Papunta kami ngayon sa tambayan namin kung saan gaganapin ang simpleng reunion ng barkada.
"Babe, pupunta ba si Drake?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya nang scooter klase ng motor.
"Hindi ako sure, bakit? Babe, nagseselos ka pa rin ba sa kanya?" biro ko sa kanya dinantay ko ang ulo ko sa balikat niya at humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Oo na hindi? Kahit alam kong may namamagitan sa kanila ng kapatid ko, si Francis ewan ko ba masaya naman na ako sa nangyayari sa kanilang dalawa," aniya sa akin naisip ko bigla ang panahon na pinag-seselosan niya si Drake hindi pa kami noong panahon na 'yon.
Hindi pa kasi siya ang taong mahal at iniisip ko noon.
"Alam mo, lagi masama ang tingin niya kay Drake." banggit ng kaibigan ko sa akin napabaling ang tingin ko sa tinutukoy niya.
"Ka-tropa natin si Drake, Thana bakit niya titignan ng masama, aber?" sabat ng isa ko pang kaibigan.
"Tropa natin si Drake, ano naman? Saka, hindi natin sila ka-tropa!" sabat ko at natawa ako sa binulong ni Drake sa akin.
"Mat, si Bernard kasi ang karibal ko sa music club, galit siya nauungusan ko siya sa laban," sagot ni Drake sa amin inakbayan niya ako bigla.
"Baka nga, ang isip mo talaga advance, Thana." iling sabat ng isa naming kaibigan.
"Oh, tignan nyo nung inakbayan niya si Win mas sumama ang tingin niya sa'yo, Drake," sambit ni Thana at tinuro niya ang tropa ng lalaking karibal ni Drake.
"Haha!" Tawa nilang apat pagkatapos ituro ni Thana ang karibal ni Drake.
"May karibal ka na kay Win, Drake paktay ka! Haha!" tawang sabi ni Cute sa amin sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko.
"Wala naman kami ni Drake playboy ako gusto ko babae at hindi lalaki, hindi ako bakla!" inis kong sagot sa kanila nag-tawanan lang sila pagkatapos.
"I know, Win biro lang ito..haha!" sabat na tawa ni Mat sa akin umiling na lang ako at humigop ako ng milktea.
Nagdabog ako at tumayo sa inuupuan ko at umalis nagpunta ako sa restroom para magbawas. Pagkatapos ko magbawasan naghugas ako ng kamay ng bumukas ang pintuan at nalingunan ko ang karibal ni Drake.
Hindi ko siya pinansin at ng aalis na ako bigla siya nagsalita.
"—W–w—" utal niyang sambit sa akin.
"Ano!" sigaw ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.
"I need your help!" sigaw niya sa akin at bigla siyang umiwas sa akin.
"Kung tumgkol 'yan sa kaibigan ko huwag na—" putol kong sambit ng takpan niya ang bibig ko kaagad ko ito inalis sa bibig ko.
"Not about your friend—" utal niya at bigla siyang umiwas ng tingin sa akin lumakad na ako palabas ng banyo at binalikan ang mga kaibigan ko sa tambayan namin.
"Hindi ko aakalain na ang pagsama mo ng tingin sa amin ni Drake noon nagseselos ka na sa kanya—sa aming dalawa," aniko.
"Noon pa man, selos na selos na ako sa inyong ginagawa kahit walang kayo alam mo naman, dahil sa naririnig ko na hindi ka magkaka-gusto sa tulad mo ako na ang lumalayo kahit masakit sa akin." aniya.
"Paano nga ulit nagsimula ang pagkagusto mo sa akin? Hmm.." ungot ko sa kanya.
"Kahit kailan uulitin ko sa'yo pero, sa ngayon punta na tayo sa tambayan natin siguradong maghihintay na sila," aniya at napatango na lang ako.
Nang makarating kami sa tambayan nandun ang kaibigan ko. Sina Cute, Thana, Mat, at Drake katabi niya si Francis na kapatid ni Bernard. Nasa kabilang pwesto ang mga kaibigan niya, sina Chana at Mike.
"Happy 10th years sa tropa!" sigaw nila ng magpasabog ng alak.
Nakatingin lang ako sa kanila at natatawa sa itsura ng mga kaibigan namin. Dati, aso't-pusa sila kung mag-bangayan ngayon daig pa nila ang tunay na magkakapatid kung turingan.
"Happy 10th years, babe," bulong niya sa tenga ko dahilan para mapatingin ako sa kanya at dumampi ang labi ko sa labi niya.
"Happy 10th!" Ngiting sabi ko at napangiti ako nakarinig ako ng hiyawan dahilan para mapatingin kami sa kanila.
"Happy 10th Anniversary sa LIGHT AND ICE COUPLE relationship goals!" hiyawan nila natawa kaming dalawa.
"Kayo talaga!" aniko sa mga kaibigan namin napapailing na lang ako.
"Light, itatanong ko lang agree ka talaga na hihinto si Ice sa pag-guitarist ng banda nyo?" tanong ng kaibigan niya sa kanya.
"Hindi naman siya titigil, Mike magpa-pahinga lang siya dahil may iba na siyang trabaho ngayon mag-OJT muna siya sa isang law firm pumayag naman ang miyembro ng banda namin." aniya sa kaibigan niya inakbayan niya ako sa balikat ko.
"Ah!" sabay nilang sagot sa sinabi nito.
"Agree ka rin, Win?" sabat ng kaibigan ko.
"Oo, Thana sasama pa rin ako sa kanila kung kailangan nila ng guitarist huwag lang sasabay sa schedule ko as lawyer," aniko sa mga kaibigan namin.
"Ilang linggo ka ba mag-OJT?" tanong ng kaibigan niya sa akin.
"10 weeks, sa tingin ko." pahayag ko.
"2 to 3 month?" sabat ng kaibigan ko sa akin.
"Oo, kaya sa unang buwan hindi nyo na ako makakasama at hindi niya ako makakasama sa umaga hanggang hapon," aniko sa mga kaibigan namin napangiti ako sa kanilang reaksyon.
"Saan ka ba mag-OJT?" sabat ng isa tropa ko.
"Sa Union Law Firm," sambit ko naman sa kanila.
"ULF?" sabay nilang sagot sa akin.
Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila. Napalingon ako nang may tumapik sa likod ko dahilan mapalingon sa kanya si Light.
"Kuya Jirah!" sigaw ko at napatayo sa upuan at napayakap ako sa kanya namiss ko ang kuya ko.
"Kamusta? Surprise!" ngiting bungad niya at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ayos lang, kuya ikaw?" tanong ko at naupo ulit ako sa upuan.
"Mabuti naman ako, bakasyon ko ngayon kaya nandito ako." ngiting sagot niya sa akin tumabi siya ng upo sa akin.
"Ah!" reaksyon na lang naming lahat.
"Happy 10th sa inyo ni Bernard at sa tropa nyo." bati ng kuya ko sa amin.
"Salamat, kuya." sabat ni Light sa kuya ko nakipag-cheers na lang.
"Rinig ko, mag-OJT ka, saan?" tanong ng kuya ko sa akin.
"Sa Union Law Firm, kuya," aniko sa kapatid ko nilapitan niya ang bibig niya sa akin napatigil ako bigla.
May binulong siya sa akin napatitig na lang ako sa kanya.
"Hindi ba nasa Canada na sila?" natanong ko na lang hindi ko naisip na ang firm na 'yon ang kumpanya ng ex ko at ex ni kuya.
Matagal na rin mula ng mag-hiwalay kami high school graduation ang huling pagkikita namin.
"Ano ang tinutukoy mo, babe?" tanong niya bigla dahilan hindi ako umimik.
Ngumiti lang ako sa kanya at nag-inuman na kami.
"Hindi natin alam wala na tayong balita sa kanila," sabat ng kuya ko.
Alam ko, nagtataka siya sa sinabi ni kuya.
Alam ng tropa ko kung sino ang tinutukoy ni kuya.
Kuya's ex-girlfriend, her name is Pamela Maria 'Pam' Ramirez, panganay siya at ka-batch ni kuya noong high school days at college days.
My ex-girlfriend, her name is Fatima Gracia 'Ging' Ramirez, bunso sa magkakapatid at first love ko.
Pagkatapos ng simpleng celebration, umuwi na kami sa bahay namin. Tahimik lang ako sa likod nya habang iniisip ko ang sinabi ni kuya sa akin.
"Kumpanya ng pamilyang Ramirez ang ULF," bulong niya sa akin.
"Wala na sila sa Canada, Win." bulong ni kuya sa akin bago niya ako yakapin ulit bago kami mag-hiwalay ng pupuntahan.
Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko maghaharap ba ulit kami ni Ging?