Walang pasok ng araw na iyon. Kaya naman, nakakasama ni Manang Gina ang anak nitong si Gia, pag pumupunta sa kanila, na lalong ikinatuwa ni Love.
Naging cook na kasi nila si Manang Gina, mula ng naipatayo niya ang kanyang sariling bahay. Mula sa perang nasa passbook na nakapangalan sa kanya, na ibinigay ng kanyang mommy Lovelle.
Malaki ang bahay, na naipagawa niya, at malawak din ang nabili niyang lupa, kaya naman naipagawa niya ng malawak na garden, ng bahay niya.
Malaking pera din ang nagastos niya sa pagpapagawa ng bahay, pero ang pera na meron siya, mukhang hindi man lang gumalaw. Parang hindi naman nabawasan.
Hindi naman niya ipinagmamalaki ang yaman na meron siya. Ang ipinagmamalaki niya, ay ang pagkakaroon niya ng napakabait na lolo at lola. Ganoon din ang magkaroon ng malambing at makulit na kapatid.
Nasa labas lang ng bahay si Dimitri at nakatingin sa naglalarong si Love at Gia. Kahit malaki na si Gia at dalagita na ito ay sinasabayan pa rin nito ang paglalaro ni Love. Kaya naman, sobrang natutuwa siya na makilala ito.
Masaya siyang nakilala nila ang pamilya ni Gia. Pero nalulungkot siya dahil nitong nakaraaan ay nagsabi na si Manang Gina ng pag-alis ng mga ito. Walang siguradong araw ng pag-alis, pero alam niyang nalalapit na iyon.
Ayaw naman sana niya, at sana ay dito na lang ang mga ito, ang problema nga lamang ay nalipat ang construction team kung saan si Mang Gary nagtatrabaho.
Hindi naman makatanggi daw si Mang Gary dahil malaki ang utang na loob nito sa foreman nila. Na siyang nagpasok ng trabaho kay Mang Gary, noong kailangang kailangan niya ng trabaho.
Napabaling naman ang tingin ni Dimitri sa malawak niyang hardin, at inaalala na naman niya ang mga nakalipas na taon. Nakatingin lang siya, sa mga halaman na nakatanim sa paligid.
Ang lola niya ang nagbigay sa kanya ng mga pananim na bulaklak kaya naman inalagaan niya ng mabuti at ngayon nga ay napapadami na niya.
Namimiss din niya ang kanyang lolo at lola. Pero dahil sa katandaan ay nagpaalam na ang mga ito sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na ilang taon lang nila nakasama ang mga ito. Kung tutuusin ay kulang pa rin ang panahon at pagkakataon na makasama ang mga ito.
Pero masasabi niyang, maswerte pa rin sila ni Love, dahil pinagkalooban sila ng pagkakataon na makasama ang mga ito, at iyon ang masasabi niyang, kahit papano wala siyang pagsisisihan. Dahil ang buong pagmamahal, pagkalinga nilang magkapatid ay ipinaramdam nila sa lolo at lola nila.
Matagal din siyang nakaupo sa upuang kahoy sa tabi ng bahay ng mapansin niya si Manang Gina. Nakangiti itong papalapit sa kanya, ngunit malungkot ang mga mata.
Nang makalapit ito sa kanya ay napansin pa niya ang pagbuntong hininga nito. Bigla niyang kinabahan, dahil maaaring, ang sasabihin ni Manang Gina ay ang pag-alis ng mga ito ng San Diego.
Kinausap siya nito ng masinsinan. Dahil nagmamadali ang foreman, na malipat nga ng Maynila si Manong Gary, at kailangan nitong isama ang buong pamilya. Hindi niya akalaing ganoong kabilis. Pero wala naman siyang magagawa. Dahil nakapagdesisyon na ang mga ito na umalis agad-agad. Malungkot man dahil sila na lang ulit ni Love ang mag kasama, pero wala silang magagawa.
Matagal pang nag-paalaman si Love at Gia. Halos ayaw na kasing bumitaw ni Love sa pagkakayakap dito. Hindi man niya ipahalata, pero nalulungkot siya sa paglalayo ng dalawa.
Nalulungkot siyang, malalayo sa kanila ang pamilya ni Gia.
Halos kapatid na rin kasi ang turing ni Love kay Gia, at ganoon din siya dito, pati na rin sa kapatid nitong si Glenda.
"Kuya, tayo na lang ulit ang magkasama. Paano iyan, pag nag college ako. Gusto ko sanang sa Maynila mag-aral. Gusto ko kasing kumuha ng fine arts, pwede ba iyon ang kunin ko kuya?" Tanong ni Love na ikinayakap ni Dimitri dito.
"Walang problema, kahit anong kurso ang kunin mo, walang problema sa akin. Kahit walang trabaho si kuya, alam mo namang ako na ang namamahala sa mga taniman na iniwan nina lolo at lola doon sa may paanan mismo ng bundok. Kaya, kayang kaya talaga kitang suportahan. Ililipat ko pa sa pangalan mo ang isang passbook ko pag nakapagtapos ka ng pag-aaral. Habang ang isa ay ipapangalan ko na sayo, ngayon, para pag kailangan mo ng pera at hindi mo agad ako natawagan. Pwede mong magamit iyon. Pero sa ngayon. Pagbutihin mo muna ang pag-aaral mo. At sa kolehiyo ay hahanap tayo ng magandang school, para sa kursong gusto mo." Mahabang paliwanag ni Dimitri sa kapatid na ikinaluha pa ni Love.
"I love you kuya. Kaya love na love kita. Sobrang thank you talaga na ikaw ang naging kuya ko." Maiyak-iyak pang wika ni Love.
"Same to you Love, masaya akong ikaw ang naging kapatid ko. Kahit makulit kang madalas, napakalambing mo namang kapatid. I love you Love. Wag kang mahihiyang magsabi kay kuya pag may kailangan ka ha." Wika pa niya sa kapatid na lalong ikinahigpit ni Love ng yakap sa kanya.
"Tara na sa loob, magluluto na ako. Gusto kong subukang lutuin ang paborito ni Gia, na tinuro ni Manang Gina. Magluluto ako ng ginataang tulingan para sa hapunan. Pero sa ngayon, magluluto muna ako ng meryenda." Saad pa ni Dimitri at sabay pa silang pumasok sa loob ng bahay ni Love.
Samantala, masayang naghahapunan ang pamilya ni Beth. Eto nga at nakikipagbiruan pa siya sa kanyang mga pamangkin. Kahit medyo mahina ang katawan ng mga ito, ay mapapansin mong napakabibo ng dalawang bata.
Katabi ng kuya niya si Mario, habang nasa tabi naman niya si Eliza, ng biglang mapansin ng kuya niya ang pamumutla ni Mario. May lagnat kasi ito pero hindi ganoong kataas kanina. Pero parang kakaiba na naman ngayon si Mario.
Hindi malaman ng magulang ni Beth ang gagawin dahil inaapoy ng lagnat si Mario, ang panganay na anak ng kanyang kuya Elirio. Akala nila ay nahignawan na ito kanina ng makainum ito ng gamot. Pero, heto na naman, at sobrang nakakapaso ang init ng katawan nito ngayon.
Gusto sana nila itong dalahin sa ospital pero hindi sasapat ang perang meron sila. Hindi din natuloy ni Beth ang pag-aaral dahil sa pagiging masasakitin nga ng dalawang pamangkin. Ang perang ipinang-aaral niya ay naging gamitin para maipagamot ang dalawang bata.
Naging mahina ang baga ng dalawang bata, kaya naman, palagi itong pabalik-balik sa ospital. Tulad nga ngayon at nilalagnat na naman, si Mario.
"Kuya, dalahin na po ninyo si Mario sa ospital. Ako na po ang bahala. Naghuhugas naman po ako ng pinggan doon sa kainan nina Aling Bebang. Mabait naman po iyon, baka po makakapag advance ako." Iyak na wika ni Beth ng mapansing halos wala na talagang kulay ang mukha ni Martio dahil sa pamumutla.
Naglagay na sa bag ng ilang gamit ang kanyang Ate Marie. Disidido na silang dalahin si Mario sa ospital. Mas mahalaga pa rin ang isang buhay, kay sa pera. Kahit wala sila noon. Alam ni Beth na may mabubuting puso na makakaintindi sa kanila, sa sitwasyon nila ngayon. Ang inaasahan na lang nila ngayon ay si Aling Bebang.
Hindi na rin naman nagpatumpik tumpik pa ang mga ito. Nang makatapos makapag-ayos ng gamit ang ate niya, ay mabilis na ngang isinugot sa ospital si Mario. Kasama ng mag-asawa ang kanyang amang. Kasama naman niya ang kanyang inang, na naiwan sa bahay na nagbabantay naman kay Eliza.