Chapter Thirty Five

1644 Words
Nang palabas na ako ng condo nila nabaling ang tingin ko sa likod nang may magsalita. "Daddy love..." tawag ni Ging hindi ako lumingon sa likuran ko kapag lumingon ako para ako nag-taksil sa boyfriend ko. "Huwag na huwag mo na akong tatawgin na ganyan mula ngayon, Ging at wala nang namamagitan sa ating dalawa ang nasa isip ko ngayon ang anak na lang natin may responsibilidad ako pero hindi sa'yo." aniko nang hindi lumilingon. "Pupunta ka pa rin ba sa party?" tanong ni Ging hindi ako nakasagot dahil nag-aalinlangan akong magpunta dahil ito rin ang simula ng pag-amin ko kung sino ang anak ko sa buhay ko. "Hindi ko alam," pag-amin ko na lang. "Huwag mo na ako isipin, daddy love kundi si Frey na lang....huwag mo naman ipagkait na makilala ka niya bilang ama oo, alam niyang ikaw ang ama niya ipagmalaki mong may anak ka na." wika niya. "Hindi mo naiintindihan kung nag-aalinlangan ako, Ging oo gusto ko siyang ipagmalaki dugo't-laman ko siya kaso, iba na ngayon." aniko. "Sa susunod na araw, daddy love kailangan mo na ipaalam kina tita at tito na may anak tayong dalawa tatanggapin ko naman hindi tayo para sa isa't-isa para sa anak na lang natin at sa araw na 'yon ang event naghihintay din si Papa sa gagawin mong hakbang." aniya iniwanan ko na siya nang sagot nang makita ko si Light na pagewang-gewang alam kong may iniinda siyang sakit na walang gamot na magpapa-galing. Bakit ganito ang relasyon naming tatlo? Kung kailan naghihintay na lang ako ng special day niya para mag-propose. Handa na ako i-level up ang pagsasama namong dalawa. Gusto ko siyang batukan dahil sa naabutan ko sa hallway. "Birthday ng isa sa member sa banda inimbita ka nila, pero tinanggihan mo kaya ako ang proxy mo mali—l—iban sa saril—i ko..." utal na lang niya sa akin nang makarating kami sa loob ng condo namin. Hiniga ko muna siya sa sofa namin at iniwan ko muna siya para mag-timpla ng kape para mahimasmasan bumalik ako na dala ang isang tasa ng kape. "Oh..inumin mo! May problema ka ba ah? Hindi ka naman ganyan, babe." sambit ko sa kanya nang tabihan ko siya alam kong tungkol ito sa closeness namin ni Ging kaya nagseselos siya hindi naman ako manhid para hindi mapuna. "Napa-sarap lang ako sa pag-inom hindi naman masama," aniya minasdan ko na lang siya. "Hindi nga, kaso mababangga ka o sasagain ka naman," nasambit ko naman sa kanya at inabot ang tasa pero dinikit lang niya sa labi bago niya ininom. "Babe, sorry.." aniya bigla akong tumingin sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito nabaling naman ang tingin niya sa akin sana mapatawad mo ako kung sakaling malaman mo ang pagtago ko tungkol sa anak ko. "Aalis na sila dito sa condo at babalik sa kanilang bahay, babe kung nagseselos ka pa rin sa kanya huwag kaibigan ko na lang siya," aniko dahil totoo naman babalik na sila sa bahay ng magulang ni Ging mas ma-protektahan ng tauhan nang asawa ni ate Pam ang mag-ina ko. "May nakaraan kayong dalawa at lalo na sinunod niya sa pangalan mo ang pangalan ng anak niya," pag-amin na lang niya sa akin at dinantay ang ulo sa balikat bago nabaling ang tingin niya sa akin. "Malapit nang matapos training ko sa ULF, babe kapag natapos 'yon maghahanap ako ng ibang trabaho para hindi ka na magselos sa kanya," aniko at tumingin pa siya sa akin natahimik naman siya sa sinabi ko. "Hindi ka na babalik sa showbiz?" tanong niya sa akin nang hawakan naman niya ang kamay ko. "Babalik pero hindi na katulad ng dati, babe na pokus ako sa pagkanta," sambit ko hindi ayoko na sa hilig ko kundi nawala sa sistema ko ang musika na dati nararamdaman ko. "Kung ano man ang gusto mong gawin, babe susuportahan kita sana hindi mo masamain na seloso ang jinowa mo." wika naman niya at hinawakan ang leeg ko bago binaba ang mukha niya para halikan niya ako sa labi ko. "Thank you, babe," aniko nang maglayo ang labi naming dalawa. Pumasok na kaming dalawa sa kwarto para matulog may pasok pa kami sa trabaho. Humiga kaming dalawa sa kama pagkatapos maligo ng sabay walang nangyaring kababalaghan sa amin. "Pasaway ka talaga kaya mo bang pumasok sa unibersidad?" tanong ko naman sa kanya nang yumapos ako sa dibdib niya. "Lulutuan mo naman ako ng soup, hindi ba? Kaya makakaya kong pumasok sa school, kailan rest day mo ulit tambay tayo sa dating tagpuan natin." tanong niya sa akin at yumakap na rin siya. Nakita niya ang pag-iling ko sana habangbuhay na ganito kaming dalawa ito na ba ang panahon para mag-level up ang relasyon naming dalawa? Nang magising ako kaagad akong nagluto ng soup para mawala ang hangover niya naghanap na rin ako ng painkiller sa cabinet. Nang matapos ako sa routine ko kumain na ako hindi ko muna siya gigisingin mamaya na lang kapag paalis na ako. Hinanda ko na rin ang dadalhin kong gamit uuwi muna ako sa bahay namin mamayang gabi ko na lang sasabihin na sa bahay muna ako matutulog. Nagising siya sa kalabit ko napatingin siya sa akin at nakita niyang nakabihis na ako. "Aalis ka na?" tanong niya sa akin at humikab pa siya sa harap ko. "Hindi, ihahatid mo pa ako sa trabaho ko, babe ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya bumangon kaagad siya sa harapan ko. "Of course not, babe." aniya kaagad sa akin tinulak ko na lang siya sa banyo namin at inabot niya ang twalyang naka-sabit bago ako umalis sa kwarto namin. Naramdaman ko na yumakap siya sa likod ko nang makita niyang nagluluto pa rin ako sa kusina namin. "Ano ka ba!" pananaway ko sa kanya at siniko ko na lang siya. Tumawa na lang siya at sumandal sa tabi hinampas ko na lang siya sa balikat niya. Nag-timpla naman siya ng kape naming dalawa. "Gusto mo manood ng gig ko mamaya?" tanong niya sa akin habang nag-titimpla siya. "Bukas siguro ng hapon at kinabukasan, babe aasikasuhin ko ang dalawang kaso ng kliyente ko ngayon eh sunduin mo na lang ako kung matatapos ka hihintayin na lang kita." sambit ko na lang at nabaling ang tingin niya sa akin. "Wala ka bang gagawin bukas, babe?" tanong niya sa akin. "Wala, babe pahinga ako bukas at susunod na bukas bago maging busy sa trabaho ko ulit." sambit ko naman sa kanya. Ito ang huling araw na makakasama kita ng matagal, babe sorry kung mag-sisinungaling ako. "Pwede ba tayo magpunta ng Boracay?" tanong niya sa akin nabaling naman ang tingin ko sa kanya. "Pwede, babe bukas ka kumuha ng plane ticket kung may available kasama ko si Ging bukas dahil kakasuhan namin doble ang manliligaw niya kasama rin namin ang ama nito nung naiwan ako dito kanina nagpunta ang ama nito sa tinutuluyan ni Ging nagulat pa nga nang magkita kami kaya nag-usap ng masinsinan seryosong bagay 'to, babe baka magselos ka," banggit ko at huminto naman siya sa ginagawa niya nang sabihin ko 'yon. "Alam ko naman kung sino ang kasama mo, babe wala na ba sila sa kanilang tinutuluyan?" tanong na lang niya at nagpunta siya sa dining area namin sumunod ako sa kanya. "Hindi lang ako sure ngayon kasi hindi ko sila tine-text at pinupuntahan," sambit ko naman sa kanya at nilapag ang niluto kong almusal namin. Tumango na lang siya at parehas na kami umupo sa upuan para kumain ng almusal nang matapos siya na ang nag-hugas ng pinag-kainan namin kinuha ko naman ang gamit namin sa kwarto. Nauna ko nang pinadala sa bahay ang ibang gamit ko nung natutulog pa siya. "Babe, ito ang unang sahod ko sa ULF," sambit ko naman sa kanya at pinakita ang pera. "Itago mo sa saving account mo, babe same din sa akin ang ginagawa ko," banggit niya sa akin at inabot ko sa kanya ang bag kasama ang gitara niya. Napansin niya na dala ko ang gitara ko kaya nabaling ang tingin niya sa akin. "Hihiramin ni Frey, babe ibibigay ko sa Mama niya marunong kumanta ang bata sabi ko nga kapag libre tayong dalawa turuan natin siya sayang may talento." bulalas ko naman sa kanya at kaagad siyang sumagot. "Unang beses mo ipapahiram ang gitara mo sa ibang tao," aniya. "Kilala ko naman sila, babe," aniko na lang. "Bakit noong gustong hiramin ng ka-banda natin ang gitara mo gumawa ka ng dahilan pero sa bata wala?" pagtataka niyang tanong sa akin nagsusuot ako nang sapatos. "..." Umalis na lang ako bigla at sumunod siya nakita niya ang pag-lingon ko sa condo ng mag-ina ko. Lumabas na kami sa condominium at pumunta sa parking lot kung nasaan ang motor ko. Sumakay naman kaming dalawa at umalis hinatid niya ako sa trabaho ko nakita pa namin na maraming pumapasok binabati pa kaming dalawa. "Bro! Nasa loob si sir Edwin mukhang galit na galit!" tawag ng isang lalaki na nakatayo sa entrance napalingon naman kaming dalawa. "Nandyan si attorney Ging?" tanong ko sa kasamahan ko. "Wala pa si attorney, bro, hi! Light!" pag-bati nito sa kanya nang mag-tagpo ang paningin namin. "Grabe naman kasi ang nangyari sa anak nun kalat kaya sa loob ng ULF mabuti na lang nandun ka, bro." sabat naman ng isa ko pang kasamaha sa pag-uusap namin. "Oo nga eh, ano, tara?" tawag nila sa akin tinapik na lang niya ang balikat ko at tinuro ang cellphone niya kaagad akong tumango sa kanya. "Ingat," sambit ko at kaagad akong lumapit sa dalawang ka-trabaho niya. "Bestfriend buddies talaga kayo, ano?" wika ng kasamahan ko sa trabaho. "Oo," aniko at pinakita namin ang ID sa security guard kinapkapan pa kami sa buong katawan namin. Naglakad na kaming tatlo papunta sa opisina namin at nang makarating sa sarili kong opisina bumungad sa akin ang secretary ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD