Hinatid nila ako sa condo namin at pagewang-gewang akong naglakad papunta sa elevator may nasasalubong pa akong mga tao.
"Sir, tulungan ko na kayong maglakad." narinig kong bungad ng boses mula sa gilid ko at tinaas ko ang kamay para sumenyas na huwag.
Naglakad na ako papunta sa elevator kahit pagewang-gewang na ako pinindot ko ang up bago bumukas saka ako pumasok sa loob napa-upo na ako sa sahig humawak ako sa bakal at pinindot ko ang floor number namin.
Masakit para sa puso ko na balewala sa kanya ang pag-alis ko kanina mas inisip niya ang anak ni Ging. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko para i-text siya binaba ko ang gitarang naka-sabit sa balikat ko.
Yumukyok ako sa gilid at iniisip ko ang ex niya at ang anak nito.
Kaya ba pinangalanan niyang Win ang anak nito nang dahil sa kanya?
Nang bumukas ang pintuan ng elevator lumabas na ako dala ang gitara at ang bag ko pagewang-gewang akong naglakad nang may yumakap sa akin at marinig ko ang boses.
"Babe!" tawag ng isang boses malabo ang taong nasa harap ko pero kilala ko naman yumakap ako ng mahigpit.
Inamoy-amoy ko pa ang taong yakap na ayokong bitawan naglakad na kaming dalawa.
"Bakit ka nagpaka-lasing, babe?" pagtatanong niya sa akin habang inaalalayan niya ako.
"Birthday ng isa sa member sa banda inimbita ka nila, pero tinanggihan mo kaya ako ang proxy mo mali—l—iban sa saril—i ko..." utal ko na lang sa kanya nang makarating kami sa loob ng condo namin.
Hiniga niya ako sa sofa namin at iniwan niya ako bumalik na ang linaw ng mata ko sinundan ko na lang siya nang tingin. Bumalik siya na dala ang isang tasa ng kape.
"Oh..inumin mo! May problema ka ba ah? Hindi ka naman ganyan, babe." sambit niya sa akin nang tabihan niya ako balewala ba sa kanya ang pagseselos ko sa kanilang dalawa?
"Napa-sarap lang ako sa pag-inom hindi naman masama," aniko sa kanya.
"Hindi nga, kaso mababangga ka o sasagain ka naman," nasambit naman niya sa akin at inabot ang tasa pero dinikit lang sa labi ko bago ko ininom.
"Babe, sorry.." aniko na lang sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nabaling naman ang tingin ko sa kanya.
"Aalis na sila dito sa condo at babalik sa kanilang bahay, babe kung nagseselos ka pa rin sa kanya huwag kaibigan ko na lang siya," aniya.
"May nakaraan kayong dalawa at lalo na sinunod niya sa pangalan mo ang pangalan ng to anak niya," pag-amin ko na lang sa kanya dinantay ang ulo sa balikat ko nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Malapit nang matapos training ko sa ULF, babe kapag natapos 'yon maghahanap ako ng ibang trabaho para hindi ka na magselos sa kanya," aniya at tumingin ako sa kanya natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ka na babalik sa showbiz?" tanong ko sa kanya nang hawakan ko ang kamay niya.
"Babalik pero hindi na katulad ng dati, babe na pokus ako sa pagkanta," sambit naman niya sa akin.
"Kung ano man ang gusto mong gawin, babe susuportahan kita sana hindi mo masamain na seloso ang jinowa mo." birong totoo ko sa kanya at hinawakan ang leeg niya bago binaba ang mukha ko para halikan ko siya sa labi niya.
"Thank you, babe," aniya nang maglayo ang labi naming dalawa.
Pumasok na kaming dalawa sa kwarto para matulog may pasok pa kami sa trabaho. Humiga kaming dalawa sa kama pagkatapos maligo ng sabay walang nangyaring kababalaghan sa amin.
"Pasaway ka talaga kaya mo bang pumasok sa unibersidad?" tanong niya sa akin nang yumapos siya sa dibdib ko.
"Lulutuan mo naman ako ng soup, hindi ba? Kaya makakaya kong pumasok sa school, kailan rest day mo ulit tambay tayo sa dating tagpuan natin." aya ko sa kanya at yumakap na rin ako sa kanya.
Nakita ko ang pag-iling niya sa akin sana habangbuhay na ganito kaming dalawa ito na ba ang panahon para mag-level up ang relasyon naming dalawa?
Nagising ako sa kalabit napatingin ako sa katabi ko at nakita kong nakabihis na siya.
"Aalis ka na?" tanong ko humikab pa ako sa harap niya.
"Hindi, ihahatid mo pa ako sa trabaho ko, babe ayaw mo ba?" tanong niya sa akin bumangon kaagad ako sa harapan niya.
"Of course not, babe." aniko kaagad sa kanya tinulak niya ako sa banyo namin at inabot ko ang twalyang naka-sabit bago siya umalis sa kwarto namin.
Nang matapos ako maligo at magbihis lumabas na ako sa kwarto namin. Yumakap ako sa kanya sa likod nang makita ko siyang nagluluto sa kusina namin.
"Ano ka ba!" pananaway naman niya sa akin at siniko ako.
Tumawa na lang ako at sumandal sa tabi hinampas na lang niya ako sa balikat. Nag-timpla naman ako ng kape naming dalawa.
"Gusto mo manood ng gig ko mamaya?" tanong ko sa kanya habang nag-titimpla ako.
"Bukas siguro ng hapon at kinabukasan, babe aasikasuhin ko ang dalawang kaso ng kliyente ko ngayon eh sunduin mo na lang ako kung matatapos ka hihintayin na lang kita." sambit naman niya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Wala ka bang gagawin bukas, babe?" tanong ko naman sa kanya ang alam ko hindi pa tapos ang kaso ng kliyente niya.
"Wala, babe pahinga ako bukas at susunod na bukas bago maging busy sa trabaho ko ulit." sambit naman niya sa akin kung wala siyang gagawin bukas may plano akong umalis kami ng Manila.
"Pwede ba tayo magpunta ng Boracay?" tanong ko sa kanya nabaling naman ang tingin niya sa akin.
"Pwede, babe bukas ka kumuha ng plane ticket kung may available kasama ko si Ging bukas dahil kakasuhan namin doble ang manliligaw niya kasama rin namin ang ama nito nung naiwan ako dito kanina nagpunta ang ama nito sa tinutuluyan ni Ging nagulat pa nga nang magkita kami kaya nag-usap ng masinsinan seryosong bagay 'to, babe baka magselos ka," banggit niya sa akin huminto naman ako sa ginagawa ko nang sabihin niya 'yon.
"Alam ko naman kung sino ang kasama mo, babe wala na ba sila sa kanilang tinutuluyan?" tanong ko na lang at nagpunta ako sa dining area namin sumunod siya sa akin.
"Hindi lang ako sure ngayon kasi hindi ko sila tine-text at pinupuntahan," sambit naman niya sa akin at nilapag ang niluto niyang almusal namin.
Tumango na lang ako at parehas na kami umupo sa upuan para kumain ng almusal nang matapos ako na ang nag-hugas ng pinag-kainan namin kinuha naman niya ang gamit namin sa kwarto.
"Babe, ito ang unang sahod ko sa ULF," sambit naman niya sa akin at pinakita ang pera.
"Itago mo sa saving account mo, babe same din sa akin ang ginagawa ko," banggit ko naman sa kanya at inabot niya sa akin ang bag at ang gitara ko.
Napansin ko na dala niya ang gitara niya kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Hihiramin ni Frey, babe ibibigay ko sa Mama niya marunong kumanta ang bata sabi ko nga kapag libre tayong dalawa turuan natin siya sayang may talento." bulalas naman niya sa akin at kaagad akong sumagot.
"Unang beses mo ipapahiram ang gitara mo sa ibang tao," aniko.
"Kilala ko naman sila, babe," aniya sa akin.
"Bakit noong gustong hiramin ng ka-banda natin ang gitara mo gumawa ka ng dahilan pero sa bata wala?" pagtataka kong tanong sa kanya nagsusuot siya nang sapatos.
"..."
Umalis na lang siya bigla at sumunod ako nakita ko ang pag-lingon niya sa condo ng mag-ina. Lumabas na kami sa condominium at pumunta sa parking lot kung nasaan ang motor ko. Sumakay naman kaming dalawa at umalis hinatid ko siya sa trabaho niya nakita pa namin na maraming pumapasok binabati pa kaming dalawa.
"Bro! Nasa loob si sir Edwin mukhang galit na galit!" tawag ng isang lalaki na nakatayo sa entrance napalingon naman kaming dalawa.
"Nandyan si attorney Ging?" tanong niya sa lalaki sa palagay kasamahan niya sa trabaho.
"Wala pa si attorney, bro, hi! Light!" pag-bati nito sa akin nang mag-tagpo ang paningin namin.
"Grabe naman kasi ang nangyari sa anak nun kalat kaya sa loob ng ULF mabuti na lang nandun ka, bro." sabat naman ng isa pang lalaki sa kanilang pag-uusap.
"Oo nga eh, ano, tara?" tawag nila sa kanya tinapik ko na lang ang balikat niya at tinuro ang cellphone ko kaagad siyang tumango.
"Ingat," sambit niya at kaagad siyang lumapit sa dalawang ka-trabaho niya.
Puro tungkol sa ex niya ang topic ng usapan pero nauunawaan ko kung bakit dahil sila ang magka-trabaho at alam ko ang totoong nangyari sa batang Frey.
Pumasok na ako sa school pinarada ko sa parking lot ang motor bago ako bumaba at naglakad binabati ako ng mga estudyante may nagpa-picture pa sa akin. Pumunta ako sa klase ko at binati ko ang mga estudyante kailangan ko i-cancel ang schedule ko sa gig sa araw ng school program ng school hindi ko kakayaning isabay sila.
Nagsimula na kami sa unang practice sa music club nagpa-tugtog ako ng mga iba't-ibang kanta gamit ang iba't-ibang instrumento na nakatago sa unibersidad.
Napalingon ako nang may tumawag mula sa likod ko nakita namin ang kaibigan ni Ice na pinag-seselosan ko din noon na boyfriend ng kapatid ko ngayon.
"Light!" tawag ni Drake sa akin, at sumeryoso ang mukha ko kasama niya ang mga kaibigan niya at ibang players ng football team.
Kumaway na lang ako sa kanya at sumenyas na may ginagawa ako. Lumapit sila sa pwesto namin at binati sila ng mga estudyante ko.
"Part-time?" tanong ni Drake sa akin tumango na lang ako sa kanya hindi naman ako madaldal sa harap ng ibang tao.
"Ano ang ginagawa mo dito? May tinuturuan ka rin ba?" tanong ko nabaling ang tingin ko sa mga kasama niyang players.
"Hindi, magka-laban ang tinuturuan kong team sa kanila nasa football field pa rin ang team ko tinawag ako ng principal kasama sila, ikaw?" pagtatanong ni Drake nabaling ang tingin niya sa gamit ng estudyante ko.
"Humingi lang ng tulong ang principal sa akin at nagkataon na leave of absence ang teacher nila, kaya ako ang pumalit pansamantala, sige practice na kami," banggit ko at tumalikod na ako nalingunan ko pa na kinausap si Drake ng isang matangkad na lalaki.
"Magsimula na ulit tayo," tawag pansin ko sa mga estudyante na kinikilig sa nakita nilang players.
Nagsimula na kami sa practice nang mag-lunchbreak tinawagan ko si Gun na manager ng banda. Pumayag siya nang sabihin ko ang ginagawa ko ang hindi ko lang sinabi ang tungkol sa pag-alis namin ni Ice.
"Mali ang tono ng pag-tugtog mo," puna ko sa isang estudyante at inulit niya, at kahit nagkakamali nagsusumikap siyang matuto katulad siya ni Ice.
"Tito Light!" tawag ng boses narinig ko napalingon ako nakita ko si Frey nakatayo hawak ang gitara ni Ice.
"Frey!" tawag ng isa sa estudyante ko.
Pinapalit nito si Frey nabaling ang tingin ko sa gitarang dala niya.
"Kaninong gitara 'yan?" tanong nito kay Frey nabaling ang tingin ko sa kanila.
"Sa tito ko, girl," wika ni Frey sa kaibigan nito.
"Winter? Pamilyar ang pangalan..." wika ng kaibigan nito kay Frey.
"Kay tito Winter, tito ko nakakahiya nga eh sabi naman niya sa akin sasamahan akong bumili ng gitara sa susunod dahil hindi daw sa kanya ang gitara." wika ni Frey tinawag ko ang kanilang pangalan.
Nalaman ko na estudyante si Frey sa school na ito isang taon nang nag-aaral sa unibersidad kaya siguro nalaman nito kung sino kami ni Win. Personal kong tinuruan si Frey na mag-gitara hindi ko sinabi ang gamit niyang gitara na hindi totoong kay Win kundi sariling gitara nito 'yon.
Bakit hindi mo sinabi ang totoo kay Frey, babe?
Mabilis maturuan ang anak ni Ging katulad ni Win noon na unang pumasok sa music club may pagka-similarity lang ang bawat galaw nilang dalawa 'yon ang napansin ko.