Nakatira na ako sa condo kasama ng taong minamahal ko.
Masaya ako ngayong kasama ko na siya may kulang sa pagsasama namin pero, okay lang nandyan naman ang pamilya namin.
"Bernard!" tawag ko sa kanya habang nakaupo pa rin ako sa kama namin.
"5 minutes..babe.." ungot niya sa akin at tumagilid pa siya.
"Gumising ka na!" sigaw ko sa kanya ng bumangon ako at patayin ang alarm clock namin.
"Uhmm.." ungol niya at hinablot ko ang kumot nakabalot sa katawan niya.
Napadilat lalo ang dalawang mata ko ng makitang wala siyang suot na damit. Binalik ko ang kumot sa katawan niya at hinampas ko ang kamay ko sa tyan niya.
"Hayop ka! Buwisit ka! Sina—" putol kong sambit ng bumangon siya at bigla niya ako hinalikan sa labi dahilan para tumigil ako sa pagsasalita.
"Babe naman, ngayon lang 'to hmm.." mahinang aniya sa akin.
"Kung hindi lang kita mahal, babe." inis kong paninita sa kanya.
"Hatid kita sa bago mong trabaho?" pang-aalok niya sa akin nilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
"Hindi ka ba nahuhuli nyan?" tanong ko sa kanya at tinuro ko ang orasan.
"Damn!" sigaw niya at tumayo siya sa kama at natawa ako ng tinignan niya ako ng masama.
"Palayaw mo, Light pero ang kupad mo gumalaw lumiliwanag na lang ang buong paligid tulog ka pa!" pang-aasar ko sa kanya umilag naman ako ng batuhin niya ako ng tsinelas.
"Ikaw naman, ang pangalan mo Winter pero ang palayaw mo, Ice malayo sa kulay ng balat mo at pangalan na kasing puti ng snow," sigaw niya sa akin sumimangot ako bigla.
"—Ik—" putol kong sigaw nang sumabat siya.
"Malayo ang pangalan kong, Bernard sa palayaw kong Light alam ko naman 'yon—" putol niyang nasambit ng lumapit ako sa kanya nakipag-titigan ako sa kanya at ngumisi ako bago magsalita.
"Ikaw ang Light ng buhay ko, I love you, babe." ngisi kong bulong sa kanya at patakbo akong pumasok sa banyo at inunahan ko na sya maligo.
"Win—babe!" sigaw niya natawa naman ako habang nag-shower ako kinakatok niya ng malakas ang pintuan ng banyo.
Tumawa ako ng malakas bago man siya huminto sa pagkatok narinig ko na lang na lumayo na ang yabag ng paa niya.
Siya lang ang taong umintindi sa akin at ako lang ang taong tinanggap kung ano siya noon kasi against ang pamilya namin sa relasyon namin.
Parehas kasi kaming lalaki at hindi alam ng pamilya ni Light na may tinatago siyang damdamin para sa kapwa niyang lalaki.
Ako naman, hindi ko maintindihan kung bakit nahulog ako sa kanya aminado akong hindi ako bisexual o bakla sa dami kong naka-relasyon babae hindi ko iniisip na magbabago ang damdamin ko.
"Babe, sasama ka ba sa probinsiya namin?" tanong niya habang nag-aalmusal kami nang matapos ako maligo kaagad siyang pumasok sa loob tinampal ko pa nga ang mukha niya nang hahalikan niya ang pisngi ko.
"Magpapaalam muna ako kina mama at papa," aniko sa kanya at sinubuan ko siya nang ulam sa bibig nang napahinto siya.
"Sama ka na," pangungumbinsi niyang sambit sa akin.
"Aalis din kami kasi, babe kaya kailangan kong magsabi alam mo naman 'yon, hindi ba?" paalala ko sa kanya nakita ko ang pag-simangot ng mukha niya sa akin.
"Oo na," aniya pinisil ko na lang ang malambot niyang mukha.
Huminga na lang ako at kumain na kaming dalawa may trabaho sa bawat bar na pinupuntahan namin nag-gig kami may plano ako hindi ko pa lang sinasabi sa kanya.
"Babe," tawag niya sa akin nang tabihan niya ako sa gilid ng lababo.
"Hm," huni kong sambit sa kanya habang naghuhugas ng pinag-kainan namin.
"Nakalimutan ko na 'yong sasabihin ko—mamaya na lang ulit," wika niya at umalis siya sinundan ko siya nang tingin.
Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?
Nang matapos ako maghugas umalis na ako sa lababo at pumunta sa kwarto namin naabutan ko siyang nag-sasapatos tinabihan ko siya.
"May problema ka ba, babe?" tanong ko naman sa kanya sa sampung taon na pagsasama namin kilalang-kilala ko na siya.
"Wala, babe," aniya at tumitig ako sa kanya nang hawakan ko ang pisngi niya.
"Kung ano man ang sasabihin mo na hindi mo mabanggit huwag mong ilihim sa akin, babe," bilin ko at hinalikan niya ako sa labi napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Hindi ko kayang magtago sa'yo, babe," sambit niya huminga na lang ako nang malalim.
"Oo at alam ko," sambit ko at nagpalit na ako nang damit sa harap niya.
Sa sampung taon na pagsasama namin wala na kaming pakialam kung makita ang hubad na katawan nang bawat isa ang ayoko lang kapag natutulog na kami.
"Ice, babe—sana makasama kita sa probinsiya namin kahit against pa rin ang kamag-anak namin sa relasyon natin," sambit niya at humarap ako sa kanya.
Ngumuti ako nang pilit nag-sisinungaling ako sa kanya ngayon, kailangan dahil sa babaeng importante sa buhay ko.
"Oo, babe," aniko at ngumiti ako sa kanya.
Nang makapagbihis na kami umalis na kaming dalawa sa apartment at sumakay kami sa motor ihahatid niya ako sa trabaho part time secretary lawyer ako ng isang kumpanya.
Pangarap ko na maging abogado pero naudlot mula nang magsama kaming dalawa si Light gitarist siya ng banda namin huminto na ako sa pagsama sa kanya para sa trabaho ko.
Nang makarating kami sa kumpanya pinarada niya ang motor sa gilid kaagad naman akong bumaba at inalis ko ang helmet para ibigay ko sa kanya.
"Susundin kita mamaya," aniya at hinawakan ang kamay ko.
Naiilang pa rin ako kapag sweet siya sa labas kahit allowed na ang mga ganitong relasyon sa Pilipinas hindi pa rin ako sanay na pinapakita sa ibang tao kung ano ang relasyon namin dahil sa kanilang mapang-husgang tingin.
"Sa mall na lang tayo magkita, Light," aniko nang may naglakad na ka-trabaho sa tabi namin na binati pa ako.
"Sa sampung taon nating relasyon hindi ka pa rin sanay na ipakita sa ibang tao ang tunay nating relasyon, mabuti pa ang iba kaya nila," seryosong sambit niya sa akin at sinuot niya ulit ang helmet niya.
"Babe.." tawag ko sa kanya nang mahina nakikita ko na gusto niyang ipakita namin sa lahat kung ano ang relasyon namin pero hindi ko pa talaga kaya.
Kaagad siyang umalis sa harap ko napatingin ako sa kanya masama ang loob niya sa akin.