Kapitulo Tres

1043 Words
Chapter 03 Sa katimogang bahagi ng kagubatan naroon ang dalawang mandirigma na kalahok sa paligsahan, nagmama-galingan at nagmama-yabangan sa kani kanilang sarili na sila ang karapat dapat na magwagi sa timpalak na ito "Ako ang pinaka magaling na mandirigma sa aming tribo. Tribong Banwa-on mula sa Katimogang bahagi ng kaharian.Kaya ako ang mananalo at makaka-tanggap ng unang mahika at mag-uwi ng karangalan sa tribo.", "Hindi rin ako magpapatalo, pinadala rin ako ng aming tribo. Ang tribong Manlala-on mula sa hilagang bahagi ng kaharian." Nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay hanggang may nakita silang isang matandang lalaki na pasan pasang napakaraming kahoy na panggatong sa kanyang balikat . "Mga ginoo , ako po ay nakikiusap sa inyo kung puwede niyong tulungan ang matandang katulad ko na pasanin ang natitirang kahoy na panggatong na iyon sa kabilang dako nang kagubatang ito. ", pakiusap ng matanda "Ikaw na matandang walang silbi!.. Hindi mo kami dapat inaabala sa aming paglalakbay dahil lang sa iyong pakiusap. Kung hindi mo kayang pumasan nang mga kahoy na iyon hindi na namin iyan kasalanan at hindi namin problema, kaya tumabi ka sa daraanan namin ", "Pakiusap mga Ginoo, lubhang napaka bigat nang mga panggatong na iyon, nakikiusap ang abang matandang tulad ko sa inyo", "Wag mo hawakan ang mamahalin kong kasuotan sa mga kamay mong kubalin at marumi mong kamay matanda kang walang silbi", bulyaw nito sa matanda. "Ang ugali ninyo ay lubhang napakasama ,Ito ang tandaan ninyong mabuti ang pagtulong sa kapwa katumbas ito ng isang tagumpay .", at ang matanda biglang naglaho sa isang kisapmata. At ang isang hugpo ng mga mandirigma ng kaharian ay naglabasan at sila ay dinakip at dinala sa isang lagusang parang walang hanggang kataposan. Sa kaharian ng mahal na Haring Oberon nagkakagulo ang lahat ng mga tauhan dahil ang mahal na reyna , na si Reyna Taneisha ay nawalan ng malay tao. At pinapatawag ang lahat ng sorihano sa buong kaharian upang mabigyang lunas ang mahal na reyna sa kanyang dinaramdam. Sa isan beses lang na pagtawag ng haring Oberon ang mga sorihano ay walang pag-atubiling dumating. Sinuri kaagad ng mga sorihano ang kalagayan ng mahal na reyna Taneisha. Hindi naglaon ay nalaman ng mga sorihano na ang reyna ay walang malubhang karamdaman bagkus ito ay nagdadalang tao sa anak ng Haring Oberon. "Kamahalan lubos ang aming kagalakan na kayo po ay aming mapaglingkuran sa abot nang aming makakaya. Nais po naming ipaabot sa inyo mahal na hari ang balitang ito na ang mahal na reyna Taneisha ay dumaranas nang malubhang karamdaman bagkus dapat po ninyo itong ikagagalak aming mahal na hari. Ang mahal na reyna po ay nagdadalang tao sa inyong anak na maging tagapagmana ng inyong kaharian sa mga sumunod na panahon. ", mahabang paliwanag ng punong sorihano sa hari. Ang hari ay lubos ang kasiyahan sa hatid na balita ng mga sorihano sa kanyang puso. Hindi na siya makapaghihintay pa na gumising ang kanyang mahal na reyna agad niya itong pinuntahan sa kanilang malawak na silid sa palasyo. Samantalang sa pamamahay nina Trimiteo lubhang nabahala ang ina ni Trimiteo sa kanyang pangatlo at bunsong anak na lalaki kahit alam niya ang angking kakayahan nito pero bilang ina na nagmamahal sa kanyang anak hindi ito maialis na makaramdam nang ganitong pagkabalisa. Sa dako ng kagubatan kung nasaan ang maga mandirigma na kalahok sa paligsahan, May dalawang mandirigma na nagmumula sa silangang bahagi ng kagubatan na nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay patungo sa kaloob looban ng kagubatan upang makarating sa tinatawag na kambal na bundok. Naglalakad sila ng walang humpay hanggang nakita nila ang isang matanda na sinalakay ng isang mabangis na osong puti. Papalapit na ang uso sa matanda nang bigla itong tumago sa likurang bahagi kung nasaan ang mga mandirigma. "Mga ginoo ako po ay nakikiusap sa inyo na kung maari lamang bugawin ninyo ang osong puti na iyan na gusto akong lapain. ", ang pakiusap ng matanda "Bakit anong mapapala namin sa iyo matanda, kung ikaw ay aming tutulungan. Umalis ka sa aming likuran at kami ay iyong lubos na ginambala sa aming paglalakbay." Itinulak ng dalawang mandirigma ang kaawa awang matanda at ito ay tumilapon sa isang mabatong daan. Sa ginawa ng dalawang mandirigma sa kawawang matanda ang osong puti ay naging malakas at mapanganib na punong taga bantay ng palasyo ng kaharian ni Haring Oberon. "Paano ito nangyari na ang isang punong taga bantay ng palasyo ay naging mabangis na osong puti ", sa isang iglap hinagis ng punong taga bantay ng palasyo ang dalawang mandirigma sa isang lagusan na parang walang hanggang kataposan at sila ay naglaho. Samantalang sa kaharian ni Haring Oberon ,lubos ang kasiyahang naramdaman ng hari sa pagdadalang tao ng kanyang mahal na reyna. Dahil dito nagpahanda ang hari nang napakalaking piging imbitado ang lahat ng mga nasasakupan sa buong kaharian. Sa loob ng kagubatan may tatlong mandirigma na namula sa kanlurang bahagi ng kagubatan. Naglakbay sila ng naglakbay nang makita nila ang apat na matatandang uugod ugod dahil sa gutom at uhaw na naramdaman. "Mga ginoo kami ay matatanda na nanggaling sa isang malayong kabundukan maari ba ninyo kaming bigyan ng makakain, ilang araw na kaming hindi kumakain at hindi nababahiran ang aming mga labi ng kahit gapatak na tubig.", ang pakiusap ng isa sa matanda. "Hindi namin kayo bibigyan ni kusing sa baon naming salbaro mga matatanda!", ang sabi ng isa sa mandirigma "Umalis kayo ngayon din sa aming daraanan, magmadali kayo! ", ang pagbigay ng makakain sa sinumang nagugutom ay magdulot ng isang malaking tagumpay. Sa sinasabi ng matanda, naglaho bigla ang apat na matanda sa isang kisapmata lamang at ang tatlong mandirigma na mula sa kanlurang bahagi ng kagubatan ay hinigop ng malakas na ipo ipo at itinapon sa lagusang parang walang hanggang kataposan. Sa palasyo ng hari nagsipag-datingan ang mga maharlikang pamilya na nagmumula pa sa ibat ibang kaharian ang iba ay nagmumula sa malay kaharian ng Makademiya. At lahat sila ay may kanya kanyang aginaldo para sa mahal na Reyna Taneisha. Samantalang sa kagubatan naglalabay na mag-isa ang binatang si Trimiteo. Nagtaka siya kung nasaan ang dalawa pa niyang kasama Sorihano-isang manggagamot sa loob ng kaharian Salbaro -isang klase ng tinapay na may palaman na minatamis na niyog at niluluto ito sa pogon. Piging- isang klase ng kasiyahan o celebration
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD