Why Not Stay

2944 Words
Chapter 3 “So uhm Pearce, do you still have any questions before we end this?” tanong ko. Tinignan niya muna bawat mukha ng mga prinsipe at prinsesa at huling tinignan ako pero nung dumapo ang mga tingin niya sa akin, binigyan niya lang ako ng seryosong tingin. Alam niyo yung tingin na hindi naman nakakamatay pero makamandag? Binalikan ko na lang siya ng tinging nakakapagtaka. Okay? May ibig sabihin ba yun? May gusto ba siyang sabihin pero ayaw niya lang magsalita? Hinintay ko siyang magsalita baka nga sakaling yun nga ang ibig sabihin ng tingin niya pero lumipas na ang ilang minuto na nagtitigan lang kami, “Okay so I think none,” sabi ko na lang. Naku Yani. Magsimula ka nang masanay sa lalaking ito na hindi sumasagot sa mga tanong mo dahil mukha pa lang, halatang manhid siya. “Thank you everyone for coming. You may now go back to your respective duties.” Isa-isa silang lumabas ng kwarto at nung kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwarto… sa totoo lang hindi niya tinanggal yung seryoso, I mean makamandag niyang titig sa akin habang nagsisialisan ang mga prinsipe at prinsesa. Okay, naweiweirduhan na talaga ako sa kanya. May masama ba siyang binabalak sa akin? Bakit ganyan siya makatingin? Shacks! Kaming dalawa lang pa naman and nandito sa opisina at… OMG! Kaya niya pa lang kontrolin lahat ng elemento tulad ko kaya kung tutuusin wala siyang weakness! I tried to keep my composure para hindi matakot at sinubukang magsalita rin pero, “Belong?” sabi niya bigla. Napatigil ako at nagulat. Muli nagtaka ako sa sinabi niya. “Hah?” tanong ko pabalik. “Dito ako nabibilang?” muli tanong niya pero in tagalog. Lumipas ang ilang minuto bago ako nakasagot dahil talagang nagtataka ako sa tanong niya. “Oo?” sagot ko na patanong sa kanya. Hindi ko maintindihan eh. Bakit yun ang tanong niya? Napabow siya ng ulo at mayamaya rin, inangat niya ang ulo niya at ayan ulit ang seryoso niyang tingin sa akin at nagtanong siya na hindi ko inaakala… “Paano ka nakakasiguro?” Napatahimik talaga ako. Akala ko masasagot ko siya at akala ko may mga salitang nabuo na sa utak ko para sagutin siya pero napatigil din ako hindi lang sa paano niya ito sinabi kundi yung tanong talaga. At dahil ang haba na ng katahimikan sa pagitan namin, sinagot ko na lang siya. “Kasi kaya mong kontrolin ang mga elemento saka lahat pa—“ “Yun lang?” singit niya. Napatigil ako muli. Oh shacks! Parang tama ang kutob ko na mali ang sagot ko. “Uhm… oo?” sagot ko muli na patanong dahil hindi na rin ako sigurado sa mga sinasabi ko. Hindi siya umimik pagkatapos nun sabay tumalikod at lalabas na sana nang pinto nang, “Sandali. Saan ka pupunta?” pagpipigil ko sa kanya. Akala ko babasagin niya na naman ako at tuluyang lalabas pero nasa harap na siya ng pinto nang tumigil din siya. “Pinakilala mo na sila sa akin kaya aalis na ako,” manhid niyang sagot. “Huh? Ah okay so uhm ihahatid na lang kita sa kwarto mo—“ “Aalis ako sa nasyong ito,” singit niya kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko sabay na ring nagulat ng sobra. Ano raw? Aalis sa nasyon? As in aalis dito sa Eullenuum Nation? “Sandali. Hindi mo ata na-gets. Nagpakilala kami sa iyo kasi dito ka na titira at saka ililibot ka namin sa lugar na ito dahil para siyang maze at para hindi ka rin maligaw—“ “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” singit niya na naman. At muli napatigil na naman ako dahil totoo yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko… mas lalo na kung ano ang mga isasagot ko sa tanong niya. Sa lahat ng tao na pinapadala rito, wala pa akong nakaharap na tulad niya. Katatapos pa lang ng introduction namin, naisipan niya nang umalis dito. Pakiramdam ko kahit isang tao lang siya, para akong nasa harap ng maraming tao at napapahiya. “Hindi ko maintindihan,” sabi ko na lang na may halong lito. “Bakit gusto mong umalis?” Hindi siya umimik kaya muli pumagitna lang ang katahimikan sa opisina. Mayamaya may kumatok sa pinto na naging rason para mabasag ang katahimikan. “Ah pasok… I-I mean come in.” Bumukas agad ang pinto at nagpakita si Jethro. Nagulat siya nang bumungad si Pearce sa harap niya kaya napatahimik siya saglit at nagtitigan muna sina ni Pearce bago niya naisipang tignan ako. "Pasensya na sa istorbo kamahalan ngunit bakit pa siya nandito?" tanong niya. “Uhm…” napatingin na lang ako sa likod ni Pearce sabay napayuko dahil pati sa tanong niya, hindi ko na alam ang sasabihin ko. He paused at his place bago tuluyang sinara ang pinto at nilapitan ako. Bumalik ako sa katotohanan nang tinawag niya ang pangalan ko. Pilit kong ngumiti sa kanya para itago ang lito ko. "Ah ano uhm may uuhh… tinanong lang si Pearce at actually paalis na kami." Tinignan lang ako ni Jethro at agad ding binaling ang tingin sa posisyon ni Pearce na nakatingin sa amin. "Uhm bakit ka ba naparito? May kailangan ka?" tanong ko kay Jethro. Tinitigan niya muna si Pearce bago siya tumingin sa akin at ngumiti. "Wala naman. Nagbibigay lang kasi ng libreng meryenda ngayon si Fuego kaya ito..." sabay may inabot siyang plastik sa akin. "...para sa iyo." Nagulat ako sa sinabi niya at tinignan muna ang pagkain bago ko siya tinignan at nginitian. "Okay lang ako. Hindi mo na dapat ginawa yun." Pero sa kaloob-looban ko, hindi niyo alam kung gaano ako kasaya nang gawin niya lang yun. Nginitian niya ako muli. "Huwag mo nang itanggi kamahalan. Napansin ko minsan na nakakalimutan mo nang kumain dahil sa mga papeles kaya kunin mo na. Saka parang sinayang mo lang ang pagod namin ni Fuego para lang makakain ka." Nagulat ako sa mga sinabi. "Ah pasensya na. Hindi ko sinasadya na—" Bigla niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ko kaya napatigil ako. "Nabibiro lamang ako kamahalan. Palagi ka na lang seryoso," nakangiti niyang sabi. Bahagya akong napatulala sa kanyang mukha bago ako napayuko. Ito ang rason kung bakit hindi ko makalimutan ang mga nararamdaman ko sa kanya. Ang laki nga ng pinagbago niya at kung kailan wala na siyang nararamdaman sa akin, doon pa siya sweet. Aish, pigil-pigil Yani. "Salamat Jethro," sabi ko na lang sabay kuha ng plastic bag. "May kailangan ka pa?" tanong ko, pero hindi niya ako sinagot dahil nakatingin na siya kay Pearce na puno ng kaseryosohan ang mukha. Nagpalitan sila ng tingin at pumagitna ang katahimikan sa pagitan namin. "Uhm Jethro—" "Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa kwarto niya," singit ni Jethro sabay binaling ang tingin sa akin. "Hindi ba marami ka pang gagawin kamahalan?" "Ah hindi na. Kaya ko na ito saka di ba dapat tinutulungan mo na si Callie ngayon?" sabi ko. "Sinabihan ko siya na babalik din ako kaagad at alam ko na sandali lamang ang ihatid siya sa kwarto niya." "Yun na nga. Sandali lang yun kaya—" "Kamahalan..." singit niya muli kaya napatigil ako. "Gawin mo na lang ang trabaho mo. Ako nang bahala sa kanya," at binigyan niya ako ng tapat na ngiti. Napatahimik agad ako pagkatapos niyang gawin yun. Hindi ko alam kung paano niya ba talaga nagagawang patahimikin ako at the same time, pasayahin dahil lang sa mga ngiti niya pero kasabay naman nito ay makakaramdam ako ng lungkot. "Sige. Sabi mo eh," malumanay kong sagot at tinignan siya at sinubukang bigyan siya ng ngiti. Nginitian niya ako muli at nagbow sa harap ko. "Paalam kamahalan at paalala lamang..." binigyan niya na naman ako ng isang tapat na ngiti. "Huwag kang magpapagutom, Prinsesa Yani." Sinubukan kong tapatan ang mga ngiti na binibigay niya. "Opo," sagot ko. Naglakad paalis si Jethro papunta sa pinto. Masaya na ako na nginingitian niya ako palagi at minsan binibiro pero alam ko na wala itong halong pagtingin. Alam ko ginagawa niya lang ito dahil isa siyang magalang at mapagkumbabang tao dahil nawala na ang yelo sa puso niya. Kaya may kasabay na lungkot akong nararamdaman tuwing ginagawa niya yun dahil alam kong ginagawa niya rin ito sa iba at hindi ako espesyal sa mga mata niya.   (Third Person's P.O.V) Nakalabas na ng opisina si Jethro at sumusunod na si Pearce pero tanging si Pearce lamang ang nakakita ng sobrang pighati sa mukha ng kanilang iniwang prinsesa sa loob ng opisina. Pagkalabas niya ng opisina, napatingin agad siya sa prinsipeng kasama niya at binigyan lamang ng seryosong tingin habang binalikan naman siya ng prinsipe ng ngiti. "Halika at igagabay kita papunta sa bago mong kwarto," nakangiting saad ni Jethro sa kanya sabay naglakad. Pinagmasdan muna ni Pearce na maglakad ang prinsipe sabay napatingin sa pintong katabi niya bago siya naglakad at sinundan siya. Naglakad sila sa hallway at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Hindi rin nagtagal nang tumigil si Jethro sa harap ng isang pinto kaya napatigil din si Pearce. Binuksan agad ni Jethro ang pinto sabay tumabi. "Maaari ka nang pumasok," magalang na sabi ni Jethro. Muli, binigyan niya muna ng seryosong tingin si Jethro bago siya pumasok at inikot ang tingin sa buong kwarto na walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. "Kung titignan mo, andito na ang mga pangunahing gamit na alam namin na kailangan mo." Naglakad papunta sa isang pinto si Pearce at binuksan ito. "Huwag kang mag-alala dahil nandyan na rin sa banyo ang mga gamit na kailangan mo tulad ng sabon, shampoo, tuwalya, sipilyo at toothpaste." Naglakad naman siya papunta sa isang malaking closet at binuksan. "Ang mga damit mo naman ay dadalhin ni Edmondo rito mayamaya lamang." Pumasok si Jethro at binuksan ang isang cabinet at may kinuha. "Ito pala ang susi ng kwarto mo," sabay inabot ito kay Pearce pero tinignan niya lang ito. Hindi na umimik si Jethro at muli nginitian siya sabay nilagay niya na lamang sa ibabaw ng cabinet ang susi. "Bago ako umalis, may mga katanungan ka pa ba?" tanong ni Jethro. Iniwasan lang siya ng tingin ni Pearce. "Kung ganung wala, pakihintay na lamang si Edmondo rito para sa damit mo," sabi ni Jethro sabay lakad paalis. Pearce looked around at his new room again… "At huli sa lahat..." bahagyang nagulat si Pearce dahil akala niya tuluyan na siyang umalis. Lumingon si Jethro sa kanya. “Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan at wala kaming masamang balak na gawin sa iyo," ngiti niya at naglakad muli pero... "Kung ganun, narinig mo ang usapan namin kanina?" tanong ni Pearce rason kaya napatigil siya muli. Pumagitna ang katahimikan sa pagitan nila nang hinarap ni Jethro si Pearce. "Hindi ko alam ang iyong mga pinagsasabi pero kung ano man yun, hindi ko sinasabi ito tungkol doon," sagot ni Jethro. "Nakasanayan ko lamang na sabihan ang mga bagong dating dito sa aming nasyon para hindi sila makaramdam ng takot." Jethro smiled at him. "Wala ka namang balak umalis dito, di ba?" Hindi umimik si Pearce at binigyan lang siya ng isang blankong mukha. Tumalikod si Jethro. "Ngunit kung sakali ngang may balak ka, ako na mismo ang magsasabi na ikaw din lang ang mahihirapan," huling sambit ni Jethro at tuluyang lumabas ng kwarto sabay sinara ang pinto. Naiwang nakatayo lang si Pearce sa kanyang lugar sabay napatingin din siya sa bintana ng kwarto niya at linapitan ito. Napatingin siya sa kanyang paligid at tanging mga puno at halaman lang ang nakikita niya. Mayamaya lang, inangat niya ang kanyang tingin sa langit habang iniisip ang mga huling sinabi ng kanyang kausap kanina. Mayamaya lang, may kumatok sa kanyang pinto rason kaya siya napatingin doon ng di oras. Kumatok siya muli bago naisipang buksan ni Pearce ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang babae at nagtaka kahit hindi halata sa mukha niya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya memoriado ang mga pangalan at mukha ng mga nagpakilala sa kanya kanina pero sigurado siya na isang lalaki ang may pangalan na Edmondo. Nagtitigan lang sila sa isa’t isa bago siya nagsalita. “Hindi ko alam kung ang sinabi ba sa iyo ni Yani na si Edmondo ang magdedeliver ng damit mo kaya nagtataka ka kung bakit ako ang bumungad sa pinto mo at kung ganun na nga, napadaan kasi ako kanina sa kanya at pinakiusapan niya muna ako na magdeliver nitong kahon ng damit para sa iyo,” paliwanag ng babae. Binalikan lang siya ng tingin ni Pearce. “Kung maaari pwedeng ikaw na ang magpasok nito at iiwan mo na lang ang cart sa labas dahil kukunin din yan ni Edmondo mayamaya—“ Tumabi si Pearce sa daan. “…o pwede namang ako na lang ang magpasok,” sagot niya sa kanyang sarili. Tinulak niya ang cart at pinasok sa loob ng kwarto. Agad din nilang binaba ang kahon mula sa cart at pinanuod ni Pearce ang babae na buksan ito. “Ah oo nga pala,” sabi ng babae sabay may kinuha na plastic. “Kasama rin ito diyan,” habang inaabot ito kay Pearce. Kinuha niya naman ito at binuksan. “Damit din yan na may kasamang sapatos. Sabi kasi ni Edmondo na isuot mo yan bukas dahil makikikain ka sa amin ng almusal. May pupunta na maid dito para sunduin ka,” sabi ng babae. Tinignan lang ni Pearce ang damit at sapatos na nasa loob ng plastic at hindi siya pinansin. “Yun lang naman. So aalis na ako,” paalam niya sabay talikod nang… “Paano pag ayoko?” tanong bigla ni Pearce na kinatigil ng babae sabay napalingon sa kanya. “Ano yun?” “Paano pag ayoko?” muli niyang tanong. “Ayaw mong umalis ako rito?” nagtatakang tanong ng babae. “Paano pag ayokong isuot ito bukas?” habang tinuturo ang damit. “Ah,” nalinawagan na sabi ng babae. “Uhm hindi ko alam kasi yun lang naman ang bilin sa akin pero sa tingin ko, okay lang naman. Basta may damit ka bukas papunta sa kainan, yun naman ang importante,” sagot niya. Hindi umimik si Pearce. “Uhm wala ka nang tanong?” “Paano umalis dito?” Nagtaka ang babae sa tanong ni Pearce. “Umalis dito sa?” “Dito sa nasyon.” Bahagyang nagulat ang babae. “Bakit?” Iniwasan lang siya ng tingin ni Pearce. “Kararating mo lang tapos gusto mo nang umalis?” dagdag na tanong ng babae. Hindi umimik si Pearce at tumingin lang sa bintana kaya napatingin din ang babae. “Teka, dahil bas a may naiwan kang pamilya sa lugar mo—” “Wala akong pamilya,” singit ni Pearce na kinatigil niya. “Oh uuhh sorry,” she pasued. “So uhm bakit gusto mong umalis?” Iniwasan lang ng tingin ni Pearce ang kausap. “May nangyari ba?” dagdag niya. Namagitan lamang ang katahimikan sa pagitan nila at nabasag lang ito nang napabuntong hininga ang babae. “Well kung may nangyari man o wala, hindi kita masasagot dahil kahit matagal na ako rito, hindi ko pa nasubukang umalis dito.” Tinignan lang siya ni Pearce habang nakikinig. “May ilan na nakakaalam tulad nila Zoltar at Aes kaya kung gusto mo ng sagot, sila na lang tanungin mo,” dagdag niyang sagot. Sa una, nagtaka si Pearce dahil parang wala lang sa kausap niya na sinasagot ang mga tanong niya hindi tulad ng iba. “Ikaw, wala ka bang balak umalis?” tanong ni Pearce. Napatingin sa kanya ang babae ng di oras at muli napabuntong hininga. “Isa akong prinsesa kaya bakit ako aalis…” Magsasalita na sana si Pearce nang… “…pero hindi lang naman yun ang rason,” dagdag niya muli. “Sa totoo lang gusto ko rin umalis dito simula nang kinuha nila ako dahil akala ko may masasama silang balak pero maganda pala ang intensyon nila. Masaya nila akong tinanggap at unti-unti ko ring naramdaman na dito ako nabibilang kundi dahil talaga sa kanya…” Napatigil saglit ang babae at nakita ni Pearce ang pamumula niya pero agad niya namang iniling ang kanyang ulo. “A-anyways ang punto ko lang naman…” saad niya. “Hindi ako nagdradrama sa harapan mo para kumbinsehin ka na manatili dito o sinasabing dito ka nabibilang. Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan dahil naintindihan kita pero siguro ito na lang masasabi ko…” nginitian siya ng babae. “May rason kung bakit ka nandito ngayon.” Hindi halata ang gulat sa mukha ni Pearce at muli iniwasan siya ng tingin. “Hindi coincidence na ikaw ang nakuha ngayon para dalhin dito. Maraming iba diyan na pwede nilang kunin, bakit ikaw pa?” Pagkatapos niyang magsalita, walang umimik sabay tumalikod ang babae. “Kung wala ka nang tanong—“ “Pangalan,” singit ni Pearce kaya muli napatigil ang babae. Lumingon siya kay Pearce na nakatingin sa kanya na nagtataka. “Hindi ba sinabi ko na kanina sa introduction?” Napatingin lang sa ibang direksyon si Pearce. Napabuntong hininga muli ang babae at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.   “Elesa. Just call me Elesa,” sabi niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Tinignan lang muli ni Pearce ang pinto at binaling ang tingin sa damit na nakalabas sa plastic pati na rin sa labas ng kanyang bintana habang nag-iisip. Paano kung manatili muna ako rito ng ilang linggo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD