Chapter 5
Pearce is leaning on the door of his room habang nakatulala sa sahig at iniisip ang nangyari lang kanina.
The shadow behind the rustling of the leaves came into the light and came forth the princess with blonde hair.
“Pasensya na,” panimula ni Elesa. “Narinig ko kasi ang usapan niyong dalawa. Sa totoo lang paalis na ako pero nakita ko kayong dalawa kaya napatigil ako.”
Pearce didn’t bother to look at her. There was silence between them at nabasag lang ito ni…
“Bakit nasabi mo na hindi ka tatagal dito ng isang buwan?” tanong ni Elesa.
Hindi umimik si Pearce at tumalon mula sa sanga pababa at hinarap siya na puno ng seryoso ang mukha. Dahil sa itsura niya, nailang si Elesa.
“Ah so-sorry. Hindi ko sinasadyang—“
Naglakad si Pearce palapit sa kanya pero tumigil din siya sa tapat niya.
“Narinig mo na nga, magtatanong ka pa… chismosa.”
Napatigil si Elesa at tuluyang naglakad palampas si Pearce sa kanya.
“Oo nga ang chismosa ko talaga. Ni hindi ko man lang nirespeto ang privacy mo. Sorry.”
Napatigil si Pearce and actually he didn’t know why dahil wala naman sa sinabi niya ang rason para mapatigil siya.
“Anyways, I was thinking. Kung tinanggi ka ni Yani sa pustahan…” hinarap siya ni Elesa. “…bakit hindi na lang tayo ang magpustahan?”
Pumagitna muna ang katahimikan ng ilang segundo bago sumagot si Pearce.
“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo,” sagot niya.
Kahit hindi humarap si Pearce, ramdam niya ang ngiti ni Elesa sa kanya. “Alam ko ang narinig ko at alam ko ang pinagsasabi ko dahil sinabi mo na nga, isa akong chismosa. At dahil sa ikaw naman ang nag propose ng pusta, ikaw na ang mauna kung anong pusta mo.”
He ignored what she said and walked away. Hindi nagreklamo si Elesa but instead followed him back inside the Main Cabin. Akala ni Pearce they will go their separate ways but Elesa kept following him.
“Alam kong bumalik sa kwarto ko,” simpleng saad ni Pearce but Elesa ignored him at sinundan pa rin siya.
Pagkarating ni Pearce sa harap ng kanyang kwarto at nakitang nakabuntot pa rin ang electric princess, he stopped and turned around and pinned her on the wall dahilan kaya nagulat si Elesa.
“Wala akong panahon para makipaglaro sa mga kalokohan mo kaya umalis ka na,” pagbabantang saad ni Pearce.
Elesa gave him back a serious stare, not a hint of fear in her eyes.
“You have cold eyes. Bakit, dahil sa malungkot ka?”
Hindi nakaimik si Pearce sa sinabi niya at napalitan ng gulat ang kanyang mukha.
“Ito ba ang rason kaya nagawa mong sabihin lahat yun?” dagdag niyang tanong.
Lumayo si Pearce sa kanya at tumalikod agad. Hindi siya makaimik dahil para siyang masamang tao na nahuli sa kanyang akto. Naglabas naman ng buntong hininga si Elesa.
“So anyways, balik na lang tayo sa pustahan. Pangako, pagkatapos nito lulubayan kita.”
Hindi pa rin umimik si Pearce.
“Dahil sa ayaw mo namang sabihin yung sa iyo e di ako na lang ang mauuna. Ang pusta ko ay—“
“Na mananatili ako ng isang buwan rito,” singit naman ni Pearce na ikinagulat ni Elesa dahil akala niya hindi siya sasagot pero agad ding may ngiti na namuo sa labi niya.
“Hindi,” ngiting sagot ni Elesa kaya napaharap si Pearce sa kanya ng di oras.
“Ang pusta ko ay pagkatapos ng isang buwan, papaalisin ka ni Yani rito.”
Nanatiling gulat si Pearce.
“So since yun ang sa akin, ang sa iyo ay mananatili ka rito pagkatapos ng isang buwan. Kung ikaw ang nanalo, then good mananatili ka pero kung ako naman ang nanalo and you decided to leave…”
Now she’s wearing a confident smile.
“…sasama ako sa iyo paalis ng nasyong ito.”
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila after Elesa said that but broke it when…
“Yun lang,” sabi ni Elesa. “Pasensya na sa abala,” she turned around and walked away.
“Bakit mo ginagawa ito?” he asked that made her stop. “May kailangan ka ba sa akin?”
It took a while bago lumingon si Elesa sa kanya at binigyan siya ng ngiti.
“I just thought… you’re so mysterious dahil sa pakikitungo mo sa amin pero yun pala, madali ka rin pa lang basahin,” she turned her head back to the front.
“Don’t worry. I’m just here to help. Nothing more,” huling saad ni Elesa bago siya tuluyang umalis.
Nakasandal pa rin sa wall si Pearce while thinking all about it and out of the blue, a hidden smile formed in his lips.
“Nandito ka lang pala,” sabi ng isang boses kaya agad ding nawala ang ngiti sa labi niya sabay napatingin siya sa nagsalita.
Lumapit sa kanya ang isang babae na kulay puti ang buhok at mata at may lumulutang na ulap sa ulo niya na umuulan ng yelo. Puno ng pagtataka na nakatingin lang si Pearce sa kanya.
“Bago ka pumasok sa kwarto mo, gusto ko lang sabihin sa iyo na bukas, pupunta ako rito sa umaga para sunduin ka sa tour sa cabin namin,” malamig niyang wika. “Sinasabi ko lang ito para hindi ka magulat bukas.”
Nakatingin pa rin si Pearce sa kanya na nagtataka.
“May gusto ka bang tanungin?” malamig niyang tanong.
“Sino ka?” simple niyang tanong.
Bahagyang nagulat ang kanyang kausap at naglabas ng buntong hininga.
“Ako si Callie, ang prinsesa ng yelo,” sagot niya. “Nagpakilala kami kahapon sa iyo pero naintindihan ko dahil marami nga kaming nagpakilala. Itotour kita bukas sa Ice Cabin kaya payo ko lang na magsuot ka ng damit na pang winter dahil malamig duon kahit summer dito sa Main Cabin.”
Hindi umimik si Pearce.
“May karagdagang tanong ka pa?” malamig na tanong ni Callie.
Iniwasan lang siya ng tingin ni Pearce.
“Kung ganung wala,” saad ni Callie. “…magkita na lang tayo bukas,” at naglakad siya paalis.
Pinanuod lang siya ni Pearce hanggang sa nawala na siya sa kanyang paningin bago siya pumasok ng kanyang kwarto. Napaupo agad siya sa kanyang kama at inaalala pa rin ang nangyari lang kanina pero hindi rin nagtagal nang humiga siya at sinabihan ang sarili…
Kalimutan mo na yun.
…
Kinabukasan, nag-ayos agad si Pearce at nagbihis pagkagising. Sinunod niya ang sinabi sa kanya at nagsuot lamang siya ng sando at shorts dahil sa init ng kanyang kwarto at naisipang magdala na lang ng sobrang kapal na jacket pagkarating sa cabin.
Pagkatapos, dumiretso siya agad sa pinto at binuksan at bumungad sa kanya ang prinsesa na nakasandal sa pader na naka cross arms at nakapikit ang mga mata. Pagkasara niya ng pinto, agad namang binuksan ni Callie ang kanyang mga mata.
“Oh, andyan ka na pala,” antok niyang saad sabay humikab. Binalikan lang siya ng tingin ni Pearce.
“Tara para makapagsimula na tayo,” alok ni Callie at nagsimulang maglakad at sumunod naman si Pearce.
Habang naglalakad sila sa Main Cabin…
“Mukha kang pagod,” bungad na sabi ni Pearce.
Hindi umimik si Callie at hinayaan lang ito ni Pearce nang…
“Pasensya na,” sabi ni Callie. “Kaming mga taong yelo ay hindi sanay na pumupunta rito sa Main Cabin tuwing summer. Ang init ng panahon ay nakakaapekto sa amin.”
Bahagyang nagulat si Pearce sa kanyang nalaman.
“Kung ganun, paano ka nakakatagal?” tanong ni Pearce.
“Dahil dito,” sabay turo sa ulap sa ibabaw ng kanyang ulo kaya napatingin si Pearce roon. “Ang tawag dito ay ‘flurry’. Ito ang nagbibigay sa amin ng yelo para tumagal kami sa init pero lahat ng ito ay hindi rin tumatagal.”
Tinignan lang siya ni Pearce at binalik din ang tingin sa daan.
Agad din silang nakalabas ng Main Cabin at naglalakad sa daan na may mga snow na sa gilid. Nakarating sila sa harap ng isang malaking gate na gawa sa yelo sabay sinuot naman ni Pearce ang kanyang jacket dahil sa lamig.
“Kung maaari, pakisuot na rin ang hood ng jacket mo. Naiwan ko kasi ang puting wig sa opisina ko.”
Tinignan siya ni Pearce. “Para saan?” simple niyang tanong.
“Aakalain ng mga taong yelo na masama kang tao sa kulay pa lang ng buhok mo kahit kasama mo pa ako na prinsesa nila.”
Hindi na muli umimik si Pearce at ginawa na lang ang sinabi niya sabay namang binuksan ni Callie ang gatena yelo.
Pagkakita ni Pearce sa loob, namangha siya agad dahil puros yelo ang kanyang nakikita, kahit ang mga gusali nila.
Habang naglalakad sila, nagpapaliwanag naman ang prinsesa at kahit nasa ibang direksyon nakatingin si Pearce, nakikinig talaga siya sa mga sinabi niya. Nalaman niyang mababa ang temperatura ng bawat tao at hindi sila kumakain o umiinom ng mga maiinit na inumin at pagkain. Nakita niya rin na bawat kagamitan nila sa loob ng kanilang bahay ay gawa sa yelo at ang mga importanteng mga gusali tulad ng Ice Hospital at Ice Academy.
Pagkatapos, pumunta naman sila agad sa isang kastilyo na gawa sa yelo.
“Ito ang Ice Palace. Dito ako at ang prinsipe ng cabin na ito na si Prinsipe Jethro nakatira. At para lang sa iyong kaalaman, ang prinsipe rin mismo ang gumawa ng palace na ito.”
Hindi siya pinansin ni Pearce at nakatingin lamang sa malaking kastilyo.
“Tara sa loob, para makapagpahinga ka na rin,” alok ni Callie at agad naman silang pumasok.
Kita ni Pearce na hanggang sa palace, lahat gawa sa yelo kahit ang hagdan na inaakyatan nila. Habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Callie, may lumabas agad sa kwarto na dinadaanan nila sabay napatingin sa kanila.
“Oh Callie, magandang umaga,” masayang niyang bati.
“Magandang umaga rin Jethro,” bati pabalik ni Callie.
Napatingin naman si Jethro sa likod ni Callie at nakita si Pearce.
“Magandang umaga rin sa iyo, Pearce. Ngayon pala ang tour mo rito sa cabin,” ngiti niyang saad sa kanya.
Hindi umimik si Pearce.
“Pearce, kinakausap ka ng prinsipe. Bigyan mo siya ng galang,” utos ni Callie ngunit hindi siya pinansin ni Pearce at binigyan lang ng seryosong tingin ang prinsipe.
Napabuntong hininga naman si Callie.
“Pasensya ka na sa kanya, Jethro,” paghingi ng paumanhin ni Callie.
Nginitian siya ni Jethro. “Hindi mo na kailangang humingi ng pasensya, Callie. Alam ko naman na ganyan ang pakikitungo niya at naintindihan ko,” at tinignan niya muli si Pearce pero hindi pa rin tinanggal ni Pearce ang seryoso niyang tingin sa kanya.
Para bang tila ineexamine ni Pearce ang prinsipe mula paa hanggang ulo na ikinataka parehas ng prinsipe at prinsesa ng yelo.
“So uhh mauna na ako Callie. Babalik din ako agad,” paalam ni Jethro at nagsimulang maglakad.
“Saan and punta mo?” tanong ni Callie.
“Sa Main Cabin lang,” simpleng sagot ni Jethro.
“Sobrang init duon ngayon.”
Tumigil naman si Jethro at liningon si Callie.
“Alam ko yun at sanay na ako. Hayaan mo, hindi rin ako tatagal doon,” at tuluyan siyang naglakad paalis.
Nagsimulang maglakad si Callie papunta sa opisina niya pero napansin niya na hindi sumunod ang kanyang bisita kaya napalingon siya at nakita na pinapanuod pa rin niya na makaalis ang prinsipe na puno ng kaseryosohan ang mukha na ikinataka ni Callie.
“May problema ba sa prinsipe ng yelo?” tanong ni Callie.
Hindi binaling ni Pearce ang kanyang tingin sa kausap pero sumagot siya.
“Kung tama ang narinig ko kanina, hindi ba sabi mo na halos lahat ng mga taong yelo ay manhid ang pakikitungo sa iba pero bakit tila naiiba siya?”
Hindi nakasagot agad si Callie at naglabas ng buntong hininga.
“Magaling kang magmasid, Pearce. Iba nga talaga siya. Ibang-iba talaga siya makitungo pero taong yelo pa rin siya” saad ni Callie. “Bakit mo naman natanong?”
Hindi umimik si Pearce at naglakad na lang palampas kay Callie habang sumunod naman siya na nagtataka sa kanyang kausap. Pumasok din sila agad sa opisina ni Callie at inikot muna ni Pearce ng tingin ang opisina bago pumasok.
Simple lang ang kanyang opisina at walang masyadong kagamitan kundi ang mga patong-patong na papeles lamang sa yelo niyang mesa. Umupo naman agad si Pearce sa sofa na gawa sa snow ang kutsyon.
“Gusto mo ba ng inumin o makakain?” tanong ni Callie.
Iniling lang ni Pearce ang kanyang ulo na sinasabing hindi at hindi na muli umimik si Callie at umupo na lang sa kanyang upuan at nagsimulang magsulat habang pinanuod naman siya ni Pearce sa kanyang ginagawa.
Nagdaan ang ilang minuto na ganun lamang ang nangyayari at nabasag lamang ito ng buntong hininga ni Callie.
“Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang,” sabi ni Callie habang nagsusulat.
Bahagyang nagulat si Pearce at binaling agad ang tingin sa harap.
“Wala akong tanong,” sagot naman ni Pearce.
“Kung ganun, ako meron.”
Dahil sa sinabi ni Callie, nabaling muli ang tingin ni Pearce sa kanya.
“Nagtataka lamang ako sa tanong mo kanina. Bakit ganun ka makatingin kay Jethro? Mukha kang may problema sa kanya.”
Hindi umimik agad si Pearce at binaling muna ang tingin sa kanyang harap. Nagdaan muna ang katahimikan nang…
“Hindi ba siya ang may problema, prinsesa?”
Hindi nakasagot agad si Callie at nagulat.
“Anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ni Callie pabalik.
Tinignan naman siya ni Pearce. “Ang kanyang pakikitungo. Mukhang mali.”
Tuluyang nagulat si Callie at napatahimik.
Hindi siya makasagot dahil tila hindi niya makuha ang punto ng kanyang kausap. May gusto siyang sabihin pero hindi niya talaga maintindihan.
“Sinasabi mo ba na mali ang makitungo ang isang taong yelo na nakangiti at masayahin dahil lang sa sinabi kong halos lahat sa amin ay manhid?” tanong ni Callie.
It took a while bago nakasagot si Pearce.
“Bago lamang ako rito kaya hindi ko lubos na kilala ang mga tao rito pero alam ko ang ibig sabihin mo na ‘halos’ lahat lamang sa inyo ang manhid. Hindi ko pinaparating na masamang ngumiti ang mga tulad niyo.”
“Kung ganun…” sabi ni Callie. “…ano ang punto mo?”
Muli nagdaan ang katahimikan bago siya nagsalita.
“Ang prinsesa ng nasyon niyo. Tila hindi masaya sa kanyang pakikitungo.”
Hindi nakaimik si Callie at gulat na nakatingin kay Pearce na nakatingin lang sa kaharap niyang lamesa.
“Pa-paano? Paano mo nalaman?” nautal na tanong ni Callie.
Bahagyang nagulat si Pearce at binaling ang tingin sa kanya.
“Ah totoo pala. Akala ko namamalik mata lamang ako.”
Napatahimik si Callie pagkatapos niyang sabihin yun. Hindi siya makaimik dahil hindi niya rin alam ang sasabihin niya dahil parang may sikretong sinabi sa kanya na naibunyag niya. Alam niyang walang sikretong hindi nabubunyag pero ang pinakaayaw niya sa lahat ay siya ang rason para maibunyag yun. Isa pa naman iyon sa pinakamalalim na sikreto na tinatago ng nasyong ito.
Dumaan ang katahimikan at alam ni Callie na sanay siya sa mga ganitong katahimikan pero sa ngayon, hinihiling niya na lamang na sana may sumira nito at nagpasalamat siya nang…
Kring! Kring! Tunog ng telepono.
Hindi na siya nagdalawang isip na sagutin ito.
“Hello this is Callie, the ice princess.”
[What’s with the formality, Callie? It’s just me Fuego.]
Alam niya na most of the time, si Fuego lamang ang tumatawag sa kanya pero ngayon, nagulat siya nang malaman na siya ang kausap niya.
“Fuego… it’s you.”
[Uuhh… yeah it’s me.]
Kahit hindi niya kita, alam niya nagtataka ang kausap sa kabilang linya.
“What’s wrong? Do you need something?” tanong ni Callie.
[Nothing really. I think you’re the one who is troubled. Are you okay, my princess?]
She paused sabay napatingin sa bisita niya na sa ngayon ay nakatingin sa sahig at nag-iisip.
“I’m okay. Nothing’s wrong. Just busy with stuff,” sagot naman ni Callie. “So why did you call?”
[Oh uhm well just wanted to hear your voice and uuhh know how are you.]
Dahil sa pagsalita niya, alam na ni Callie ang ibig niyang sabihin.
“Tell me you’re in front of the gate again waiting for me to come out.”
[Huh? Wha-what are you talking about? I know you can’t come here in the Main Cabin because it’s summer and why would I wait in front of the Ice Cabin’s gate wearing a thick furry jacket just to wait for you?]
Callie sighed. “Yeah, you’re right. So where are you now Fuego?”
[U-uhm he-here in uuhh… in the Main Cabin. Yeah I’m in the Main Cabin]
“Mm-hm and let me guess, you’re wearing a thick furry jacket right now?”
[Wait…] she heard him gasped out of astonishment in the other line. [How did you know?]
“Tell me Fuego, why would you wear a thick furry jacket if it’s summer in the Main Cabin?”
[Uhm because uhh… oh.]
Callie just rolled her eyes on his realization he’s caught.
[Okay you got me. I’m waiting here in front of the gate in case you’re done with the tour so that uhm... well I was planning to invite you to have lunch with me and since you can’t go inside the Main Cabin, I’m planning that we will have our picnic here… uhm in front of the gate…]
“Fuego, we are not allowed to do that there—“
[Yeah, and I know that too.]
Callie paused. “So why are you still waiting there?”
It took a while bago siya sumagot sa kabilang linya.
[Because I want to see you. I miss you Callie.]
“We just met yesterday Fuego.”
[Yeah and I suppose that will be our last for now because I won’t be able to see you until summer ends right?]
Hindi nakaimik si Callie sa tanong niya dahil sa tingin niya nga na ganun ang mangyayari. The temperature is rising everytime it’s summer at sa mga oras na ito, alam niyang sobrang init duon ngayon.
“Fuego.”
[Yes Callie?]
“Wait there. I’m coming,” at agad binaba ni Callie ang telepono.
Napatayo siya agad and was about to leave nang napansin ang bisitang nakaupo na nakatingin sa kanya. Muntikan niya nang makalimutan siya.
“Pearce,” sambit niya. “Sa totoo lang, dito nagtatapos ang tour natin. Ihahatid na kita pabalik sa Main Cabin.”
Tumayo lang si Pearce bilang sagot. Lumabas din sila agad ng palasyo at habang nalalakad sila, napansin ni Callie na ang daming nakatingin sa kanya.
Dahil ba sa naghihintay na naman ang Fire Prince sa harap ng gate nila? Lingid na sa kanilang lahat ang tungkol sa kanilang relasyon at marami ang hindi nakakaintindi dahil sobrang laki ng deperensya nila bilang isang ice person at fire person. Maaari man silang maghawakan pero para rin silang taong tubig at taong kuryente ang agwat.
Bigla na lang may dumating na guards at agad hinarangan si Callie na kinagulat niya.
“What is it?” malamig niyang tanong.
“Princess, there’s an intruder with you.”
Nagulat si Callie sa sagot at agad napatingin sa kasama niya at nagulat dahil hindi niya na pala suot ang hood niya.
“Hands up intruder!” tutok ng isang ice guard kay Pearce ng isang ice spear.
Walang bahid ng panic sa mukha ni Pearce at ginawa pa ang sinabi ng ice guard.
“Wait this guy is not—“
“What are you doing here? A metal person like you is not allowed here. Are you not aware of that?” singit ng ice guard.
Hindi umimik si Pearce at binigyann lang siya ng malamig na tingin.
“Wait, listen to me. This person is not an—“
“Princess, just calm down and we will escort you back to the Ice Palace while we take him to the ice dungeon.”
Hindi makapagsalita si Callie. Ito pala ang rason kaya halos lahat ay nakatingin sa kanya. At kahit siya pa ang prinsesa, pag ganito ang eksena, uunahan talaga siya ng mga tao. In the first place, it was her fault after all. Masyado siyang maraming iniisip at hindi niya namamalayan ang responsibilidad niya ngayon. She has to do something.
She quickly went in between the guards at agad kinuha ang kamay ni Pearce and with all her might, hinila niya si Pearce paalis ng crowd and out in the gate of the Ice Cabin. Agad naman silang nakalabas and she thank God that they were able to make it.
Humihingal si Callie habang ang kasama niya naman ay nakatingin lamang sa kanya na walang bahid ng pagod.
“Pearce, sorry,” hinihingal na saad ni Callie. “Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko napansin na natanggal ang hood mo.”
Hindi umimik si Pearce at pinapanuod pa ring naghahabol ng hininga.
“Ang init ng kamay mo,” biglang sabi ni Pearce.
Nagulat si Callie at narealize ang ibig niyang sabihin kaya agad niyang binawi ang kamay niya na hawak-hawak pa rin ang sa kanya.
“Sorry,” sabi naman ni Callie.
Tinignan siya ng mabuti ni Pearce.
“Hindi ba’t hindi maganda yun sa isang tulad mo na taong yelo?” tanong ni Pearce.
Hindi nakaimik si Callie at iniwasan lamang siya ng tingin. Mukhang nahuli na ang prinsesa.
“Okay lang ako,” sagot ni Callie.
Ramdam na niya ang pag-init ng mukha niya hindi dahil sa kilig…
“What’s this?”
Napatingin agad ang dalawa sa nagsalita at puno ng gulat na nakatingin si Callie kay Fuego habang nakakunot naman ang kanyang noo.
“Fuego.”
He gave them a serious look.
“Sorry, have I disturbed you two… flirting?”
Nagulat sila sa sinabi niya.
“Fuego, its not what you think—“
“Really?” singit agad ni Fuego. “Then why are you blushing?”
Hindi nakaimik agad si Callie. She wanted to tell why but telling it to him…
“She’s not blushing,” sabi naman ni Pearce. “I think she’s—“
Agad namang tinakpan ni Callie ang bunganga ni Pearce na kinagulat ni Fuego.
“I’m just tired from running so my face is getting red. That’s all,” sagot naman ni Callie.
Hindi umimik si Fuego at gulat na nakatingin pa rin sa kanila. Tinanggal naman ni Callie ang kanyang kamay.
“Please, huwag mong sabihin,” bulong ni Callie kay Pearce.
Napatingin na lang si Pearce pabalik sa prinsesa.
“I know I’m stupid sometimes…” sabi ni Fuego kaya napatingin sila sa kanya. “…but I’m not stupid enough to see you through Callie.”
He gave her a serious look. “You’re lying.”
Nagulat na naman si Callie at hindi siya nakaimik.
Hindi niya maisip kung ilang beses… not only being caught off guard but also… ilang beses na ba siyang nahuli? Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata at pati rin ito… hindi niya rin alam kung bakit.
Kinagulat ito ni Fuego at hindi namalayan na nasa tapat niya na pala si Pearce na naglalakad paalis pero bago siya tuluyang makaalis, may binulong siya kay Fuego.
“Don’t jump to conclusions and hear her out first.”
It left Fuego shocked habang nagpatuloy namang naglakad paalis si Pearce.
Pagkapasok niya, napatigil siya saglit sa pinto bago siya nagpatuloy pumasok.
Alam niyang tama lang na iniwan niya ang dalawa para mag-usap pero sana… naisipan niya ring magpahatid muna dahil sa ngayon, nawawala na naman siya. Sinubukan niyang alalahanin but he’s really bad at directions. He kept walking around at may nadaanan siyang hallway at may nakitang taong nakasandal sa dingding. Linapitan niya ito at tatanungin pero nagulat siya nang malamang sino.
Ang prinsesa ng nasyon na tulog ang nakasandal sa pader. Tinignan niya lamang ito at hindi alam kung gigisingin ba niya ito o…
Napansin niyang nawawalan siya ng balanse kaya agad niyang itong sinuportahan rason para magising siya.
“Jethro!” bungad niyang saad pagkagising sabay napatingin sa nakasuporta sa kanya.
Dumaan ang ilang minuto na nakatitig sila sa isa’t isa nang magulat ang prinsesa at agad napatayo.
“Pe-Pearce, i-ikaw pala yan,” nauutal niyang saad.
Binalikan lang siya ng tingin ni Pearce.
“Anong ginagawa mo rito at natutulog?” malamig na tanong ni Pearce.
“Ah hinihintay kita,” sagot naman niya.
Pearce raised his eyebrow. “At bakit dito?”
“Kasi tapat ng kwarto mo.”
Bahagyang nagulat si Pearce sabay napatingin sa katabing pinto. Mabuti na lang nakita niya ang kwarto niya pero napatingin din siya sa kausap niya…
Boogsh!
Nagulat siya dahil tuluyang nakahiga na ang prinsesa sa harap niya.
“Prinsesa?”