Chapter Twenty Seven

1401 Words
Nagising ako nang makaramdam ng panunubig at dumilat ako nakita ko nakayakap siya sa baywang ko. Inalis ko na lang ang kamay niya at bumangon na ako para pumunta sa banyo. Nang matapos bumalik na ako sa kama at napangiti ako sa naabutan kong itsura niya. Ano ba ang nakita ko sa'yo noon, Light na nakita ko kay Ging kaya nahulog ang damdamin ko sa'yo?! Tumabi na ako nang higa sa kanya at yumakap na rin ako maaga pa naman hindi ko kailangan magmadali pumasok sa trabaho. Nang ipipikit ko na ang mata ko nakarinig ako nang tunog ng ringtone kaagad kong kinapa ang cellphone namin. Calling... Frey: Papa! Help! Natahimik ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin ng Papa... Parang may kakaiba akong naramdaman. Win: Anong nangyayari dyan? Nasa loob ka ng condo nyo? Frey: May nakarinig akong doorbell at nakita ko ang manliligaaw ni Mama na may saltik. Win: .... Frey: Papa? Win: Huwag mo papatayin ang cellphone mo pupuntahan kita ngayon dyan. Frey: Sige, Papa. Bumangon ako bigla kaya nagising siya pupungas-pupungas pa siya nang mata niya. "Babe?" tawag niya sa akin ang husky ng boses niya. "Tumawag ang anak ni Ging, babe may nanggagambala sa condo nila na isang lalaki." sambit ko at tumayo na ako sa kama sinuot ko ang tsinelas ko. Lumakad na kaagad ako palabas ng condo namin nang huminto dahil sa pagtawag niya. "Babe, saglit!" tawag niya sa akin nabaling ako sa kanya. Kalma, Win! Inakbayan niya ako sa balikat at magkasama kami na lumabas ng condo. Lumingon pa ako at nakita ko ang nagwawalang lalaki sa harap ng condo nandun na ang security guard at ibang tao na na-istorbo nito. "Ilabas mo ang Mama mo!" sigaw ng lalaki nakilala ko nang lumingon ito sa amin. "Nanggugulo na ang lalaking 'yan nakakahiya na," sambit ng mga tao sa paligid. Nakita namin na bumukas ang pintuan at nakita ko ang anak ko na umiiyak at natatakot. "Wala si Mama umalis ka na!" sigaw ng anak ko at nagulat kami nang sampalin niya ang mukha nito. Pabalya kong inalis ang kamay niya at sinugod ko nang suntok ang lalaki dumilim ang paningin ko nang makita kong sinampal niya ang anak ko. "Wala ka talagang respeto pati ang dalaga sasampalin mo? Sinabi na sa'yo wala ang magulang niya." sigaw ko inawat ako ng mga security guard. "Ikaw? Ta—" putol nito nang suntukin ko ang mukha nito. "Sasampahan kita ng kaso, hayop ka! Madadagdagan ang kaso na haharapin mo sisiguraduhin kong makukulong ka at hindi ka makakalabas kahit may koneksyon ka pa sa batas!" sigaw ko at binalya ang mga security guard na humarang sa akin. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa mukha niya at sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki. Lumapit ako sa anak ko at yumakap ito bigla sa akin at humagulgol ng iyak. "Dalhin nyo na ang lalaking 'yan sa presinto," sabat niya sa mga security guard at nilapitan kami. Pumasok kaming tatlo sa condo nila at hindi pa rin bumitaw sa akin ang anak ko. Umupo kaming tatlo sa sofa at inalo ko nang inalo ang umiiyak kong anak. "Pwede kang mag-kwento," wika niya sa anak ko dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya. Mas lalong sumiksik sa dibdib ko ang anak ko sumenyas na lang ako sa kanya na tumahimik napansin niya ang takot ng anak ko. "Light, kumuha ka na lang ng yelo sa ref nila kung makakakita ka," utos ko at nilayo ko ang mukha nang anak ko. Namumula sa sampal ng barumbadong lalaking 'yon ang mukha ng anak at may dugo pang natuyo sa ilong ng anak ko. "Papa.." mahinang tawag niya sa akin. "Tahan na," sambit ko na lang at napalingon ako nang yabag na huminto sa gilid ko. Nakita kong nilapag niya sa gilid ng paa ko ang maliit na palanggana na may yelo at bimpo. "Ayos, Frey," aniko sa anak ko at umayos siya nang pagkakaupo sa sofa. Nakita niya ang pamumula ng mukha ng anak ko at kinuha ko ang bimpo bago nilubog sa palanggana na maraming yelo. Lumingon ako sa anak ko at dinampi sa magkabilaang pisngi ang bimpo. "Ako at ang Mama mo ang kakausap sa lalaking 'yon, Frey hindi tama ang ginawa nito sa'yo," sambit ko. "Hindi ka dapat makialam sa ganitong kaso, Ice." sabat naman niya nabaling ang tingin ko sa kanya. "May paki ako, Light dahil ang ama ng lalaking 'yon ang kliyente ko at may hidwaan sa kanilang pamilya idadamay pa niya ang mag-inang 'to? Lalo na kinakapatid at kaibigan ko si Ging ninong ko ang ama nun may malasakit ako, Light." sambit ko hindi sarado ang isip ko sa nararamdaman niya ngayon. Alam kong nakakaramdaman na siya ng kakaiba sa relasyon naming dalawa. "Sasama ako, Ice kapag nakipagkita kayo sa lalaking 'yon," aniya at hinawakan nito ang ulo ng anak ko. Yumakap sa kanya ang anak ko at tinugon niya nang yakap napangiti na lang ako sa nakikita kong tagpo. "Sige, Frey tawagan mo ang Mama mo sa nangyari," aniko sa anak ko nang lumayo siya pagkatapos yumakap kay Light. "Tito, tinawagan ko si Mama nang matapos kita tawagan hindi ko lang alam kung pupuntahan niya ako ngayon dahil madaling araw pa lang." wika naman ng anak ko sa akin. "Dito muna kami ni tito Ice mo, Frey para may kasama ka na grabe naman ang lalaking 'yon obsessed kay Ging," wika naman niya sa amin. Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya at dinadampian ko lang ng basang bimpo na malamig ang mukha ng anak ko. "Paano ba nagkakilala 'yon at ang Mama mo?" tanong niya nabaling ang tingin ko sa anak ko. "Hm, nung nag-trabaho na si Mama sa isang law firm sa Canada noon ang natatandaan ko kilala nun ang isa sa kasamahan na abogado ni Mama at mula noon kinukulit na niya si Mama binasted ni Mama 'yon kaso hindi natigil hanggang sa bumalik kami dito noong nakaraang taon para takasan 'yon kaso ito na nga hindi pa rin tumitigil." wika ng anak ko sa aming dalawa ni Light. Natigilan naman ako sa narinig ko mula sa anak ko last year pa sila nandito? "Ibig mong sabihin mula nang makilala nung lalaki ang Mama mo hindi na niya tinigilan ito kahit nalaman nitong may anak? Hanggang sa bastedin?" tanong niya sa anak ko tumango kaagad ito. "Yes, tito Light naiintindihan ko siya na gusto niya si Mama dahil may nanliligaw din sa akin noon pero nang sabihin kong hindi pa ako handa tu—" putol niya nang sumabat ako sa nalaman ko. "May manliligaw ka na at sino naman 'yon?" tanong ko tumitig ako sa anak ko. "Eh, sabi ko nga meron noon wala na ngayon magkaibigan lang kaming dalawa nasa ibang bansa 'yon." natatawang wika naman ng anak ko sa akin umiwas siya nang tingin. "Okay? Change topic, Ice at Frey hindi tungkol dyan ang topic natin iba-iba kasi ang mga lalaki, Frey kung magmahal," aniya sa amin humarang siya sa gitna namin umiwas ako nang bahagya. "Nagmahal na ba kayo?" tanong ng anak ko sa amin sinamaan ko nang tingin ang anak ko. "Yes, Frey balanse dapat ang pagmamahal natin sa sarili at special someone mo," sambit naman niya sa anak ko. "Paano kung may cheating?" tanong ng anak ko. "Depende na 'yan sa sitwasyon ng dalawang taong nagmamahalan kung papalayain nyo ba ang isa't-isa o hindi meron pa—kung ang tiwala nyo ba malulusaw o hindi ganun." sambit naman niya nakikinig lang ako naalala ko ang hawak ko at nagpaalam sa kanila. "Ang alam ko, tito Light may first love si Mama na hanggang ngayon mahal niya." wika naman ng anak ko sa kanya nang bumalik ako sa kanila. "Ang daddy mo ba 'yon?" tanong naman niya sa anak ko. "Walang nabanggit si Mama, tito Light saka, masaya na ako nandyan si Mama at naging Papa ko pa siya hindi man namin ito kasama alam namin okay siya ayoko nang guluhin ang tahimik na buhay ni Papa." wika ng anak ko kay Light napansin ko na tumingin ito sa akin. "Ayaw mo na bang mabuo ang pamilya mo?" tanong niya. "Gusto kong mabuo kami ikasal silang dalawa kaso ayoko naman maka-sarili, tito dahil paniguradong masaya na ang Papa ko sa buhay niya ngayon okay na sa akin at kay Mama na alam namin na buhay siya." wika naman ng anak ko sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD