Chapter 7 Knock, knock. Nagising si Pearce sa ingay mula sa kanyang pinto. He thanked God dahil okay na ang kanyang pakiramdam… also thanks to her especially dahil kung hindi pa siya okay, kahit ilang beses kumatok ang kung sino man ang kumakatok, hindi niya yun sasagutin. Pero bigla siyang nagtaka dahil minsan lang siya kumatok kaya agad siyang napabangon at tinignan kung sino at walang bumungad sa harap niya. “Pasensya na, nagising ba kita?” Napalingon si Pearce sa kanyang kanan at sa di kalayuan, nakita niya ang isang babae na pula ang buhok at mata. He looked at her for a while like examining her bago siya nagsalita. “Ikaw ba ang kumatok?” “Ako nga,” sagot niya. “Okay ka na ba? Kamusta pakiramdam mo?” Nagtaka si Pearce sa mga tanong niya. Napabuntong hininga naman ang babae. “