Pagkatapos namin kumain ako na ang naghugas nang pinag-kainan namin.
"Babe, pagkatapos ng pagkuha mo ng laptop mo, saan kita dadalhin?" tanong niya ng pagpasok niya mula sa labas ng tinutuluyan naming condo.
"Sa bahay namin dadalawin ko sila Mama, at Papa, hindi ba may trabaho ka sa dati nating school?" sambit ko kaagad ng lapitan ko siya.
"Oo, pansamantalang music teacher sa dati nating school at nagtuturo sa music club nakaka-inis ako ang tinuro ni Gun para pumalit sa teacher na leave of absence," aniya napa-simangot siya pinisil ko ang mag-kabilaang pisngi niya.
"Aw! Mamumula na naman 'to!" aniya sa akin.
"Ang arte ng babe ko, hatid mo ako ULF," aniko.
"Sige, bago ako pumasok sa school natin dati..nakakasawa na ang paligid ng school memoryado ko na ang lahat ng hallway at classroom," aniya sa akin.
"Ewan ko sa'yo!" sambit ko at lumakad na ako palabas ng condo namin dala ko ang ginawa namin sa laptop niya pati ang wallet at ang cellphone ko.
"Pan-dagdag sa gastusin din 'to!" aniya sa akin.
Binati si Light ng mga humahanga sa kanya ngumingiti lang siya inakbayan niya ako at pumasok na kaming dalawa sa elevator may nagpa-picture pa sa kanya ng mga kasabayan namin.
Ganun din sa akin may iilan na may nagpapa-picture sa akin pumapayag na lang hanggang sa makababa at bumukas ang elevator sa ground floor.
Nang makarating kami sa ULF pina-alis ko na siya kaagad.
"Susunduin kita dito," aniya ng bumaba ako sa motor niya.
"Huwag na, Light sa bahay ka namin dumeretso dun kita hihintayin," sambit ko sa kanya inalis ko muna ang helmet at inabot ko sa kanya.
"Sure ka?" tanong niya sa akin ng kunin niya ang helmet sa akin.
"Oo, bye na ingat sa pagmamaneho!" sagot ko kinawayan ko na lang siya ng makalayo na ang motor niya.
Humarap ako sa building ng Union Law Firm o ULF. Huminga ako ng malalim at napa-hawak ako sa shoulder bag na dala ko. Kaya mo 'yan, Win!
Lumakad na ako papasok sa entrance ng tinanong ako ng security guard.
"Saan po kayo, kuya?" tanong ng security guard ng tumapat sya sa akin.
"Nag-apply po ako dito, kuya pinapupunta ako ni Ms. Garcia sa 4th floor ng ULF," sambit ko kaagad pinakita ko ang I.D ko sa kanya.
Pinadaan niya ako ng ipakita ko ang dala ko. Pumasok ako sa loob at nagtanong sa isang babae nasalubong ko. Tinuro niya sa akin ang elevator nagpa-salamat ako sa kanya.
Tahimik ko nilakad ang hallway at nang makarating ako sa tapat ng elevator. Pinindot ko ang up sign ng bumukas kaagad akong pumasok sa loob nito. Nang magsasara na may pumasok na babaeng maputi na mahaba ang buhok.
"Salamat naman, naka-abot ako!" sigaw nito mula sa loob ng elevator at pinindot niya ang number 4 (4th floor) katulad ko siya sa floor na ito siya pupunta.
Napatingin siya sa akin kumunot ang noo niya ng tumitig siya sa akin. Parang pamilyar siya ng matitigan ko ang maganda niyang mukha.
Nang makarating kami sa 4th floor hinayaan ko syang maunang lumabas. Nagtanong ako sa isang babae at tinuro niya ang isang pintuan sa dulo.
"Nasa loob ba si Ms. Garcia?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa desk.
Napatingin ako sa babaeng kasabay ko sa elevator. Nakita kong pumasok siya sa isang pinto sa kabilang dulo ng hallway.
"Oo, nasa loob sino ba kayo?" tanong ng babae sa akin.
"Ako ang pinapunta niya dito," sambit ko.
"Mr. Kevin?" tanong niya nang may binasa siya sa isang notebook na katabi niya.
Napatango ako at bigla siyang tumayo binuksan niya ang pintuan ng sumunod ako sa kanya.
"Ms. Garcia, nandito na si Attorney Winter Kevin," sambit niya sa babaeng nakayuko napatingala ito ng marinig ang sinabi ng babae.
"Attorney!" bati niya ng makita niya ako tinuro ang couch.
"Ms. Garcia, Kevin na lang po ang formal naman ng attorney." biro ko na lang at umupo ako sa couch.
"First job mo ito pagkatapos mo makapasa sa bar exam? Bakit ngayon lang?" tanong niya sa akin.
Huminto siya sa ginagawa niya at tumayo siya sa tapat ng mesa niya. Maraming nagbago makalipas ng sampung taon sa mundo.
Dahil sa isang matinding virus na kumalat sa buong mundo. Nagbago ang pamumuhay ng mga tao bumalik man sa normal ang lahat, ang hindi nakasanayan noon naging nakasanayan na ngayon.
"Naging busy lang, Ms. Garcia ngayon may oras na ako sa panibagong yugto sa buhay," sambit ko.
"Ah..welcome to ULF, Kevin pwede ka na magsimula next week," aniya lumapit siya bago niya ako kinamayan sa kamay ko.
"Salamat, Miss Garcia," sambit ko.
Sinamahan niya ako sa paglabas ng opisina niya at pinakilala niya ako sa mga taong nasasalubong namin sa hallway.
"Samahan mo siya sa bago niyang opisina, miss Fernandez katabi niya ang opisina ni ma'am Ging Ramirez," aniya at napatingin ako bigla sa kanya.
Ging? Fatima Gracia Ramirez?
"Isa nang attorney si ma'am Ramirez katulad ng magulang niya maliban sa ate niya." sabat ni miss Fernandez pagkatapos ako tumango at sumama sa kanya papunta sa bago kong opisina.
"Ano ba ang ginagawa ni ate-miss Ramirez?" tanong ko bigla sa kanya kaagad ko iniba ang babanggitin ko.
"Simpleng housewife si ma'am Pam, pagka-alis daw nila noon dito pinakasalan niya ang lalaking pinag-kasundo sa kanya ng magulang niya noon," sambit niya chismosa ang babaeng ito.
"Pinakasalan?" bulalas ko na lang kaya ba biglang nawala ang communication nila ni kuya Jirah at nagbago ito?
Nang buksan niya ang isang pintuan nalingunan niya ang pintuan na pinasukan ng babaeng kasabay ko sa elevator.
"Kanino itong opisina?" tanong ko.
"Kay ma'am Ging Ramirez," sambit niya at na-kumpirma ko na ang babaeng kasabay ko sa elevator ang babaeng minsan kong minahal ng lubos.
Napahawak ako sa dibdib ko biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kaba o hindi itong naramdaman ko?
Mommy love...
Pumasok ako sa loob ng opisina at nagtanong ako.
"Alam ba niyang may bagong empleyado sa ULF?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, Kevin pero si Mr. Ramirez ang nag-approved ng application mo 'yon ang sabi sa akin ni miss Garcia hindi ka na daw pina-hirapan." aniya nakilala pa niya kaya ako ni tito Edwin?
Umuwi ako sa bahay namin naguguluhan naabutan ko sila na kausap si Light.
"Papa!" tawag ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at yumakap na rin sa amin ang Mama ko.
"Oh? Isang buwan lang kami nawala dito sa Pilipinas namiss mo kaagad kami? Kamusta na kayong dalawa ni Light?" tanong ng Papa ko sa akin pagkatapos ko humiwalay sa kanya.
"Mabuti naman po kami, Papa, kayo ni Mama?" tanong ko iniwanan kami nina Light at Mama sa sala namin.
"Mabuti naman kami, anak nabanggit sa amin ni Jirah na nag-a-apply ka ng trabaho?" tanong ni Papa sa akin tinabi ko ang dala kong bag.
"Oo, pa nagkataon pa sa kumpanya nila ate Pam at Ging ako natanggap." amin ko kaagad sa kanya.
"Alam niya ba kung saan ka nag-apply?" tanong ng Papa ko tinutukoy niya si Light.
"Oo, pero hindi niya alam na naging ex ko ang anak ng may-ari, Papa nandito na sila-nakabalik na sila." sambit ko.
"Paano ang gagawin mo? Sinabi mo ba kay Light ang tungkol sa kanya?" tanong ng Papa ko sa akin umiling na lang ako.
"Hindi ko sinasabi ang tungkol sa kanya, Papa ayoko nang maalala pa ang nakaraan namin may bago na ako." sambit ko sa kanya.
Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti lang ako.
"Hindi mo siya maiiwasan at hindi mo siya kailangan kalimutan, anak minahal mo siya ng lubos kung hindi ka lang nagmahal ng iba at hinintay mo siya ikakasal na kayo ngayon," sambit ni Papa sa akin.
"Alam nyo ba kung bakit iniwan ni ate Pam si kuya? Akala ko gusto ni tito Edwin si kuya para sa anak niya?" naalala kong itanong sa kanya.
"Mahal ni Jirah si Pam, anak mahal ni Pam ang kuya mo kaso dahil sa naluluging negosyo noon ng tito Edwin mo kailangan mag-sakripisyo sa pamilya niya ang alam ng lahat pinag-kasundo ang dalawa pero hindi 'yon totoo hindi lang lumaban ang ate Pam mo dahil isang sindikato ang pamilya ng asawa niya." wika ng Papa ko sa akin nagulat ako sa nalaman.
"Al-" putol kong tanong sa Papa ko.
"Hindi alam ng kuya mo, anak sana sa atin lang 'to, pamilyado na silang dalawa buntis na ang kaibigan mo magkaka-anak na sila ng kuya mo kung ano man ang namagitan sa kanila, isang nakaraan na 'yon." wika ng Papa ko sa akin.
"Kuya, si Yumi?" tanong ko nung umiinom siya ng alak.
"Nasa bahay, magkakaroon ka ng pamangkin..bunso kaya kami nandito para makasama niya ako alam ng industriya na buntis siya pumayag ang manager ko na mag-leave ako ng 9 months." wika ni kuya Jirah sa akin.
"Congrats!" ngiting bati ko sa kanila narinig ito ng mga kaibigan ko at binati nila ang kapatid ko.
"Ang sa inyo ni Ging walang closure hindi mo sinabing may mahal ka ng iba at kung may iba na siya dapat sinabi niya sayo pero hindi, kaya parang kayo pa na hindi, anak kung-" putol na sasabihin ni Papa nang may tumawag sa aming dalawa.
"Pa! Babe, kain na daw tayo sabi ni Mama!" Tawag ni Light mula sa bukana ng kusina namin.
"Tara, ayusin mo muna ang relasyon mo sa ex mo, anak bago kayo lumagay sa tahimik ni Light," wika ni Papa at tumayo siya napasunod ang tingin ko sa Papa ko dahil sa sinabi niya.
"Babe, tulala ka na? Tara, anong balita sa pagpunta mo sa ULF?" tanong ni Light sa akin.
"Magsisimula na ako next week," sambit ko sa kanya inakbayan niya ako sa balikat ko.
"Okay?" banggit naman niya.
Naupo kaming dalawa sa dating pwesto namin noon ni Ging.
"Si kuya Jirah, dumalaw na sila dito?" tanong ko sa magulang ko.
"Bukas daw sila pupunta dito pagkatapos ng check-up ni Yumi sa doctor, kayo ba may balak ba kayo mag-adopt ng bata?" tanong ng Mama ko sa aming dalawa ni Light.
Nagka-tinginan na kami ni Light umiwas naman ako ng tingin.
"Balak namin, Mama pero maghahanap kami ng surrogate mother hindi kami mag-aampon." sabat ni Light sa Mama ko.
"Ah!" anila nilang dalawa sa amin.
Pagkatapos ng kumain inaya ko na si Light na umuwi sa condo namin. Hindi pa din ako makapaniwala na ang babaeng kasabay ko sa elevator ang dati kong girlfriend o girlfriend ko pa talaga wala kaming closure sa pag-hihiwalay.
Ito na si Ging.
"Babe, okay ka lang?" puna na tanong niya habang nagmamaneho siya ng scooter.
"Oo? Bakit?" tanong ko.
"Parang may gumugulo sa isip mo may nangyari ba sayo sa ULF?" tanong niya sa akin.
Hinigpit ko ang pagkaka-hawak ko sa baywang niya bago ako magsalita.
"Wala, babe kabado na excited lang ako." pagsisingungaling ko sa kanya ewan pero kabado ako.
"Mabuti kung gan'on, babe sasama ka pa sa akin bukas?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at dinantay ko ang ulo sa balikat niya habang yakap ko siya. Pagkarating namin sa condo namin at makapasok sa loob ng kwarto namin.
"Makakapag-pahinga na din!" sigaw ko na lang.
Humilata ako sa kama namin at tumabi pa siya sa akin.
"Sulitin natin ang nalalabing araw na magkasama tayong dalawa, babe magiging busy na tayo sa susunod." aya niya ng tumagilid siya pagkatapos.
Napa-tagilid din ako sa kanya hinawakan ko ang hibla ng buhok niya at ngumiti na lang ako. Natulog kami na magka-yakap naiisip ko ang mangyayari kapag nagkita kaming dalawa ni Ging.
Pero, sa ngayon susulitin ko ang nalalabing araw na kasama ko si Light. Tama siya, dalawa na kami magiging busy sa susunod na araw o buwan.