Chapter 1
Mabilis kaming naglakad ni Jethro sa hallway ng Main Cabin para makilala ang bagong lalaki na sinabi niya. Bagong lalaki na katulad ko, na kayang kontrolin lahat ng elemento.
Hindi ko alam kung excitement ba itong nararamdaman ko kasi sa wakas nasagot na ang tanong ko na mayroon din palang tulad ko pero yun nga lang, parang kailangang magmadali tayo dahil sa itsura ni Jethro ngayon. Parang nag-aalala siya kaya kinakabahan din ako.
Binuksan ko agad ang pinto at kahit may halong kaba akong nararamdaman, nanaig pa rin ang nakaukit na ngiti sa aking mga labi dahil ito na, makilala ko na siya at babati na sana ako pero isang eksena ang sumalubong sa akin na naging rason para mawala ang ngiti ko.
BOOOOMM!!
Sumabog ang bandang dulo ng helicopter na sinasakyan nila at umapoy pa ito. Lumabas agad lahat ng mga nakasakay na prinsipe at may isang lalaki sa kanila na hindi pamilyar at walang buhay ang mukha na bumaba ng helicopter na halata sa mukha na wala siyang pakialam sa nangyayari at naglakad lang sa isang sulok habang pinapanuod kami na pawiin ang apoy.
Agad namang kinontrol ni Eaux ang tubig at sumama rin akong kontrolin ito para mawala agad ang apoy. Nang tuluyan na itong nawala,
“Whew. That was close,” napabuntong hininga na sabi ni Eaux.
“Everything’s okay now Aes,” sabi ko sabay tumingin sa direksyon kung saan siya nakatayo pero mukhang mali ata na sinabi ko yun.
Bakas sa mukha niya ang gulat, panghihinayang at saka galit habang tinitignan niya ang medyo sunog na helicopter. Hindi siya umimik sa sinabi ko.
“Uhh you can still fix it, right Aes?” tanong ko pero hinarap niya ako na puno ng galit ang kanyang mukha.
Ayan Yani. Sagot: Hindi.
Hindi na ako umimik muli dahil… well, hindi ko talaga masasabing ngayon ko lang siya nakitang nagalit pero ngayon ko lang nakita ang mukha niyang parang tigre dahil sa galit. Kulang na lang tumaas lahat ng balahibo ko sa takot.
Galit siyang naglakad papunta sa akin at akala ko kung anong gagawin niya sa akin kaya napapikit ako ng mga mata ng di oras pero nilampasan niya lang ako at dumiretso sa likod ko. I sighed in relief at napalingon para tignan kung bakit siya dumiretso sa likod ko at nagulat na lang ng makita ang nangyari.
Kinuwelyohan niya lang naman ang bagong lalaki at inangat pa ito sa ere habang galit na tinitigan siya. Kung nakakapatay talaga ang tingin, patay na ang bisita namin.
“I don’t need to ask my brothers who did that because I knew it was you, asshole!” galit na saad ni Aes sa lalaki.
Grabe, sa sobrang takot, hindi ako makagalaw sa lugar ko. Tinignan ko na lang ang reaksyon ng bagong lalaki and he just stared back at him coldly sabay iniwasan siya ng tingin at hindi man lang bakas sa mukha niya ang panic.
Ay wow. Kung ako si Aes, magagalit ako sa reaksyon niya at ganun na nga ang nangyari at dahil sa isa siyang metal prince, sa inis, naging baril ang kabila niyang kamay at tinutok ito sa noo ng lalaki. Nagpanik agad kaming lahat dahil sa nangyayari.
“Aes, stop what you’re doing!” pagpigil ni Edmondo pero hindi siya makalapit dahil sa takot.
“Aes, calm down,” mahinahon na saad ni Feesy pero lahat na ata ng sasabihin namin, he just ignored it.
Lalapitan ko na sana siya not until Eaux made a water ball between them na kinatakot ni Aes kaya nabitawan niya agad ang lalaki at napaatras. Agad niyang tinignan ng masama si Eaux.
“I know you don’t like what I just did but you better calm down first. He’s our visitor for today,” Eaux said.
“Calm down?! Do you know what he just burned?! Does anyone here know what he just destroyed?!” galit niyang mga tanong sa amin.
Hindi kami nakaimik at napatingin na lang sa isa’t isa.
“Uhh a helicopter?” sagot ni Turuki na patanong that broke the awkwardness between us. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya pero pinigilan ko munang tumawa dahil may mabangis na metal prince dito.
“NOT JUST ANY HELICOPTER! IT’S MY SURPRISE TO DONNA!” sigaw niya na naging rason kaya speechless kaming lahat ngayon.
Kung magalit siya wagas at akala mo kung ano dahil helicopter lang naman pero… awww. Yun naman pala. Instead na matakot, kinikilig ako pero still, bakit kaya helicopter?
Unti-unting huminahon si Aes dahil sa katahimikan namin at bumalik sa dati ang kamay niya na naging baril.
“She said that she wanted to experience riding a helicopter and fly around the sky,” mahinahon niyang sabi habang tinitignan ang sirang helicopter. “But in a blink of an eye, that experience will never happen,” panghihinayang niyang sabi.
Ang sad nga naman kung ganun tapos take note guys, si Aes ito. Well malaki talaga ang pinagbago niya dati pero sa totoo lang, hindi ko akalain na ganito talaga siya kaseryoso magmahal.
“Uhm don’t worry brother, we will fix it for you, right Zoltar?” sabi ni Feesy.
“Yeah. We could ask some metal people to help you repair it before Donna finds out,” dagdag ni Zoltar.
“Forget it. It doesn’t have any meaning to it,” galit niyang sagot at naglakad papasok sa building.
Binigyan niya muna ng seryosong tingin ang bagong lalaki bago siya padabog na pumasok ng Main Cabin. Not one of us talked after that happened at parang nagtitinginan sila sa kanilang mga katabi na para bang naghihintay sila kung sino ang unang magsasalita.
Okay. Since medyo nalilito pa rin ako sa nangyari bago nasunog ang helicopter,
“Can anyone explain to me what happened?” tanong ko.
Muli natinginan sila at nagtaka sa tanong ko kasi nakita ko naman yung nangyari. Specific kasi Yani di ba?
“I mean, what happened that made the helicopter blow up?” dagdag kong tanong.
“Oh well…” sabi ni Eaux. “It’s uhm… it’s actually complicated. Let’s just go to your office and start the introduction.”
“He’s right, Yani. We still have work to do,” sang-ayon ni Fuego.
Ano ba naman yan. Paliwanag lang naman ang hinihingi ko pero may point nga naman sila. Pwede namang pag-usapan pagkatapos ng introduction.
“Okay fine. The princesses are waiting at the office,” binigyan ko sila ng ngiti after I said that.
Bahagya silang nagulat at agad silang pumasok na parang mga excited na bata para lang makita sila. Hayst, itong mga magkakapatid na ito iba talaga pag natamaan. Parang bula na nawala sa isip nila ang nangyari kanina.
Ang naiwan ay ako, si Jethro at ang bagong lalaki. Naglabas muna ako ng buntong hininga at tinignan na puno ng pagtataka si Jethro.
"Uhm hindi ka pa ba papasok?" tanong ko sa kanya.
Binigyan niya muna ako ng ngiti. "Wala rin lang akong magagawa doon kamahalan kaya aking hihintayin ka na lamang," sagot niya.
Napatango na lang ako. Alam niyo guys, masanay na kayong ganyan ang mga sagot niya. Minsan may mas deep pa siyang nasabi. Well ganyan naman talaga siya, masyadong pormal.
Binaling ko na lang ang aking tingin sa bagong lalaki na poker face lang na nakatingin sa amin. Nginitian ko siya.
“Uhm pasensya ka na sa mga nangyayari. Medyo nagkaproblema lang ng konti—ay, oo nga pala nakakaintindi ka naman ng tagalog kasi Pilipino ka di ba?” tanong ko.
Hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin ng blangkong mukha. Okay… mukhang de javu ito ah.
“Uhm… so… let’s just say na nakakaintindi ka,” medyo sarcastic kong saad. Kunwari oo yun dahil alam naman natin na silence means yes di ba?
“Uhm kuya, alam ko nakakagulat ang biglaang pagdating ng walong lalaki at naintindihan ko yun dahil naranasan ko na din yan minsan pero uhm ang masasabi ko na lang ay sumama ka sa amin para malinawagan ka kung bakit namin ginawa yun. Okay ba?”
Muli, hindi siya umimik. Tumalikod na lang ako sa kanya.
OKAY. Hindi pa ako naiinis. PRAMIS! Let’s just say, SILENCE MEANS YES ULIT!
Siguro ganyan nga talaga siya. Hindi siya makaimik dahil kinakabahan siya at naninibago. OO! Yun lang yun Yani. YUN LANG YUN!
I sighed and looked at Jethro and tried my best to smile. “Tara na,” alok ko.
He just nod his head as a reply at nagsimula na kaming maglakad papunta sa pinto at tinignan ko muli ang bagong lalaki pero napatigil ako.
HINDI SIYA KUMIBO MAN LANG AT TINITIGNAN KAMI NA PUMAPASOK! Kuya ples, huwag mo akong pagalitin. Marami pa akong gagawin bukod sa iyo. Ples, huwag ka nang paimportante.
“Kuya, tara na po sa loob. Mainit dito sa labas at malakas ang tirik ng araw baka ma-sunburn ka o baka naman uhaw ka. Siguro yun ang rason kaya hindi ka makapagsalita,” sabi ko.
Note the SARCASM. My gash. Baka hindi ko na ma-keep yung composure ko sa kanya. Wala eh. Kailangan kong mag-adjust sa kanya dahil kasalanan naman namin na kinidnap siya pero sobra naman ito.
Pero ayun, wala pa rin. Hindi na nga siya kumibo, binalikan niya pa ako ng tinging malamig. Ano to kuya, staring contest? Hingang malalim…
OKAY! SUKO NA AKO. SASABOG NA TALAGA AKO.
Bumaba ako para lapitan siya at kung pwede lang HILAHIN SIYA PAPASOK SA MAIN CABIN—
SWOOOSH!
Napatigil ako dahil may apoy sa daan ko… na galing sa kamay niya. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat at talagang nanigas ang buong katawan ko.
“Subukan mo,” seryoso niyang saad na puno ng pagbabanta.
Napatikom ako ng bibig at sobra na ang pagkagulat hindi lang sa ginawa niya kundi… nagsalita siya.
Oo pramis. Dahil sa mga salita niya ako nagulat talaga at isama na rin natin ang makamandag niyang tingin sa akin kaya napaatras ako pero agad namang dumating si Jethro sa harap ko, pinawi ang apoy gamit ng yelo at binalikan ng seryosong tingin ang bisita habang may lumulutang na ice ball sa kanyang kamay.
Walang umimik ni isa sa amin at nagtitigan lang sila sa isa’t isa. Ako naman, nakatingin lang sa baba at bakas pa rin ang takot dahil sa totoo lang, naalala ko na may ganito ring nangyari nuon, nung hinatid niya ako sa kwarto ko.
Eish ano ba yan ang dami ko na namang naalala tungkol sa amin ni Jethro. Dapat kinakalimutan ko na ito eh.
Lumipas ang ilang minuto bago nawala ang takot ko at naglakas loob na maglakad papunta sa pagitan nilang dalawa.
“Walang gagawa ng kahit ano. Jethro, patunawin mo yang yelo sa kamay mo!” puno ng awtoridad na saad ko sa kanya.
Agad namang ginawa ito ni Jethro sabay lumingon agad ako sa lugar ng bisita.
“Kuya, alam kong may nasabi akong di maganda kaya pasensya na pero huminahon ka. Alam kong litong-lito ka ngayon pero please kahit ngayon lang, sumama ka sa amin. Please?”
Hindi siya umimik at muli tinitigan lang ako.
“Wala kaming binabalak na masamang gawin sa iyo,” puno ng paninigurado na sabi ko sa kanya.
Tinitigan niya muli ako at pinikit na lang ang mga mata. Naghintay kami kung magsasalita ba siya pero dumaan na ang ilang minuto, wala pa rin. Naku naman. Kailangan ko na atang masanay sa kanya kung magnanatili siya rito.
“So tara. Pasok na tayo,” alok ko ulit.
Nasa pintuan na muli kami ni Jethro nang,
“Bakit hindi pa rito?” tanong ni Kuya.
Napatigil agad kami at tumingin sa kanya. Wow. Parang milagro talaga pag nagsalita siya.
“Uhm… ano… uhh…” sa totoo lang may point siya. Ang hirap sagutin nun ah. “Ah ano kasi makakasama natin yung mga lalaki kanina na kumuha sa iyo at sigurado ako na magpapaliwanag din sila. Para makilala mo rin sila at malaman mo kung bakit ka nandito ngayon.”
Umiwas siya ng tingin.
“So uhm may tanong ka pa?” tanong ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagsimulang maglakad papunta sa pinto at pumasok.
Alam ko na. Alam ko na talaga na SILENCE MEANS YES! Thank you hah kuya! Matagal na kasi akong nalilito kung silence means yes or silence means no. Badtrip. Minsan na nga magsalita, mambabasag pa.
Pumasok na lang kami ni Jethro at nakita siya na naglalakad na hindi naman alam kung saan pupunta kaya binilisan kong maglakad para maigabay siya. Nasa likod naman ng bisita si Jethro para siguraduhin lang na hindi siya makatakas.
Habang naglalakad kami, napapaisip talaga ako. Ang coldhearted niya kasi… parang yung dating siya lang…
Oh no, hindi kaya baka may yelo rin siya sa puso niya kaya siya ganyan? Paano kaya kung ganun o baka naman—heh Yani, kung ano-ano na namang pinag-iisip mo.
Buti naman wala siyang ginawang kalokohan papunta sa opisina ko (hindi tulad ko dati) pero nagulat ako nung nasa labas ng opisina si Aes na nakasandal sa pader. Halata sa mukha niya na nag-aalala.
“Aes, what’s wrong?” tanong ko na ikinagulat niya sabay tumingin sa akin.
“Oh uhm I’m waiting for her,” sagot niya.
“Donna? She’s not yet here?” tanong ko.
He just nod his head as a reply. Why Donna? Bakit ngayon ka pa na-late? Akala ko pa naman magiging okay na siya pag nagkita lang sila ni Donna yun pala, siya pa ang wala.
“Uhm maybe we can wait inside,” sabi ko.
He smiled weakly as his reply sabay pumasok kaming apat. Pagkabukas ko ng pinto, ayan enjoy ang ating mga mahal na prinsipe at prinsesa na nag-uusap. Hay naku.
“Ahem…” I cleared my throat dahil hindi man lang nila napansin na pumasok kami.
Napatigil sila at tumingin lahat sa amin at agad ding pumunta sa kani-kanilang mga posisyon. Nung naayos na, duon ko lang talaga napansin na wala nga talaga si Donna.
Huhu where art thou Donna? Naghihintay na ang prinsipe mo. Talagang bakas ang lungkot sa mukha ni Aes nung tinignan niya ang empty seat ni Donna.
May namuong katahimikan sa pagitan naming lahat at tumingin yung iba sa akin na nagtataka dahil hindi pa ako nagsisimula.
“Uhh sorry. Let’s wait for the others before we start,” sabi ko.
Napatingin naman sila sa mga lugar na walang tao. Naghihintay kami at sabay tumingin ako sa relo ko.
Not long enough when someone opened the door. Hay thank you Lord. Andyan na rin si—
Napatingin kaming lahat sa pinto pero ako lang ba o pati sila na hindi inaasahan na iba ang pumasok?
Si Elesa, ang electric princess na poker face lang na nakatayo sa pinto.
“Sorry I’m late,” walang buhay niyang sabi at naglakad papunta sa lugar niya.
Shacks. Bakit hindi ko napansin na wala pa pala siya? Naku naman Yani pero still, asaan na si Donna?
BOOGSH!
Malakas na bumukas ang pinto na ikinagulat ng halos lahat at sabay-sabay kaming napatingin sa pinto. Anduon si Donna na humihingal na para bang nag-marathon siya sa pagmamadali. Napatayo rin siya ng matuwid at nag-bow agad sa aming lahat.
“I’m really sorry for being late,” paghingi niya ng paumanhin at agad pumunta sa kanyang pwesto.
Alam niyo, okay na eh. Nandito na siya pero nakakapanghinayang dahil hindi man lang niya binati si Aes ni kahit man lang hi o ngiti, wala. Donna naman eh.
Grabe. Una palang ito ang dami nang nangyari. Napabuntong hininga na lang ako, inayos ang sarili, ngumiti at nagsalita.
“Okay, let’s start.”