Nakikiramdam lang ako sa kanya mula nang mawala na ang nangangalang Ging sa aming harapan.
"Babe, umuwi na tayo?" sambit niya sa akin kaagad at sinabi niya rin sa dalawang kasama namin.
Sumang-ayon ang dalawang mag-jowa at balak na rin umuwi sa kanilang apartment. Naglalakad na kaming apat nang magsalita si Gun sa kanya napatingin kaming dalawa ni Dino sa kanya.
"Sino ba sila, Win?" pagtatanong ni Gun nang tumigil pansamantala at tinignan niya si Win.
"Hindi ako sure, Gun kung sino sila pero sumama naman si Ging sa kanila ibig sabihin kilala niya ang mga lalaking 'yon," wika niya sa aming tatlo at naglakad ulit kaming tatlo kinawayan na lang namin ang fans na nasasalubong namin.
"Baka mapahamak siya sa mga lalaking 'yon," sambit ni Gun sa kanya nang sumabay siya sa paglalakad namin.
"Hindi, tatawagan niya ako o tatawag ang pamilya niya sa akin kapag may hindi magandang nangyari sa kanya kilala ko siya kahit matagal nang hindi kami nagkita ni Ging." wika niya sa aming tatlo halata nga na kilala mo ang babaeng 'yon kampante ka kasi nang sumama ito sa mga lalaking 'yon.
"Kilala mo talaga ang babaeng 'yon kahit matagal na kayo hindi nagkikita," nasambit ni Dino sa kanya tumingin sa kanya si Win at nakita ko ang pag-iling niya.
"Kababata ko siya mula pa noon, Dino elementary to high school iisa ang school naming dalawa nagkalayo lang kami nang piliin niyang mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa ang pagbabago meron siya pananamit at style niya sa pagsasalita maliban sa may junakis na siya normal na magkaroon na siya ng anak sa edad nating 'to," sambit niya.
Sumakay na kaming lahat sa motor inabot ko sa kanya ang helmet niya na palagi kong dala kahit wala siya at hindi ko kasama.
Nang makarating na kami sa condominium pimarada ko muna ang motor sa basement parking lot napansin ko na bumaba kaagad siya at inalis ang helmet. Hinintay niya lang ako sa pagbaba at tinanggal ko na ang helmet ko at inabot ko sa kanya ang susi ng motor bago kami maglakad papasok sa elevator.
Pinindot ko ang floor number ng condo namin nakikiramdam pa ako sa kanya kung may sasabihin pa sa akin sa nangyari sa trabaho niya pero, hindi na siya nag-kwento pa minsan nagsasabi siya kaagad. Nang makarating kami sa floor lumabas na kaming dalawa tahimik lang ako nakasunod sa kanya.
Napansin ko na nilampasan niya ang condo namin at sinundan ko siya naalala ko ang sinabi ni Ging sa kanya.
Nasa condo nila ang kanilang anak at nag-iisa 'to ngayon sa condo nila nang pindutin ni Win ang doorbell kaagad na bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang dalaga na kagigising lang.
"Pa—tito Win?" curious nabanggit niya sa kaharap niya lumingon pa siya at nakita ako.
"Hindi uuwi ang Mama mo ngayon sa amin ka muna kung okay lang sa'yo? Sabi ng Mama mo na nag-iisa ka dito wala kang kasama baka mapa-ano ka." wika niya sa dalaga nang kausap niya nakatingin lang ako.
"Hm, dalawa kayong lalaki baka pag-isipan ako ng ibang tao, tito." wika ng dalaga sa kanya tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"Saan ka?" tanong niya sa dalaga parang magkakilala na silang dalawa.
"Dito na lang ako, tito Frey na lang ang tinawag nyo sa akin kilala ko kayo dahil tagahanga nyo ako at ito ang cellphone number ko para mapanatag ka, tito." wika nangangalang Frey daw ang tawag sa kanya nang Mama niya Win.
"Ano ang tunay mong pangalan?" tanong ko bigla dahilan para tumingin sila sa akin nang sabay.
"Hi po, tito Light! Winfrey po." wika nangagalang Frey at natigilan naman ako sa sinabi niya sa akin napatingin ako sa kanilang dalawa ayoko mag-isip ng iba sa ngayon kung bakit parehas sila ng pangalan.
Lalo nang malaman kong kababata niya si Ging hindi posible pero imposible dahil magkakaiba tayo ng gustong tao noon at hindi pa kami magkakilala noon.
"Sigurado kang dito ka lang?" pagtatanong niya sa dalaga iba ang nakikita kong pagka-concern niya.
"Oo, tito Win," sambit nangagalang Frey at kinawayan kaming dalawa nakita kong sinundan niya nang tingin ang dalawa.
Hinaltak ko na siya para magpunta sa condo namin at nang makapasok kaming dalawa binitawan ko siya kaagad. Bumuntong-hininga na lang ako at hinagis sa sofa ang dala kong bag.
"Babe," seryoso kong tawag sa kanya nang hindi ako tumitingin sa kanya.
"Bakit?" tanong niya nang sagutin ako naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
"Nagseselos ako sa inyong dalawa," pag-amin ko ayokong magsinungaling sa kanya.
"Sa amin, kanino naman?" tanong naman niya sa akin hinarap niya ako kaagad sa kanya.
Tinaas ko ang kamay ko sa balikat niya at ngumuso sa harap niya natawa siya bago niya ako hinalikan sa labi.
"Kay Ging, babe nagpipgil lang ako noong magkasama kayo kanina at gustong-gusto na kitang ilayo sa kanya sobra kayong close," sambit ko sa kanya humiwalay naman siya sa akin at umiling kaagad.
"Ganun talaga kaming dalawa ni Ging noon, babe iwas pa nga ako nang lagay na 'yon eh dahil hindi ko na siya kilala ngayon," aniya sa akin natahimik kaming dalawa at bumitaw siya kaagad may nasabi ba siyang hindi niya dapat nabanggit?
"Babe?" tawag ko na lang sa kanya dahilan para lumingon siya sa akin.
"Gusto ko nang magpahinga, babe napagod din ako sa trabaho pasensiya na at hindi kita maaasikaso," sambit niya bago niya ako tinalikuran para pumasok sa kwarto namin sinundan ko na lang siya nang tingin.
Dumeretso ako sa banyo para magbawas at sinabunutan ko ang ulo ko sa kakaisip kung bakit may kakaibang nangyayari sa aming dalawa ni Win. Nang makalabas ako ng banyo kimuha ako ng tubig sa ref at uminom ako para huminga ako ng malalim.
Naupo ako sa sofa at inalis ko ang sapatos kasama ang medyas ko bago tinaas ang dalawang paa ko. Kinuha ko ang cellphone at kinontak ko ang mga kaibigan ko. Lumingon pa ako sa kwarto namin kung may ingay pa akong maririnig mula sa kanya kinausap ko ang mga kaibigan ko sa video call.
Chana: What's up?
Mike: Hm...nanggugulo ka ah, walang makausap?
Light: Baliw! Day off ko bukas sa pagtuturo sa university, si Ice may pasok sa work niya.
Chana: Anong konek nun? Normal naman sa inyong dalawa ang ganyan, hindi ba?
Mike: Wala na siyang oras sa'yo at ganyan ka ngayon nag-sesenti?
Tumawa silang dalawa mula sa kanilang pwesto sinimangutan ko silang silang dalawa.
Light: Hindi naman sa ganun.
Chana: Pero, malapit na dun?
Mike: Para sa future nyo namang dalawa ang ginagawa niya ayaw niya ng walang ginagawa alam mo 'yan.
Light: Hindi sa trabaho niya ang dahilan at ganito ako sa kanya ngayon o anumang explanation.
Chana: Eh, ano?
Mike: Oo nga, ano?
Light: Nagseselos ako sa kababata niya na kasama niya sa trabaho.
Chana: May dahilan ba para makaramdam ka ng pagseselos sa kababata ni Ice?
Meron nga bang dahilan?
Mike: Hm... dahilan ba? Sa palagay ko, dahil sa time na nawawala na sa kanilang dalawa kaya ganyan ang kaibigan natin.
Light: .....
Chana: ....
Mike: Dahil sa kababata, may nakita ka ba sa kanilang dalawa na nakita mo sa noon sa inyong dalawa ni Ice?
Napa-isip ako sa sinabi ni Mike kay Ging may nakita akong ganun pero hindi ko lang pinansin kaya ba nakaramdam ako ng pagseselos dahil dun?!
Light: Ewan ko, hindi ko alam...
Chana: Hindi ba mag-proprose ka sa kanya?
Mike: Nakabili ka na nang singsing?
Light: Oo, at hindi pa.
Chana: Ano! Samahan ka namin bumili ng singsing baka 'yan lang ang hinihintay ni Ice na gawin mo sa kanya.
Mike: Oo nga, kayo na bakit parang bumalik ka sa simula nagalaw mo na nga eh.
Light: ....
Chana: Ang kulang sa inyong dalawa maliban sa kasal ang —
Mike: Anak wala kayong sariling anak pwede kayo magpa-surrogate sa ibang bansa may ganun naman eh lalo na sa mga celebrity.
Light: ...
Wala nang nagsalita nang hindi ako umimik sa kanilang sinabi sa akin tama naman ang sinabi nila sa akin.
Bumuntong-hininga na lang ako pagkatapos ko makausap ang mga kaibigan ko. Tumayo na ako sa sofa at lumakad papasok sa kwarto namin naabutan kong natutulog na siya tinabi ko ang mga bitbit ko bago naupo at hinalikan ko siya sa pisngi saka ako nahiga sa kama namin tumagilid lang ako sa kanya.