo ang maglilipat ng mga iyon sa pangalan ng kapatid. Lalo na at nasa tamang edad na rin siya sa mga panahon na iyon. "Pero wala akong pinakitang masama sa ating anak Lovelle. Iyon lang naman ang aking hinihiling ang makasal si Dimitri kay Zusainne. Pagdating ng panahon na nais na nilang mag-asawa." Mariing wika pa ng kanyang ama. "Pero Damian, wag mong pangunahan ang mga bata!" Inis na wika ng kanyang ina, ng ibagsak ng kanyang ama ang kutsara at tinidor sa mesa. Kaya naman nakagawa ng ingay. May pumasok ding mga katulong pero hindi lumapit sa mga magulang niya. "Saka na natin pag-usapan iyan Lovelle. Aalis na ako! Nawalan na ako ng gana!" Wika pa ng kanyang ama at hinayon ang palabas ng kusina. Hindi naman siya napansin nito dahil nakatago siya sa may gilid sa may pintuan ng kusina. Pumasok si Dimitri sa loob ng kusina ng makaalis ang kanyang ama. Hindi din siya napansin ng kanyang ina at naabutan pa niya ang malalim na pagbuntong hininga nito. Naupo si Dimitri sa katabing upuan ng kanyang ina. Kaya lamang nag-angat ito ng tingin sa kanya mula sa pagkakayuko. "Dimitri." Malambing na wika ng kanyang ina. "Mommy, ano po ang ibig sabihin po ng pinag-uusapan niyo ni daddy? Sorry po kung hindi po sinasadya ay narinig ko." Wika ni Dimitri at biglang nagtungo ng mukha. "Hindi galit si mommy kung narinig mo. Pero sa ngayon kahit ipaliwanag ko, baka hindi mo rin maintindihan." Wika ng kanyang ina na ikinailing ni Dimitri. "Gusto ko ng paliwanag mommy. Naiintindihan ko naman po, medyo malabo lang. Gusto ko pong maunawaan kaagad. Lalo na po ang tungkol sa pagpapakasal ko, sa hindi ko po kilala. Ano po iyon mommy?." Tanong ni Dimitri sa sinabi ng ina. Kaya naman walang nagawa si Lovelle kundi ipaliwanag ng maayos sa anak. Kahit nahihirapang intindihin ni Dimitri ang mga mangyayari sa nais ng ama, ay pilit niyang inintidi iyon. Hindi malaman ni Dimitri kung maiinis, o maiinis siya sa sitwasyon na sinabi ng kanyang ina. Gusto niyang tumutol, pero dahil isang bata pa lang siya, ay wala na siyang ibang nagawa kundi, hayaan na lang muna ang sitwasyon. Sa sama ng loob sa ama, ay tinawagan niya ang kanyang lola sa Pilipinas. "La, kuhanin mo kami ni Love dito. Ayaw kong makasama si Daddy at Mommy, pakiusap lola. Gusto kong makasama namin kayo ni Love. Ikaw at si Lolo." Pakiusap ni Dimitri sa lola niya. "Ano ba ang problema apo. Hindi ko kayo basta-basta pwedeng kunin dyan sa mga magulang mo, lalo na at kasama si Love." Wika ng lola niya na ikinalungkot ni Dimitri. Ikinuwento lang ni Dimitri sa lola niya ang pinag-usapan ng kanyang mga magulang, Kaya naman hindi na rin nahirapan si Dimitri na pakiusapan ang lola niya. "Wag kang mag-alala apo. Bukas na bukas, ipapaayos ko ang mga papel ninyong magkapatid ng makauwi kayo dito." Tugon ng kanyang lola, na kahit papano ay nakagaan ng kalooban niya. "Thank you La. Babawi po ako sa inyo pag nakauwi na po kami ng Pilipinas. Kung hahayaan lang po sana kami sa airport na magbyahe ng walang kasama ni Love kami na lang po sana. Pero alam naman po nating hindi pa pwede." Sagot pa ni Dimitri na ikinatawa ng lola niya. "Sige apo ako na ang bahala." Sagot pa ng lola niya, bago naputol ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD