"Bakit parang iisa ang sinasabi nyo sa akin?" tanong ko na lang sa kanila.
"Sinong siya?" sabay nilang sambit sa akin at nakita kong pagtataka sa mukha nila.
"Si Mars," aniko na lang.
Nag-text siya at nag-reply kaagad ako hindi ko lang sinabi kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko.
"Nag-text sa akin ang jowa mo, Light, ano ang i-rereply ko?" tanong ni Mike at pinakita ang text message ni Ice.
"Nag-reply naman ako sa kanya huwag mo na lang pansinin," aniko at iniwasan ko ang tingin niya.
"Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mong pagseselos sa ex niya," wika naman ni Chana at sumabat si Mike sa kanya.
"Alam niyang nagseselos ako sa ex niya—ang hindi ko lang masabi pati sa anak ng ex niya." aniko na lang sa kanilang dalawa.
"Legit? Pati sa bata?" banggit ni Chana hindi naman kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.
"'Yon ang naramdaman ko eh ayoko din maramdaman dahil bata—dalaga na kaso, nararamdaman ko tapos nasa iisang school pa kami." aniko.
"Iisang school, anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mike nang balingan niya ako nang tingin.
"Estudyante siya sa dati nating school at part time teacher naman ako," pag-amin ko na lang sa kanilang dalawa.
Nailabas nila ang ininom na softdrink nang sabihin ko 'yon minura ko sila nang malutong dahil natalsikan nila ako.
"Maliit talaga ang mundo, ano? Past at present." sambit ni Mike at nagpunas siya nang bibig niya.
"Sinabi mo pa, pre malapit ba ang loob ni Ice sa anak ng ex?" tanong ni Chana naisip ko bigla na magka-pangalan silang dalawa kaya paniguradong naging malapit sila.
"Oo, malapit kahit ilang araw pa lang sila nagkakakilala," aniko sa dalawang kaibigan ko.
"Kailangan mo talaga siyang ipakilala sa magulang mo as fiance na, Light para maging legal na kayong dalawa both side nang pamilya nyo," wika ni Mike sa akin hindi naman ako umimik sa sinabi nito.
"Hi, Light!" tawag ng isang babae sa gilid napalingon naman ako at tumango na lang.
Nagpa-picture ito sa akin at tumabi nang upo tinawag pa nito ang mga kaibigan umusog lang ako nang bahagya at umiinom. Hindi ko pinansin ang pag-lalandi ng babae sa akin inaawat siya nang mga kaibigan ko dahil alam nilang hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa ng babae lasing na 'to at halata tinawag ng kaibigan ko ang manager para ilayo na sa amin ang mga babaeng lumalandi sa amin.
"Umalis na kayo, miss i-respeto nyo naman ang pribadong kasiyahan ng kaibigan namin halata naman na hindi ka niya pinapansin mula nang tumabi ka sa kanya dahil gusto niya nang privacy." wika ni Chana sa babae at humingi naman ang pasensiya ang manager sa amin.
"Wala na sila, pre grabe! Ang manhid naman nila!" wika ni Mike nang sundan nila nang tingin ang mga babae at manager hindi ko na lang sila pinansin.
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito. Nagpaka-lasing kaming lahat at para akong bumalik sa pagka-binata huminto lang ako sa ginagawa ko nang may tumapik sa balikat ko.
"Babe?" tawag ko nang tumingala ako sa taong humawak sa balikat ko umiwas naman ako ng tingin dahil sa ginawa nitong pag-pisil sa balikat ko.
Napa-aray ako sa ginawa niya sa akin nang makumpirma ko ang bumatok sa akin.
"Aray!" sigaw ko na lang dahilan para tumingin sa amin ang mga tao sa loob ng bar.
"Putang ina ka! Bakit ka nagpaka-lasing!" bulong nito sa akin at sumimangot na lang ako sa ginawa niya.
"Kanina pa 'yan, Ice," wika ni Chana sa kanya hindi na ako nagsalita pero nakikiramdam ako sa kanila.
Umupo siya sa tabi ko at nang hawakan niya ang binti ko nararamdam ko ang gigil niya at alam kong nagagalit siya sa akin. Nang aalisin ko ang kamay niya sa binti ko diniinan niya ang kamay kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Anong meron sa kaibigan nyo?" tanong niya sa dalawang kaibigan ko.
"Hindi namin alam dyan sa jowa mong problemado," narinig kong sambit ni Chana kaya nabaling ang tingin ko sa kaibigan ko.
Tumayo ako at inalalayan naman niya ako nagpasama na lang ako sa restroom sinamahan naman niya ako. Pumasok ako sa loob ng cubicle narinig ko naman na sinara niya ang pinto.
"Dahil 'to kay Ging? Malapit na akong umalis sa ULF, Light lilipat ako ng law firm kung kailangan para hindi ka magselos sa kanya." narinig kong sambit naman niya sa akin mula sa labas lumuhod ako sa harap ng toilet dahil nasusuka ako.
Sumuka ako nang sumuka sa toilet napasandal na lang ako sa gilid pagkatapos ko sumuka.
"Kina-kapatid ko na siya at kababata kahit may nakaraan kami hindi ka ba masaya?" tanong niya mula sa labas ng cubicle.
Paano ako magiging masaya kung nakikita kong iba ang nararamdaman ko kapag magkasama kayo?
"Masaya ako na may closure sa inyo, babe hindi ko ma-iwasan na magselos sa inyong dalawa lalo na ang anak niya pinangalanan niya sa'yo ibig sabihin mahal ka pa rin niya—" pag-amin ko na lang kahit na-utal pa ako sinandal ko ang ulo ko sa cubicle.
"Nagpasa na ako ng advance resignation as OJT kahit alam kong ayaw nila akong pa-alisin, babe iniisip kita ayoko na may ganito tayo sa relasyon natin walang pagtatalo o away na namamagitan pero ramdam ko na hindi mo na 'to nagugustuhan ako na ang lalayo sa pangalawang pamilya ko kung ituring," wika niya at muli akong sumuka sa toilet nga makaramdam nang hilo.
Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko at hindi ko na lang pinansin.
"Kailangan ka ng anak niya, Ice hindi man halata pero naghahanap siya nang figure ng ama sa katauhan mo—at kailangan ka ng ULF dahil sa kasong tungkol din sa ama nang manliligaw ni Ging—ayoko naman maging selfish—" aniko nang lumingon ako sa likuran ko nakita niya ang luha sa mga mata ko, oo umiiyak ako sa selos at pagsusuka.
Tinayo niya at niyakap ako nang mahigpit narinig kong umiyak siya nang umiyak habang mahigpit ang yakap namin sa isa't-isa.
"Hindi, babe aalis ako sa ULF nakapag-desisyon na ako at ibibigay ko sa iba ang kasong 'to ayoko na may ganito sa relasyon natin." aniya nang lumayo siya nang bahagya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko.
Pinunasan namin ang pisngi nang bawat isa bago lumabas umiwas lang siya nang tingin sa tumingin sa amin ang mga tao sa labas ng restroom. Sinalubong kami nang kaibigan namin at lumabas sa bar hinatid kami sa condo namin.
Kinabukasan, nagising na lang ako na wala akong katabi bumangon kaagad ako sa kama.
"Babe!" tawag ko sa kanya at sumilip naman ako sa kusina, banyo at sala hindi ko na siya nakita.
Bumalik ako sa kwarto at may napansin akong sticky note.
Babe,
May party akong dadaluhan kaya gagabihin ako nang pag-uwi hindi ko na nasabi sa'yo kagabi dahil sobra kang lasing.
Winter
Tumingin naman ako sa cellphone ko at binuksan ang GPRS para malaman ko kung saan siya pupuntahan pagkatapos ko ng klase.