Fire and Ice

1847 Words
Chapter 6 “The princess has a really high fever so I’m prescribing these medicines for her to drink after she ate properly and have some rest. If possible, please tell her to stop working first and continue it tomorrow,” sabi ng doctor kay Pearce. Tumango si Pearce bilang sagot. “So that’s all I have to say. I will now take my leave,” sabay hinarap niya ang prinsesa na nakahiga sa sofa ng kanyang opisina. “Please be well, your highness,” and bowed in front of her. “Yes doctor. Thank you for your time,” sagot ni Yani and gave her a smile. Agad ding lumabas ang doctor dala ang kanyang gamit. “Pasensya ka na Pearce.” Napatingin agad si Pearce sa kanya.                                         “Pasensya ka na sa abala.” Hindi umimik si Pearce at umupo na lang sa upuan na katabi ng sofa kung saan siya nakahiga. “Kumain ka na?” malamig na tanong ni Pearce. Napatingin naman si Yani sa kanya. “Hi-hindi pa.” “Saan ako kukuha ng pagkain?” “Ah uhm kahit hindi na. May taga dala ako ng pagkain.” “Anong oras darating?” “Dadating siya mga alas dose (12 noon).” Agad namang napatingin si Pearce sa relo na nasa opisina ni Yani. May limang minuto pa bago ito dadating. “Gutom ka na ba?” tanong ni Pearce. “Ah hindi pa naman. Hayaan mo, sanay naman na tiyan ko na kumakain ng alas dose.” Tinignan ni Pearce ang prinsesa na iidlip at mayamaya bubuksan din ang mga mata. “Bakit mo ako hinihintay?” tanong bigla ni Pearce kaya napatingin agad si Yani sa kanya. She gave him a smile. “Hindi ba may usapan tayo?” ngiting saad ng prinsesa. It took a while bago niya nalaman ang ibig niyang sabihin. “Ang pustahan?” simpleng tanong ni Pearce. Tumango si Yani. “Technically, hindi siya pustahan kasi hindi naman ako pumayag pero yun na nga.” Binaling ni Pearce ang kanyang tingin sa kanyang harap. “Hindi mo na kailangang gawin yun. Pinapagod mo lang ang sarili mo,” malamig na sambit ni Pearce. “Hehe. Pasensya ka na Pearce pero ako ang tipong tao na hindi aatras sa aking pangako.” Pearce looked at her and gave her a smirk out of the blue. “Paano kung nauwi lang ito sa isang sitwasyon na minsan hindi mo hiniling o gugustuhin?” Bahagyang nagulat si Yani at tumingin sa kausap. “Kung sakali ngang nangyari yun, sana may lakas akong harapin yun,” ngiti niya kay Pearce. “Gagawin ko ang lahat para panindigan lang ang sinabi ko.” Agad nawala rin ang ngisi ni Pearce pagkatapos niyang sabihin yun. “May sakit ka nga talaga,” saad ni Pearce na ikinataka ni Yani. Knock, knock. “Oh nandyan na pala ang pagkain,” saad ni Yani. “Come in.” Bumukas ang pinto. “Kamahalan—“ Hindi natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil pagkabukas niya, wala si Yani sa kanyang mesa kaya pumasok siya. “Mahal na prinsesa—“ Gulat na napatingin ang lalaki nang makita si Yani na nakahiga at binalikan din ng gulat na mukha ni Yani ang may dala ng kanyang pagkain. “Jethro?” “Mahal na prinsesa!” gulat na saad ni Jethro at agad nilapitan si Yani. “Anong nangyari kamahalan?!” puno ng gulat at pag-aalala na tanong ni Jethro sa kanya. Hindi makasagot si Yani dahil sa gulat na si Jethro pa ang nagdala ng kanyang pagkain at dahil sa hindi naman siya ang taga dala ng pagkain niya. “Mataas ang kanyang lagnat at sinabi ng doctor na kailangan niyang magpahinga,” sagot naman ni Pearce kaya sa kanya napatingin si Jethro. “Yun lang ang sinabi ng doctor?” tanong ni Jethro. “Ang sabi niya ay dapat pakainin muna siya bago siya uminom ng kanyang gamot kaya ka namin hinihintay,” sagot naman ni Pearce. “Ganun ba?” “Anong ginagawa mo rito Jethro?” tanong naman ni Yani kaya napatingin sila sa kanya. “Hindi naman ikaw ang inutusang magdala ng pagkain ko.” Binigyan naman ng ngiti ni Jethro si Yani. “Balak kong pumunta rito at sakto na nadaanan ko ang taong nagdadala ng pagkain mo at naisipan kong ako na lang para hindi na siya maabala.” Kita ni Pearce ang pamumula ng nakahigang prinsesa pero hindi niya mawari kung namumula ba siya dahil sa sakit o sa ibang dahilan? “Kung alam ko lang kamahalan…” dagdag ni Jethro. “…mas binilisan ko pa sana na makapunta rito para makakain ka agad,” puno ng tapat na saad niya. Nagulat si Yani at agad iniwasan siya ng tingin. “Hindi ka na sana nag-abala. Di ba hindi ka tumatagal dito dahil sa init?” saad ni Yani sa kanya. Ngumiti muli si Jethro. “Sa tagal kong nanatili rito sa nasyong ito kamahalan, paninigurado ko sa iyo na sanay na ako kaya huwag kayong mag-alala sa akin. Ang dapat mong alalahanin ay ang kalagayan mo, kamahalan.” Hindi na umimik si Yani at tinagilid ang kanyang ulo. “Kaya mo bang kumain mag-isa kamahalan o gusto mo subuan kita?” tanong ni Jethro. Napabangon agad si Yani ng di oras. “Kaya ko na Jethro. Lagnat lang ito,” sagot ni Yani habang nilalapag ang tray sa lap niya at kinuha agad ang kutsara’t tinidor. Isusubo niya na sana ang pagkain pero napansin niya na pinapanuod siya ng dalawa kaya binaba niya agad ang kutsara. “Pa-pasensya na. Gutom din ba kayo? Gusto niyo ba ng makakain?” tanong ni Yani. “Tatawag ako—“ “Ah hindi na, kamahalan,” pagpigil ni Jethro. “Pinagmasdan ka lang namin dahil nanginginig ang iyong mga kamay kaya hayaan mo na lang sanang subuan kita.” Bahagyang nagulat si Yani. “Ah hi-hindi na. Namamalik-mata ka lamang Jethro—“ “Hindi siya namamalik-mata,” singit naman ni Pearce kaya napatingin sila sa kanya. “Totoong nanginginig ang iyong mga kamay kaya magpasubo ka na lang.” Nagulat naman si Yani sa sinabi niya. “At huwag kang mag-alala kamahalan,” at muli nginitian siya. “Hindi ko hahayaang mapaso ang dila at bibig mo.” Tuluyang nagulat si Yani at hindi makaimik kaya hinayaan niya na lang na subuan siya ni Jethro. Pinanuod naman si Pearce ang dalawa at kung ating titignan, siya lang ang nakapansin sa pamumula ng pisngi ng prinsesa pagkasabi yun ni Jethro. Maaari ngang namumula siya dahil sa sakit na nararamdaman niya pero kitang-kita ni Pearce ang pamumula niya dahil sa ibang dahilan. Hindi niya talaga maintindihan ang dalawa tuwing magkasama sila pero ngayon, parang nahahalata niya… na merong ‘something’ sa kanilang dalawa. Siguro dahil na rin sa nalaman niya sa prinsesa ng yelo kanina. Knock, knock. Napatingin silang tatlo sa pinto at kahit wala pang sinasabi si Yani, bumukas na ito at napakita ang isang prinsesa. “Prinsesa Yani—“ napatingin siya kung saan silang tatlo nang makita na wala siya sa kanyang kinauupuan at nagulat. “Uuhhh… uhm… pa… pasensya na—“ “Ah Elesa okay lang,” singit ni Yani. “Hindi ka nakakaistorbo.” “Uhm okay ka lang ba Yani?” tanong ni Elesa. “Ah oo—“ “Mataas ang kanyang lagnat at masama ang pakiramdam niya,” singit naman ni Pearce kaya napatingin sila sa kanya. “Ah ganun ba. Sige uuhh bukas na lang. Pagaling ka, Prinsesa Yani,” sabi ni Elesa at paalis na sana nang biglang tumayo naman si Pearce kaya napatigil si Elesa. “Kaya mo naman na hindi ba?” tanong ni Pearce habang nakatingin kay Jethro. Bahagyang nagulat si Jethro at nginitian naman siya. “Makakaasa ka,” sagot ni Jethro. Binigyan lang siya ng tingin ni Pearce at naglakad paalis. “Teka Pearce—“ pigil ni Yani kaya napatigil naman si Pearce. “Magpagaling ka, prinsesa,” singit ni Pearce. “Pero paano yung usapan—“ “Maaari naman nating ipagpatuloy yun bukas…” sabay liningon ni Pearce si Yani. “…hindi ba?” Napatigil saglit si Yani bago siya napangiti. “Oo nga naman,” ngiti niyang sagot. Binaling niya rin agad ang kanyang tingin sa pinto at unang lumabas si Elesa habang sumunod naman siya at pagkalabas nila, napatigil si Pearce sa harap ng pinto. “Okay lang ba na iwanan sila?” tanong bigla ni Elesa kaya napatingin sa kanya si Pearce. “Bakit naman hindi?” pabalik niyang tanong. Bahagyang nagulat si Elesa. “Ah wala wala. Hehe,” Elesa nervously chuckled. “Uhm sige, una na ako,” at naglakad na siya paalis. Pinanuod siya ni Pearce maglakad at hindi rin nagtagal nang naisipan niyang maglakad na rin. Habang naglalakad sila, napatigil si Elesa. “Bakit mo na naman ako sinusundan?” tanong niya sabay hinarap si Pearce na nakabuntot sa kanya. Hindi umimik si Pearce at iniwasan lamang siya ng tingin. “Pabalik ako sa cabin ko. Hindi ka ba babalik sa kwarto mo? Nadaanan na nga natin eh,” sabi ni Elesa. Bahagyang nagulat naman si Pearce sabay napatingin sa kanyang likod at duon nalaman ni Elesa ang sagot sa tanong niya. “Tell me, hindi mo na naman matandaan kung paano makabalik sa kwarto mo?” Iniglapan lang ni Pearce si Elesa at agad ding binaling ang tingin sa kabilang direksyon. Naglabas ng buntong hininga si Elesa. “Alam mo Pearce, madali lang namang makiusap na magpasama ka. At huwag kang mahiya kahit isa akong prinsesa.” Tinignan lang siya ni Pearce at agad namang tumalikod si Elesa at nagsimulang maglakad paalis. “At kung hindi naman pala yun o wala kang sasabihin, pwede bang huwag mo akong—“ “Pasama,” singit agad ni Pearce na ikinatigil ni Elesa. “Ano ulit yun?” tanong ni Elesa. “Pwedeng pasama?” Dumaan ang katahimikan bago lumingon si Elesa. “At bakit kita sasamahan?” seryosong tanong ni Elesa. Tumingin sa ibang direksyon si Pearce. “Naliligaw ako,” sagot niya. Napalitan agad ng ngiti ang labi ni Elesa. “O di ba ang dali lang?” ngiting saad ni Elesa at naglakad palampas kay Pearce. Pinanuod siya ni Pearce umalis nang may ngiting namuo rin sa labi niya bago niya naisipang sumunod sa kanya… pero nakakalahati pa lang nila ang daan nang napatigil si Elesa at gulat na nakatingin sa daan. “Callie?” Nagulat naman si Pearce nang marinig niya yun kaya agad siyang napatakbo kung saan nakatingin si Elesa at tuluyang nagulat nang makita na nakahiga ang prinsesa sa sahig. Hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang prinsesa at binuhat. “Sundan mo ako Pearce. Dito ang daan para sa clinic na tulad nilang ice people,” sabi ni Elesa at agad naman siyang sinundan ni Pearce. … To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD