A Welcome

3549 Words
Chapter 2 “So uhm first let us know the name of our visitor and the place where he lives,” sabi ko. Nakatitig lang siya sa akin tapos tumingin sa bawat babae at lalaki na nakatingin sa kanya. Pagkatapos napapikit siya ng mata at napabow ng ulo. Uy kuya name lang naman. Huwag kang ganyan ngayon. May mga tao dito na mainitin ang mga ulo. “Uhm kuya I mean sir if you have a problem—“ “Pearce,” singit niya na ikinatigil ko. Inangat niya ang kanyang ulo at tinignan ako ng malamig. “Pangalan ko ay Pearce. Sa Pilipinas ako nakatira.” Ayan ulit tayo. Okay na eh. Pramis. Pero koooontiii na lang talaga. Nagsalita na siya pero… bakit TAGALOG?! Hindi niya ba nagets nung kanina na englishero sila kasi walang nagtagalog ni isa sa kanila?! Siguro nga kaya palampasin na lang natin. Kita naman ng mga englishero nating prinsipe na nagtataka habang ang mga prinsesa at si Jethro natatawa sa reaksyon nila. “Uhm…” I cleared my throat “…sorry Pearce but can you speak in English?” pakiusap ko. Tinignan niya ako at sabay ding iniwasan ako ng tingin na para bang sinagot niya ako na hindi. Pusang gala naman oh. Una yung silence means yes ngayon, paginiwasan ako ng tingin MEANS NO! Hingang malalim Yani… “Uhm what he said is—“ “Pearce is my name. I live in the Philippines,” singit niya na naman.   GGRRRR!! Binabadtrip niya ba ako?! Kung oo, naku kuya ang galing-galing niyo! Gusto ko siyang suntukin! Pasalamat lang talaga maraming tao ngayon dito! Muli hingang malalim Yani. Buti ang bango ng opisina ko kaya nakakalma talaga ako paghuminga ng malalim. “Okay Pearce, nice meeting you,” sabi ko with a FAKE SMILE. “I’m Yani and I’m the princess in this nation which we call Eullenuum Nation that stands as their leader. This world is divided into cabins. This is the first, where we are right now and we call it the Main Cabin. The other eight will be introduced by one of our 16 different prince and princesses. So first to introduce…” “Hello Pearce!” masayang bati ni Femme kaya napatingin lahat sa kanya. “My name is Femme and I’m also a Filipino like you. I’m a princess too like Yani but I’m the princess of the Water Cabin where people like me and Eaux,” sabay turo kay Eaux. “…who can control water, live. So in other words I’m the water princess. Hehe.” Tinignan lang siya ng malamig ni Pearce. “Bonjour (Hello). I’m Eaux…” sabi ni Eaux sabay napatingin si Pearce sa kanya. “I’m French and I’m the prince of the Water Cabin so yeah, I’m the water prince. And if you notice, our hair and eye color differ from the others because each person are special to control one element only so since Femme and I are blue, we are water persons.” Nakikinig lang si Pearce sa sinabi ni Eaux. “I suppose you’re not a metal guy because I saw you control other elements right?” tanong ni Eaux. Nagulat naman ang ating mga prinsesa. “Wow. So what element does he control?” tanong ni Femme. “Water…” sagot ni Pearce at napatingin sila sa kanya. He paused bago nagpatuloy. “…air, fire, earth, electricity, nature, metal and ice,” pagtatapos niya. “WOW. You can control ALL the elements? Just like Yani?” excited na tanong ni Femme. Hindi siya umimik at tumingin sa akin. “Wow. That’s really amazing. I thought Yani is the only person in the world who can control all the elements,” masayang saad ni Femme. Oo na lang. Ano ngayon kung may katulad ako kung ganyan naman ugali niyan? Wow. Bitter much. “I see,” sabi ni Eaux. “Anyways, even though you’re not a metal guy I just want you to know, that beautiful metal princess over there…” sabay turo kay Hera at tumingin naman si Pearce. “Yes her, she’s my girl okay? If eventually you got interested at her, then you better stop because you’re going to be in big trouble.” “Eaux,” pagsuway ni Hera. “What? I’m just saying, my dear. The earlier I can remind him, the better,” sabi naman ni Eaux. Napabuntong hininga na lang si Hera. Alam niyo, hindi na ako magugulat diyan dahil every introduction laging ganun. Nakasanayan na nila yan dahil minsan pag may mga bisita mas lalo na pag lalaki, linalandi nila ang ibang prinsesa tapos ayan, nagagalit ang mga prinsipe or the other way around. Ang gaganda at ang gwagwapo kasi nila pero mukhang sa bisita natin ngayon, malabong lumandi ito. “Okay, next prince and princess,” sabi ko. “Hi I’m Jessy,” panimula agad ni Jessy. “I’m also a Filipino and also a princess, specifically the Air Princess. I can control the element air and I live in the Air Cabin so that’s why I have gray hair and gray eyes.” Tinitigan lang siya ni Pearce. “Ohayo (Hello) Pearce!” panimula naman ni Turuki kaya napunta ang atensyon sa kanya. “I’m Turuki and I’m a Japanese guy who loves to take pictures. I’m the Air Prince and this air photographer fell in love with the beautiful Nature Princess who hates cameras and pictures.” Sinundan ni Pearce ang tingin ni Turuki na nakatingin lang kay Kyrie. “Her long green hair and beautiful emerald eyes is so dazzling that I always want to take a picture of her even though—“ “Okaaaay I think we need to move on now,” singit ni Kyrie na medyo sarcastic para tumigil na si Turuki. Nagulat naman ako sa ginawa ni Kyrie. Tinignan ko si Turuki na nakangiti pa rin kay Kyrie. “Okay. No worries kawaijui chan. The more you get irritated, the more you get dazzling. Can I take a picture of you?” tanong ni Turuki. (‘kawaijui’ is a word I combined from the translation of ‘cute’ and ‘monster’ in Japanese) “Turuki,” seryosong saad ni Kyrie. Click! “Sorry dear. Too late,” sabi ni Turuki in a manly way. Kita mo na medyo naiirita si Kyrie at pinipigilan lang ang kanyang sarili at napahinga pa siya ng malalim para kumalma pero halata naman na kinikilig siya. May tawagan yang dalawa eh tapos ang cute na sila lang ang nakakaintindi. “So ne—“ “I’m Flare,” singit niya kaya napatigil ako at napunta rin agad ang atensyon ng lahat sa kanya. Aba, mukhang mainit na ang ulo ng ating fire girl. Naglalandian pa kasi ang dalawa. “I’m the Fire princess, one of the leader of the Fire Cabin where fire people live. And I’m also a Filipino.” “And I’m Fuego,” sabay tingin sa kanya. “Soy Espanyol, which I mean ‘I’m Spanish’ and also the Fire Prince, prince of the Fire Cabin and my girl…” he chuckled para bang nang-aakit bago nagsalita muli. “You see that girl—“ “Next,” singit ni Callie na ikinatigil ni Fuego. “Oh come on my princess. Just give me this time,” pagpilit naman ni Fuego. “I’ll do the introduction myself. I can talk. Yani, please proceed.” Hindi na nakaimik si Fuego. Wow. Siya na ang girlfriend pero syempre masakit yun kaya nalungkot ang ating prinsipe. Hindi lang lungkot, mukhang naiirita na ata. Magsasalita na sana ako nang narinig kong napabuntong hininga si Callie. “Don’t be stubborn. We’re running out of time and we still have a date later,” seryosong saad ni Callie. Aba, may date. Kaya naman pala. Halos lahat sa amin nagulat at mukhang isa rin si Fuego. “We have?” patanong ni Fuego. Reaction ni Callie, she rolled her eyes at him. Aahh. Okay Callie. Nagets ko na po. It took time bago nagets ni Fuego. “Oh I mean yes we have so please proceed,” sabi naman ni Fuego. Siguro kung ako ang nasa lugar ni Callie, mapapa face palm ako. “Okay so next,” sabi ko. Walang umimik sa mga prinsesa. Napatingin na lang ako sa pwesto ni Donna at nung nagmeet ang tingin namin, doon niya lang na-gets. “Ay ako na ba? Sorry,” sabi ni Donna. “Uhm hi… uhh… so name muna noh? Tapos age saka yung trabaho bago yung—“ “Donna, just state your name at kung saan ka nakatira at princess ng anong cabin,” singit ko. “Ah okay. Sorry.” What’s wrong with you Donna? Anong nakain mo at mukhang lutang ka ata? “Uhh I’m Donna and I live in the Earth Cabin. Actually I live in the Philippines before I got here so yeah I’m a Filipino and I’m the princess of that cabin so they call me the Earth Princess and uhm…” Nag-iisip pa siya ng sasabihin niya. “And uhh… uhm…” Naghintay kami sa mga susunod niyang sasabihin pero sa tingin ko okay na yun. Sisingitan ko na sana siya ulit dahil halata talaga na lutang siya pero… “Ibigay mo na,” sabi bigla ng isa sa mga prinsesa. Napatingin ako kung sino at bahagyang nagulat. Elesa? Nagsalita siya bigla out of nowhere at walang sense yung sinabi… like what? “Ibigay ang alin?” nagtataka ko namang tanong. Kita ko muli ang nagtatakang mga mukha ng mga englishero nating prinsipe. Oops. Tagalog pala haha. “Gift,” sagot naman ni Elesa habang nakatingin kay Donna. Nagulat ako. Gift? Napatingin din ako kay Donna. Naglabas ng hininga si Donna at pumunta agad sa pwesto ni Aes. “Uhm you can have this,” habang inabot niya ang bagay na galing sa kanyang likod at binigay kay Aes. “Uhm, it’s a box of different screws that uhm I think you need,” nauutal niyang saad. Kinuha naman ito ni Aes na gulat sabay pinaglaruan ni Donna ang kanyang mga daliri. “I heard uhm… you were building a helicopter so uhm… I hope that it can help you to build that helicopter. I wasn’t able to give it a while ago because you looked tired and angry so I thought maybe I’ll give it later but uhm… yeah so…” Napatulala na lang si Aes sa kanya habang hawak-hawak ang kahon na binigay sa kanya. “I know it’s not that much but uhm… I hope that you can finish it for whatever it is you are doing for it,” nginitian siya ni Donna. “Happy Monthsary Aes,” masaya niyang sabi. … Nagulat na lang si Donna nang bigla siyang niyakap ni Aes. Naku naman, kinikilig na ako sa kanilang dalawa. “Happy Monthsary too,” sabi ni Aes at bakas sa kanyang mukha ang saya. “I love you,” Aes whispered to Donna na dapat si Donna lang ang nakarinig pero sigurado ako pati ang mga katabi nila. Nangamatis pa si Donna. Hay buti na lang. Kanina pa kasi ang lungkot ni Aes at akala ko hindi man lang yun napansin ni Donna pero other than kinikilig, napatingin ako kay Elesa. Paano niya yun nakita at napansin samantalang ni isa dito sa kwarto walang nakapansin nun? …anyways… “Ahem,” I cleared my throat once again. I hate to ruin the moment pero pasensyahan na lang may bisita tayo ngayon at mukhang hindi siya ang tipong nakakaintindi ng sitwasyon na ganito kahit siya pa ang nakakita nun. Saka mamaya niyo na lang ituloy yan sa helicopter niyo. Agad namang humiwalay sa yakap si Aes at bumalik sa pwesto si Donna. “Okay Edmondo. You may proceed,” sabi ko. “Right. Buongiorno Pearce (Good morning Pearce). I’m Edmondo, an Italian earth guy and the same time the Earth Prince. We have brown hair and brown eyes because we can control the element earth. So my perfect lady had already introduced herself and it’s none other than the girl wearing a white shirt and pink skirt with her long straight gray hair tied—“ “Uhm it’s me,” singit ni Jessy kaya napatigil si Edmondo. “Yeah I’m his girl. Thank you Edmondo for that wonderful long description,” saad niya habang nakangiti. Ngumiti na lang pabalik si Edmondo. “No problem, il mio amore (my love).” Naku naman. Nanonosebleed ako ulit dahil ayan na naman sila sa mga language nila. Buti nga naiintindihan ng mga prinsesa ang mga pinagsasabi nila. “Okay, let’s proceed to…” “Elesa,” at muli napatingin ang lahat sa kanya. “I’m the Electric Princess and a Filipino girl. Nice meeting you Pearce,” poker face na sabi ni Elesa. Binalikan din naman ni Pearce ng poker face si Elesa. Nagtitigan muna silang dalawa bago… “And I’m Zoltar,” and attention to him. “I’m the Electric Prince and most of us have blonde hair and yellowish eyes because we can control electricity. And uhm…” he cleared his throat. Naghintay kami sa mga susunod niyang sasabihin pero napatagal ata kaya akala ko wala na siyang sasabihin kaya dapat tatawagin ko na yung susunod pero… “Your girl,” sabi ng dakila nating singitero na walang iba kundi ang ating magaling na bisita. Siya na. Siya na talaga. Nababadtrip na talaga ako sa kanya. Mayamaya babasagin ako, mamaya sisingit tapos hindi man lang umimik pag kinakausap?! Hay, muli hingang malalim… “Oh uhm right. She has blue hair and sapphire eyes…” sabay napatingin naman si Pearce sa masayahin nating water princess na nakangiti kay Zoltar. “I know what you’re thinking. She’s a water girl and I’m an electric guy and electricity and water should not be together and I suppose you know why but the explanation why we are always together…” Ayan na. Sorry ka na lang Pearce pero pag narinig mo ang salitang explanation sa ating electric prince, magready ka dahil bobombahin ka niya ng mga scientific churvaness. Tignan nga natin kung magegets nito. “…the only explanation there is is that I love her. That’s all,” pagtatapos ni Zoltar. Hah! Ano nagets niya? … There was an awkward silence. Ops teka teka. Oh shacks. That was… that was sooo… simple. Sagot Yani: OO. Nagets niya at hindi lang siya kundi lahat ng tao na nandito sa loob ng opisina mo. Pero teka kasi, akala ko… Ano ba Yani! Tapos na siya di ba? Magnext ka na. “Uhh uhm okay next,” sabi ko na lang. Nagulat lang talaga ako sa sinabi niya. “Ahem,” Kyrie cleared her throat that made us look at her. “Sorry. I just have something in my throat.” “Asus,” sabi ni Jessy na pabiro. “Kinakabahan lang siya eh.” Sinimangutan naman siya ni Kyrie. Alam niyo, dapat hindi na rin kayo magulat dito dahil si Kyrie at Jessy ito eh. “My name is Kyrie and I’m the Nature Princess and also in case you haven’t heard what Lamukun said, I mean the photographer prince that I’m the worst enemy of photographers because I hate cameras so a friendly warning to our visitor, please don’t take a picture of me if you have a camera really precious to you,” sabi ni Kyrie habang nakasmirk. Nakuha niyo ba yung tawagan nila? Kawaijui chan? Lamukun? Ang weird di ba? Pero nung nalaman ko kung bakit ganun, kinilig ako mga pre. Gusto niyong malaman? Pero bago yan alam niyo kung anong susunod na nangyari pagkatapos yun sabihin ni Kyrie? Kung ito ang guess niyo, tama kayo. Pinicturan lang naman ng ating dakilang photographer ang ating camera monster. Bahagyang nagulat si Kyrie at napabow ng ulo sabay inangat din naman and she smiled at kitang-kita mo na halatang pilit. “Again Lamukun, I mean Turuki. A friendly warning,” she said full of sarcasm at nakangiti talaga. “Sorry. I can’t stop myself. You’re so kawaii (cute) even if you smirk or get angry,” sabi naman ni Turuki. Halata talaga na pinipigil lang ni Kyrie ang inis pero agad din siyang naglabas ng buntong hininga at iniwasan siya ng tingin. “Mas nakakairita pa sa ingay ng lamok,” bulong ni Kyrie. Ayan. Gets niyo na ba? Kung hindi, next time niyo na lang alamin. Sila na rin magpapaliwanag. “It’s my turn,” sabi ng ating masayahing prinsipe. “Geia Pearce (Hi Pearce). I’m Feesy, the Nature Prince and a Greek guy. We have green hair and green eyes because we can control the plants and we are also nature lovers so if ever you do something against nature, we might punish you… most especially animals.” Kita mo namang tumatango ng ulo si Kyrie sa sinabi ni Feesy. “Including in the law of falling in love to the Fire Princess…” sabay tingin halos lahat kay Flare na halatang umiinit na ang mukha. “Yes her. She’s my dearest Flare so if ever you started to like her, oh you will enjoy my wrath,” sabi niya habang nakangiti. Ayan na naman siya. Yan yung nakakatakot kay Feesy eh. Kung ganyan siya, matakot talaga kayo kasi para talagang nagalit si Mother Nature, este Father Nature. Halos lahat nga sa amin natatakot talaga pag ganun siya. “Uhm thank you. Next.” “I’m Hera,” muli tingin sa kanya. “I’m also a Filipino and the Metal Princess. You were mistaken to be a metal person because just like you, we have black hair and black eyes but the big difference is this…” sabay pinalitan ni Hera ang kamay niya ng maliit na gun. “We are robots and we can change our body parts into weapons. So nice meeting you Pearce,” sabay binalik niya sa dati ang kanyang kamay. “And I’m Aes,” tingin sa nagsalita. “She already mentioned most of it and I’ll just include that we metal people are afraid of water people because a chemical reaction happens when we do touch each other... but Eaux and Hera’s relationship is an exception,” sabi ni Aes. “Thank you brother,” sabi naman ni Eaux. “No problem and should I still introduce my wonderful earth princess? Everybody already knew that it’s our Monthsary today so that’ll explain it.” Akala ko tapos na siyang magsalita nang… “Oh and Donna, after this come with me because I’ll show you something,” sabi ni Aes at nginitian si Donna. Donna smiled back pero as usual, nangamatis siya. “Okay. So for our final prince and princess.” Naglabas muna ng buntong hininga si Callie. “Callie is my name. The Ice Princess, a Filipino and welcome,” she coldheartedly said. Ayan. Muli guys huwag magulat okay? “Jethro is mine. Ice prince and the only Filipino Prince.“ There was an awkward silence in the room. … "Your girl?" tanong ni Pearce sa kanya. Bahagyang nagulat si Jethro and smiled at him. "Oh. Well, I—" "Siya?" singit ni Pearce sabay turo gamit ng mata... kay... Elesa? Nabigla naman si Jethro. "Oh no. Actually I don't have a girl. If the Electric Princess is the only princess with no prince, then I'm the only one in the eight princes that has no princess," pormal na sagot ni Jethro. Hindi na umimik si Pearce and just coldly stared at him... habang halos lahat ng prinsipe at prinsesa ay napatingin sa akin. Alam niyo... sa tingin ko ang masasabi ko na naman, masanay na lang kayo sa mga sagot niya dahil parating yan ang sinasabi niya tuwing may introduction. Sa totoo lang mahirap pigilan ang mga nararamdaman ko, mas lalo na ang mga luha ko dahil lahat sila traydor pero mapipigilan mo lang sila kung nasanay ka na which in my case... tingin niyo? Anyways, una palang ang drama na kaya I broke the ice. “Okay so that’s everybody. Welcome to Eullenuum Nation Pearce, the place where a person like you belong.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD