Chapter Twenty Six

1137 Words
Nang mawala sa harap namin ang mga lalaki kasama si Ging kinausap ako ni Gun napalingon ako sa kanilang tatlo. Iniisip ko rin ang anak ko lalo nang sabihin ng lalaki na may nagmamatyag sa mag-ina ko. "Win?" tawag ni Dino sa akin nang tapikin niya ako sa balikat ko napansin ko naman nakatingin si Light sa akin. Ewan ko pero kinabahan ako para sa mag-ina ko at gusto ko sila alagaan. "Sino ba sila, Win?" pagtatanong ni Gun nang tumigil pansamantala at tinignan niya ako. "Hindi ako sure, Gun kung sino sila pero sumama naman si Ging sa kanila ibig sabihin kilala niya ang mga lalaking 'yon," aniko sa kaibigan ko at naglakad ulit kaming tatlo kinawayan na lang namin ang fans na nasasalubong namin. "Baka mapahamak siya sa mga lalaking 'yon," sambit ni Gun sa akin nang sumabay siya sa paglalakad namin ni Light. Naramdaman kong hinawakan ni Light ang kamay ko at pinisil. "Hindi, tatawagan niya ako o tatawag ang pamilya niya sa akin kapag may hindi magandang nangyari sa kanya kilala ko siya kahit matagal nang hindi kami nagkita ni Ging." sambit ko sa kanila. Alam kong hindi mapapahamak si Ging kilala ko siya kahit matagal na kaming hindi nagkasama. "Kilala mo talaga ang babaeng 'yon kahit matagal na kayo hindi nagkikita," nasambit ni Dino sa akin tumingin ako at umiling na lang ako. "Kababata ko siya mula pa noon, Dino elementary to high school iisa ang school naming dalawa nagkalayo lang kami nang piliin niyang mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa ang pagbabago meron siya pananamit at style niya sa pagsasalita maliban sa may junakis na siya normal na magkaroon na siya ng anak sa edad nating 'to," sambit ko—hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kailangan kong makausap ang anak ko. Kahit hindi pa kami lubos na magkakilala o nagkasama gusto pa rin na makitang okay ito at walang nangyaring hindi maganda sa anak ko. Sumakay na kaming lahat sa motor inabot niya sa akin ang helmet ko na palagi niyang dala kahit wala ako at hindi niya ako kasama. Nang makarating na kami sa condominium pimarada ko muna ang motor sa basement parking lot bumaba kaagad ako, at inalis ang helmet. Hinintay ko na lang siyang bumaba at tinanggal niya ang helmet ko at inabot niya sa akin ang susi ng motor bago kami maglakad papasok sa elevator. Pinindot niya ang floor number ng condo namin. Nang makarating kami sa floor lumabas na kaming dalawa tahimik lang ako na nauunang maglakad. Nilampasan ko ang condo namin at pinuntahan ko ang condo nang mag-ina ko. Nasa condo nila ang anak ko at nag-iisa 'to ngayon sa condo nila nang pindutin ko ang doorbell kaagad na bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang—ang anak ko. "Pa—tito Win?" curious nabanggit nito sa akin lumingon pa siya at nakita niya sa likod ko si Light. Tumitig ako sa mata nito at parang babaeng version ko ang anak ko gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. "Hindi uuwi ang Mama mo ngayon sa amin ka muna kung okay lang sa'yo? Sabi ng Mama mo na nag-iisa ka dito wala kang kasama baka mapa-ano ka." aniko sa anak ko nang tumitig ako sa anak ko. Hindi ko man siya nasilayan noong sanggol siya hanggang sa lumaki na siya at hindi mo man lang nasubaybayan ang pag-dadalaga niya. Nanghihinayang ako na hindi ko man lang naisip na sundan si Ging noon sa Canada. "Hm, dalawa kayong lalaki baka pag-isipan ako ng ibang tao, tito," anito sa akin at hindi naman ako nagsalita sa sinabi niya. "Saan ka?" tanong ko sa anak ko nag-aalala ako para sa kanya. "Dito na lang ako, tito Frey na lang ang tinawag nyo sa akin kilala ko kayo dahil tagahanga nyo ako at ito ang cellphone number ko para mapanatag ka, tito," anito at binigay niya sa akin ang cellphone number niya at minamasdan ko na lang siya habang nagdidikta ng number sa harap ko. "Anak..." mahina kong tawag sa anak ko dahilan para tinangalain niya ako nakita ko ang pagpipigil niyang umiyak. "Ano ang tunay mong pangalan?" tanong niya bigla dahilan para tumingin kami nang sabay. "Hi po, tito Light! Winfrey po." nasambit ng anak ko at natigilan naman ako sa sinabi niya sa kanya napatingin ako sa kanilang dalawa. Para akong natakot sa pang-uusisa niya sa anak naghihinala na ba siya sa koneksyon ko sa mag-ina ko? Bumaling ang tingin ko sa kanya at may kakaibang emosyon akong nakita sa mata niya. "Sigurado kang dito ka lang?" pagtatanong ko na lang sa anak ko. "Oo, tito Win," sambit ng anak ko sa akin at kinawayan kaming dalawa. Nagulat ako nang hinaltak niya ako para magpunta sa condo namin at nang makapasok kaming dalawa binitawan niya ako kaagad napa-titig na lang ako sa kanya. Bumuntong-hininga na lang ako at hinagis niya sa sofa ang dala niyang bag. Ano ang iniisip mo, babe? "Babe," seryosong tawag niya sa akin nang hindi siya tumitingin sa akin. "Bakit?" tanong ko nang sagutin ko siya naramdaman niyang niyakap ko siya mula sa likod. "Nagseselos ako sa inyong dalawa," pag-amin niya sa akin natigilan naman ako sa sinabi niya. "Sa amin, kanino naman?" tanong ko naman sa kanya alam ko kung kanino siya nagaeselos hinarap ko siya kaagad sa akin. Tinaas niya ang kamay sa balikat ko at ngumuso sa harap ko natawa ako bago ko siya hinalikan sa labi niya na tinugon naman niya. "Kay Ging, babe nagpipgil lang ako noong magkasama kayo kanina at gustong-gusto na kitang ilayo sa kanya sobra kayong close," sambit niya sa akin at humiwalay naman ako sa kanya at umiling kaagad. "Ganun talaga kaming dalawa ni Ging noon, babe iwas pa nga ako nang lagay na 'yon eh dahil hindi ko na siya kilala ngayon," kaila ko na lang at natahimik kaming dalawa at bumitaw kaagad ako. Hindi pa niya pwedeng matuklasan ang koneksyon ko sa kanila hindi ko pa kayang sabihin. "Babe?" tawag na lang niya sa akin dahilan para lumingon ako sa kanya. Kilala ko si Light, sarado ang isip kapag hindi niy maunawaan ang explanation ko tungkol sa totoong koneksyon ko sa mag-ina ko. Kaya kapag may hindi nagkaka-intindihan umaalis ako sa condo namin para palamigin ang utak ng bawat isa. Kaso, iba ngayon at bilang lawyer iba ang resulta kapag sinabi ko sa kanya kaagad ang tungkol sa anak ko. "Gusto ko nang magpahinga, babe napagod din ako sa trabaho pasensiya na at hindi kita maaasikaso," sambit ko na lang bago ako tumalikod sa kanya para pumasok sa kwarto. Ayoko rin na sa iba pa niya malalaman ang tungkol sa kanila nang makapasok ako sa kwarto namin humilata muna ako at napatingin sa kisame. Ito ba ang senyales niya para magkaroon ng maayos na relasyon sa aming tatlo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD