Tahimik lang ako mula ng malaman kong wala na sa Canada ang pamilya ng ex namin.
"Babe, problema?" tanong niya sa akin ng balingan niya ako ng tingin.
"Wala naman, kabado lang ako sa OJT ko sa ULF first time mula ng mag-graduate tayo nung college nauna ang hilig natin," sambit ko sa kanya napatingin din ako sa kanya.
Nakahiga na kaming dalawa at magkahawak ang dalawa naming kamay.
"Totoo ba ang sinabi sa tambayan?" tanong niya at pinisil niya ang kamay ko nakatingin siya sa akin.
"Depende sa schedule ng trabaho ko, babe," sambit ko sa kanya kaagad.
"Mawawala ang WINNER BAND ng buhay ko sa banda," nasambit niya binitawan ko siya sa kamay niya.
"Baliw..tuwing gabi nandito naman ako ah!" saway ko sa kanya napangiti ako ng pisilin niya ang pisngi ko.
"Sino ang makikipag-usap sa manager ng banda natin?" tanong niya sa akin namulagat ako sa sinabi niya.
"Hindi mo pa sinasabi sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Buwisit siya sa akin mula ng hindi ka niya nakuha sa akin, hahaha! Si Gun pa ba? Maka-talak akala mo kinakatay." wika niya sa akin tinapik ko siya sa binti niya.
"Napaka-" putol ko nang magsalita siya na may ngisi sa labi.
"Uy, baka may magising dyan! Haha!" sambit niya sa akin sinamaan ko siya ng tingin.
"Napaka-manyak mo talaga!" sigaw ko sa kanya.
Niyakap niya ako sa baywang ko at napa-titig siya sa akin.
"Sa totoo lang, namiss kita kaagad pero naiintindihan ko para sa ating dalawa naman ang gagawin mo," sambit niya tumingala siya sa akin at hinawakan niya ang dulo ng ilong ko.
"Alam mo naman pala eh! Hindi pa nangyayari kung maka-miss ka wala na ako." iling kong sambit sa kanya hinalikan ang ulo niya.
"Kung may hindi ka gusto sa firm alis ka kaagad ah?" aniya.
"Hindi pa nga ako nagsisimula ganyan ka na huwag mo iisipin 'yan, babe." aniko.
"Sasama ka bukas sa guesting?" tanong niya sa akin.
"Oo, ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, babe." aniya sa akin.
"Tanggap ng Pilipinas ang mundo natin ang tungkol sa relasyon ng LGBT at bukas sa mata nila kung mag-bihis babae ang bakla o mag-bihis lalaki ang babae ang hindi pa pwede ang same-s*x marriage hindi pa talaga mas gusto nila ang lalaki at babae pa rin ang ikakasal sa bansa pwede naman kabaliktaran naman tomboy at bakla, nasabi ko lang mabuti ang magulang natin hindi sila katulad ng ibang magulang tanggap nila tayo nanghihinayang sila dahil, hindi natin ma-ikakalat ang lahi natin na mula sa magulang natin," aniko at tinaas ko ang dalawa kong kamay.
"Bakit mo nabanggit?" tanong niya bigla sa akin humigpit ang yakap niya sa katawan ko.
"Wala naman, si kuya kasal na siya kay ate Yumi," sambit ko kahit ka-edad ko si Yumi ina-ate ko na siya.
"Anong konek?" tanong niya sa akin.
"Wala.." kaila ko naiisip ko ang future na kasama siya pero sumasagi sa akin ang pangarap ko na magka-anak mula sa akin manggagaling.
Mommy love...
Mommy love...
Bakit bigla kang sumagi sa isipan ko?
"Tayo kaya sa huli?" tanong niya bigla habang naglalakad kami sa field ng papasukan kong school ngayon college na ako.
"Hmm..oo naman, mahal natin ang isa't-isa, bakit mo nasabi sa akin?" sambit ko at huminto ako sa paglalakad at napa-hinto rin siya.
"No communication ang gagawin natin kapag umalis kami baka humanap ng iba," aniya sa akin.
"Baka, ikaw makahanap ng iba, mommy love walang communication? Hindi ko kaya, iniisip ko pa lang masakit na dito oh..pero kung para sa atin naman 'yon bakit hindi?" sambit ko sa kanya.
"Dalawang taon, daddy love babalik ako dito kapag college na tayo nangangako ako sa'yo..ako ang dapat kabahan baka maraming babaeng dumikit sayo nyan habang wala ako kahit mga bakla magseselos ako nyan.." wika niya sa akin humarap siya at tinaas niya ang kamay niya para ilagay sa leeg ko.
Nilagay ko ang kamay ko sa baywang niya.
"Hindi mangyayari 'yon, mommy love, ikaw ang gusto ko makasama habangbuhay..." ngiting sambit ko at hinalikan ko siya sa noo at niyakap ko siya ng mahigpit.
Dito namin mapapatunayan na mahal namin ang isa't-isa. Kahit walang communication at walang balita, magkikita lang kami ulit kapag handa na namin ang sarili puntahan ang bawat isa, ako sa kanya at sya sa akin. Dito rin namin mapapatunayan sa aming sarili na, tunay ang pag-ibig namin sa isa't-isa.
Pero, ako ang sumira sa aming relasyon. Nagmahal ako, nagmahal ako ng iba hindi ko na siya nahintay pa.
Kinabukasan, nagpunta kami sa dressing room ng banda namin sa network kung saan palagi kami iniimbitahan mag-guest.
Nagpalit kami ng damit lahat sila alam nila na magka-relasyon kami ni Light. Maliban sa humahanga sa amin ayaw namin hinuhusgahan nila kami at pandirihan.
"Please welcome, Winner Band." sigaw ng host at lumabas kami mula sa gilid ng studio naka-handa na ang lahat ng gamit namin kami lang ang hinihintay.
Ang vocalist namin ang babe ko, si Light at isa rin syang guitarist na katulad ko.
Ang drummer namin, si Dino na jowa ni Gun na manager namin.
Si Nina, secretary ng manager namin at isa sa nagpapa-tugtog ng keyboardist.
Ang Bassist namin, si Rachel at isa siyang songwriter ng banda namin.
At the last list, si Eumi bagong member sa banda mahiyain pero, pagdating sa ganito senaryo walang hiya-hiya sa katawan ka-duet ni Light at isang vocalist din namin.
Hindi ako nagseselos sa kanila dahil mas fan pa nga nila ako kapag kumakanta silang dalawa. Nag-stream muna kami bago sila kumanta sa harap ng mga tao.
Tanging ika'y...
Napapapikit ako bigla at nakinig sa kanilang magandang boses. Maganda rin ang boses ko kapag kumakanta ako pero, hindi kasing-ganda ng boses nila.
Naalala ko na naman siya...at si Light ang pumalit sa mukha niya.
Huminga na lang ako bago tumingin sa mga audience na nanonood sa amin hindi pa kami kilalang-kilala, hindi katulad ng kasabayan namin mga sikat na sa showbiz.
Pinilig ko ng mahina ang ulo ko at dumilat at ngumiti sa mga tao. Hindi na siya ang kasama at present ko bahagi na siya ng nakaraan ko.
Pagkatapos, nag-promote sila ng bagong single duet songs nila. Sinali kami sa palaro nila at pumayag ang manager namin. Nang matapos bumalik na kami sa dressing room.
"Gun!" tawag niya sa manager namin napatingin ito sa kanya at sinamaan niya ng tingin si Light.
"Gun, hindi muna natin makakasama si Ice sa gig natin at iba pa," sabat ni Dino ng tawagin niya ito.
"Dino! At bakit naman?" takang tanong ni Gun at tinignan niya ako.
"Nag-apply ako sa isang law firm at pinapa-OJT nila ako ng dalawa o tatlong buwan," sabat ko sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinititigan ko siya.
"OJT? Paano ang banda mag-kukulang tayo," anito sa akin.
Tumingin siya sa aming dalawa ni Light bago tumingin ulit sa akin.
"Si Drake ang ipapalit sa akin kakausapin ko pa lang siya," aniko nang hindi tumitingin sa boyfriend ko.
"Kailan ka ba magsisimula?" tanong niya bigla sa akin.
"Tatawagan daw ako ulit, Gun pero siguradong nitong susunod na linggo," sambit ko sumandal ako sa balikat ng boyfriend ko.
"Siguraduhin mo muna ang schedule mo sa law firm, ayaw mo na ba maging bahagi ng Winner Band?" tanong niya sa akin.
"Hindi, hindi ko aayawan ang sa akin maiba ang ginagawa ko sa buhay at humanap ng ibang trabaho," sambit ko sa kanya.
Nakita kong nakasimangot na si Light sa tabi ko nang makita ko sa gilid.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ko kasundo si Drake baka magtalo lang kaming dalawa," sambit niya sa akin inakbayan niya ako sa balikat tinabihan ng manager namin ang boyfriend niya.
"Pansamantala lang naman at kakausapin ko siya huminto na siya sa pag-tugtog mas pokus siya sa soccer niya at pagiging teacher ng architect," aniko sa kanya.
"Updated ka pa rin sa buhay niya kahit hindi na kayo magkasama nagseselos pa rin ako sa kanya," sambit nya napailing na lang ako sa inasta naman niya.
"Napaka!" biro ko sa kanya.
"Mahal mo naman!" aniya sa akin hinalikan niya ako sa ulo ko.
"Thana!" tawag ko sa kaibigan ko na hinahanap ko sa library.
"Shhh.." saway ng librarian sa akin at sinamaan niya ako ng tingin nag-peace sign ako.
Lumabas na ako ng library ng masasalubong ko ang magka-kaibigan, Light, Mike, at Chana.
Lumiko na ako at tumakbo palayo sa kanila.
"Drake! Si Thana?" tanong ko ng makita ko ang kaibigan ko na nagpa-pahinga sa bench.
"Nasa canteen iniwan ko siya dun," anito sa akin at nginitian niya ako.
Tumango lang ako at lumakad na ako papunta sa canteen ng school namin. Nang may biglang humawak sa braso ko napalingon ako sa taong humawak sa akin.
"Bakit ba?" inis kong sigaw sa taong humawak sa kamay ko.
"Be my fake boyfriend?" aniya sa akin binitawan niya ang kamay ko.
"Kayo na ang happy love life!" sabat ni Nina sa amin ng lumapit siya.
"Kailan ka ba nag-boyfriend? Malapit ka na lumampas sa kalendaryo ikalat mo kaya ang lahi nyo." sambit ko sa kaibigan namin.
"Decades na ang relasyon nyong dalawa, kailan ba kayo magpapakasal?" tanong ni Nina sa amin.
Napatingin ako kanya at siya na ang nagsalita.
"Hindi naman kami nagmamadaling lumagay sa tahimik," sambit niya sa kaibigan namin.
"May gig kayo sa nightclub mamayang 8:00pm to 11:00pm, pwede ba kayo?" tanong ni Gun sa amin naka-kandong siya sa boyfriend niya.
"Pwedeng-pwede kami! Extra income din 'yan, magkano?" tanong ni Rachel sa manager namin.
"46k, mas mataas sa dalawang vocalist natin, tag-8k kayo at sa guitarist natin kay Win 6k, sa amin ng jowa ko 7k at sa dalawa 5k." pag-compute ni Gun ng makukuha naming pera.
"Bakit iba ang matatanggap namin?" tanong ni Rachel sa manager namin.
"May favoritism kasi sa manager ng nightclub, sabi ko hindi naman sila magkaibang banda, iisa ayaw nila ng pumayag na ako ngumiti sila sa akin kaysa walang tayong pera!" wika ni Gun sa amin.
"MUKHA KANG PERA!" sigaw ni Rachel sa manager namin at padabog na umupo siya sa kabilang couch.
"Ab-'t, umayos ka! Hindi lang pera ko ang iniisip ko para sa atin 'to!" sigaw ni Gun sa amin.
"Pantay-pantay man lang sana tayo sa kita, manager 5k? Kulang pa sa ipon ko 'yon eh!" ungot ni Rachel sa manager namin.
Napalingon kami sa kumatok at tumayo ang manager namin sa hita ng boyfriend niya. Binuksan niya ang pintuan at nagtanong siya.
"Handa na ang set para sa inyo, manager Gun sa kabilang studio kayo pupunta." Bungad ng taong sumilip sa pintuan.
"Saglit lang!" wika ni Gun at inayos lang namin ang itsura namin bago kami lumabas ng dressing room.
Umingay ang mga humahanga sa aming banda. Kinanta namin ang original song namin sumabay ang mga tao sa pagkanta namin ni Eumi.
Nag-palakpakan ang audience sa amin pagkatapos namin kumanta.
"Salamat sa pagkanta nyo sa aming morning show," wika ng host sa amin.
"Salamat din po!" wika namin sa mga host.
Bumalik na kami sa dressing room at nagpalit kami ng damit.
"Magkita na lang tayo sa address na ito sa mismong entrance ng nightclub," paalalang banggit ni Gun sa amin napabaling ang tingin namin sa kanya.
"Okay, manager." sigaw naming lahat.
Lumabas na kami ni Light sa dressing room. Nag-titilian ang mga empleyado ng network sa aming dalawa.
"Pwede sila maging celebrity, ang gwapo nila." wika ng mga nasasalubong namin.
Inakbayan niya ako sa balikat at ngumiti sa mga empleyado nasasalubong namin. Bitbit namin guitar case kung saan nakalagay ang guitar namin at ang duffel bag o mas kilalang pangalang gym bag.
"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong naman niya sa akin.
"Kukuha ako ng requirement para OJT ko," sambit ko sa kanya at napatingin pa siya sa akin.
"Anong requirement ba ang kailangan para sa OJT?" tanong naman niya.
Nang makalabas kami ng network lumakad na kami papunta sa parking lot kung nasaan ang motor ko.
"All academic certificates, Birth Certificate, National Identification Card, Resume, at iba pa." nasambit ko.
"Unahin kaya natin ang resume?" sambit niya.
"Sige, meron din ako 'yong voter's I.D ko at SSS ko pati ang all academic certificate hindi lang ako sigurado kung nasa case ko pa ang all academic certificate ko." aniko.
Sumakay na kami sa motor niya at pinaandar ito pauwi sa condo unit namin.