Nang matapos ang practice sinamahan ko si Frey sa classroom nito bumungad sa amin ang kaibigan ko na si Mars.
"Pre, tapos na ang practice?" bungad ni Mars sa akin pinapasok na lang niya si Frey na napag-alaman kong estudyante niya.
"Oo, may klase pa ako sinabay ko na lang ang siya." aniko.
Napansin ko na tumingin siya kay Frey bago niya ako balingan ng tingin.
"Magkakilala kayo ng estudyante ko?" tanong ni Mars at kaagad akong tumango lumayo kami sa may pintuan.
"Ex ni Win ang Mama niya noong hs," bulong ko sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin.
"Legit?" gulat nitong tanong sa akin at hindi kaagad ako nagsalita nang may dumaan sa tabi namin.
"Oo, pero wala na sila nang maging kami 'yon ang sabi ni Win sa akin magkakabata sila at ex ni kuya Jirah ang tita ni Frey." bulong ko pa rin sa kanya napansin kong humalukipkip siya nang kamay.
"Maliit talaga ang mundo natin, ano? Dahil nagkikita ang matagal ng hindi nagkita, at nalaman mo pa kung ano ang koneksyon nito sa buhay ng mahal mo nakaraan man sila naging parte pa rin sila ng buhay ni Win lalo na ang ina ni Frey." sambit ni Mars sa akin totoo naman ang sinabi nito.
"Alam mo, Mars iba ang kabang nararamdaman ko natatakot ako na biglang mawala sa akin si Win," pag-amin ko naman sa kanya bumuntong-hininga na lang ako.
"Saan ka kinakabahan?" tanong ni Mars nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Ewan ko," sambit ko na lang dahil totoo naman hindi ko alam kung saan ako kinakabahan.
"Mag-propose ka na sa kanya kung kinakabahan ka na ma-aagaw pa siya ng iba sa'yo," nasambit naman niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya naisip ko na rin 'yan at nagpaalam na ako para magpunta sa klase ko. Nang matapos ang klase ko umalis na kaagad ako sa school at nagpunta ako sa tambayan namin ng dalawa kong kaibigan.
"Pre!" tawag nina Mike at Chana mula sa malayo napalingon ako sa kanila.
Tumakbo sila para lumapit sa akin bumili ako ng softdrink at biscuit sa 7-eleven para may makain habang nag-kwentuhan.
"Mabuti na lang, boss na ako at pwede kong iwanan ang trabaho ko, ano bang meron at nakipagkita ka sa amin?" tanong ni Chana sa akin nang tignan niya ako.
"Bored na bored ako," bulalas ko na lang kaagad sa kanilang dalawa at huminga na lang ako.
"Bored? Weh...kilala ka namin ni Chana, Light!" sabat naman ni Mike sa akin hindi na lang ako nagsalita at umupo ako sa upuang bato.
"Nag-away ba kayong dalawa ni Win?" pagtatanong ni Chana sa akin nang masdan niya ako umiling kaagad ako hindi naman kami nag-away ng boyfriend ko.
"Wala naman dahilan para mag-away kaming dalawa sa totoo lang ako mismo ang nag-iisip na may problema kami kahit wala," sambit ko sa dalawang kaibigan ko.
"Ikaw? Okay naman pala kayo eh, bakit parang pasan mo ang problema ng mundo?" tanong ni Chana hinawakan pa ako sa noo ko.
"Hindi naman," sambit ko na lang.
"Alam kong hindi mo pa rin inaamin kina tito at tita ang totoong namamagitan sa inyo ni Win kahit legal kayo sa pamilya niya, Light maging totoo ka naman para sa sarili mo kung tunay ang pagmamahal mo sa kanya hindi 'yong sa pamilya lang niya legal ang relasyon nyo," wika ni Chana sa akin.
"Kung siya na talaga ang masasabi mong forever sa buhay mo, Light kailangan mo siyang ipagmalaki," sambit naman ni Mike at tinapik niya ang balikat ko.
Tama naman sila sa kanilang sinabi at nabaling ang tingin ko sa kinakain ko.
"Natatandaan nyo ba ang babaeng kasama ni Ice noon?" nasambit ko sa dalawang kaibigan ko.
"Anong meron sa kanya?" tanong ni Mike at tumitig na lang siya.
"Malalim ang connection niya kay Ice, at matagal na silang may feeling sa isa't-isa pero..." putol ko nang sumeryoso ang mukha ng dalawang kaibigan ko ng tignan ko sila.
"May nakaraan sila na hindi mo ma-iwasan isipin na posibleng iwanan ka ni Ice?" tanong ni Chana tumango ako sa kanilang dalawa.
"Ibig mo bang sabihin si Ging at Ice mag-ex?" pag-kukumpirma ni Mike sa akin.
Wala naman akong kailangan itago sa dalawa kong kaibigan dahil alam nila ang damdamin ko mula noon kay Win.
"Oo." sambit ko na lang sa kanila.
Tumungga ako ng softdrink na binili namin kanina sa 7-eleven.
"..."
"Bernard.." tawag ni Mike sa akin lumingon ako sa kanya.
"Why?" tanong ko naman sa kaibigan ko.
"Naisip mo ba na kaya pinangalanan nito sa anak ang pangalan ni Win dahil may pag-tingin pa rin 'to sa Win mo?" tanong ni Chana sa akin at tumango ako sa kanila.
"Ewan ko, Chana magulo na rin ang isip ko dahil sa nalalaman ko sa kanilang dalawa tapos, ang manliligaw ni Ging ang dahilan kung bakit mas naging malapit lalo sila ni Win," pag-amin ko sa kanilang dalawa tumingin sila sa akin.
"Nag-ramble na ang nangyayari sa buhay nyo," sabat ni Mike sa aming dalawa.
Tumunga ulit ako ng softdrink nasa harapan namin tinawagan ko kanina si Gun na hindi ako makakasama sa gig sa QC.
"Oo nga, dapat pala hindi ka pumayag na mag-OJT siya sa ULF nun kung hindi...hindi sila magkikita ng ex niya," wika ni Mike sa akin hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.
"Kailan ka mo ba balak mag-propose, Light? May singsing ka na, hindi ba?" tanong ni Chana sa akin at inakbayan niya ako sa balikat ko.
"Kapag natapos na ang OJT niya hahanap ako ng lugar kung saan ako mag-propose tulungan nyo ako dun," sambit ko sa kanila nang may mabanggit sa akin si Mars noong nag-uusap kami sa school.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Mars at nakipag-tawanan ako sa dalawang kaibigan ko.
"Bakit ka ba natatakot?" tanong ni Mars sa akin.
"Ang kinatatakot ko, Mars ang maisip ni Win iwanan ako at ipagpalit ako sa babae katulad—maiibigay ni Ging ang hindi ko maiibigay sa kanya," sambit ko naman sa kaibigan ko.
"Anak?" sambit ni Mars sa akin hindi kaagad ako nakapagsalita.
"May technology na dyan IVF o surrogate mother, Light para magkaroon kayo ng anak," sambit ni Mars nabaling ang tingin ko sa kanya at umiwas ang tingin ko sa mga naglalakad sa tabi namin.
"Ang gusto niya mula sa dugo't-laman namin manggagaling ang sperm cell at ang babae sa mismong malapit sa amin," sambit ko sinabi na sa akin 'yon noong magtanong ako.
"Wala ka naman kapatid na babae o sa kanya sa mag-pipinsan pinag-babawal 'yon kung sperm cell mo o egg cell nito pwede mag-sanib hindi naman kayo mag-kadugo eh," wika ni Mars sa akin.
"Pwede pero kami pa rin ang mag-dedesisyon kung kaninong babae namin ibibigay ang sperm cell namin," sambit ko.
"Kaya mag-propose ka na sa kanya para magpakasal kayong dalawa at gumawa nang bata 'yan ang kulang sa inyo sa sampung taon na pagsasama nyo hindi mo ba naisip na i-level up ang relasyon nyo?" pagtatanong ni Mars sa akin gusto ko rin naman i-level up hindi ko lang alam kung kailan ko gagawin.
"Kakausapin ko muna ang magulang niya," sambit ko.
"Pati nang magulang mo, pre hindi mo na ma-itatago sa kanila ang tunay na relasyon nyo ni Win tanggap naman nila ang relasyon nina Francis at Drake.." nasambit ni Mars tinanggap nila ang relasyon ng kapatid ko at ni Drake noong una nabigla dahil hindi nila aakalain na papatol sa kapwa ang kapatid ko.
Kaya nang malaman nila ang relasyon ng dalawa kinausap ako nang magulang ko na kung gagaya ako sa kapatid ko kalimutan ko nang may magulang ako dahil ang gusto nila ma-ikalat ko ang lahi namin.
Walang nakakaalam sa pag-uusap na 'yon maski si Win at ang kapatid ko walang alam kaya nahihirapan akong mag-propose ang alam ng magulang ko mag-bestfriend lang kami ni Win.
Ang hirap itago sa kanila ang totoo kong pagkatao ang alam ni Win legal ang relasyon namin sa magulang ko alam din ng kapatid ko na walang alam ang magulang namin sa relasyon namin ni Win.
"Ayokong itakwil nila ako bilang anak!" bulong ko sa kanya.
"Dalawa lang kasi kayo tapos iba pa ang tinibok ng puso nyo kaya parang nanghihinayang sila na hindi nyo ma-ikakalat ang lahi nyo at baka pati ikaw maging katulad ng kapatid mo," nasambit ni Mars sa akin.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa magulang ko na katulad ako ni Francis na mas nauna akong nagkaroon ng relasyon sa lalaki kaysa sa kapatid ko," sambit ko.
"Umamin na kayong dalawa ni Win sa magulang mo na hindi lang kayo mag-bestfriend, bakit sa pamilya ni Win legal kayo at hindi mo 'yon magawa sa magulang mo," wika ni Mars at nagpaalam na siya sa akin.
Bakit parehas sila sinasabi sa akin?
Bumuntong-hininga na lang ako at pumunta kami sa bar nagsabi kaagad ako kay Ice na may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko. Nakilala ako ng mga tao kaya hinarang ako nang mga bodyguard.
"Iba ka talaga," sambit ni Mike sa akin at inakbayan na lang niya ako lumayo na kami para humanap ng mauupuan.