Kapitulo Singko

1327 Words
Chapter 5 Namuhay ang siyam na kalalakihan sa gitna ng kagubatan, naranasan nila ang kakaibang pamumuhay sa lugar kung sila lang ang nakatira.Ibang iba sa kanilang kaharian na hindi nila kailangan magsikap at kusa lang may magdadala sa kanila ng pagkain. Natutunan nilang siyam kung paano pahalagahan ang mga malilit na uri ng tao kahit ano pa ang antas nito sa buhay. Dapat pantay pantay lang ang tingin natin sa kapwa tao. Balik sa kaharian ng Fairylandrea ginawaran nga si Trimiteo ng kanyang unang kapangyarihan ang paglipad. Tuwang tuwa naman ang pamilya ni Trimiteo pati rin kasi sila ay nabigyan rin ng kapangyarihan kaya ang buong angkan ng pamilya ni Trimiteo ay sobrang nagsaya sa nakatamtam. Pero may kondisyon ang binigay na kapangyarihan sa buong pamilya ni Trimiteo. Kapag ginamit nila sa taliwas sa batas ng kaharian, ora orada alisan kaagad sila ng kapangyarihan ang buong angkan at papatawan pa ng kaparusahan na naangkop sa naging sala kung sakali man. Pinamunuan sila ng mga kawal sa paghatid sa kanilang kubol at pinasakay pa ang buong angkan ni Trimiteo sa isang magarang karwahe na may tatlong makikisig na Kabayong humihila dito at hindi lang 'yan binigyan pa sila ng Hari ng kanilang panghanda. Nag-uusap usap ang magpamilya sa loob ng karwahe "Napakabait talaga ng haring Oberon ina ", saad ng nakakatandang kapatid na babae ni Trimiteo "Oo nga po Ina, hamakin mo pati tayo ay napagkalooban na rin ng kapangyarihan.", pahayag naman pangalawang kapatid ni Trimiteo. "Makinig kayo mga anak sa sasabihin ng inyong Ina, ang ating kapangyarihan na pinagkaloob sa atin ng butihing Haring Oberon ay gagamitin natin ito sa kabutihan lamang at hindi sa kasamaan.", paliwanag ng Ina ni Trimiteo "Siyang tunay po Ina, mahigpit na ipinagbabawal ng mahal na Haring Oberon ang gumamit ng mahika na hindi naayon sa batas ng kaharian ng Fairylandrea", ang panganay na anak.. nakinig lamang si Trimiteo sa pag- uusap ng kanyang ina at dalawang nakakatandang kapatid na mga babae. Mabilis nakarating sa kanilang kubol ang pamilya ni Trimiteo. Tinulungan sila ng kawal sa pagbubuhat ng kanilang mga gagamitin sa kanilang salo salo na gagawin mamayang paglabas ng sinag ng buwan. Lubhang masayang masaya silang lahat sa panaon ng haring Oberon at Reyna Taneisha "Inah magtungo lamang ga ho ako sa dako ng aking mga kahuntahan at iparating ko sa kanila ang ating gagawin mamayang gab-i", paalam ng unang panganay na anak na babae "Sige yumao ka't ika'y bumalik kaagad at nang tayo'y mag-iimis ng ating kubol nang sa gayon ay hindi kahiya hiya sa ating mga panauhin.", bilin ng ina "Ay sadya nga ho ina ", pagkawika nito Nagmamadali naman ang anak na pumanaog sa hagdanan at nagtungo sa mga kaibigan Sa palasyo "Mahal kong hari, ikaw ay sadyang napabuting hari sa ating mga nasasakupan, sana ga ho pagpalain ka ga ng mahal na Bathala ng ibayong kakisigan at kaluwalhatian ka nawa ng malusog na pangangatawan sa buong taon", pananalita ng Reyna Taneisha sa kanyang kabiyak. Nang makaramdam ang Reyna nang pananakit ng kanyang sinapupunan. "Mahal na Haring ako'y magluluwal na ng ating supling sa mga oras na ito ", pagkawika ng Reyna agad na pinatunog ng hari abg kinalimbang na siyang ikinasugod ng punong katiwala ng palasyo sa loob ng silid tulugan. Yumukod ito pagkakita sa mahal n haring nakatayo sa pintuan ng silid." Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo mahal na Oberon?", magalang itong nagtatanong sa hari "Magmadali ka punong katiwala, dalhin mo ngayon dito ang pinaka mahusay na magpapaluwal dito sa kaharian at ang mahal na Reyna ay magsilang na", utos nito sa punong katiwala na nakayuko pa rin "Masusunod kamahalan, at ako po ay yayao", pagkawika ay tumalilis na ito ng alis sa harapan ng hari. Bumalik naman ang hari sa esposa. "Kumusta ang iyong pakiramdam aking mahal na Reyna?", nag-alalang tinanong ang reyna na ngayon ay nasa kanilang higaan Nagmulat ito ng mata nang marinig ang boses ng esposo "Humihilab ang aking tiyan mahal na hari", sa narinig mula sa Reyna dumulog ito sa higaan kung saan ang Reyna nakahiga at hinimas ang umbok ng tiyan ng esposa. May bente minutos na ang lumipas nang makabalik ang punong katiwala sa palasyo kasama ang pinakamagaling na nagpapaluwal. Kasama ang dalawa pa nitong alalay dumeretso silid tulugan ng Hari at Reyna "Mahal na Haring Oberon nandito na po ang inyong pinatkukuha na tagapagluwal", ang pagbibigay alam ng katiwala sa hari "Pumasok kayo ,madali!", ang utos ng hari na agad tumalima ang punong katiwala kasama ang mga panauhin "Magalang na pagbati po mahal na Haring Oberon ", at yumukod ang punong tagapagluwal gayun rin ang mga kasama. "Mawalang na po kamahalan pero bawal po ang mga kalalakihan dito sa loob, tanging kami lang mga kababaihan ang naririto sa mga oras na ito." wika ng punong tagapagpaluwal . "Nauunawaan ko..ikaw na bahala ng aking Reyna Taneisha." "Nauunawaan ko po mahal na Haring Oberon." Lumabas nga ang Haring Oberon kasama nito ang punong katiwala. "Kamahalan, ipagpahanda ko lang po ang sabaw na maaring higupin pagkatapos magluwal ang mahal na Reyna", paalam ng punong katiwala "Mas mainam nga iyang iyong nais, humayo ka ngayon din. Upang magkaroon ng lakas ang mahal na Reyna Taneisha", sang-ayon ng Hari sa nais gawin ng katiwala "Maraming salamat, kamahalan!", yumukod ito bago umalis sa harapan ng kanyang pinaglilingkurang Hari. Naiwan na palakad lakad ang hari sa malawak na pasilyo, naghihintay sa balita kung ano na ang nangyari sa kanyang kabiyak. May kalahating oras na ang lumilipas nang siya ay lumabas ng kanilang silid tulugan. Nagtungo siya sa kanilang silid panalanginan, hindi siya madasalin pero sa pagkakataong ito napapadasal siya sa mga anito at higit sa lahat sa Bathala upang tulungan ang kanyang mahal na Reyna Taneisha. Pagkatapos nanalangin ang hari, may malamig na hangin na parang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran kaya siya ay napahawak sa kanyang balugbog. Bumalik siya sa harapan ng kanyang silid tulugan. Naghintay nang may lalabas mula sa pinto. Halos kalahating oras siyang naghintay, pabalik balik siyang naglalakad paroo't parito. Nahinto siya sa kanyang ginawa nang bumukas ang pinto, iniluwa ng pinto ang isang may katangkaran binibini at yumukod ito sa kanya "Kamahalan ipinag-uutos po ng punong tagapagpaluwal na maari na po kayong pumasok sa inyong silid ", nananatili itong nakayuko pagkawika ng mga kataga para sa kanya. Pumasok siya sa kanyang silid tulugan. "Kamahalan nakatulog ang inyong Reyna pagkatapos magsilang ng isang malusog at napakagandang sanggol na babae", wika ng punong tagapagpaluwal sa hari Naglalakad ang mahal na Haring Oberon papalapit sa kanyang Reyna Taneisha. Katabi nito ang ang kanilang supling na napaka mahimbing sa pagtulog nito. Pinakatitigan niya ang sanggol napansin niya ang isang balat na kulay pula at kurting crescent ito na nasa sentido ng sanggol. "Mahal na Haring Oberon, may isa pa pong iniluwal ang mahal na Reyna, ang kakambal ng iyong prinsesa.", nagwika ang punong tagapagluwal "Nasaan ang kakambal ng aking prinsesa, punong tagapagpaluwal?", nilibot ng hari ang paningin sa paligid pero wala siyang nakita kahit anong sanggol. "Kamahalan, hindi po tao ang kakambal ng prinsesa kundi ito po", pagkawika nito sabay lahad sa isang maliit na kahon kung saan naroon ang kasing haba ng isang palito ng posporo na kulay dilaw at puting ahas na tapayan, natutulog ito kagaya ng prinsesa. "Anong maaaring gawin dito ?", ang naguguluhan na tanong ng mahal na Haring Oberon "Maaari niyo po'ng isangguni ito sa punong surehano, kamahalan..Dahil siya lamang po ang may kakayahang alamin ang maaring dulot ng kakambal ng prinsesa.", wika ng punong tagapagpaluwal sa mahal na hari. "Huwag mo itong ipagkakalat na kahit kanino, punong tagapagpaluwal kundi ikaw ay aking parurusahan.", babala ng hari "Makakaasa kayo aking kamahalan, walang sinumang makakaalam sa kakambal", ang pangako ng punong tagapagpaluwal "Ikaw ay humayo na ,dalhin mo sa iyong hukay ang sekretong iyong nalalaman dito sa palasyo. ", ang wika ng Haring Oberon sa tagapagpaluwal "Opo nangangako ako kamahalan, ako po ay yayao na", yumukod ito bago lumabas ng silid dala ang mga kagamitan .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD