Chapter Thirty Six

1809 Words
Napalingon ako sa pintuan nang bumukas nakita ko si tito Edwin na palapit sa akin kaagad akong tumayo sa inuupuan ko. "Tito.." tawag ko bigla sa Papa ng dati kong girlfriend bumuntong-hininga na lang ako dahil nakakaramdam ako ng kaba. "Bakit kailangan mong umalis sa firm ko, Win ayaw mo bang makita at makasama ang apo ko?" tanong ni tito Edwin nang tumayo siya sa harapan ko. "Gustong-gusto ko makasama ang anak ko, tito pero ayoko naman i-sakripisyo ang taong mahalaga sa akin." aniko na lang sa Papa nang dati kong girlfriend. "Hindi ko ipipilit sa'yo na panagutan ang anak ko at pakasalan mo, hijo kung ano man ang buhay mo hindi ko papakialaman sinabi sa akin ng magulang mo na may karelasyon ka na at masaya na kayo hindi lang nila sinabi kung sino pero nakikita kong masaya ka na ngayon nakita ko ang saya sa mata mo noong may relasyon pa kayong dalawa ng anak ko ang gusto ko lang ipagmalaki mo lang ang apo ko." sambit ni tito Edwin sa akin nang masdan niya ako bumuntong-hininga na lang ako sa sinabi nito sa akin. "Sinabi nyo na ba kina Mama at Papa ang tungkol sa anak ko?" tanong ko muna malapit sila sa isa't-isa kahit may hindi magandang nangyari sa amin ng mga anak. Kahit hindi sabihin ng magulang ko may communication pa rin sila. "Hindi, ayokong pangunahan ka sa pag-amin sa magulang mo, Win pero tinatanong nila ako kung sino ang ama ng apo ko kay Ging, salamat na kahit hindi namin sinabi kaagad sa'yo ang tungkol sa anak mo hindi ka nagtanim ng galit sa amin hindi ko tatanggapin ang resignation mo as OJT lawyer gagawin kitang regular lawyer sa firm ko dahil sa dedikasyon mo sa trabaho huwag mo pansinin ang mga taong may inggit sa'yo." bulalas ni tito Edwin sa akin bago niya tapikin ang braso ko. "Kahit hindi nyo ako papayagang mag-resigned aalis pa rin ako, tito sa firm at sasabihin ko na rin sa pamilya ko ang tungkol sa anak ko, dadalo ako sa event nang kumpanya at sabihin sa lahat ang koneksyon ko sa mag-ina ko." aniko na lang para wala na siyang masabi tumingin na lang ako sa kanila. "Hindi ko ipipilit na balikan mo ang anak ko, Win ang akin lang ipagmalaki mong may anak ka kuntento na ako." naka-ngiti nang sambit ni tito Edwin bago niya ako talikuran at umalis nang opisina ko. Napaupo bigla ako sa upuan at bago yumuko umiyak ako nang umiyak habang iniisip si Light—ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo. Nang matapos ako umiyak tumayo ako para bumaling ang tingin sa labas ng opisina kung saan tanaw ko ang buong Manila. Pinunasan ko ng panyo ko ang pisngi ko bago kinuha ang cellphone ko para tawagan ang pamilya ko. Tama na ang pag-lilihim tungkol sa anak ko nabaling ang tingin ko sa gamit nasa loob ng opisina ko. Tinawagan ko ang kaibigan kong matalik si—Thana siya lang nakakaalam ng ibang detalye tungkol sa nakaraan namin ni Ging. "Win," tawag ng taong hindi ko inaasahang pupunta kaagad sa opisina ko napalingon ako. "Thana," tawag ko na lang sa kaibigan ko nabaling ang tingin niya sa bag. Lumapit ako sa kaibigan ko at yumakap bigla wala na akong hiya-hiyang nararamdaman at pagka-ilang. "Anong meron, Win at pinapadala mo ang mga gamit mo sa bahay nyo nang ako lang? May LQ ba kayo ni Bernard?" seryosong tanong ni Thana sa akin nang lumayo ako sa kaibigan ko. "May gusto lang ako siguraduhin para sa sarili ko bago ko siya pakasalan," pag-amin ko bago tumingin sa labas ng opisina ko humalukipkip naman ako ng kamay. "Dahil ba bumalik na si Ging kaya nasasabi mo 'yan hindi mo pa rin siya kayang bitawan sa puso mo?" tanong ni Thana naramdamam ko na lumapit siya sa tabi ko. "Nagawa ko na siyang bitawan, Thana nakaraan ko na lang siya pero..." putol ko na lang bigla sa kanya. Sinabi ko na lang sa kaibigan ko ang lahat hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya dahil ang dahil ni Thana. "Anak nyo ni Ging ang bata? Tama ba ang pagkaka-intindi ko?" tanong ni Thana sa akin at tumango ako sa kanya pinakita ko ang picture namin sa cellphone ko. "Oo," aniko. "Nag-aalinlangan kang mag-tapat sa party na may anak kayong dalawa ni Ging dahil malalaman ni Light ang totoo, bakit nag-aalinlangan ka?!" pagtatanong ni Thana sa akin inamin ko ang napansin ko kay Light parang hindi pa handa magkaroon ng pamilya. "Kaya baka hindi niya matanggap lalo na nagseselos siya kay Ging mula ng magkasama kami inamin niya 'yon sa akin," sambit ko. "Wala ka bang tiwala sa kanya na matatanggap niya ang anak mo kay Ging?" tanong ni Thana at tumitig ako sa kanya. "Sa pamilya ko muna sasabihin at ipapakilala ang anak namin kaya sa bahay muna ako kinausap ko si kuya at ang magulang ko na huwag nila sabihin na dun ako pupunta sa bahay at sasabihin akong importante," sambit ko sa kaibigan ko. "Mas may tiwala ka ba sa akin na hindi ko ito ipagkakalat tungkol sa sinabi mo sa akin?!" nasambit ni Thana at tumango ako dahil kapag nalaman ng mga kaibigan namin madudulas sila kay Light. "Iba ka sa kanila, Thana madudulas si Drake kapag nasabi ko ito sa kanya, lalo na jowa niya si Francis na kapag nadulas siya hindi posibleng sabihin ito kay Light kaya sa'yo ko pa lang sinabi," aniko sa kaibigan ko. "Ah, hindi ko naman ipagkakalat kaso pag-isipan mo na sabihin kay Light ang tungkol sa anak nyo ni Ging mas magandang malaman niya 'yon mula sa'yo," sambit ni Thana sa akin pinag-iisipan ko rin naman ang sinabi niya. Tama naman siya kung hindi matatanggap ni Light ang anak ko hindi ko na kasalanan 'yon ayoko rin na mawalan ng komunikasyon sa anak ko at ngayon ko pa lang siya nakikilala. Wala din mali kung hindi kaagad sinabi ni Ging na may anak kaming dalawa inasikaso ko kaagad ang mga kliyente ko hindi na lang ako nagsasalita kung may mga tanong ang kapwa kong abogado tungkol sa anak ni Ging. Makalipas ng ilang oras, naghahanda na ako sa pag-uwi nag-text na kaagad ako kay Light pero hindi sumasagot kaya kinontak ko ang kaibigan at manager namin na si Gun. Sumama ang timpla ko nang malaman ko nasa bar sila at lasing na ang boyfriend ko. Nagpunta kaagad ako sa bar kahit nakasuot ako ng suit nang makarating ako sa entrance muntik na akong hindi papasukin nang magpakilala akong lawyer nang makapasok ako sa loob hinanap ko sila kaagad sa paligid. "Babe?" tawag niya nang tumingala siya sa akin nang makita ko siya at hawakan ang balikat niya umiwas naman siya ng tingin dahil sa ginawa kong pag-pisil sa balikat niya. Napa-aray siya sa ginawa ko sa kanya nang batukan ko siya. "Aray!" sigaw na lang niya dahilan para tumingin sa amin ang mga tao sa loob ng bar. "Putang ina ka! Bakit ka nagpaka-lasing!" bulong ko sa kanya at sumimangot na lang siya sa ginawa ko. "Kanina pa 'yan, Ice," wika ni Chana sa akin at hindi na siya nagsalita pero nakikiramdam ako sa kanila. Umupo ako sa tabi niya at nang hawakan ko ang binti niya nang gigigil ako at alam kong nagagalit ako sa ginawa niya. Nang aalisin niya ang kamay ko sa binti niya diniinan ko ang kamay ko kaya napatingin naman siya akin. "Anong meron sa kaibigan nyo?" tanong ko sa dalawang kaibigan niya. "Hindi namin alam dyan sa jowa mong problemado," narinig kong sambit ni Chana kaya nabaling ang tingin niya sa kaibigan niya. Tumayo siya at inalalayan ko naman siya at nagpasama na lang siya sa akin sa restroom sinamahan ko na lang siya. Pumasok siya sa loob ng cubicle sinara ko ang pintuan para makapag-usap kaming dalawa. "Dahil 'to kay Ging? Malapit na akong umalis sa ULF, Light lilipat ako ng law firm kung kailangan para hindi ka magselos sa kanya." sambit ko naman sa kanya mula sa labas nakarinig ako nang pagsuka niya napapailing na lang ako. Sumuka siya nang sumuka sa toilet napasandal na lang ako sa gilid pagkatapos ko marinig ang pagsuka niya bumuntong-hininga na lang ako. "Kina-kapatid ko na siya at kababata kahit may nakaraan kami hindi ka ba masaya?" tanong ko mula sa labas ng cubicle. "Masaya ako na may closure sa inyo, babe hindi ko ma-iwasan na magselos sa inyong dalawa lalo na ang anak niya pinangalanan niya sa'yo ibig sabihin mahal ka pa rin niya—" pag-amin na lang niya sa akin kahit na-utal na siya narinig ko ang kalabog sa loob ng cubicle. "Nagpasa na ako ng advance resignation as OJT kahit alam kong ayaw nila akong pa-alisin, babe iniisip kita ayoko na may ganito tayo sa relasyon natin walang pagtatalo o away na namamagitan pero ramdam ko na hindi mo na 'to nagugustuhan ako na ang lalayo sa pangalawang pamilya ko kung ituring," sambit ko at muli siyang sumuka sa toilet. Binuksan ko ang pintuan ng cubicle at naabutan ko siyang nakayuko kaagad akong lumapit sa kanya para himasin ang likuran niya. "Kailangan ka ng anak niya, Ice hindi man halata pero naghahanap siya nang figure ng ama sa katauhan mo—at kailangan ka ng ULF dahil sa kasong tungkol din sa ama nang manliligaw ni Ging—ayoko naman maging selfish—" aniya nang lumingon siya sa likuran niya nakita ko ang luha sa mga mata niya. Tinayo ko na lang siya at niyakap ko siya nang mahigpit narinig niyang umiyak ako nang umiyak habang mahigpit ang yakap namin sa isa't-isa. Babe, sorry at hindi ko kaagad sinabi ang natuklasan ko natatakot akong iwanan mo ako, ikaw na lang mahalaga sa puso ko at maliban sa pamilya ko. "Hindi, babe aalis ako sa ULF nakapag-desisyon na ako at ibibigay ko sa iba ang kasong 'to ayoko na may ganito sa relasyon natin." seryoso kong sambit nang lumayo ako sa kanya ng bahagya at hinawakan ko ang mukha niya. Pinunasan namin ang pisngi nang bawat isa bago lumabas umiwas lang ako nang tingin sa mga taong tumingin sa amin sa labas ng restroom. Sinalubong kami nang kaibigan namin at lumabas sa bar hinatid kami sa condo namin. Sorry, babe nag-sinungaling ako sa'yo kaagad akong tumayo sa kama nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog kinuha ko ang favorite sticky note niya at may sinulat ako. Babe, May party akong dadaluhan kaya gagabihin ako nang pag-uwi hindi ko na nasabi sa'yo kagabi dahil sobra kang lasing. Winter Umalis na ako nang condo at pumunta sa bahay namin kahit madaling araw pa nang umaga. Nang makarating ako sa bahay pumasok na ako sa loob gamit ang susi ko naglakad ako papunta sa dati kong kwarto bumungad sa akin ang malinis na itsura. I'm back!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD