Kapitulo Uno

572 Words
Paalala: Ang estoryang ito ay pawang kathang isip lamang nang isang baguhang manunulat na nais makapagbigay kasiyahan sa mga taong mahilig magbasa at sa mga OFW na walang ibang maka-usap at tanging ang pagbabasa lang ang tanging takbuhan. Kung may pangyayari o mga tauhan na magkatulad sa totoong buhay ito po ay hindi sinasadya. Ang akin pong kababaang loob na paghingi sa inyo ng paumanhin. Sana po ay inyong magustuhan ang aking nilikhang estorya. Maraming salamat po Jamillah Elisa ang inyong abang lingkod. Chapter 01 Tumunog na ang unang batingaw ng gong na nagmumula sa kaharian na nagsisilbing hudyat sa paghahanda ng mga kalahok sa karera. Ang karerang ito ay nilahukan sa mga kwalipikadong manlalaro na hangad makamit ang kanyang unang mahika. Sa larong ito kelangan mo unang makakarating sa kambal na bundok upang kunin ang pinakatagong agimat pero hindi madali ang pagkuha nito kelangan mong kaharapin ang mga bantay na itinalaga ng hari sa bawat istasyon. May limang na istasyon bago mo marating ang nasabing kambal na bundok. Bawat manlalaro kelangan may lakas ng loob, talino, galing sa pakipaglaban at may diskarti. Sa larong itong walang pinipiling kasarian lalaki ka man o babae. Ang unang makakauwing ligtas at dala ang agimat siya ang makakatanggap ng mahika, mahika ng paglipad. Sa ikalawang pagtunog ng batingaw ng gong ang hudyat ng pagsusimula ng laro. May sampong kalalakihan na manlalaro ang kalahok dito upang sumubok na makamit nila at makuha ang kanilang unang mahika. Sa unang istasyon kaharapin ng manlalaro ang mapanlinlang na matandang lalaki na may apat na katauhan kung matukoy ng isang manlalaro ang tunay at orihinal na katauhan ng matanda ay siyang magpapatuloy sa ikalawang istasyon at ang peking katauhan ng matanda ay maglaho na parang bula. Sa ikalawang istasyon kelangan mo dakpin ang mapinsalang baboy ramo na may nakakalasong pangil . at alisin ang mga pangil nito na sobrang nakakapinsala sa lahat ng pananim ng mga taga Fairylandrea. Hindi madali ang paghuli sa baboy ramo na ito, ito ay may napakadulas na katawan at napaka liksi nito kung tumakbo. Ang makahuli ay siyang makakapagpatuloy sa ikatlong istasyon. Sa ikatlong istasyon kelangan kalabanin ng mandirigma ang isang ahas na may tatlong ulo, ang mandirigma na makakapatay nito ang siyang makakatawid sa ika apat na istayon. Ika apat na istasyon kelangan ng isang manlalaro ang makipaglaban sa mag asawang lion gamit ang mga nakatagong sandata na nasa paligid. Kung sino ang makakatalo sa isa sa dalawang lion ay magpatuloy sa ikalimang istasyon. Sa ikalimang istasyon at huling istasyon, kaharapin ng manlalaro ang isang ibong phoenix na nagbabantay sa agimat kelangan niyang iwasan na hindi maiputan ng ibong ito. Ang manlalaro na mapatakan ng ipot ng ibong phoenix ay magiging estatuwa , ang magtagumpay ay siyang mag-uwi ng agimat Nasa bulwagan ngayon ang mga mamamayan ng Fairylandrea upang saksihan ang paligsahan na ginawad ng palasyo na mismo ang hari ang pangunahing pandangal at ang pangulong babaylan ang magbigay ng mahika sa sino mang magwawagi sa paligsahan. Ang manlalaro ay nakapwesto na at naghihintay na lamang nang oras kung saan tutunog ang batingaw ng gong na nagmumula sa palasyo ng hari. Kasama ng mga manlalaro ang kanya kanyang mga pamilya na sumusuporta sa bawat isa . Ang manlalaro na di pinalad sa larong ito ay hindi mamamatay, ito lamang ay maglaho pansamantala at itapon sa mundo ng mga tao. Pero babalik ang mga ito sa kabilugan ng buwan . continue to the next page
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD