Chapter Twenty Five

2024 Words
Nang matapos ko kausapin ang kliyente ko sa opisina ko lumabas na kami at bitbit ko ang attache case ko. Pupunta kami ng korte para sa unang pagharap iba pa ito sa kliyente na anak naman nanggulo sa akin. "Goodluck, attorney!" pag-cheer sa akin ng kapwa kong abogado. Ngumiti lang ako sa kanila at sumunod na ako sa kliyente ko humiram ako ng service car sa law firm. Nang sumakay na ako umalis na kami at naka-convoy lang ako sa kliyente ko nang makarating kami sa korte sinalubong ng reporters ang kliyente ko umiwas lang ako at sa ibang daan dumaan. Ayoko nang pag-kaguluhan ng ibang tao ang pagiging abogado ko at nang makarating kami sa loob ng korte umupo na ang kliyente ko sa pwesto at binati namin ang mga naghihintay. "Magandang araw po," bati ko at tumango sila sa amin sobra nilang seryoso pero naiintindihan ko sila. Nagsimula na kami sa hearing at nagbago ako ng kilos nang ginigipit nila ang kliyente ko may mali man nagawa ang kliyente ko sa nirereklamo ng kalaban may karapatan din naman ito na ipagtanggol ang sarili wala akong pinapanigan. "Your honor!" sambit ko. Nakarinig kami nang pag-bagsak ng wooden gavel na hawak ng hukom. Nagsalita ang hukom at nakinig lang kami may second session pang magaganap sa amin paghaharap ulit. Bumuntong-hininga ako at tinapik ako sa balikat ng kliyente ko. "Matalo man o manalo tayo sa susunod na hearing, Mr. Kevin nagpapa-salamat ako sa tulong mo." wika ng kliyente ko sa akin at tumango na lang ako. Tumalikod na kami sa kalaban at nakarinig ako ng iringan napapa-iling na lang ako. "Sila ngayon ang nagtatalo," bulong ng kamag-anak ng kliyente ko narinif ko ang pagbulong. "Shhh.." pananaway naman ng kliyente ko at nagpaalam na ako para bumalik sa office ko. Nang makabalik na ako sa law firm nasalubong ko si Ging na iba ang itsura ng mukha. "Ging," tawag ko at lumingon kaagad sa akin. "Hm," sambit niya sa akin nilapitan ko kaagad siya. "Problem?" deretsahang tanong ko sa kaharap ko at umiling siya sa akin. "Kilala na kita, Ging kahit matagal na tayong hindi nagkita," aniko at tumitig ako sa kanya. Nagpaalam kami sa isa't-isa na magpapalit ng damit sa loob ng office namin. Nagkita kami sa katapat na restaurant ng law firm at nag-usap ng seryoso tungkol sa kaso nang bawat isa. Nang magsasalita na ako may nahsalita sa likod ko napalingon ako ng makilala ko ang boses. "Ice!" tawag ni Gun sa akin na may ngiti sa labi niya napatingin pa sila kay Ging na yumuko bigla nang nilingon ko. "Gun at Dino," nasambit ko na lang sa dalawang magkasama. "Uy, ang tagal nating hindi nagkasama ah? Sama ka sa gig." aya ni Gun sa akin at hindi ako nagsalita napansin niyang iba ang aura ko at tumahimik siya. "May guesting si Light, sama ka sa amin," sambit ni Dino nang hindi na nagsalita ang jowa niya. "Win, sumama kaya tayo? Kilala mo pala sila at kilala nila si Light." sabat ni Ging sa amin dahilan parehas kami tumingin sa kanya. "Ging, may pinag-uusapan pa tayo tungkol sa-" putol ko ng sasabihin nang magsalita ito. "Kalimutan muna natin ang tungkol sa pinag-uusapan natin, Win magsaya muna tayo, ano?" tanong niya. Bumuntong-hininga na lang ako at bumling ang tingin ko sa dalawang nasa likod namin. "Nasaan ba si Light ngayon? Nasa school pa yata." sambit ko tumingin ako sa relo ko alam ko ang schedule niya as boyfriend. "Tawagan ko," sabat ni Gun at inalok ni Ging na umupo sila sa katapat namin. "Pwede pa natin pag-usapan bukas ang tungkol sa kaso, Win mag-relax muna tayo," wika ni Ging sa akin. Nakita kong nakatingin sa amin si Dino alam kong nag-observe lang siya sa aming dalawa ni Ging. "Delikado ang kasong hawak mo, Ging," sambit ko at hinawakan ko ang kamay nito wala na akong pakialam kung makita ito ng dalawa kong kaibigan. Binuklat ko ang isang folder na naglalaman ng kaso nito at pina-liwanagan sa kanya mabuti ang nangyayari at mangyayari pa lang. Hindi ko pinansin si Gun na mukhang kausap na si Light sa kabilang linya. "Relax, Win kaya ko ito," aniya sa akin at hinawakan ang kamay ko kaagad kong nilayo nang may matang nakatingin sa amin. "Hm," aniko na lang. Narinig namin ang boses ni Light kahit kausap ni Gun. Gun: Nagkita kami sa resto at inimbitahan ko na sumama sa amin ni Dino nagtaka pa kami nang makita ko siya akala ko ikaw ang kasama niya. Light: Nasa trabaho siya kaya may kasamang iba baka ka-trabaho niya ang kasama niya. Gun: Baka...naistorbo ko pa yata dahil may nakapatong na mga papel nun, hindi ko naman alam. "Gun, si Light ba ang kausap mo?" pagtatanong ko naman bumuntong-hininga na lang ako. "Oo, sinabi kong kasama ka namin," wika ni Gun sa akin at napapailing na lang ako ang daldal talaga niya. "Minsan, Gun 'yang bibig mo patahimikin mo sa ka-daldalan mo inistorbo mo na kami ng ka-trabaho ko sa ginagawa namin pumayag lang ako dahil unang beses niya makakapunta sa network at maka-relax ang isip namin hindi ko na siya sinabihan na magkasama tayo dahil alam kong busy 'yong tao." sambit ko na lang. Light: Ibaba ko na 'to, Gun mukhang bad mood ang babe ko. Gun: Sige, tingin ko nga rin eh... "Huy," saway ni Ging sa akin nang tapikin niya ako sa kamay sumimangot na lang ako at natawa siya. "Miss ko ang ganyang pagmamaktol mo," nasambit ni Ging sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya hindi ako nagsalita kaagad dahil may kasama kami. "Tara," tawag ni Dino nakaramdam ako nang ackwardness sa dalawang kaibigan ko. Tumayo na kaming apat sa upuan at lumabas na kami sa restaurant lantaran ang relasyon nila kumpara sa amin ni Light nang mapansin ni Ging na nakatingin ako sa kanya umiwas siya. Sumakay na kami sa van at tahimik lang kami sa loob napatingin ako kay Ging nang matumba ang ulo niya sa balikat ko inayos ko na lang bago hinawakan ang pisngi niya. "Third wheel?" narinig kong sambit ni Gun mula sa likod namin. "Sh..hindi natin alam ang totoo," wika ni Dino at hindi na lang ako nagsalita alam kong nagtataka sila lalo na si Light tahimik lang siyang nagmamasid. Sasabihin ko rin naman ang totoong koneksyon namin ni Ging kapag okay na ang lahat. "Win, kamusta ang baby love natin?" tanong niya sa akin. Wala na akong choice kundi sabihin ang totoo sa kanya kung nasaan na ang baby love namin. "Matagal na siyang wala," sambit ko alam ko na ang aso ang tinutukoy niya. "Baby love natin?" narinig kong sambit ni Gun at narinig kong sinaway ito ni Dino. "Matagal ng kinuha si Wigi." sambit ko na lang. "Parehas ko kayo namimiss noong nasa Canada ako alam mo ba 'yon pero nung dumating si Frey sa buhay ko nawala ang pangungulila ko malapit ka sa akin eh, alam mo 'yan," wika ni Ging sa akin naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko," aniko na lang at hinawakan ko na rin ang kamay niya. Lumingon pa ako sa likod at sinamaan ko nang tingin ang dalawang kaibigan ko na nagdududa sa amin. Nang makarating kami sa network nakita ko na siya kaagad mula sa labas ng van at kinalabit ko naman si Ging na naka-idlip sa balikat ko. "Nandito na tayo," nasambit ko na lang. Bumaba na kami sa van at naglakad palapit kay Light kinabahan ako bigla ng hindi ko maintindihan nakipag-titigan siya sa akin. Binaba niya ang helmet at inalis ang susi sa motor bago siya pumasok sa network binati pa kumaway naman siya sa amin. "Light!" tawag ni Gun nakatingin siya sa akin. Tumingin kaming dalawa ni Ging at ngumiti ako sa kanya naglakad na sila papunta sa kanya kahit tumatambol ang puso ko. "Si Ging, Light kapatid ng ex ni kuya at kinakapatid ko," aniko at tumingin siya kay Ging. "Hi! Light, nagkita na tayo sa elevator hindi lang ako naipakilala sa'yo ni Win dahil kasama ko ang anak ko at mahuhuli na 'yon sa school." anito nakatingin lang siya nang seryoso sa amin napansin ko 'yon. "Hi!" pagbati na lang niya at tumingin naman siya sa akin pagkatapos magsasalita na ako nang sumabat si Gun. "Tara na," pagtawag sa amin ni Gun at pumasok na kaming lahat sa loob binabati pa kami ng mga staff at ibang artist ng network Naiwan kaming dalawa sa labas ni Ging kasama naman ni Light ang dalawang kaibigan namin. "Hindi ka ba maiinip?" tanong ko bigla nang sinandal ko ang likod ko sa pader. "Hindi, ito na pala ang buhay mo noon bago ka bumalik sa dream mo?" tanong niya sa akin. "Oo," pag-amin ko na lang sa kanya at binati ako ng mga dumadaan sa harapan namin. "Sikat na sikat ka pala talaga," sambit niya ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos. Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko sa bulsa nakita ko na may message si Light binasa ko na lang at kaagad nag-reply ako. Text message Light: Naiinip ba kayo dyan? Babe: No, okay lang kami ni Ging matatapos na ba kayo? Light: Oo. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya at nag-usap tungkol sa kaso at nakaraan namin napalingon kami nang bumukas ang pintuan ng dressing room. Kanina nag-usap pa kami bago pumasok sa dressing room si Light nakikita ko ang selos sa mukha nito lihim akong nakamasid kay Light. "Ano ka ba, Ging kaibigan, at kinakapatid ka ni Ice hindi ka na magiging iba sa amin," sabat ni Dino at umiling ito sa kaibigan ko. "Maiiwan na lang ako para may kasama siya hindi ka pa rin nagbabago kapag may bago kang nakikilala," sambit ko nakita ko ang pamumula ng mukha nito. "Ganun talaga ako, Win naalala mo pala," wika naman ni Ging sa kanya. Natawa naman ako sa sinabi niya at nakita ko ang tunay na mukha niya kapag nahihiya. "Dahil sabay tayo lumaki, Ging kung hindi lang nagpakasal sa iba si ate Pam magiging sister in law pa kita." sambit ko dahil totoo naman nakita ko ang gulat sa mukha at napatingin ako sa mga kasama namin. "Ano ka ba!" saway ni Ging sa akin. "Nadulas na ako kung hindi rin kita iniwan buo na tayo at kuntento," wika niya sa akin kung hindi ka umalis hindi ko makikilala si Light. Narinig ko na tinawag niya ako at lumingon naman ako naglakad na kaming tatlo nasa likod namin ang dalawang mag-jowa. Nang makarating kami sa studio tinapik ko siya sa balikat at tinuro ko ang gilid kung nasaan si Ging. "Dun ka na lang namin papanoorin," aniko sa kanya at tinignan niya ang katabi ko at nakita ko ang pag-iling ko at umiwas nang tingin. "Ako na lang, Win ka-banda mo sila ayoko na maging out of place ako pero kailangan ka," wika ni Ging. "Sasamahan kita, Ging makikita naman ako." sambit ko na lang. "Tama siya," sang-ayon na lang ni Light dahil kita ko na naiilang sa paligid si Ging. Kinanta niya ang favorite song niya para sa akin napatingin ako sa kanya at sa buong audience sana mapansin niya ako. Ano ang nasa isip mo, babe? Hmmm.... Hmmm.... Unos sa buhay natin 'Di ko papansinin Nang matapos ang pagkanta ang interview bumalik na siya sa backstage nilapitan namin siya. Napatingin kami sa taong bumugad sa amin napatingin pa ako kay Ging na hindi ko mtukoy ang senyas. "Ms. Ramirez, pinapa-uwi na kayo ni ma'am Pam at nag-aabang sa labas ang stalker nyo." bungad ng lalaki sa amin. "Ano? Hindi pa rin ba siya tumitigil?" tanong ko sa lalaki nakilala ko sila dahil nakita ko sa bahay. "Hindi, sir." sambit ng lalaki, at nagpaalam na sa amin si Ging. "Ingat kayo sa pag-uwi," wika ni Ging. "Sa condo nyo ba tutuloy ang anak mo?" tanong ko at nakalapit na siya sa amin. "Oo, baka gabihin ako bago umuwi sa condo," sambit ni Ging at napalingon sa kanya nang magsalita hiningi ko ang cellphone number ng anak namin. "Ako na ang bahala sa anak mo," aniko at ginulo ang buhok nito bago sumama sa dalawang lalaki na parang goons.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD