Pagkarating nila sa loob ng clinic, umiba ang temperatura ng paligid at lahat ng gamit ay gawa sa yelo. Agad namang nilapag ni Pearce si Callie sa kama na ang kutsyon at kumot ay gawa sa snow.
“Pakibantay muna siya Pearce. Tatawag lang ako ng ice doctor,” paalam ni Elesa bago siya umalis.
Kumuha naman ng upuan si Pearce at tinabi ito sa kama ni Callie.
“Mmhm.”
Bahagyang nagulat si Pearce nang narinig niya ang ungol ni Callie. Unti-unting binuksan ni Callie ang kanyang mata at binaling ang tingin sa kanyang kaliwa at nakita si Pearce.
“Nasaan ako?” malumanay na tanong ni Callie.
“Sa clinic niyo,” sagot ni Pearce.
Callie paused at sinubukang tignan ang kanyang kausap. “Anong nangyari?”
“Nakita ka lang naming nakahiga sa sahig kaya dinala ka namin dito.”
Nagtaka si Callie. “Namin?”
“Kasama ko ang prinsesa ng kuryente. Wala siya ngayon dahil tumawag siya ng doktor.”
Hindi na umimik si Callie at inidlip na lang ang kanyang mata.
“Anong nangyari?” tanong naman ni Pearce.
Hindi umimik si Callie.
“Bakit ka naririto na walang flurry? Hindi ba ito ang mga oras na bawal ka sa Main Cabin?”
He heard her clicked her teeth.
“Sadyang magaling ka lang ba talagang magmasid?” medyo naiiritang saad ni Callie.
Hindi umimik si Pearce.
“Bakit ba lagi na lang akong nahuhuli?”
Dumaan ang katahimikan bago nagsalita si Pearce.
“Bakit kasi kailangan mong sabihin na okay ka lang kung hindi naman?”
Hindi nakaimik si Callie at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang braso niya. May namagitang katahimikan sa clinic at nabasag lang ito nang dumating si Elesa na may kasamang Ice doctor at agad tinignan si Callie.
Pagkatapos, hinarap din ng doktor si Pearce at Elesa.
“Looks like she’s having a high fever but slowly it’s starting to go back to normal because of her surrounding so I suggest to give her rest in this clinic first and whenever she can stood by her feet, she must go back to the Ice Cabin as soon as possible. And your highness…” sabay hinarap naman niya si Callie. “…please stay in the Ice Cabin until the summer ends. As much as possible, please don’t come here in the Main Cabin first.”
Hindi na umimik si Callie.
“Well that’s all I have to say, your highness. If you may, I will now take my leave,” paalam ng doktor.
“Thank you, doctor,” sabi naman ni Elesa.
She bowed in front of them bago siya umalis. Tinignan naman ni Elesa ang nakahigang Callie.
There was silence in the room at nabasag lang ito nang…
“Gusto mo bang tawagin ko si Fuego?” tanong ni Elesa.
Napatingin agad si Pearce kay Callie pero hindi pa rin siya umimik kaya akala nila nagpapahinga na siya.
“Pearce, sorry pero pakibantay siya muli at hahanapin ko lang si—“
“Huwag” singit ni Callie kaya napatingin silang dalawa sa kanya. “Huwag mo siyang tatawagin.”
Elesa paused. “Pero—“
“Nag-away kami kanina,” singit muli ni Callie. “Iba ang pagkakaintindi niya nang magkasama kami ni Pearce kanina. Kung tatawagin mo siya ngayon, baka mauwi lang sa gulo.”
Napatingin si Elesa kay Pearce na nakatingin lamang sa sahig.
“Hindi ko man alam ang nangyari pero kung ano man yun, bakit hindi mo ipaliwanag ang nangyari—“
“Sinubukan ko,” at muli singit niya. “Pero masakit na ang ulo ko ng mga oras na yun at doon na niya nahalata na hindi maganda ang pakiramdam ko. Gusto niya lang tumulong pero pinigilan ko siya at sinabi kong okay lang ako. Mapilit siya at sumabay pa ang sakit ng ulo ko kaya… may nasabi akong hindi kaaya-aya…”
“Kaya pumunta ka rito para makausap siya kahit mainit ang panahon?” pagtatapos ni Pearce para kay Callie.
Umiwas ng tingin si Callie sa kanila.
“Ayaw ko lang siyang mag-alala,” saad ni Callie. “Alam ko kung anong tipong tao ang prinsipe ng apoy… mas lalo na pag mag-alala siya. Isa siyang prinsipe at isa rin akong prinsesa kaya naintindihan ko kung gaano siya kaabala. Ayaw ko nang dumagdag pa.”
Dumaan ang katahimikan bago nabasag ni…
“Sinabi niya ba na abala ka lang sa kanya?” malamig na tanong ni Pearce.
Hindi nakaimik si Callie at nagulat.
“Sa tingin mo, kung abala ka lang talaga sa kanya, maiisipan niya bang maghintay sa harapan ng gate ng cabin mo kahit nilalamigan siya?”
Hindi pa rin nakaimik si Callie.
“Oo abala kayo sa mga gawain niyo at ayaw niyo lang makadagdag sa mga problema niyo pero kung talagang importante kayo sa isa’t isa, huwag kang manhid dahil natural lang na mag-aalala siya sa iyo.”
“Hindi ba’t mas mag-alala ka kung hindi na siya nag-aalala sa iyo?”
Walang umimik pagkatapos sabihin yun ni Pearce. Hindi rin kumibo si Callie sa kanyang pagkahiga.
“Mukhang tulog na siya,” sabi ni Elesa na kinabasag ng katahimikan.
Pearce just gave a straight face habang nakatingin sa nakahigang Callie.
“Pero hayaan mo Pearce, sigurado akong narinig niya naman lahat ng sinabi mo,” ngiting saad ni Elesa.
Hindi na pinansin ni Pearce si Elesa pero nagulat sila nang unti-unting bumangon si Callie.
“Wow ang bilis ah. Kaya mo nang bumalik sa Ice Cabin, Callie?” tanong ni Elesa.
Hindi siya nagsalita kaya napatayo na lang si Pearce.
“Akin na ang kamay mo at aalalayan kita—“
Hindi natapos ni Pearce ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang hinablot ni Callie para mayakap na kinagulat niya.
“Salamat Pearce. Ang laki ng tulong mo,” bulong ni Callie.
Hindi umimik si Pearce at nanatili sila na ganun ang posisyon.
“Callie?”
Saka lamang napahiwalay si Callie nang marinig niya ang pangalan niya kaya napatingin silang dalawa at sa lahat pa ng pwedeng makakita sa kanilang dalawa…
“Fu-Fuego?”
…bakit siya pa? Puno ng gulat ang mukha ni Fuego at agad din itong napalitan ng makamandag na tingin.
“Fuego, it’s not what you think—“
Hindi natuloy ni Callie ang kanyang sasabihin dahil agad-agad, Fuego pinned Pearce on the wall with his left hand holding the collar of his shirt. Parehas na gulat si Callie at Elesa sa nangyayari at hindi sila makagalaw sa kanilang lugar dahil sa lahat ng pwede niyong galitin… huwag ang mga electric people mas lalo na… ang mga tulad ni Fuego na fire person.
“What the hell is this Pearce?” nanlilisik na saad ni Fuego. “After telling me to hear her out first before I jump to conclusions and now you two are hugging? Some advice!”
“Fuego, let me explain—“
“So tell me Pearce…” Fuego glared at him. “Are you flirting my girl?”
Hindi umimik si Pearce pero paano naman siya makakaimik sa posisyon niya?
Napatingin si Callie kay Elesa. “I told you not to call him!”
“I didn’t,” sagot naman ni Elesa. “He suddenly came and I don’t know how he knew about this.”
“Oh you don’t have to tell me anything else Callie…” sabi ni Fuego kaya napatingin si Callie sa kanya na ngayon, nakatingin din siya pabalik kay Callie. “I went back to our meeting place to check up on you but you were not there. I was about to contact you when I came across an Ice doctor and asked to come with me to take a look on you but she already told me that you’re already here so I came rushing here…”
And he looked back at Pearce. “…and this is what I will get to see?”
Pearce is struggling sa ginagawa ni Fuego and blinded by anger, Fuego made a fire ball on his other hand and ready to attack.
“Fuego stop—“
BZZT!
Fuego was electrocuted that made him fall down on his knees and let go of Pearce na napaupo sa sahig. Fuego turn his head with his face full of anger looking at the person on his back.
“The f*ck is wrong with you?” mura ni Fuego kay Elesa. “Electrocuting me—“
“Shut your bull crap, Fuego,” sagot naman ni Elesa na ikinatahimik ni Fuego.
“If you haven’t realized it yet, your girlfriend is sick that’s why she’s here. But because of your jealousy and anger, you’re releasing large amount of heat causing the temperature of the room to decrease. You think you’re helping but you’re not.”
Hindi nakaimik si Fuego sabay na ring pinagmasdan ang kwarto at kita nga ang pagtunaw ng mga yelo.
“So if you want Callie to get better, please get out of this clinic first, get it?” galit na saad ni Elesa kay Fuego.
Hindi nakaimik si Fuego at parang natakot sa ginawa ni Elesa pero agad ding kumalma si Elesa.
“I understand that you’re just worried about her,” sabi ni Elesa. “So please just wait outside of this clinic and I will tell you all the things you need to know and why she’s—“
“No,” singit naman ni Callie kaya napatingin silang lahat sa kanya na nakatalikod sa kanila. “Go back to your cabin and do your duties as the prince. Stop wasting your time coming around here because I won’t be coming back here. As much as possible, we shouldn’t see each other first.”
Bahagyang nagulat ang lahat habang napayuko naman si Fuego.
“So what’s this Callie? You’re telling me again that… you don’t need me… anymore?” rinig nila na nabasag ang boses niya pagkasabi niya nun.
Dumaan ang katahimikan sa kwarto at hindi nila malaman ang itsura ni Callie ngayon.
“You’re only making the situation… worse.”
Halos nagulat ang lahat at kahit sabihin nating minsan stupid si Fuego pero ngayon, alam niya ang punto ni Callie.
“F*CK THIS SH*T!” sigaw ni Fuego out of frustration at padabog na lumabas ng kwarto.
Hindi makaimik at makagalaw si Pearce at Elesa sa kanilang mga lugar pagkatapos nilang makita yun. Dumaan na naman ang katahimikan bago muli ito nabasag ni Callie.
“Hayaan niyo dahil kakausapin ko siya kaya kung maaari, iwanan niyo muna akong mag-isa.”
Tinignan ni Elesa si Pearce na agad naglakad papunta sa pinto.
“Uhm tawag na lang ako ng mga ice nurse para i-assist ka pabalik sa Ice Cabin at ayusin na rin ang clinic niyo,” sambit ni Elesa.
“Salamat Elesa,” sagot naman ni Callie.
Agad namang lumabas si Elesa at nakita na nakasandal si Pearce sa pader na nakayuko.
There was an awkward silence between them dahil hindi sigurado si Elesa kung ano muna ang kanyang sasabihin.
“Uhm so uuhh kaya mo bang bumalik sa kwarto mo o ihatid kita?”
Hindi umimik si Pearce pero inangat niya ang kanyang ulo na kinagulat ni Elesa.
“Wait. Pearce mukhang may—“
Hindi natapos ni Elesa ang kanyang sasabihin dahil sa hina ng katawan ni Pearce, unti-unti siyang natumba pero naalalayan din siya agad ni Elesa sa braso niya.
“Pati ba naman ikaw?” tanong ni Elesa habang inalalayan siya.
Sa pagod, hindi siya nakaimik at iidlip-idlip na ang kanyang mata.
“Huwag ka munang matulog dahil hindi kita kayang buhatin. Konting tiis lang dahil malapit naman ang kwarto mo rito,” pakiusap ni Elesa.
Ginawa naman ni Pearce ang sinabi niya.
Pagkarating nila sa kwarto ni Pearce, agad hiniga ni Elesa si Pearce sa kanyang kama at may sinasabi si Elesa sa kanya pero dahil sa gusto na ng buong katawan niyang matulog, hindi niya naintindihan ni isang salitang sinabi niya at hindi niya rin namalayan na nakatulog na siya.
…
Agad tinignan ni Elesa ang thermometer na nilagay niya sa bunganga ni Pearce at kitang mataas nga ang temperatura ng kanyang katawan. Naglabas siya ng buntong hininga at nilapag ito sa ibabaw ng cabinet. Nagsuot siya ng gloves at kumuha ng tubig galing sa CR at piniga ang isang punas saka niya nilagay ito sa ulo ni Pearce. Naghanda naman siya ng pagkain at gamot para kainin at inumin niya sakaling magising siya.
Hindi natin masasabi na normal lang talaga ito sa kanilang nasyon na maraming nagkakasakit kapag summer. Una si Yani, tapos si Callie at ngayon naman si Pearce pero naintindihan naman yun ni Elesa dahil sa pabago-bago ng temperatura ng paligid ni Pearce tulad na lang na nagtour siya sa Ice Cabin at pagpasok niya bigla sa clinic ng mga Ice people.
“Mm…”
Narinig niyang umungol si Pearce kaya napatingin siya agad sabay tinanggal ang gloves niya.
“Pearce—“
“Nay?”
Napatigil si Elesa nang marinig niya yun. Tama ba ang narinig niya? Unti-unting binuksan ni Pearce ang kanyang mata habang nakatingin kay Elesa.
“Gutom…”
Pagkasabi niya yun, saka lang bumalik sa katotohanan si Elesa.
“Ah hah? Uhm gutom ka?” tanong ni Elesa.
Tumango naman si Pearce kaya agad siyang pinakain ni Elesa. Nang naubos na niya ang pagkain,
“Ang sarap ng iyong luto. Salamat,” sabi ni Pearce habang…
Tuluyang nagulat si Elesa dahil… sinabi yun ni Pearce na NAKANGITI!
Hindi makaimik si Elesa at hindi niya alam kung bakit pero ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi pero binalewala niya lang ito agad at kinuha ang baso ng tubig at gamot at pinainom ito sa kanya pero pagkatapos niya rin itong ininom…
“Salamat,” muli ngiti niyang saad.
Instead na magulat si Elesa sa pinakita niya, nagtaka lamang siya at nag-isip. Pakiramdam niya may mali… na parang hindi si Pearce ang nakahiga ngayon sa kama. Oo alam niyang mataas ang lagnat niya pero siguro nga dahil sa sobrang taas nito kaya ganito siya.
Inayos na lang ni Elesa ang mga gamit sa cabinet habang nag-iisip pa rin at nang marealize niya kanina sa narinig niya… napalingon siya kay Pearce na nakahiga sa kama at nang mapansin siya ni Pearce, nginitian siya muli na kinagulat ni Elesa.
Paano kung ang dahilan na instead na umiba siya dahil sa taas ng lagnat niya kaya siya ngumingiti ay…
Binalikan din ni Elesa ng ngiti si Pearce at binalik din ang tingin sa kanyang ginagawa.
…baka ibang tao ang nakikita niya sa kanya ngayon?
Pagkatapos asikasuhin ni Elesa ang kanyang pinagkainan, tumabi siya kay Pearce.
“Kamusta pakiramdam mo?” tanong ni Elesa.
Nginitian siya muli ni Pearce. “Mukhang bumubuti dahil sa iyo.”
Bahagyang napatigil si Elesa bago niya tinanggal ang punas sa kanyang noo para tignan ang kalagayan niya pero hindi niya masyadong mawari dahil pati siya, umiinit ang pisngi hindi lang dahil sa kanyang mga ngiti, kundi ang kanyang mga sinasabi… pero alam naman niya na para sa iba yun.
“Mukhang bumubuti nga,” sabi na lang ni Elesa at hinugasan muli ang punas bago binalik sa kanyang noo sabay tumayo rin siya.
“Konting pahinga na lang at sa tingin ko babalik ka rin sa dati. Hindi rin tatagal at kailangan ko nang umalis kaya hihintayin na lang kitang—“
Napatigil si Elesa dahil naramadaman niya… ang higpit na hawak ni Pearce sa kanyang kamay.
“Huwag...” sabi ni Pearce at gulat na nakatingin si Elesa sa kanya. “Huwag kang aalis. Huwag mo akong iiwan.”
Hindi makaimik si Elesa dahil sa mga pinagsasabi niya. Ramdam niya na naman ang pag-init ng kanyang pisngi pero muli… naalala niya muli ang iniisip niya kanina.
“Pearce, sino ba ako sa tingin mo?” tanong ni Elesa para masigurado.
Hindi umimik si Pearce at nakatingin lamang sa kanya that made Elesa bow her head.
“Hindi ko man alam kung anong nangyayari sa iyo ngayon at kung anong iniisip at nakikita mo sa akin pero…” inangat niya ang ulo niya. “Ako si Elesa. Sabihin mo lang na mali ang iniisip ko pero hindi ako ang nanay mo na inaalagaan ka at iniwan—“
Napatigil din si Elesa dahil ramdam niya ang pagbitaw ng hawak sa kanya ni Pearce at ang mga nakapikit nitong mata. Nagtaka siya at nag-isip.
Narinig niya kaya ang mga sinabi niya?
Pero di bale na. Importante nakatulog na siya. Naglakad papunta sa pinto si Elesa at binuksan ito pero tumigil din siya at lumingon habang iniisip ang lahat ng nangyari sa kanila.
Paano kung ganun nga ang nangyari? Ibig sabihin nanaginip siya kanina at iba ang tingin niya sa kanya?
Pinagmasdan lamang ni Elesa ang natutulog na lalaki sa kanyang kama… bago niya naisipang patayin ang ilaw at isara ang pinto.
…
“Pearce…” sabi ng isang boses. “Aalis lang ako saglit. Babalik din ako agad hah? Pangako yan”
Unti-unting binuksan ni Pearce ang kanyang mga mata at bumangon.
Muli, napanaginipan niya na naman yun pero hanggang ngayon… alam naman niyang puno yun ng…
May nahagilap si Pearce na kinagulat niya.
…kasinungalingan?
Kahit gabi na, dahil sa ilaw galing sa labas ng kanyang bintana, kita niya ang matingkad niyang kulay dilaw na buhok na nakahiga sa kanyang braso habang nakalapag ang mga ito sa ibabaw ng kanyang cabinet na natutulog.
“Elesa,” bulong niya nang malaman kung sino at kahit hindi kalakasan, nagawa itong gisingin ang prinsesa.
Bumangon siya at kinamot ang kanyang mata at nang makita niya si Pearce na nakaupo na sa kanyang kama, napatayo siya agad.
“Pearce! Gising ka pala. Kailan ka pa nagising? Okay ka na ba? Masakit pa ba pakiramdam mo? Kailangan mo bang mag CR?” sunod-sunod na tanong ni Elesa na puno ng pag-aalala.
Binigyan siya ng tingin ni Pearce.
“Hindi na ako bata para tratuhin mo akong ganyan,” sagot niya.
Nagulat si Elesa sa sagot niya at instead na mairita… napangiti siya.
“Mabuti bumalik ka na sa dati,” ngiting saad ni Elesa.
Tinignan lang siya ni Pearce ng malamig sabay napatingin sa ibabaw ng kanyang cabinet.
“Para saan ang mga pagkain at gamot?” tanong ni Pearce.
“Para sa iyo sakaling gutom ka muli pero kakakain mo lang kanina kaya sigurado akong hindi ka pa nagugutom kaya pwede mo na lang itago yan,” sagot naman ni Elesa.
Binalikan naman ni Pearce ng tinging pagtataka si Elesa.
“Anong pinagsasabi mo? Ni hindi pa nga ako nagising para uminom ng gamot, hindi ba?”
Nagulat si Elesa sa tanong pabalik ni Pearce. Hindi rin siya makaimik pero hindi rin kalaunan ay ngumiti si Elesa sa kanya.
“Pasensya ka na. Ano nga ba ang mga pinagsasabi ko kanina? Kalimutan mo na lang yun,” ngiting sabi ni Elesa.
Hindi nakaimik agad si Pearce sa ginawa niya.
“Bakit ka natutulog diyan?” malamig na tanong ni Pearce.
“Hinihintay kita na magising para makainom na ng iyong gamot,” sagot ni Elesa. “Nagtawag ako ng doktor para tignan ang kalagayan mo at ito ang bilin niya sa akin pero pwede mo na lang inumin ang gamot bukas ng kinaumagahan pagkatapos mong mag almusal.”
Binigyan siya ng seryosong tingin ni Pearce and smirked at her.
“Hindi ka na sana nag-abala pa at naghintay dahil sino ba ako para alalahanin at alagaan mo, hindi ba prinsesa?”
Bahagyang nagulat si Elesa sa sinabi niya at binalikan lang siya ng seryoso niyang tingin. Dumaan ang katahimikan at nakatitig lamang sila sa isa’t isa bago ito nasira nang tumalikod si Elesa at naglakad papunta sa pinto… pero agad din siyang napatigil.
“Ang totoo niyan, walang doktor na pumunta para tignan ka,” panimula ni Elesa na kinagulat ni Pearce. “Ako ang tumingin sa iyo at nag-alaga. Nagising ka kanina na hindi mo ata namalayan kaya kita napakain at napainom ng gamot… at nag-alala rin ako sa iyo.”
Tuluyang nagulat si Pearce sa huli niyang sinabi kaya siya napatingin kay Elesa na sa ngayon ay nakatingin na sa kanya.
“Pasensya na kung nagsinungaling ako at alam ko ang gulo kong kausap pero maniwala ka man o hindi sa mga sinasabi ko ang importante… “ Elesa smiled at him. “…alam kong magaling ka na.”
Napatulala si Pearce pabalik sa kanya.
“Dahil sa ganun na nga, bahala ka kung kakainin mo yung pagkain mo o hindi pero kailangan mo pa ring inumin ang gamot bukas pagkatapos mong—“
Hindi natapos ni Elesa ang kanyang sasabihin dahil sa mukha ng kanyang kausap ngayon.
Parang tila nanaginip siya dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
Kung kanina naintindihan niya pa yun at alam niyang wala siya sa estado para gawin yun pero ngayon… nakangiti siya ngayon… ngiting puno ng tapat.
“Salamat… Elesa.”
Pagkasabi niya nun, tuluyang napatahimik si Elesa at ramdam niya talaga ang pag-init ng kanyang pisngi. Hindi niya na mawari ang sasabihin niya kung tatapusin niya pa ba ang sinasabi niya kanina o mag we-welcome na lang at umalis?
“So uhh uhm yung gamot after ng uhh… breakfast okay?” nauutal niyang saad. “So uhh goodnight and sleep tight…” sabay inikot niya agad ang door knob. “…at pagaling ka na rin… tapos uhh welcome na rin,” at tuluyang lumabas siya ng kwarto.
Nakatayo pa rin siya sa harap ng pinto ng kwarto niya at napasandal pa dahil hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang pisngi at parang nanghihina ang katawan niya.
Sunod-sunod ang mga nagkakasakit ngayon… siya na kaya ang susunod?