Chapter 04
Sa kagubatan mag-isang naglalakbay ang binatang si Trimiteo. Naguguluhang napaisip si Trimiteo kung nasaan ang dalawa pa niyang kasamahang mandirigma. kahit may kalituhang iniisip si Trimiteo nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay hanggang sa nakarating siya sa isang sapa na may kumikinang na mga bulawan. Patuloy siya sa pagtawid hanggang nakarating siya sa kabilang pangpang.
Samantalang ang dalawang mandirigma na kasama ng binatang si Trimiteo ay mga pawang wais kong sila ay mag isip ginagawa nilang pain si Trimiteo. Pinauuna nila ito upang sa gayon ay unang makasagupa ng binata ang mga bantay na nakatalaga. Patawid na rin sila sa sapa na may napuna silang kumikinang na mga bulawan. Tumigil sila at naakit sila sa mga nakikita ng kanilang mga mata. Hinubad nila ang kanilang mga kasuotan upang gawing sisidlan ng mga bulawan na kanilang kukunin.
"Labis tayong pinapapala banal na Bathala sa pagbibigay niya atin ng kayamanang ito,.", Nagtawanan ang dalawang mandirigma sa mga naiisip nila. "Napakalaking hunghang ng isang iyon ni hindi man lang kumuha kahit isang pirasong bulawan.", sabi ng isang mandirigma habang abalang namulot ng bulawan.
Samantalang si Trimiteo ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakbay sa paroroonan ng mahagip ang kanyang paningin sa isang dako ng kakahuyan na may gumagalaw, dahan dahan ang kanyang mga galaw na huwag magkaroon ng ingay. Nasa tabi na siya nang masilayan niya ang isang katamtamang laki na baboy ramo na lumoblob sa putikan. Ang ginawa niya inilabas niya ang kanyang baon na salbaro upang pakainin ito at parang gutom na gutom sa tingin niya. Ang baboy ramo ay lumapit sa binigay niyang pagkain at kumain ito natutuwa si Trimiteo, sa katuwaan hinaplos niya ang balat ng baboy ramo at ito ay napaka amo taliwas sa kanyang inaasahan paano pa niya gagawen ang alisin ang pangil nito kung ganito ito kabait at ka amo sa kanya. Ang ginawa niya ay umalis siya at nagpatuloy sa paglalakbay pero laking gulat niya ay sumunod ito sa kanya. Hinayaan niya itong sumunod sunod sa kanya. Naglalakad siya naglalakad.
Sa tahanan ng kanyang mga magulang nakarating sa kanila ang balita na nagdadalang tao ang mahal na Reyna Taneisha at pinapadalo sa piging sa palasyo .Tuwang tuwa ang kanilang kalooban sa balitang magkaroon na ng anak ang kanilang mahal na Oberon. Kaya isinuot nila ng mga anak niya ang pinaka maayos na kasuotan para tumungo sa palasyo at dadalo sa piging.
"Ina ang aming na si Trimiteo po ba ay dadalo rin sa piging ng palasyo?",
"Oo tiyak iyon kapag makakabalik na ang kapatid mo na galing sa misyon.", tugon ng isang nag-alalang mapagmahal na ina .Dinalangin nito ang kaligtasan ng bunsong anak.
Sa dako ng sapa kung saan naroon pa rin ang dalawang mandirigma namumulot ng mga bulawan.
"Wag mo ubusin , tirhan mo ako sa parting iyan, bakit kita titirhan kunuha mo lahat ang sa iyo",
"Hindi! bibigyan mo pa rin ako!", sigaw ng isa
"Ganito na lang, para maging patas ang labanan kuhanin mo lahat nang iyan at hatiin natin nang walang labis at walang kulang, at ginawa nga nila at naging maayos din ang kanilang hatian. At nagpatuloy sila sa paglalakbay.
Si Trimiteo naman sa kabilang dako ay nagpatuloy sa paglalakad kasunod sa kanya ang baboy ramo na hindi na sa kanya humiwalay pa kahit anong taboy niya rito. Naglakad siya nang naglakad sa gitna ng kagubatan. May narinig siyang parang daloy ng tubig sa batis. Sinundan niya ang tunog na iyon at nakita niya ang napakagandang talon. Lumapit siya ng bahagya upang masilayan ito ng mabuti at bigla na lang siyang nagulat nang may biglang lumitaw sa ibabaw ng tubig ang isang malaking sawa na tatlo ang ulo. Umatras siya ng umatras nang mapatid ang kanyang mga paa sa isang ugat na nakausli. Napaupo siya at ang sawa ay gumalaw at para itong nakatayong hari sa sobrang taas nito.
Samantalang sa mga mandirigmang tinapon sa lagusan patungo sa mundo ng mga mortal...
"Ahhhhhhhh mga maririnig mo sa kanilang lahat habang paikot ikot sila sa loob ng lagusan at ilang araw silang nananatili sa loob na iyon hanggang bumagsak sila sa isang magubat na bahagi hindi nila alam kung asan silang pito. Basta natandaan nila na ipinasok sila ng sapilitan sa loob ng isang umiikot na hindi nila matukoy kung ano ang pangalan . "Kelangan makapag isip tayo nang paraan kung paano tayo mamumuhay sa kagubatang ito", Nagpupulong ang pitong kalalakihan na mandirigma .Unang napakasunduan ay bumuo sila ng kubo upang may masisilungan sila at may matutulugan. May nagsabi na kanya kanya sila dapat ng kubo .Sumang-ayon naman ang iba kaya 'yon nga ginawa nila. Gumawa nga nang sari- sariling kubo ang bawat isa.
Natapos sila sa paggawa na gamit ang mga kasangkapan na nakikita sa paligid . Kanya kanya silang pasok sa loob ng kani- kanilang kubo. Pero may isa silang problema , ang pagkain. Kaya lumabas ulit sila sa mga kubo nila para maghanap ng mga prutas na makain. Lahat ng may buhay ay bawal pinsalain ng kahit sino tanging bungang kahoy lang ang puwede nila kainin. Nakahanap naman silang pito ng mga bungang kahoy at inuwi sa kubo nilang pito. Pagkatapos kumain, silang pito ay naghanda na sa para sa pagtulog.