Kapitulo siez

1972 Words
Pagkatapos magsilang ang mahal na Reyna Taneisha, at maayos na ang lahat ay umalis na ang punong tagapagluwal kasama ang dalawang alalay nito. Tinitignan niya ang sanggol na mahimbing na natutulog, pinakatitigan niya ang marka nito sa noo na kurting crescent moon at maging ganun rin ang ahas na nasa kahon. Nangamba siya sa maaaring dulot nito sa kanyang angkan, sana swerte ang hatid nito sa kanila. SA MUNDO NG MGA TAO " Huwag na kayong maglalaro, Jessy at Ruwel...mamulot na kayo ng mga maaring ipanggatong ng nanay niyo... at paparoon lang ako sa dakong iyon ng gubat." utos ng Ama ng mga binatilyo "Opo Ama," sabay sabay sagot ng mga binatilyo sa kanilang Ama, Umalis na ang kanilang Ama "Nagsasawa na ako sa kapapamulot ng mga panggatong ate ", reklamo ni Rowel ang nakakabatang kapatid "Wala na tayong magagawa ito na ang kinalikahan natin.", pahayag ng nakakatanda Sa paglalakad nila hindi nila namalayan nakarating sila sa siyam na mga kubol na noon ay namamahinga ang siyam na mandirigma. "Ate, tignan mo mga pugad yata ng mga malalaking ibon ang nasa ibabaw ng puno.", pahayag ng bunso "Huwag ka masyadong magliligalig baka tayo ay madagit kung malalaking ibon nga ang nasa loob ng pugad na ,'yan.", saway ng ate na ngayon ay hawak hawak ang kamay ng bunsong kapatid "Kailangan natin pausukan ate, baka hindi natin mamalayan dumating ang ibon at dinagit tayo", suhestyon ni Rowel "Sige maghanap tayo ng maari nating gamitin sa pagpausok", si Jessy "Opo ate, para maitaboy natin ang higanting ibon ", si Rowel na nag- uumpisa nang mag- ipon ng mga tuyong dahon upang gawin na pausok. Nang makaipon na ng mga dahon na sapat na gamitin nag-umpisa na silang magsiga sa lugar na sapat na magkaroon ng usok sa mga hinilang pugad ng magkakapatid. Dahil sa usok na ginawa ng magkapatid ay nagsipag- pulasan mula sa pagkakatulog ang siyam na mandirigma at kanya kanyang labasan sa kani kanilang kubol. "Agore! ang mandirigma mula hilaga, anong nangyari sa paligid.. sumalakay ba ang ating mga kala.. ang sigaw ni Tarako ang mandirigma mula katimogan. Napansin ng mga mandirigma ang dalawang nilalang na tumatakbo na sigurado silang ito ang may kagagawan ng lahat at ang mandirigma mula sa kanluran na si Aligato ang mabilis nakababa kasama ang mandirigma mula sa silangan na si Mariko. "Aligato, Mariko habulin ninyo ang dalawang iyon at dalhin niyo sa aming harapan si Tarako ang mandirigma mula sa Timog Hinabol nila ang dalawang magkapatid na mabilis na nagsitakbuhan pero wala silang takas dahil sa dalawang mandirigma na bihasa sa labanan at habulan. "Kayong dalawa, sino kayo at kami ay inyong ginagambala sa aming pamamahinga?", ang tanong ni Bughaw na mandirigma na mula sa angkan ng taga Ilog. Ang magkapatid na nakagapos sa harapan ng siyam na mandirigma "Patawarin po ninyo kami mga Ginoo kami po ay napag-utusan ng aming mga magulang upang manguha ng panggatong... "At napadako kami nang aking kapatid sa lugar na ito at natanaw namin ang inyong mga kubo na inaakala po namin ay pugad ng higanting ibon . Kaya po namin naiisipan na magpa-usok upang maitaboy po namin ang ibon at hindi po kami makain ", putol ng nakakatandang kapatid sa pagpapaliwanag nito sa mga mandirigma. Napaligiran ang magkapatid ng siyam na mandirigma, takot na takot sila sa mga oras na ito. "Nasaan ang inyong mga kubol!", malakas na sigaw ni Agore ang mandirigma mula sa hilaga "Hi-hindi po namin mauunawaan ang sinasabi niyo ", umiiyak na sabi ni Jessy "Arego, 'wag mo daanin sa sindak ang kawawang nilalang na iyan", si Amores ang mandirigma mula sa angkan ng taga Nayon "Hindi mo ba nakikita na tayo ay binubulabog sa ating mga kubol, ng mga bubuwit na ito Amores!", si Tarako na mandirigma mula sa Timog na galit itong nakatingin sa isa sa kasamahang mandirigma. "Mga kasama, huwag niyong kakalimutan na narito tayo sa mundo ng mga taga sanlibutan at kaya tayo naririto dahil sa isang parusa. Sana huwag nating dagdagan pa ang mga araw nang ating parusa. Gustong gusto ko nang umuwi sa aming nayon ", ang mahinahong wika ni Ramasco na mula sa lahi ng taga dagat. "Sumang-ayon ako sa iyo kaibigan, gusto ko na ring makabalik sa aming kabukiran.", si Ranako ang mandirigma na nagmula sa lahi ng taga bukid. "Sa makalawa na ang ating pagbabalik sa kaharian", si Kidlat ang mandirigma na mula sa Lawis "Kung gusto niyong magtagal sa lugar na ito, gawin niyo ang gusto niyo pero kami ay babalik na sa aming kaharian", si Bughaw na mula sa lahing taga Ilog "Mga Ginoo patawad po kung sasabat ako sa inyong pinag- uusapan, gusto ko lang po magtanong ng ilang katanungan.", si Rowel "Ano ang iyong nais, bubuwit?", si Aligato ang mandirigma mula sa kanluran " Ang kaharian po ba na pinag-uusapan niyo ay may mga magic?", tanong ni Rowel pinigilan naman ni Jessy na maging maligalig ang nakababatang kapatid "Ate gusto ko lang malaman", pahayag ni Rowel na nakayoko na ito ngayon "Anong ibig mong sabihin maliit na talipandas ", si Mareko mandirigma na mula sa silangan ang nagtatanong "Ang iyong winiwika ang lubos naming ikinawalang kaalaman", si Arego na mula sa Hilaga "Ipaunawa mo sa mga naririto ang iyong nais tumbukin sa iyong pananalita", si Makisig na mula sa lahi ng mga higante "Ang gustong sabihin ng aking kapatid kung merun bang mga kapangyarihan ang mga nakatira sa inyong kaharian",si Jessy ang nakakatandang kapatid na dalaga ni Rowel. "Ipagpaumanhin mo binibini, ang iyong winiwika ay taliwas sa aming lingguwahi ", si Kidlat ang mandirigma na mula sa Lawis. "Huwag ka nang magliligalig aking kapatid, sadyang hindi nila mauunawaan ang iyong mga sinasabi.", bulong ng ate sa kapatid "Siyang tunay ga ,ate ", sang-ayon ng kapatid sa nakakatanda. Sa Pamamahay ng magkapatid na Jessy at Ruwel. Nagtatalo ang mag-asawa dahil hindi kasama ng asawang lalaki ang dalawang anak "Ano ka ba naman ,Dencio bakit mo pinabayaan sa gubat ang mga bata!", hinagpis ng ina na nalulungkot at nag-alala para sa mga anak "Patawarin mo ako , Selya.. hinahanap ko sa kagubatan at nakarating ako kung saan pero lubhang mapinsala ang mag- ikot sa kagubatan sa ganitong oras ng gabi", pahayag ng asawang lalaki sa asawang babae. "Pero Dencio paano ang mga anak natin, huhuhuhu ", tangis ng ina na labis na nangungulila "Nag-alala rin ako , Selya.. pero ipanalangin natin na nasa mabuting kalagayan sila sa mga oras na ito ", pahayag nito sa kabiyak "Dencio ,hindi ako mapakali kung naririto lang ako sa ating pamamahay, ako'y pupunta sa gubat at hanapin ko ang ating mga anak", seryosong sabi ni Selya "Pero Selya, mapanganib ang gubat sa oras na ito na gabi na," paliwanag ng asawang lalaki "Pareho lang ba tayong nakatunganga dito, maghintay ng balita na wala na ang ating mga anak..sinasabi ko sa iyo Dencio ikakamatay ko kung may masamang mangyari sa kanila, ikamamatay ko!", sigaw ng hinagpis ni Selya "Kung gusto mo magtungo sa gubat, sasamahan kita, sandali lang gagawa ako ng maraming sulu (sulu isang tangkay ng niyog na tinatalian upang maging ilaw na sinisindihan sa dulo). Ilang minuto lang ay nakagawa na nga se Dencio ng sulu apat ang kanyang ginawa upang may pamalit kapag ito ay nauutas na. Hinanda niya rin ang kanyang mahabang balangaw at binigay niya sa asawa ang isang matalim na gulok na kaha at itinatali ito sa baywang. Pagkatapos nilang maghanda ay naglalakad na sila papunta sa gubat, may kalayuan ito mula sa kanilang tintirhan. SA GUBAT Pinakawalan din ang mga bihag, at nagsama sama silang lahat na kumain. "Ate, mukhang mababait naman sila", ang pahayag ni Ruwel habang kumain ng nilagang kamote "Huwag magtiwala kaagad sa kanila, Ruwel..dahil estranghero sila sa atin", sagot ni Jessy na sumubo rin ng kamote "Binibini, Anya ti nagan mo?", si Ranako ba nagnumula sa lahing taga bukid. "Pasensya na po hindi ko po nauunawaan ang sinasabi mo", magalang na sabi ni Jessy "Ano ang nais mo na itawag namin sa iyo?", si Tarako na ngayon ay naging mahinahon na "Nauunawaan ko na po, ang pangalan ko po ay Jessy labing walong taong gulang at itong aking kapatid naman ay si Rowel labing apat na taong gulang na. "Ikaw ay sadyang nakakabighani binibini, ako naman si Ranako binata mula ako sa angkan na taga bukid", ang pakilala ni Ranako sa kanyang sarili sa kay Jessy "Kaibigan kong Ranako ikaw ba ay umiibig sa binibining ito?", si Mareko na mula sa silangan nagwika sa kasamahang mandirigma na ang tinutukoy ay si Jessy "Ang paghanga ay simbolo nang pagiging isang normal na tao ", ang wika ni Ranako sa katanungan ni Mareko "Ikaw binibini iyo bang napupusuan ang aming kaibigan na mandirigma. Isang prensipe si Ranako sa kanilang lahi ang isa sa pinaka mahusay sa pakikipaglaban.", si Amores mula sa lahing taga Nayon "Sa pisikal na kaanyuan, siya ay matangkad, matino sa pangangatawan at higit sa lahat may angking kagawapuhan", ang dugtong ni Kidlat na mula sa lahing taga Lawis "Crush mo ba siya ,ate?", bulong na tanong ni Ruwel pasimpleng tinitignan naman ni Jessy si Ranako na napayoko siya kaagad dahil sa nakatitig ito sa kanya. Samantalang nakarating na sa gubat ang mga magulang nina Ruwel at Jessy. "Mga anak ,Ruwel at Jessy nasaan kayo mga anak ko?", sigaw ng ina nina Ruwel at Jessy Dahil sa lawak ng kagubatan ang boses nito ay bumabalandra sa kabundukan. Nabubulabog ang mga ibon na namamahinga na sa mga oras na iyon. Patuloy sila sa paglalakad at narating na nila ang pusod ng kagubatan kung saan palaki ng palaki ang mga punong kahoy. At ang kanilang nilalakaran ay may maraming linta na tumatalbog na lang mula sa kanilang katawan dahil sa busog na ang mga ito sa kanilang dugo. Hindi alintana ng mag-asawa ang mga parasites na kumakapit sa mga balat nila. Ang mahalaga ay mahanap nila ang magkapatid. "Malapit ba tayo ,Selya kung saan ko sila iniiwan", ang bulong ng asawang lalaki Sa paglalakad nila sa dako pa ng kaloob looban ng gubat nasalubong nila ang isang dambuhalang sawa na nakalingkis sa isang malaking puno na hindi nila malaman ang gagawin. Sa takot ng dalawa ay dali dali silang kumaripas ng takbo na hindi nila alam kung saan sila dinala ng kanilang mga paa. Nagpasalamat naman sila sa panginoon na nakalayo sila sa dambuhalang sawa. Hingal na hingal ang mag-asawa dahil sa malayo layo rin ang kanilang itinakbo. Nagpahinga sila sandali nang may matanaw sila sa malayo isang liwanag na nasa mataas na bahagi ito ng kagubatan. Tinumbok ng mag-asawa nagbabaka-sakali naroron ang kanilang mga anak. "Sana Dencio naririyan ang ating mga anak sa bahaging iyan ng kagubatan", ang pahayag ni Selya sa asawa Samatalang sa grupo ng mandirigma kasama ang magkapatid na Ruwel at Jessy. Kasalukuyan ginanap ang seremonya ng pag- iisang dibdib ng Jessy at Ranako dahil silang dalawa ay nagpupusuan. Bilang dowry naglabas si Ranako ng iilang malalaking tipak ng ginto na nahukay niya sa kagubatan kung saan sila nanirahan mga kasamahan. Sa mundo ni Ranako at mga kasamahan na mandirigma walang kuwenta ang bulawan. Tinanggap ni Ruwel ang dowry na ikinalaki ng kanyang mga mata sa dami ng mga ginto na ipinagkaloob ni Ranako sa kanyang ate. Sigurado niyang yayaman na sila sa ginto na ito ang kanyang nasa isip. "Ngayon kayong dalawa Jessy at Ranako ay ganap nang mag-asawa sa mata ng makapangyarihang Bathala at saksi ang kagubatan ito , mga anito ng lugar at kami na iyong mga kasamahan na mandirigma. Humayo kayo at magpakarami ..Tapos na ang kasal maaari munang hagkan ang iyong kabiyak Ranako", si Alegro ang gumanap sa pag-iisang dibdib nina Ranako at Jessy. Dahil tapos na ang naganap na pag- iisang dibdib, pinatay na ang lamparawan at nagpanhikan na ang bawat isa sa mga kubol. Si Rowel kay Amores na makipisan at si Jessy ay sa kanyang kabiyak na makipisan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD