Chapter 4
Kinabukasan, maagang nagising si Pearce at bumangon. Pumunta siya agad sa banyo para maligo at magpalit. Hindi na siya nagdalawang isip na suotin ang binigay sa kanya na nakabalot sa plastic. Pagkatapos niyang mag-ayos, umupo muna siya sa kanyang kama para maghintay at hindi rin nagtagal nang may kumatok sa kanyang pinto kaya niya ito binuksan. Bumungad sa kanya ang isang babae na nakadamit na pang maid.
“Sir, are you ready to go?” tanong niya.
Tumango si Pearce as a reply.
“This way sir. I will lead you to the dining room so you can have your breakfast.”
Lumabas agad ng kwarto si Pearce at nilock ito bago sinundan ang maid.
Pagkarating nila sa harap ng isang malaking pinto,
“O kararating mo rin pala,” bungad ng isang boses.
Agad napalingon ang maid at si Pearce sa nagsalita.
“Princess Elesa!” gulat na saad ng maid at agad nagbow sa harap niya. “Good morning, your highness.”
“Yes good morning to you too,” bati pabalik ni Elesa. “Thank you for escorting him. You may now go back to your work.”
The maid bowed again before she leaved. Pinanuod ni Pearce na lumapit si Elesa sa pinto at binuksan ito. Pagkabukas, lahat ng mata ay napatingin sa kanilang dalawa.
“Good morning. Are we late?” bati ni Elesa that broke the ice between them.
“Good morning too Elesa. You two are perfectly on time,” sagot pabalik ni Yani na nakangiti. “Please take your seats so we can start.”
Elesa went to her seat habang inikot muna ni Pearce ang kanyang tingin sa kanyang paligid at sa bawat prinsesa at prinsipe na nag-uusap.
“Uhm Pearce, you can sit on that vacant chair,” sabi ni Yani habang tinuturo ito. It took a while bago niya naisipang umupo.
Mayamaya, lumabas ang isang babae na kulay kape ang buhok na may dalang dalawang tray at nilapag sa harap ni Pearce at Elesa.
“Good morning to you two. Please enjoy your food,” masaya nitong bati.
Binalikan naman ni Pearce ng tinging pagtataka ang babae.
“What’s wrong? Is there something wrong with your food sir?” tanong ng babae.
Hindi pinansin ni Pearce ang tanong at tumingin muli sa mga prinsesa na nakaupo.
“Oh right. If you’re wondering that she’s serving you even though she’s a princess, the reason is simply because she wants to,” sabi naman ni Yani.
Binalikan lang ng tingin ni Pearce si Yani at kinuha na lang ang kanyang kutsara’t tinidor.
“Oh right. Hehe,” Donna chuckled and went back in the kitchen at bumalik din sa mesa para kumain.
The breakfast went smoothly and everyone is just focusing on the food they are eating. Not one talked until the ice broke when Yani spoke.
“By the way Pearce, after eating you can go back to your room and after that I will tour you around this place.”
Hindi siya pinansin ni Pearce at tumuloy lang sa pagkain.
“Yup. I think that’s a yes,” Yani whispered to herself.
Again, silence was in the room and it broke again and this time because Elesa suddenly stood up from her seat.
“Sorry to be rude but I need to go,” Elesa politely said at lahat ay nakatingin sa kanya.
Napabuntong hininga naman si Yani. “Another emergency?” tanong niya.
“I have to meet someone. I’m finished with my food anyways,” sagot naman ni Elesa.
Yani just gave her a smile. “Okay. Have a nice day.”
Elesa gave back a smile and went out of the dining room. Nagpatuloy silang kumain at mayamaya naman biglang tumayo si Pearce and went to the door.
“Wait Pearce. Where are you going? Your food, are you—” tanong ni Yani na pagkabigla.
Wumpth. He went out of the room.
“…done?” pagtatapos ni Yani leaving her surprised. Muli naglabas na lang siya ng buntong hininga.
“Wow. That was rude of him. I shouldn’t be surprised,” sabi ni Fuego.
“Maybe he got the wrong idea that once we are done eating, we can go,” sabi naman ni Feesy.
“Yeah. He eats fast,” sabi naman ni Zoltar while looking at Pearce’s plate.
“Maybe he has something to do,” sabi naman ni Femme.
“Uhm I think let’s just ignore that and continue eating,” sabi naman ni Yani kaya napakain na lang sila.
Nakakailang buntong hininga na si Yani at ngayon, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at ating sabihin na lang na dahil katabi niya si Jethro, siya lang ang nakapansin nito.
Pagkalabas ni Pearce ng dining room, naglakad siya pabalik sa kanyang kwarto.
Tama nga ang sinabi nila na akala lang talaga ni Pearce ay pagtapos ka nang kumain, maaari ka nang umalis ng dining room at ang gusto niya lang naman ay makabalik sa kanyang kwarto at mapag-isa pero minaliit niya ata ang sinabi ni Yani na totoong isang maze ang lugar dahil ilang beses na siyang paikot-ikot, hindi niya pa rin makita ang kanyang kwarto.
Sa kakaikot, napadaan siya sa isang bintana at may nahagilap na dalawang tao sa labas na nag-uusap. Alam naman natin na isa siyang tipo na hindi nakikialam most of the time sa kanyang paligid pero napatigil din siya at bumalik muli para tignan ang nakita sa labas.
Alam niyang pamilyar siya sa isang taong nakita niya sa labas at kung hindi nga siya nagkakamali, ang isa na yun ay ang prinsesa ng kuryente, si Elesa at alam niya rin na dalawang tao ang nakita niya kanina pero pagkabalik niya, mag-isa na lamang siya. Siguro namamalik mata siya.
Humarap si Elesa pabalik sa building at akmang maglalakad na sa loob pero napatigil din siya at tumingin muna sa bintana pero… wala siyang nakitang tao. Naglakad na lang siya papasok at nagulat nang makita si Pearce na nakasandal sa tapat ng pinto.
“A-anong ginagawa mo diyan?” bungad na tanong ni Elesa pero hindi siya pinansin ni Pearce.
"Hi-hindi ba dapat kasama mo si Yani ngayon at nagsisimula na sa tour?" nauutal na tanong ni Elesa.
Muli, hindi siya pinansin at iniwasan lang siya ng tingin ni Pearce pero halata sa mukha ni Elesa ang kaba. Nagdaan ang katahimikan sa pagitan nila not until naglakad na lang paalis si Elesa. Pinanuod naman siya ni Pearce at naisipang sundan siya. Walang nagsalita ni isa sa kanila at kahit daan pabalik sa kanyang cabin si Elesa, sinundan pa rin siya ni Pearce.
Bigla na lang siyang tumigil kaya napatigil din si Pearce.
“Bakit mo ako sinusundan?” tanong ni Elesa nang hindi siya hinaharap.
Hindi umimik si Pearce.
“May nakita ka ba kanina?”
Sa tanong na yun nagtaka si Pearce. Hindi pa rin siya umimik dahil hindi niya alam ang ibig niyang sabihin. Humarap si Elesa sa kanya.
"Bakit hindi ka makasagot—"
Hindi siya pinansin ni Pearce at nilampasan lamang siya na kinagulat ni Elesa and clicked her teeth.
"Ah ganun pala. So may nakita ka nga?” seryosong tanong ni Elesa.
Napatigil din si Pearce at namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Napaharap siya sa likod ni Pearce.
"Sagutin mo ako—"
"May kailangan ba akong makita?" manhid niyang tanong pabalik na ikinatigil ni Elesa.
Namagitan na naman ang katahimikan at pinagpatuloy na lang ni Pearce ang paglalakad. Sa gulat at pagtataka, sinundan ni Elesa si Pearce.
"Sa-saan ang punta mo?" tanong ni Elesa habang papalapit kay Pearce at ganun pa rin ang sagot ni Pearce, hindi mamamansin.
"Sandali—"
"Pearce?" bungad ng isang boses kaya agad silang napatingin sa nagsalita.
Tumakbo papalapit si Yani kay Pearce.
"Andito ka lang pala. Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo at baka tinuloy mo nga ang pagtakas. Saan ka ba nagpunta?" nag-aalalang tanong ni Yani.
Pearce just gave her a blank stare.
"Naligaw siya," sagot ni Elesa kaya napatingin si Yani sa kanya na nasa likod lang ni Pearce. "At napadaan siya sa akin."
“Ah ganun ba,” at binalik din ang tingin kay Pearce. “Sinabi ko na kasi sa iyo na madali kang maligaw dito kaya halika na. Magsimula na tayo sa tour,” sabi ni Yani at nagsimulang maglakad pero napansin na hindi sumusunod si Pearce.
Kinuha na lang ni Yani ang kanyang wrist at hinatak.
“Please huwag ka nang magmatigas. I-to-tour lang kita at wala akong masamang balak gawin,” pagkairitang sabi ni Yani habang hila-hila siya.
Nagpahila na lang si Pearce habang naiwan naman si Elesa sa kanyang lugar at pinapanuod silang umalis.
…
Nagsimula sila sa kwarto kung saan pinakita ni Yani ang hologram ng buong nasyon. Nanunuod lang si Pearce sa kanyang mga nakikita at nakikinig na rin. Sinigurado ni Yani na ipakita ang mga lugar na maaaring puntahan ni Pearce at ang daan nito pabalik sa kanyang kwarto.
Ipinakita niya ang bawat cabin na nakaconnect sa Main Cabin at ipinaliwanag din kung bakit mayroong Main Cabin. Dahil sa nakokontrol ni Pearce lahat ng elemento, itotour siya sa lahat ng cabin. Hindi man halata sa mukha ni Pearce pero pinakinggan niya ang bawat detalye na sinabi ni Yani at naenganyo sa mga ito.
Pagkatapos ng simpleng introduction ng lugar, lumabas din sila sa kwarto at nilibot ang ilang lugar para kahit papaano maging pamilyar si Pearce. Ipinakita ni Yani ang ilang importanteng lugar na maaaring puntahan ni Pearce.
“At huli sa lahat, gusto kong ipakita ito sa iyo,” sabi ni Yani habang tinuturo ang isang malaking pinto sabay binuksan ito.
“Dito sa loob natin makikita ang 16 na kwarto kung saan bawat isa ay espesyal na kwarto para sa isang prinsipe at prinsesa.”
Tinignan niya ang bisita na nakatingin lang sa taas ng pinto.
“Gusto mo bang pumasok para malaman mo kung kaninong pinto ang kanino?”
Kita naman ang reaksyon sa mukha ng bisita at agad naman siyang tumalikod at naglakad paalis.
“Okay. Sabi ko nga hindi. Hindi naman importante ito sa iyo di ba?” full of sarcasm na saad ni Yani pero hindi siya pinansin muli ng kausap.
“At oo nga pala kung curious ka…” sabay naglakad palapit kay Pearce. “…alam ko namang hindi…” mahina niyang bulong sa kanyang sarili. “…pinakita ko sa iyo ang mga kwarto na yun dahil most of the time doon nakatambay ang mga prinsipe at prinsesa para lang magpalipas ng oras at magrelax. Past time kung baga,” paliwanag niya habang nauunang maglakad ang kanyang kasama.
Alam naman ni Yani na hindi na magsasalita ang kanyang kausap kaya naglabas siya muli ng buntong hininga. Namagitan lamang ang katahimikan sa pagitan nila. So far nasasanay na siya sa pagiging manhid ng kanyang kasama pero napatingin din siya sa likod ng kanyang bisita na puno ng pag-aalala.
May gusto siyang tanungin pero mukhang hindi ito lumalabas sa kanyang bibig dahil kahit ilang araw pa lang silang nag-uusap, iniisip niya na baka hindi niya na naman masasagot ang mga tanong niya pabalik.
Hindi rin nagtagal nang tumigil maglakad si Yani and broke the ice between them.
“Doon na pala nagtatapos ang ating tour,” sabi ni Yani na ikinatigil ni Pearce at hinarap din si Yani. “So uhm may tanong ka pa ba? Alam mo na bang bumalik sa kwarto mo?”
Pearce just coldly looked at her at agad ding tumalikod at naglakad paalis. Pinanuod na lamang siya ni Yani hanggang sa nawala siya sa kanyang tingin. Umikot naman si Yani at nagsimulang maglakad pabalik sa kanyang opisina habang nakaukit pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Alam niya sa sarili niya ang pagkairita sa bagong bisita dahil sa manhid nitong pakikitungo pero hindi niya magawang magalit sa kanya dahil minsan niya na itong naranasan. Alam niyang may rason kung bakit pero natatakot siyang magtanong dahil ayaw niyang muling makialam. Minsan na siyang nagsisi noon at ayaw niyang maulit ito muli…
Napatigil siya sa kanyang lugar.
…pero kahit ilang ulit niya itong sabihin sa kanyang sarili, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at awa para sa kanya. Sadya bang marunong talaga siyang makiramdam sa mga manhid?
Agad umikot pabalik si Yani at tumakbo papunta sa kwarto niya at pagkarating niya roon, kakatok na sana siya nang…
“Are you the one who ate it?!” sigaw ng isang boses.
Napatigil si Yani at napatingin kung saan ito nanggaling.
Alam niya kung kaninong boses galing iyon pagkarinig niya yun pero may kutob siya na may mali kaya agad niyang pinuntahan kung saan ito nanggaling at napasilip para malaman kung bakit.
Nagulat siya agad nang malaman kung sino ang sinisigawan niya.
“Why did you ate that?!”
Hindi nakakibo si Yani dahil sa lahat ng pwedeng masigawan ni Fuego at ang kumain ng pagkain niya… bakit ang bagong bisita pa?
“Do you know what you just ate?!” pasigaw na tanong ni Fuego kay Pearce.
Alam ni Yani ang gagawin ng kausap ni Fuego kaya agad siyang pumagitna sa kanilang dalawa.
“Fuego, I think he didn’t mean to eat it because it’s out in the open and he thought—“
“I was trying to cool it down and called Callie to come as a surprise!” sigaw naman ni Fuego.
Tuloy, si Yani na ang nasigawan.
“Why do everyone always eat the food that I always left on the table to cool off?!”
Malamang dahil sa mabango ang amoy tapos walang bumabantay.
“Uhm isn’t it great because they like your food even if they just smelled the aroma of it,” palusot ni Yani.
Napahinto si Fuego pero bakas pa rin ang inis sa kanyang mukha. “You may have a point.”
Yani sighed a relief dahil kahit papaano kumalma si Fuego.
“Still, that food he ate is for Callie—“
“Fuego,” tawag ng isang boses na galing sa likod ni Fuego kaya napatingin silang dalawa sa nagsalita. “Why are you shouting at Yani?” malamig na tanong ni Callie.
“Ca-callie,” gulat na saad ni Fuego. “I-I… I wasn’t shouting at her. It was just… uhm...” kinakabahang saad ni Fuego habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
“Why did you call me here?” tanong na lang ni Callie.
“Well uhm I… uhm made you a pastry for a snack and uhm…” sabay tingin kay Yani habang kinakamot ang kanyang ulo sa kaba.
Napabuntong hininga na lamang si Callie.
“Then you’re here to show me how to make that pastry?”
Sabay na nagulat si Yani at Fuego sa sinabi ni Callie at napatingin sa isa’t isa.
“Well if that’s the case, after you teach me how to make it..." Callie smiled at him. "...let’s eat it together.”
Napatahimik si Fuego at parang bula na nawala ang kanyang galit dahil may nakaukit na ngiti sa kanyang labi.
“Yeah, that’s right. I’m here to teach you how to make it and we’re going to eat it together. Well then, excuse me ladies because I need to prepare the ingredients,” masayang saad ni Fuego at tumakbo agad pabalik sa kusina.
Nang tuluyang nawala si Fuego agad namang nagbow si Callie sa harap ni Yani na ikinagulat niya.
“Ako na ang humihingi ng pasensya sa iyo Yani sa ginawa ni Fuego,” paghihingi ng patawad ni Callie.
“Ah hindi okay lang. Ang totoo niyan hindi talaga ako ang sinisigawan niya.”
Napatayo agad ng matuwid si Callie.
“Paano mo nasabi yan eh ikaw lang ang nandito?” nagtatakang saad ni Callie.
Bahagyang nagulat si Yani sabay napalingon sa kanyang likod at tuluyang nagulat.
“Hala! Asaan na siya?!” nagpapanic na sabi ni Yani sabay takbo paalis pero agad din siyang napatigil at hinarap si Callie. “Ah una na pala ako. Enjoy na lang kayo ni Fuego,” at muli tumakbo siya paalis.
Lumabas agad si Yani at inikot ang kanyang tingin dahil kung tama siya ng hinala, sinubukan niyang…
Rustle. Rustle.
Napalingon si Yani kung saan nanggaling ang tunog ng mga gumagalaw na dahon at may nahagilap na anino na kahugis niya. Agad siyang napatakbo kung saan niya ito nakita at sinundan ang anino.
Napadala siya sa isang dead end dahil wala nang ibang daan kundi isang bangin na lang ang bumungad sa kanya. Inikot niya ang kanyang tingin sa paligid pero ni anino wala na siyang makita kaya napalapit siya sa bangin at titingin na sana sa baba nang,
“Susubukan mo bang tumalon?”
Napatigil siya sabay napalingon at hinanap kung saan nanggaling ang boses dahil kung hindi siya nagkakamali, alam niyang boses iyon ng kanyang hinahanap pero wala siyang nakita.
“Sino bang hinahanap mo?”
Napaangat agad siya ng ulo dahil duon nanggaling ang boses. Nakita niya ang kanyang hinahanap who is sitting on his knees with his feet on a branch of a tree and with his arms stretched out on his knees.
Napatitig lang sila sa isa’t isa ng mga ilang minuto at nabasag lang ito when Yani sighed in relief.
“Andyan ka lang pala,” saad ni Yani at binigyan siya ng ngiti. Binalikan lang siya ng tingin ni Pearce. “Akala ko kasi uhm… ano kasi…”
“Akala mo tumakas ako?” pagtatapos ni Pearce sa sinasabi ni Yani.
Napatigil saglit si Yani sabay tumingin kay Pearce. “Oo ganun na nga.”
Napatingin na lang sa langit si Pearce.
“Hindi ba pagnakapasok ka na rito, mahirap nang umalis?” tanong ni Pearce.
Bahagyang nagulat si Yani. “Sinong nagsabi?”
“Sila,” simple niyang sagot.
“Sinong sila?”
Hindi sumagot si Pearce at binaling muli ang tingin sa kanya.
“Ah okay. Oo na lang. Tama ‘sila’,” sarcastic na sabi ni Yani pero agad ding sumeryoso ang kanyang mukha. “Kahit ako na prinsesa ng nasyong ito hindi ko kabisado.”
Napatingin na lang ng diretso si Pearce at lumapit naman sa puno si Yani.
“Pwede ba akong umupo sa kabilang sanga?” tanong ni Yani.
“Anong karapatan kong sumagot sa tanong mo?” sagot pabalik ni Pearce in a cold way.
“Okay. So I’ll take that as oo,” sagot naman ni Yani sabay kinontrol ang hangin at lumipad papunta sa sanga at umupo rito.
Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig sa pagitan nila. Titingin si Yani sa kanya at nag-iisip kung paano simulan ang usapan at hindi rin nagtagal nang magsalita siya.
“Uhm Pearce—“
“Bakit hindi ka pa umalis? Hindi ba marami kang gagawin?” singit ni Pearce.
Napatigil saglit si Yani. “Ah mag papahangin lang ako saglit,” sagot niya.
Pumagitna muli ang katahimikan at muli…
“Pearce—“
“Bakit kailangan dito pa?” singit muli ni Pearce.
Napatahimik muli si Yani at bakas sa mukha ang pagkairita pero pinigilan niya muna ang kanyang sarili.
“Ang alam ko masarap ang hangin dito kaya gusto ko rito,” sagot niya sa tanong.
Another awkward silence between them bago siya muli nagsalita…
“Ganito Pearce—“
“Binabantayan mo ba ako?” muli singit niya kaya…
“PWEDE BANG PATAPUSIN MO MUNA AKO?!” sigaw ni Yani. “Minsan ka na nga magsasalita at nambabasag pa tapos ngayon sisingit ka na naman?!”
Hindi siya pinansin ni Pearce habang naglabas ng buntong hininga si Yani para pakalmahin ang sarili.
“Kainis,” galit na bulong ni Yani sa sarili at huminga ng malalim. “Sorry. Sorry sa ginawa ko. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko pero sana naman hayaan mo muna akong magsalita bago ka sumingit…” paghingi niya ng paumanhin. “Please?”
Hindi na umimik si Pearce.
“Gusto ko lang malaman kung bakit desperado kang umalis dito eh kararating mo lang. May kailangan ka bang gawin sa lugar kung saan ka galing at kung tama ba, sa Pilipinas di ba?”
Hindi sumagot si Pearce.
“Kung malalim yan tulad nang may naiwan kang pamilya doon—“
“Wala akong pamilya,” singit ni Pearce pero hindi nagalit si Yani sa kanyang ginawa kundi napatahimik na lang.
It took a while bago makapagsalita muli si Yani.
“Sorry to hear that,” she paused. “Kung ganun naman pala, ano pa bang ibang rason ang meron ka kaya gusto mong umalis?”
Umihip lang ang hangin sa pagitan nila habang diretsong nakatingin lang si Pearce.
“Dahil hindi ako nabibilang dito,” sagot niya na kinabigla ni Yani.
Napatahimik lang si Yani at napatingin kay Pearce ng di oras. Dumaan muna ang katahimikan habang nag-iisip si Yani kung anong dapat sasabihin.
“Ba-bakit mo ba nasasabi yan?" kinakabahan niyang tanong. "Hi-hindi kita maintindihan. May nangyari ba?”
Hindi muli sumagot si Pearce habang may narealize naman si Yani.
“Teka, dahil ba ito sa nangyari sa helicopter ni Aes nung kararating mo lang dito?”
Napapikit ng mata si Pearce.
“Kung yun ang rason, kalimutan mo na lang iyon dahil alam naming aksidente lang yun at naintindihan ka naman namin kung bakit mo nagawa yun. Pagpasensyahan mo na lang—“
“Maaaring yun…” singit ni Pearce. “…pero simula pa lang iyon ng lahat”
Napatahimik si Yani.
“Huwag kang masyadong panatag dahil lang kayang kontrolin ng isang tao ang mga elemento, nabibilang na sila dito sa nasyon niyo.”
Nagulat si Yani.
“Alam ko hindi mo naiintindihan ang mga pinagsasabi ko pero ito lang ang masasabi ko sa ngayon na maiintindihan mo…” binaling ni Pearce ang kanyang tingin kay Yani at binigyan siya ng seryosong tingin.
“…hindi rin tatagal, ikaw mismo ang magpapaalis sa akin dito.”
Tila napako ang tingin ni Yani kay Pearce at bumalik lang siya sa katotohanan nang binaling muli ni Pearce ang tingin sa harap. Napayuko na lang ng ulo si Yani.
Dumaan ang katahimikan nang…
"Hayaan mo, hindi lang yun ang naintindihan ko sa mga sinabi mo," mahinang saad ni Yani pero sapat para marinig ni Pearce ang sinabi niya.
Agad napatayo si Yani sa sanga at binigyan ng seryosong tingin si Pearce.
"Tama ka nga. May punto ka na hindi dapat kami basta-basta nagpapasok ng mga taong kayang kumontrol ng mga elemento rito at bilang prinsesa ng nasyong ito, alam ko responsibilidad ko yun," sabi ni Yani.
"Hindi ko man alam kung nagbabanta ka o isa kang kalaban na may masamang balak pero sa una, alam namin na isang kasalanan ang ginagawa namin na bigla-bigla na lang kaming magkikidnap ng mga tao para idala rito pero...”
Nakapako pa rin ang tingin ni Yani kay Pearce at binigyan siya ng ngiti.
"...masama ka mang tao, gagawin ko ang lahat pati na rin ang ibang prinsipe at prinsesa para patunayan sa iyo na nabibilang ka rito."
Iniglapan ni Pearce si Yani and smirked at her. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Paano nga kung may masama akong balak sa nasyon niyo o maaring..." Pearce gave her a deadly look.
"...may gumagamit sa akin para gawin ang masama niyang binabalak?"
Napatigil saglit si Yani but ironically, she gave him a confident smile.
"Kung ganun, bakit mo sinasabi ito sa akin, Pearce? Ganyan ba ang may masamang balak?" Yani confidently asked him.
Hindi nakaimik si Pearce sabay bumaba naman sa sanga si Yani.
"Mukhang nakikita kong magaling kang magpaikot ng tao sa mga sinasabi mo at sa totoo lang, nalito ako simula nang sabihin mo yun pero kung sakali ngang ganun..."
Hinarap ni Yani si Pearce at inangat ang ulo.
"...handa kami na harapin lahat ng pagsubok na darating para protektahan ang nasyong ito, sa iyo man o sa sinasabi mong kumokontrol sa iyo."
Pearce looked down at her and smirked once again.
"Pumasok na ba sa isipan mo na paalisin ako sa nasyong ito?" tanong ni Pearce.
Yani smiled back. "Kahit kailan, hindi yun papasok sa isipan ko para lang isalba ang nasyong ito."
Nakaukit pa rin ang ngisi sa mga labi ni Pearce. "Gusto mo pustahan tayo, na hindi ako tatagal sa nasyong ito, kahit isang buwan pa yan?"
Bahagyang natakot si Yani sa ginawa niya but she kept her composure.
"Hindi ako makikipusta," and managed to give back a smile. "Sabihin mo na akong duwag pero sa mga ganitong sitwasyon, hindi ako nakikipaglaro..."
"Bakit mahal na prinsesa... sa tingin mo ba nakikipaglaro ako sa iyo?" sabat ni Pearce still wearing a smirk.
Napatahimik muli si Yani pero hindi tinanggal ang tingin sa kanya.
"Hindi ito pusta pero tulad nga ng sinabi mo, bigyan mo ako ng isang buwan para patunayan na rito ka nga nabibilang," taas noong saad ni Yani at naglakad paalis.
Nabura na ang ngisi sa mukha ni Pearce at bumalik sa pagiging seryoso.
"Paano prinsesa? Paano kung masama nga talaga akong tao?" seryosong mga tanong ni Pearce.
Tumigil si Yani at ngumiti. "Hayaan mo, napatunayan ko na hindi."
Hindi nakaimik si Pearce at nagulat sa sagot niya.
"Kung masama ka nga, hindi mo dapat ako binantaan at sinabihan ng mga bagay na yun o kahit man lang sagutin ako. Sa katunayan nga, ang laki ng tulong na ginawa mo kahit nag-usap lang tayo at alam ko na ngayon..."
Hinarap ni Yani si Pearce at bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Pearce.
"...isa ka pa lang matulunging tao."
Pagkatapos niyang sabihin yun, napapikit na lang ng mata si Pearce habang tuluyang naglakad paalis naman si Yani.
Nang tuluyan na siyang nakaalis, tumingin muna sa langit si Pearce sabay tumingin sa kanyang likod. “Pwede ka nang lumabas.”
Tahimik lang ang paligid na tila wala namang kausap si Pearce but the leaves rustled and a shadow of a girl appeared.