Prologue

894 Words
I was running... running while tears are falling from eyes. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun sa akin. Siya na lang ang natitira kong pag-asa kahit kailan lang kami nagkakilala pero... binigo niya ako. Lahat yun kasinungalingan lamang. Napatigil ako sa isang lugar na hindi ko alam pero nakakita ako ng upuan kaya napaupo ako agad. Pagod na ako. Pagod na ako sa kakatakbo at pagod na rin ang mata at puso ko. Alam ko naman eh. Alam ko na the moment I saw those stares of him to her, alam ko na eh pero... gusto ko lang naman malaman niya ang nararamdaman ko. Gusto ko lang malaman niya kahit i-reject niya ako... "Why are you crying, dear one?" bulong ng isang boses. Nagulat ako at napaangat ng ulo para tignan ang aking paligid pero wala akong nakitang tao. Guni-guni ko lang ba yun? "Your eyes are wet darling. What happened?" that same voice asked kaya nagulat ako na hindi ko lang guni-guni iyon. "Sino ka? I mean, who are you?" tanong ko habang iniikot ang tingin para lang hanapin ang nagsasalita. "Don't be scared my dear. I'm not here to hurt you." "Where are you? Why can't I see you?" at patuloy pa rin sa paghahanap sa kanya sa aking paligid. "You don't need to see me. All you need is to listen and I will also listen to you... always..." The moment he said that, napatigil na lang ako. His voice is so calm that I managed to calm down too. "So what happened dear one?" he asked. Napayuko na lang ako at naramdaman na naman ang pag ngilid ng mga luha ko. "I was rejected." He paused. "Really?" bigla niyang saad. "Are you sure about that?" Napatigil ako at napaangat ng ulo. "How did you—" "My dear…" singit niya. "...you didn't even say anything to him so how sure are you that he rejected you?" Hindi ako nakaimik at nagpatuloy sa pag-iyak. "I just want to say what I feel about him," sabi ko na lang. "I see," after he said that, somehow kahit hindi ko siya nakikita, I felt something that sent chills in my spine. "I can help you," he suddenly proposed na ikinagulat ko. "I can make that happen." "How?" simpleng tanong ko. After I asked that, ramdam ko na naman na nakangiti siya pabalik sa akin... or more like he's smirking. "All you need is this certain someone..." he answered sabay may lumutang na larawan na hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinuha ko ito. "Just tell them to look for him... and the rest will be according to plan." ** Isang araw, dati lang akong hamak na babaeng pumapasok sa paaralan na parang normal na estudyante... ay hindi pala, hindi normal ang buhay ko noon. Namuhay akong mag-isa at may kapangyarihan ako kaya paano naging normal yun? Buti na lang may lugar na ganito... Eullenuum Nation, ang lugar kung saan talaga ako nabibilang. Marami pang tao diyan na katulad ko na hindi nabibilang sa lugar na kinalalagyan nila kaya bilang isang prinsesa, gusto kong ipadama sa kanila maging sino man sila na may lugar na para sa kanila. I want to make them feel that they belong at yun ang misyon ko. Sabi nila nag-iisa lang daw ako na may abilidad na ganito. Totoo kaya yun? It's already been months since naging prinsesa ako ng nasyong ito and so far, wala pa akong nakikilalang katulad ko. Nasa opisina ako ngayon, nagsusulat at nag-sta-stamp ng mga papeles. Hirap pala noh. Sa iyo ibibigay lahat ng bagay tungkol sa lugar na ito. Buti na lang talaga naisipan kong kumuha ng mga bagong prinsesa kasama ng mga prinsipe ngayon kaya hindi ako nag-iisa ngayon. Pero wala ang mga prinsipe ngayon kasi may pinuntahan silang bagong individual. Hindi nila alam kung anong elemento ang kaya niyang controlin basta lagi raw pag may kukunin sila, may larawan sila... well thanks to our Air Prince, Turuki who is a professional photographer. Not long enough nang may kumatok sa pinto ko. "Come in," sambit ko. Bumukas ito at bumungad ang prinsipe ng yelo, si Jethro. "Good morning, Princess Yani," bati niya na nakangiti. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan siya sabay binigyan rin ng ngiti. "Good morning din Jethro. Anong maitutulong ko?" pormal kong tanong. "Andito na siya," pormal niya namang sagot. Bahagya akong nagulat. "Ah. Yung new guy or girl?" tanong ko. "Lalaki siya at isa siyang Pilipino," sagot niya. "Okay. So anong elemento ang nakokontrol niya?" Napatahimik siya saglit bago nakapagsalita. "Hindi kami sigurado kasi hindi siya masyadong nagsasalita." "Bakit? Hindi ba obvious sa itsura niya?" nagtataka kong tanong. Napatingin siya sa baba at napabuntong hininga. "Itim ang kanyang buhok at mga mata at sa tingin namin, tulad mo siya," sagot niya. "O di kung ganun, baka isa siyang metal guy—" "Hindi po mahal na prinsesa," singit niya. "Ang ibig kong sabihin na katulad mo, kaya niya ring kontrolin lahat ng elemento." Author's Note: As you can see, Prologue lang po ang naka post as of now as a teaser for this is a sequel. Kung gusto niyong malaman kung ano ang first book, go read my book titled "My Nation." I'll only update this again kapag natapos ko na ang updating ng "My Nation". So what are you waiting for?! Hehe ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD