"Bernard Williams!" tawag ni Dino dahilan para bumalik ako sa realidad tinapik na pala ako balikat ko.
Tumingin ako sa mag-jowa at umiwas kaagad ako nang tingin sa kanilang dalawa at umayos ako ng upo sa sofa.
"Bakla, tulala ka na, may problema ba kayong dalawa?" tanong naman ni Gun sa akin nang tumabi ito.
"Wala kaming dalawa ni Ice," sambit ko naman kaagad dahil wala naman parang ako lang ang may pino-problema sa amin.
"Eh, ano 'yan?" tanong ni Gun tinuro pa niya ako at nakita kong hindi siya naniniwala sa akin.
"Wala, Gun okay kaming dalawa ni Ice busy lang siya sa trabaho niya," aniko sa kanilang dalawa.
"Busy? Busy sa babaeng 'yon?" sabat ni Gun tumingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Si Ging 'yong kasama noong nanood sila sa guesting mo siya ba ang dahilan kaya ganyan ka?" sambit naman ni Dino sa akin.
Umiling lang ako sa kanilang dalawa ayoko muna mag-isip ng negative para sa relasyon namin.
"Ex ni kuya Jirah ang ate ni Ging kaya malapit siya dito 'yon ang kwento niya sa akin kung ano man ang sumasagi sa isip nyo walang mangyayari third party may anak si Ging," aniko sa kanilang dalawa.
"Guys, iimbitahan ko kayo mag-bar." bungad ni Rachel sa tabi namin napalingon pa ako.
"Birthday ni Nina ngayon nag-iimbita," sambit ni Rachel sa amin at nabaling ang tingin ko sa kaibigan namin.
"Pwede ba kayo?" bungad ni Nina sa amin at tumitig sa dalawang mag-jowa.
"Free na ako," sabat ko naman sa kanila tumingin pa sila sa akin.
"Si Win, pwede ba 'yon?" tanong ni Nina sa akin nang humarap siya.
"Rest day niya ngayon kaso ang hindi ko lang sure kung may lakad pa siyang iba kasama ang mga kaibigan niya iniwan kong nagpa-pahinga sa condo namin," sabat ko naman sa kanila.
"Pagabi na, bakit hindi ka niya sinamahan alam naman niyang may gig ka?" sabat ni Gun sa akin nang tumitig lang ng may kahulugan.
"Pagod ang tao, Gun ayoko siyang gisingin ng dahil lang dito lang." aniko.
"Oo nga, Gun iba na ang pagod sa pagiging lawyer kaysa sa pagkanta," sabat ni Dino sa boyfriend niya.
Hindi ko na lang sinabi na may gagawin si Ice ngayon dahil maraming tanong ang ibabato sa akin mula nang magkita ulit sina Ice at Ging parang may nagbago sa aming dalawa.
Tumayo ako sa inuupuan ko at pumunta sa stage para mag-gitara kahit tapos na ang gig ko wala naman ng gaanong tao sa bar 6:00pm to 2:00am / 2:00am to 6:00am ang open nito.
I'm Mr. Lonely, that's always been there, man
Like, took all the bullshit
Yeah, I woke up in the middle of the night
And I noticed my love wasn't by my side
Tryin' ta figure out what I do to make it go bad, cause ever since my love left me
My whole life came crashing and I'm so
May bago akong nabuong kanta na sumagi sa isip ko. Napatingin ako sa taong pumalakpak sa akin nakita ko si Helga nakatayo sa harap ko.
"Kamusta na, Light?" tanong ni Helga nakahalukipkip siya nang kamay habang nakatayo sa harap ko.
Huminto ako sa pagkanta at humarap ako sa kanya ang laki ng binago niya mula nang huli magkita.
"Ayos lang," aniko.
"Ang lungkot naman ng kinakanta mo," puna ni Helga sa akin at tuluyan na akong huminto sa pagkanta.
Nilapitan niya ako sa stage hindi pa rin ako tumatayo sa inupuan ko.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko na lang sa kanya nang balingan ko siya ng tingin.
"Invited siya, Light sa inuman natin," sabat ni Nina inakbayan niya si Helga na tumingin sa mga katabi nito.
Inirapan ni Gun nang nata si Helga at sinaway ito ng boyfriend niya. Nagpunta kami sa ibang bar na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao.
"Nag-text ako kay Ice, Light at nag-reply siya sabi niya sa text at may ginagawa daw siya kaya hindi makakasunod sa atin, ano ba ang ginagawa niya at parang may LQ kayo hindi naman kayo ganyan noon ah?" tanong ni Eumi sa tabi ko nasa kabilang side ko naman si Helga.
"Busy 'yon may kaso hinahawakan matindi ang kalaban ng kliyente niya kaya ganyan siya kilala nyo naman si Ice kapag seryoso ang ginagawa," sambit ko na lang sa kanila at tumunga ako ng baso na may laman na alak.
"Talaga?" sambit nina Rachel at Nina nang bumaling ang tingin nila sa akin.
"Oo, ang kalaban ng kliyente niya ang sariling kadugo hindi ko rin alam ang detalye." aniko na lang sa kanila.
"Ibang usapan nga 'yan baka sa mana 'yan ganyan madalas mag-away ang magkaka-pamilya, hindi ba?" wika ni Gun sa amin at natahimik naman ako sa sinabi nito.
"Kaya ba hindi pumunta si Ice?" sambit ni Nina sa aming lahat inabutan ako ng alak ni Helga nang maubos ko ang iniinom ko.
Wala silang alam sa tunay na nangyayari maliban sa kaso nito sa kliyente napag-alaman ko rin na ang anak ng kliyente ni Ice ang manliligaw ni Ging at nanggulo sa condo nito.
"Light, may problema ba kayong dalawa ni Ice?" tanong ni Rachel napalingon tuloy ako sa mga kasama ko.
"Wala kaming problema ni Ice busy lang siya kaya hindi natin kasama kung ano man ang iniisip nyo walang katotohanan hindi ba pwedeng busy lang 'yong tao? Busy ako sa dalawang trabaho ko teacher sa umaga at singer sa gabi wala na ring oras para mag-date kami o magsama magkaiba ang oras namin." sambit ko na lang.
"Kung busy siya, bakit may kasama siyang batang babae? Nang tawagan ko kasi siya may sumagot pero boses ng bata?" wika ni Nina nang balingan niya ako ng tingin.
Sumagi sa isip ko si Frey ang anak ni Ging na muntik nang mapahamak.
"Anak ng ka-trabaho niya 'yon si Frey ang pagkaka-tanda ko kapitbahay namin sila, Gun at Dino hindi ba nakilala nyo na si Ging? Anak niya 'yon nagka-gulo kasi noong kahapon sa condo nag-amok ang manliligaw ni Ging at muntik ng mapahamak kami ni Ice ang nag-bantay sa bata," sambit ko tumingin pa ako sa mag-jowa.
"'Yong lalaking may gusto kay Ging? —s**t! Okay lang ba 'yong bata?" tanong ni Gun napatayo bigla sa inuupuan gumewang pa siya.
"Okay naman pero namumula ang mukha ng bata dahil sinampal 'to nung lalaki maraming kaso ang haharapin ng lalaking 'yon maliban sa ginawa niya sa bata ito rin ang lalaking anak ng kliyente ni Ice parehas silang gigil ni Ging nang bumalik ito nang malaman ang nangyari sa anak," aniko sa kanila at tumunga ako kaso nakaramdam ako nang pagseselos nun dahil mas priority ni Ice ang mag-ina kaysa sa kanya.
"Ay, gago pala ang lalaking 'yon! Walang karapatan magkaroon ng pamilya, kamusta ang bata?" tanong ni Gun sa akin.
"Okay naman siguro 'yon," sambit ko na lang at tumunga ako ng tumunga nang alak.
Napansin ng mga kasama ko na mukha daw ako problemado kaya nagtatanong sila sa akin.
"Hindi na ba kayo nasanay sa kanya mukha naman talaga 'yang bugnutin kaya bulag kami ni Ice sa kanya para sa amin normal niya 'yan," sabat ni Helga sa kanila.
"'Yan ang dapat binabago mo, Light saka magpakasal na kayo ni Ice at magkaroon ng anak may bagong technogy naman dyan eh sa ibang bansa nga lang kayo magpapakasal ni Ice," sambit ni Eumi biglang tumahimik ang lahat nang dahil sa sinabi niya tumingin pa ito sa aming lahat.
Nagtanong ito kung may mali sa sinabi niya sa amin.
"May mali ba akong nasabi?" tanong ni Eumi at umiling ako nang tignan niya ako.
"Wala kang maling sinabi, Eumi awkward lang talaga dahil parang hindi pa handa si Light sa ganitong level-up kung Ice naman hindi lang ako sure naghihintayan silang dalawa." sambit ni Rachel umiwas kaagad ito ng tingin sa akin.
"Wala pa akong—" putol ko nang sumabat si Dino sa pagsasalita ko.
"Hindi ka namin pipiliting mag-desisyon sa bagay na 'yan, Light kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami," wika ni Dino sa akin nabaling ang tingin ko sa kanya.
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya kailangan ko na bang mag-propose sa kanya para maging legally sa akin na siya o dahil takot lang ako na ma-agaw siya ng iba?
Tumunga ako ng tumunga inawat naman nila ako sa ginagawa kong pag-tunga.
"Ano ba ang nasa isip ng damuhong 'to na parang dala niya ang problema ng buong mundo?!" narinig ko pang tili ni Gun.
"Tumahimik ka nga baka makilala pa si Light ng mga paparazzi dyan eh," narinig kong paninita ni Dino sa boyfriend niya tinaas ko pa ang kamay ko.
"Shuta! Anong nangyari?" sigaw ni Nina nang sumuka nang sumuka si Rachel napalingon kami sa mga taong tumingin sa amin.