Nang mapansin kong umiwas siya napangiti na lang ako.
"Win, paano ang deal natin?" bulong ko sa tenga niya natawa naman ako sa pag-tingin niya sa akin.
Napasimangot ako sa sigaw niya mas gwapo pa ako sa Drake na 'yon eh!
"Mamaya, Drake! Kaya mo 'yan!" sigaw naman niya sa kaibigan niya at napatingin pa ito sa amin.
"Papunta na sila ni Cute, Win." sabat ni Mat napatingin siya akin at sa kaibigan niya.
Umupo kami sa may bench nang uupo na si Mat sa tabi niya inagawan ko siya ng pwesto.
"Huy!" saway niya sa akin nakita kong bumulong ang kaibigan niya sa kanya.
"Thana!" sigaw ni Mat sa kaibigan na pasugod palapit sa amin.
Napatingin sila sa akin pati sa mga kaibigan ko.
"Anong-" tanong ni Cute nang takpan ni Mat ang bibig niya.
"Mamaya daw, Cute kung bakit curious din ako." wika ni Mat tumingin siya sa akin.
"Go, go!" sigaw nila sa kaibigan nila hindi naman nakiki-cheer dahil hindi ko siya gusto.
"Mike!" saway ko ng nag-cheer din siya para kay Drake.
"Masama? Masama? Oo na nga!" simangot niyang sambit sa akin at binaba niya ang kamay.
"Bitter.." bulong niya napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Wooohhh!" sigaw nila hinahayaan ko muna habang natutuwa akong masdan ang nakangiting mukha ni Win.
Pagkatapos ng laro, lumapit sa amin si Drake na nakangiti. Nang lalapit na siya nang humarang ako sa harap ni Win at ako ang niyakap niya. Tinulak naman niya ako at niyakap niya si Drake napasimangot naman ako.
Akin ka na pero, bakit iba ang taong kayakap mo?!
"Kahit hindi kayo nanalo, Drake may next time pa naman magaling ang kalaban nyo." ngiting wika niya kay Drake nang humiwalay siya pagkatapos.
"Thanks, Baby W ko salamat sa suporta number fans talaga kita!" Sabi ni Drake hinalikan niya sa pisngi si Win.
Kung pwede ko lang siya sapakin ayoko lang magalit sa akin si Win.
"Magkita na lang tayo, Light bukas," aniya sa akin nang pipigilan ko siya at nakipag-usap naman siya sa mga kaibigan niya.
Hinawakan ako sa balikat ng dalawang kaibigan ko at umiling sa akin.
"Hayaan mo muna, ano ba meron sa inyong dalawa?" tanong ni Chana nang lumayo na kami sa field.
"Kayo na ba?" biro ni Mike sa akin at ngumiti siya sa akin.
"Oo, na hindi?" sambit ko napahinto sila sa paglalakad at bumaling ng tingin sa akin.
"Ano? Kayo na hindi? Posible naman ang sinasabi mo." wika ni Chana sa akin.
"Oo nga? Kayo na talaga? Kailan pa?" ngiting tanong ni Mike pumunta kaming tatlo sa likod ng school namin.
Humitit ng sigarilyo si Mike at Chana pinagbabawal ito sa school namin kaya nandito kami sa likod ng school.
"One week ago?" bulalas ko na lang last week nagsimula ang pekeng relasyon namin.
"Kaya ba palagi kayo magkasama ni Win?" tanong nilang dalawang sa akin.
"Oo, pa-iibigin ko siya at magiging akin siya," sambit ko sa kanilang dalawa.
"Tutulungan ka namin para maging masaya ka naman ng totoo," wika nila sa akin sumandal ako sa pader at humalukipkip ako.
"Salamat sa inyo," sambit ko na lang sa kanila mga tunay kaibigan hindi parte ng LGBT.
Pagkatapos ng pag-tambay namin sa likod ng school. Bumalik na kami sa music room muntik na kami ma-late dahil nakasalubong pa namin ang professor sa daan.
"Third year na kayo, students may ibibigay akong form tungkol ito sa pangarap nyo, ilagay nyo dyan kung ano ang pangarap nyo sa buhay at gusto nyo maabot pagkatapos ng graduation?" panimula ng professor nila.
Singer, at music teacher sa college kasama na ang maging asawa ko si Win. Inabot ng professor namin sa unahan ang form inaabot lang ito ng mga ka-member namin. Nang abutin sa akin binasa ko ang nakasulat.
Bernard C. Williams - Graduated last year!
Famous Singer
Music Teacher
Ngumiti ako at binalik ko sa harap ang form kinuha ito ng ka-member ko. Napatingin ako sa kaibigan ko na si Chana nang kalabitin niya ako.
"Ano ang sinulat mo, Light?" tanong niya sa akin nang tumalikod sa amin ang professor.
"Assually, pangarap ko lang.." sambit ko sa kanya.
"Pati ba maging future husband ni Win?" bulong niya sa akin.
"Hindi, personal ko na 'yon," sambit ko.
Nakinig na lang kami sa professor para hindi kamo mapagalitan. Pagkalipas, lumabas na kami sa classroom nakita kong naghihintay sa labas si Win. Kumaway siya nang makita niya ako bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa niya.
Kalma, Light!
Nilapitan niya ako at inakbayan, inabutan niya ako ng royal softdrinks.
"Sa-lama..t-" utal kong sambit sa kanya nailang ako sa titig niya.
"Sinabi ko na sa kanila na may relasyon tayo nagulat man sila sa rebelasyon ko ang hindi lang nila alam peke ang relasyon natin ang alam nila-totoo," aniya sa akin lumapit sa amin ang dalawa kong kaibigan.
"Sina Chana at Mike, Win cheerleader member." pakilala ko sa mga kaibigan ko sa kanya.
"Hello, Win?" bati ni Mike ngumisi siya sa amin.
"Wag mo sasaktan ang bestfriend namin, Win ikaw lang ang taong minahal niya at pinagkatiwalaan," sabat ni Chana sa kanya pinanlakihan ko siya nang mata dahil sa sinabi niya.
Napatingin siya sa akin bago siya bumaling sa dalawa kong kaibigan.
"Oo naman, friends?" nasambit niya sa dalawa kong kaibigan.
"Friends, ewan ko lang sa boyfriend mo bad mood kapag nakikita si Drake na kaibigan mo," sabat ni Mike ngumisi siya pagkatapos niya akong tignan sa mukha.
"Mike!" sigaw ko at hinaltak ko ang damit niya dahil binubuko niya ako kay Win.
"Mababait naman sila lalo na si Drake, schoolmates kami nung high school," aniya sa amin natawa siya pagkatapos.
Lumakad na kami palabas ng school nakita pa namin ang mga kaibigan niya na nakatayo mukhang hinihintay kami.
"Win!" tawag ni Cute sa kanya.
"Oo nga pala, may plano ang president natin sa music club na mag-camping, sasama ka ba?" tanong ko sa kanya nang balingan ko siya ng tingin.
"Hindi ako sigurado dahil dadalawin ko ang pamilya ko sa bahay," aniya sa akin.
"Wala pang petsa kung kailan ang camping, sama ka ah?" ngiting sambit ko sa kanya.
"Sasama ka ba?" tanong niya sa akin nang huminto kami sa harap ng mga kaibigan niya.
"Kung sasama ka, sasama na din ako." aniko na lang.
Tumango lang ang dalawang kaibigan ko ng ipakilala sila ni Win sa mga kaibigan nito.
"Alis na kami, Light bukas na lang ulit," aniya nang lalayo na sila ng mga kaibigan niya.
"Parang may nakalimutan ka, Light." banggit ni Chana sa akin dahilan para tumingin ako sa gamit ko.
"Wala akong nakalimutan," aniko sa kanya at sumakay na kami sa motor namin.
"Sabi mo eh.." wika ni Mike nauna pang umalis sa aming dalawa ni Chana.
"May ka-date siguro." puna ni Chana nang sundan niya nang tingin ang papalayong kaibigan namin.
"Ewan ko.." nasambit ko na lang sa kanya umuwi na ako sa tinutuluyan kong apartment.
Hindi lang ako ang nakatira sa apartment kundi kasama ko ang,
"Kuya!" bungad niya sa pintuan ng apartment.
Oo, hindi lang ako ang nakatira kundi kasama ko ang kapatid ko.
Si Francis C. Williams.
Bunso sa pamilya namin at sa school ko na rin mag-aaral.