Kapitulo Dos

911 Words
Chapter 2 Naghahanda na ang lahat ng kalahok ,Pagtunog lang nag batingaw ng gong ang kanilang hinihintay. Isa sa mga kasama sa paligsahan ang anak ng isang tagapangalaga ng palasyo na si Trimiteo. Si Trimiteo ay isang matalino at makisig na taga bantay sa palasyo . "Trimiteo anak ikaw ay mag iingat sa labang ito wag kang magpapalinlang sa iyong mga kasamahan, gamitin mo ang iyong talas na kaisipan. Lahat sila ay iyong katunggali at kung magtitiwala ka sa kanila maaaring gamitin ito sa iyo. Huwag mong ipakita na ikaw ay mahina. ", mahabang paliwanag sa kanya "Hinding hindi yan mangyayari aking mahal na ina ,magtitiwala po kayo sa aking kakayahan sa pagkakataong ito ina, iuuwi ko ang agimat na kelangan ng mahal na haring Oberon ina at magtagumpay ako. Samantalang sa loob ng palasyo ng hari, inutusan ng mahal na hari ang kanyang mga pinagkakatiwalaan mga tauhan upang ihanda ang lahat na kailangan sa paligsahan. Ganap na pagsikat ng haring araw mag uumpisa ang paligsahan. ilang sandali na lang at patutunugin na ang batingaw . Sa silid ng mahal na Haring Oberon at mahal na Reyna Taneisha "Mahal kong hari hindi ba lubhang dilikado ang paligsahang ito para sa mga kalahok?" "Huwag kang mabahala tungkol dito aking reyna, ang mga kalahok ay piling pili ang mga ito ,dumaan sila sa isang pagsubok, kaya nakaka-sigurado akong hindi sila mapapa-hamak.", "Pero lahat ng paligsahan ay may mananalo ay mayroon ding natatalo, aking mahal na reyna. "Nagtitiwala ako sa iyo aking mahal na hari ", "Punong taga bantay patunugin ngayon din ang Gong!", utos ng mahal na haring Oberon "Masusunod aking mahal na haring Oberon ", yumukod ito kasabay ng pagtalikod at dali- daling pinuntahan ang gong at hinampas ito ng malakas na malakas. Sa bulwagan kung saan ang manlalaro na kasali sa paligsahan, Narinig na nila ang hudyat na mag -uumpisa na ang paligsahan .Kanya kanya na silang umalis at kanya kanya rin silang tinahak na deriksyon, ang iba ay pakanluran bahagi ng kaharian ,may pa-silangang bahagi ng kaharian may pa timog na bagagi ng kaharian at iba naman ay pa-hilagang bahagi ng kaharian at kasama si Trimiteo sa pahilaga. Tatlo silang nagtungo sa hilaga na nababaka-sakaling iyon ang tamang daan patungo sa kambal na bundok. Nakita niyang nagtatalo ang dalawa niyang kasama kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa loob ng kagubatan dala niya ang kanyang kabalyas na naglalaman na isang garapon ng tubig at isang piraso ng salbaro uri ito ng tinapay na niluluto sa pogon na bato na may palaman na minatamis na buko. Hinahanap niya ang kanyang mga kasama pero hindi niya na ito nakita pa kaya nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad.Sa pagpatuloy na paglalakad nakita niya ang isang maliit na kubo sa unahan at lumapit siya dito. Nakita niya na may taong nakahandusay sa lupa sa ibabang bahagi ng kubo, tumakbo siya paparoon sa taong nakahandusay. Agad niyang hinipo ang noo nito at hinawakan ang pala-pulsuhan kung ito pa ba ay may buhay pa. Laking ginhawa ang kanyang nadarama at may pulso pa ito, pero nagtaka siya ano kaya ang nangyari sa matandang ito. Binuhat niya ang matanda at umakyat sa hagdanan ng kubo . Binuksan niya ang pinto ng kubo at pumasok sa loob upang ilapag ang matanda sa papag na kawayan. Hindi niya ito iniwan pinunasan niya ang katawan nito na pono na ng buhangin. Nagpakulo siya ng dahon na kasangkapan sa paggawa ng tsaa upang sa pag gising ng matanda makainom ito ng mainit na tsaa mainam ito sa kalusugan. At hindi nagtagal ito ay nagising na at dali dali siyang nagsalin ng tsaa sa mangkok na yari sa bao ng niyog at ibinigay sa matanda. "Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kalapastanganang ginawa at pumasok sa inyong munting tahanan na walang pahintulot", sabay yukod niya sa matanda "Kung inyo pong pahintulutan, gumawa po ako ng isang klasi ng tsaa na itinuro pa ng aking ina ,maigi po ito sa may sakit na katulad po ninyo ", sabi niya dito "Maraming salamat, Ginoo sa iyong kadalisayang loob sa pagsagip ng aking buhay, malaking utang na loob ko ang buhay ko sa iyo .", salaysay ng matanda "Humiling ka ng iyong nais kapalit sa iyong pagtulong sa matandang wala ng silbi, at aking tutuparin sa abot ng aking makakaya", wika ng matanda "Paumanhin po Ingko pero ang aking pagtulong sa isang katulad po ninyo ay walang kapalit na anumang bagay. Ibinibigay ko po ito nang libre.'' buong paggalang niyang sagot "Kung magkagayon man ang iyong nais tanggapin mo ang aking munting aginaldo sa iyong kabutihan ginawa para sa akin. Itong tatlong batong ito ay makakatulong ito sa iyo sa hinaharap gamitin mo ito sa kabutihan at ikaw ay magtatagumpay laban sa kasamaan, kung may darating na pinsala ilagay ang isang bato sa iyong bibig at bigkasin ang katagang olaha sa makatatlong beses. ", mahabang paliwanag sa kanya ng matanda "Humayo ka at magmadali, gabayan ka ng iyong pananalig" dugtong pa nito "Maraming salamat po Ingko ", at pumanaog na sa hagdanan ng kubo ng matanda na nakaligtaan niyang itanong ang pangalan nito. Nag-alala siyang iwan ang matanda pero kelangan niya nang umalis dahil sa kanyang misyon. Lumingon siya sa kubo upang sulyapan sa huling sandali ang kubo ng matanda pero laking gulat niya na wala ang kubo sa kinatayuan nito ng iwan niya. Pero naisip niya na baka namalikmata lang ang paningin niya at hindi sa dakong iyon ang kubo . Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD