Chapter Ten

1687 Words
Nabatukan ako ng mga kaibigan ko nang makalayo kami kina Light. "Ano 'yong nakita namin ah?" tanong ni Cute sa akin. Naglalakad kami papunta sa canteen nang makapasok naupo kaming lima sa bakanteng pwesto. "Oo nga, Ice lalo na nung bulungan ka ni Light, ano 'yon?" sabay sabat ni Thana at Mat sa akin. "Kami na." simpleng sambit ko sa kanila humalukipkip na lang ako ng kamay ko sa harap nila. "Ano?" sabay nilang tanong sa akin. Tinititigan nila ako at nangalumbaba na lang ako. "Paa—" putol natanong ni Thana nang sumabat naman sa kanya si Cute. "Nung nakaraan, masama pa ang loob mo sa kanya ah? Ginayuma ka ba niya?" tanong ni Cute sa akin. "Kung ano-ano ang sinasabi nyo, hindi niya ako ginayuma biglaan lang talaga ang lahat." sambit ko na lang sa kanila. Sorry, mommy love, padalos-dalos ako tutulungan ko lang siya. Nagpaalam si Drake na bibili ng kakainin namin. Tinanguan na lang namin siya at natawa ako sa itsura niya. "Biglaan? Paano na si Ging? Hindi ka nakapag-hintay." banggit ni Thana sa akin at natahimik naman kami sa sinabi niya. Buwisit ka, Winter! Ging... My mommy love, hindi kita kaagad naisip dahil naawa na ako sa kanya. "Tawagan mo kaya siya sa overseas number nila sa Canada, Win mabait si Ging at ang pamilya niya sa inyo tapos sasaktan mo lang siya nang ganun-ganun lang?" seryosong nasambit ni Thana sa akin siya lang ang nakaka-alam ng lahat pati ang nangyari sa amin noon ni Ging. "Parehas kayo nag-sakripisyo para sa pangarap nyo, tapos a—" putol niyang sambit ng batukan siya ni Drake sa ulo ng makabalik na siya. "Kasalanan ba ni Ice kung mahulog ang loob niya kay Light?" sabat ni Drake sa amin nilapag niya ang dalang tray na may pagkain. "Sadista ka talaga!" ngiwing wika ni Thana sa kanya at sumimangot na lang ito. "Lalo't nasa iisang music club silang dalawa," wika ni Drake napatingin siya sa akin. Natahimik naman kaming lahat lalo na ako hindi ko 'yon naisip. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at kasamahan sa music club hindi man 'kaibigan' ang tingin niya sa akin wala akong pakialam. "Hoy!" tawag ni Cute sa akin hinarang niya ang kamay niya sa harapan ko. Binaba ko bigla ang dalawang kamay ko at umiwas ako nang tingin. "Oh!" sambit ko. "Paano mo siya nagustuhan at paano kayo nagkalapit?" tanong ni Cute sa akin. "At paano na si Ging?" tanong ni Thana sa akin tumingin sa kanya ang mga kaibigan namin. "Masungit man siya tignan at umasta kapag nakausap mo siya ibang-iba siya," sambit ko dine-describe ko ang nakikita ko kay Light. Oo, observant akong tao sa paligid ko. Si Dino, ang president ng music club namin maangas siyang tignan pero kapag nakausap at nakasama mo siya daig pa niya ang barkada matagal nating kasama. Si Rachel, isa sa ka-member ko mahinhin siyang tignan at kumilos pero kapag nakausap siya brusko siya kung magsalita lalo na kung mag-perform sa stage. Si Nina, pandak siya at mahaba ang buhok pero kapag nakasama siya ibang-iba siya sa nakikita ng tao. Maingay siyang babae at strict sa bawat rules sinasabihan niya kami kung ano dapat hindi o tamang gawin. Si Light, masungit, at kung umasta akala niya siya ang president. Pero, mabait siya sa kapwa niya tintulungan niya ang wala pang alam sa music club. Si Cherry old member at ka-batch ni Dino tumutulong din sa aming baguhan pa lang. Fifteen member lang ang nasa music club at si Light lang ang hindi lumalapit sa akin. Kahit sa kanya ako madalas magtanong pinapasa niya ako sa ka-member namin. Kaya nagulat ako nang lapitan niya ako at humingi siya nang tulong sa akin para magpanggap ng boyfriend niya. Hindi ako nadidiri pero naiilang ako kapag lumalapit sa akin ang mga katulad ko na may gusto sa akin. Pero sa kanya nang makita kong iwas na iwas siya kay Helga at ayaw niya talaga. Nakita ko na kailangan niya talaga ng tulong ko. Hindi ako nag-alinlangan kung ano man basta mailayo ko lang siya kay Helga. "Mukhang nagbabago ka na, Win hindi na babae ang gusto mo kundi katulad natin." sabat ni Mat natahimik naman ako sa sinabi niya sa akin. Mali ka, Mat hindi nagbago gusto ko lang siya tulungan. "Paano ba nagsimula ang love story nyo?" tanong ni Thana sa akin. "Love at first sight kamo," biro ni Cute sa kanila tumawa sila pero hindi ako nakisali. "Aksidente," sambit ko sa kanila. "Aksidente? May ganun ba?" wika ni Cute sa amin. "Tanda nyo ba si Helga na maarte?" mahinang sambit ko. "'Yong dating type ni Drake?" kwento ni Mat napatingin siya sa kaibigan namin. "Oo, ex pala ni Light 'yon hinahabol siya nito kahit umiiwas na siya kay Helga." bulalas ko naman sa kanila. "Hindi nga?" sabat ni Matt sa akin. "Ibig sabihin hindi totoo ang relasyon nyo ni Light?" sabat ni Drake sa akin. "Parang gamun na nga..saka, hindi ko siya seseryosohin mahal ko si Ging sana atin-atin lang 'to." nasambit ko na lang sa kanila. "Kailan pa?" tanong ni Cute sa akin. "Last week, Cute." aniko. "Kaya pala hindi ka namin nakikita kasama mo siya," wika ni Drake inakbayan niya ako. "Oo, bi." aniko. "Hindi posibleng mahulog ang damdamin mo sa kanya, bi paano na si Ging?" tanong ni Drake. "Kapag naramdaman ko ng mahuhulog na ako iiwanan ko siya mahal ko si Ging, bi," sambit ko umiwas siya ng tingin sa akin. "Susuportahan kita kung ano ang balak mo," wika ni Drake napatingin siya sa mga kaibigan namin. "Bahala ka kung ano ang balak mo huwag ka lang hihingi ng tulong sa amin kung mahuhulog ka na sa kanya kasalanan mo 'yan, kung mahal mo si Ging hindi mo 'yan gagawin sa kanya, at ang lokohin mo ang dalawang tao." sabat ni Thana sa akin. "Naghahanap ka ng kalinga hindi mo nakita sa amin—nakita mo ito sa kanya," sabat ni Drake sa akin bumitiw siya sa pag-akbay at tumayo ng marinig ang tunog ng bell. Bumalik kami sa classroom namin si Drake lang ang hiwalay. Architect ang kurso niya at hindi Law. Sa kanya ko ba talaga nakita ang kalinga sinasabi ni Drake? Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at binuklat nandun ang picture naming dalawa ni Ging. May kinuha ko sa loob ang bracelet na kaparehas nang binigay ko sa kanya noon bago siya umalis at may mangyari sa aming dalawa. Nang makabalik kami sa classroom umupo na kami sa pwesto namin. Nakinig sa lesson ng professor namin sumasagi sya sa isip ko. Pagkatapos nang klase pinuntahan ko siya sa classroom nila. Kumaway ako sa kanya nang makita niya ako. Ngumiti lang ako sa kanya pagkalapit ko sa kanya. Nilapitan ko siya kaagad at inakbayan, inabutan ko siya ng royal softdrinks. "Sa—lama..t–" utal niyang sambit sa akin. "Sinabi ko na sa kanila na may relasyon tayo nagulat man sila sa rebelasyon ko ang hindi lang nila alam peke ang relasyon natin ang nila—totoo." sambit ko sa kanya lumapit sa amin ang dalawa niyang kaibigan. "Sina Chana at Mike, Win cheerleader member." pakilala niya sa mga kaibigan niya sa akin. "Hello, Win?" wika ni Mike ngumisi sya sa amin. "Wag mo sasaktan ang bestfriend namin, Win ikaw lang ang taong minahal niya at pinagkatiwalaan," sabat ni Chana sa akin. Napatingin ako sa kanya bago ako bumaling sa dalawa niyang kaibigan. "Oo naman, friends?" sambit ko sa dalawa niyang kaibigan. "Friends, ewan ko lang sa boyfriend mo bad mood kapag nakikita si Drake na kaibigan mo," wika ni Mike ngumisi siya pagkatapos niya tignan ang mukha ng kaibigan niya. "Mike!" sigaw niya at hinaltak niya ang damit nito. Nakapanghihinayang sa ganito pa kami unang magkakalapit. "Mababait naman sila lalo na si Drake, schoolmates kami nung high school," sambit ko natawa ako pagkatapos. Lumakad na kami palabas ng school nakita pa namin ang mga kaibigan ko na nakatayo mukhang hinihintay kami. "Win!" tawag ni Cute sa akin. "Oo nga pala, may plano ang president natin sa music club na mag-camping, sasama ka ba?" tanong niya sa akin nang balingan niya ako ng tingin. "Hindi ako sigurado dahil dadalawin ko ang pamilya ko sa bahay," sambit ko at napatingin ako sa mga kaibigan ko na umiiling na lang. "Wala pang petsa kung kailan ang camping, sama ka ah?" ngiting sabi niya sa akin. Ayokong sumama! "Sasama ka ba?" tanong ko sa kanya huminto kami sa harap ng mga kaibigan ko. "Kung sasama ka, sasama na din ako." aniya sa akin. Tumango lang ang dalawang kaibigan niya ng ipakilala ko sila sa mga kaibigan ko. "Alis na kami, Light bukas na lang ulit." aniko nang lalayo na kami ng mga kaibigan ko. "Sasama ka sa camping?" tanong ni Drake sa akin. "Hindi ako sasama ayokong makasama siya," aniko sa kanila habang papunta kami sa parking lot. Nasalubong namin si Helga nakatingin sa amin. "Girl, sasama ka sa camping ng music club?" tanong ng kaibigan niya sa kanya. "Syempre, nandun si Light aakitin ko kahit may jowa na aagawin ko siya ulit!" wika ni Helga ng tumingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at umirap siya sa akin. "Parang babawiin ko muna ang sinabi ko," sambit ko bigla sa mga kaibigan ko. "Para mabantayan mo siya?" bulong ni Cute sa akin. "Hindi, para hindi mukhang bored si Light sa camping, sumama kaya kayo?" aya ko na rin sa kanila. "Ako hindi pwede, Win," sabat ni Thana sa akin. "Kayo?" tanong ko sa tatlong kaibigan ko. "Pwede ako!" taas kamay wika ni Mat napatingin siya nasalubong namin. "Me too!" sabi ni Cute nag-apiran silang dalawa ni Cute napailing na lang ako sa kanilang dalawa. "Hindi ako pwede, bi may practice kami sa soccer," wika ni Drake nagkibit-balikat na lang siya pagkatapos. Nang makarating kami sa parking lot kaagad kami sumakay sa motor at pinaharurot ito pauwi sa apartment namin iisang building kami nakatira pero mag-kaibang kwarto. Oo, hindi na ako nakatira sa magulang ko mula ng mag-college ako. Si kuya Jirah nag-aartista naman na-discover siya ng isang manager sa pinag-trabahuan niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD