Kapitulo Siete

1234 Words
Chapter 07 Gising kayo mga kaibigan, dumating na ang takdang oras ng ating pagbabalik sa kanya kanyang kaharian, ang wika ni Agore na nagmumula sa hilaga Nagsipaglabasan naman ang pitong mga mandirigma kasama si Ruwel pero ang mag- asawa na si Ranako at Jessy ay nasa kasarapan pa ng kanilang pulot gata "Inaro huwag mo silang pansin mga istorbo lang sila sa atin.", ang wika ni Ranako "Pero mahal kong kabiyak, kanina pa natin ginagawa ito. Ako man ay napapagod na, kung maari lamang tayo na ay magbihis at lumabas sa ating kubol.", ang nahihiya pahayag ni Jessy sa kabiyak na si Ranako "Masusunod aking asawa, ang wika ni Ranako Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na rin sila at naroroon na ang lahat at nakita na nila ang lagusan na dating wala ito. "Tayo na mga kasama, nandito na ang ating hinihintay na makabalik na tayo sa ating kaharian ", ang wika ni Mareko At naglalakad na nga isa isa ang mandirigma papalapit sa lagusan . "Ate, papasok ba tayo sa umikot na kulay purple na ' yan?", ang tanong ni Ruwel sa kanyang ate na si Jessy "Puwede naman huwag ka nang sumama, kung natatakot ka.", si Jessy na nasa tabi ni Ranako "Hindi ako natatakot, ate..sasama ako.", pagkasabi ay nauna na itong pumasok sa lagusan Sumunod naman ang dalawa si Jessy at Ranako na magkahawak ng kamay. Sa pagpasok nila sa lagusan, Sa isang iglap naglaho ang lagusan dahil silang dalawa ang nahuhuli sa pagpapasok. Samantalang pagod na pagod ang mag- asawang Dencio at Selya sa kakalakad nila sa kagubatan, walang pahinga at malapit na ang maghahating gabi "Dencio, Malayo na ang ating nalalakad pero walang palatandaan na naririto ang mga anak natin",si Selya na hingal na hingal na "Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung hindi ko sila iniwan sana kasama pa natin ang mga bata.", sabay sipa sa lupa na wika ni Dencio at sinisisi ang sarili "Anong gagawin natin ngayon, Dencio?",umiiyak na tanong ni Selya "Patawad Selya, ang laki ng pagkukulang ko dito.. sa mga anak natin..palagi ko naman kasi silang iniiwanan dito pero wala naman nangyari at nakakauwi naman kami sa bahay natin." "Wala nang magagawa pa ang paghingi mo ng tawad, Dencio.. nawawala na ang mga bata. Ang kailangan natin ngayon ay magtutulungan sa paghahanap sa kanila ni Ruwel at Jessy." "Pe- pero Selya wa... "Wala nang pero pero, Dencio gaya ng nasabi ko nangyari na ang lahat.. kahit magsisisi ka man nang isang libong beses. " wika ni Selya na mapahinto dahil sa mga kubo na nakikita sa hindi kataaaang puno ng malaking puno. "Dencio, tumingala ka nakikita mo ba ang mga kubo na nasa itaas na 'yan?" Inilawan naman ni Dencio ang sinasabi ng asawa at saka tumingala nakita nga niya ang mga kubo. "Oo Selya, maraming kubo ang nakikita ko at ngayon ko lang ito dito napuna." "Hindi kaya nasa loob isa sa mga kubo na 'yan ang mga anak natin?" "Upang malaman , akyatin ko Selya." "Sasama ako sa iyo Dencio. Ayokong maiwan dito sa ibaba, baka may sawa o kaya mabangis na hayop" "Sige mauuna kanang umakyat at susunod ako sa iyo,Selya.. maghinay hinay ka sa pag- akyat baka ika'y mahulog." Nag- umpisa na ngang umakyat si Selya gamit ang baging na ginawang hagdanan. Humawak siyang mabuti sa tali na nasa gilid lang. Pagkatapos sumunod naman si Dencio na walang kahirap hirap itong inaakyat ang baging na hagdan Nasa itaas na ang dalawa, isang hulot ang nakita nila. Pero walang kahit ano ang nasa loob, walang katao tao pero napukaw ang atensyon ni Dencio sa kumikinang na bagay, at nilapitan ito nagulantang siya sa kanyang nakita na isang baol ng ginto ang bumungad sa kanyang paningin. "Selya pumarini ka sa aking gawi..madali!" ang sabi ni Dencio sa pagkarinig sa winiwika ng kabiyak lumapit naman ito kaagad Dumakot ng bulawan si Dencio "Selya tignan mo ito," "Totoong bulawan ba ito, Dencio?", namanghang tanong ni Selya at sabay kuha ng isang piraso na meju malaki ng kaunti sa hinliliit ng daliri. "Sa tingin ko nga Selya, mga totoong ginto ang mga ito," "Ibalik mo na 'yan baka magalit ang may ari niyan.", utos nito sa asawa sabay talikod at pinagtitingnan ang naroon Samantalang nakarating na ang mga mandirigma sa kaharian ng Fairylandrea "Ate, nasan na tayo?", tanong ni Ruwel na nilibot pa ang paningin sa paligid "Ang ganda dito, poro kumikinang na bulawan ang paligid.", namanghang wika ni Jessy "Naririto na ang siyam na mandirigma!", pagbibigay alam ng isang lumilipad na tagahatid balita sa buong kaharian ng Fairylandrea "Mahal na esposa ito ang aming kaharian,sana iyong maibigan ang pagtira sa lugar na ito kasama ako. ",madamdamin winika ni Ranako "Kahit saan mo man ako dalhin at itira mahal na kabiyak, ang puso ko ay lubos na liligaya basta kapiling lamang kita.. pero mas isang bagay lamang na sadyang bumabalisa sa aking kaisipan,bagamat ako ay lubhang nabibighani sa inyong kaharian hindi pa rin ito lubos dahil sa aking mga magulang." salaysay ni Jessy na nakahawak sa kamay ng esposo "Ako man ay napag- isip isip sa mga bagay na iyan aking inaro, ito lamang ang aking ipangangako sa iyo mahal na kabiyak, may mga bulawan kaming iniiwan na sadyang para lang sa iyong mga mahal na magulang na tiyak na ito ay mapakinabangan nila at kahit kailanma'y hindi na sila aasa pa sa gubat na lubhang mapanganib sa kanila.", mahabang wika ni Ranako sa kanyang esposa Sa kagalakan ay walang maibigkas na salita ang labi ni Jessy kundi ang yumakap na lamang sa kabiyak. "Mahal na mandirigmang Ranako.. kayo na lamang po ang hinintay ng haring Oberon." ang winika ng isa sa mga alagad ng palasyo "Mahal na esposa tayo na sa palasyo at naghihintay na ang mahal na Haring Oberon", Magkasabay na naglalakad ang mag- asawa papalapit sa higanteng ibon "Aking esposo, lululan ba tayo sa higanteng ibon na 'yan?", natatakot na tanong ni Jessy "Oo aking inaro, ito lamang ang may kakayahan na magdadala sa atin sa palasyo na nasa tuktok ng burol." Napatago naman si Jessy sa gilid ng kabiyak dahil sa paghangin dala ng pagpagpag ng pakpak ng higanteng ibon na si Maru "Huwag kang matakot aking esposa mabait siya ,siya si Maru ang pinaka matalinong ibon sa buong kaharian ng Fairylandrea.. ika'y magtiwala sa akin bilang iyong kabiyak." Sa narinig mula sa kabiyak lumakas ang kumpiyansa ni Jessy sa sarili At hinawakan ni Jessy ang braso ng kabiyak "Kung ganun tayo nang sumakay sa Maru na ' yan aking mahal na esposo. ", nakangiti wika ni Jessy Samantalang isang linggo na sina Dencio at Selya sa kagubatan sa mismong bahay kubo sa itaas ng punong kahoy. Pero walang ni anino ng mga tao na kanilang inaakala na dadating sa mga kubo. Nawalan na rin sila ngpag- asa na makita pa nila ang dalawang anak si Ruwel at Jessy. Napagpasyahan nila pasukin na rin ang iba pang kubo at kagaya ng una may mga bulawan din silang nakikita dito at pinagsama sama nila ang lahat ng bulawan. Sa araw ng Lunes na iyon silang mag- asawa ay napagpasyang lilisan ang kagubatan..dala ang mga bulawan. Bago sila tuluyang lumayo sa lugar ay nagbigkas muna ang mag- asawa ng isang panalangin para sa anito ng kagubatan at sumampa silang dahil sa bulawan gamitin nila itong pinagkaloob ng anito ng kagubatan na kayamanan sa mabuting paraan. Tutulungan nila ang mga nangangailangan ng kanilang tulong.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD