Nang sabihin niya sa akin na naka-relasyon ang babaeng dahilan kung bakit ako nagseselos para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib ko ang sakit-sakit malaman na kasama ko ang dating nagpapasaya sa kanya noon nang hindi ko namamalayan. Naalala ko ang nangyari sa anak ng ex niya masyado siyang apektado.
Nang matapos ang guesting ko sa isang network nagpunta ako sa dressing room at umupo nang naka-kuwatro kinuha ko ang gitara ko at niyakap.
"Light?" tawag ni Dino sa akin umalis na ang ibang ka-banda namin naiwan kaming tatlo.
Bumuntong-hininga na lang ako at hindi ko sila pinansin.
"Babe?" tawag ko na lang nang maalimpungatan ako dahil bigla siyang bumangon.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, anong nangyari at parang concern siya?
"Tumawag ang anak ni Ging, babe may nanggagambala sa condo nila na isang lalaki," sambit niya sa akin at tumayo na siya sa kama sinuot ang tsinelas niya.
"Babe!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.
Lumakad na kaagad siya palabas ng condo namin nang huminto dahil sa pagtawag ko.
"Babe, saglit!" tawag ko sa kanya at nabaling ang tingin niya sa akin.
Lumingon pa ako at nakita ko ang nagwawalang lalaki sa harap ng condo nandun na ang security guard at ibang tao na na-istorbo nito nang bumungad kaming dalawa.
"Ilabas mo ang Mama mo!" sigaw ng lalaki sa harap ng condo.
"Nanggugulo na ang lalaking 'yan nakakahiya na," sambit ng mga tao sa paligid.
Tumingin ako sa buong paligid maraming taong nakiki-usyoso at hinawakan ko ang kamay niya.
Nakita namin na bumukas ang pintuan at nakita ko ang anak ni Ging na umiiyak nakikita ko ang takot sa mata niya.
"Wala si Mama umalis ka na!" sigaw ng anak ni Ging at nagulat kami nang sampalin niya ang mukha nito.
Walang respeto sa bata!
Pabalya inalis niya ang kamay ko at sinugod niya nang suntok ang lalaki at pinagka-guluhan sila ng mga tao kaya tumakbo ako palapit sa kanila.
"Wala ka talagang respeto pati ang dalaga sasampalin mo? Sinabi na sa'yo wala ang magulang niya," sigaw niya inawat na lang siya nang mga security guard.
"Ikaw? Ta—" putol nito nang suntukin niya ulit ang mukha nito.
"Sasampahan kita ng kaso, hayop ka! Madadagdagan ang kaso na haharapin mo sisiguraduhin kong makukulong ka at hindi ka makakalabas kahit may koneksyon ka pa sa batas!" sigaw niya at binalya ang mga security guard na humarang sa kanya tinawag ko na lang siya.
"Ice!" tawag ko sa kanya kita ko ang iba niyang expression at sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki. Lumapit siya sa anak ni Ging at yumakap ito bigla sa kanya bago humagulgol ng iyak.
"Dalhin nyo na ang lalaking 'yan sa presinto," sigaw niya sa mga security guard at nilapitan sila hindi na lang nila ako pinansin.
Pumasok na lang kami sa loob ng condo nila at umupo kaming tatlo sa sofa at inalo niya nang inalo ang umiiyak na anak ni Ging.
"Pwede kang mag-kwento," sambit ko sa anak ni Ging dahilan para mabaling ang tingin niya sa akin.
Mas lalong sumiksik sa dibdib niya ang anak ni Ging nakaramdam ako ng kakaibang emosyon sa tagpong nakita ko sumenyas na lang siya sa akin na tumahimik napansin ko naman ang takot ng anak ni Ging.
Tama lang sa lalaking 'yon ang ginawa ni Ice kung may pamangkin lang ako at nakita ko 'yon sira na ang mukha niya sa akin.
"Light, kumuha ka na lang ng yelo sa ref nila kung makakakita ka," utos niya sa akin at nilayo ang mukha nang anak ni Ging sa kanya.
Tumayo naman ako at pumunta sa kusina para maghanap ng inuutos niya sa akin nauunawaan ko ang nararamdaman ng bata.
Nang makakuha na bumalik ako sa kanila naabutan kong umiiyak pa rin ang anak ni Ging sa tabi niya. Kumunot ang noo ko sa narinig ko at nang lalapit na ako nagsalita siya.
"Ako at ang Mama mo ang kakausap sa lalaking 'yon, Frey hindi tama ang ginawa nito sa'yo," sambit niya kaya sumabat ako sa kanila.
"Hindi ka dapat makialam sa ganitong kaso, Ice." sabat ko sa kanila at nabaling ang tingin nila sa akin.
"May paki ako, Light dahil ang ama ng lalaking 'yon ang kliyente ko at may hidwaan sa kanilang pamilya idadamay pa niya ang mag-inang 'to? Lalo na kinakapatid at kaibigan ko si Ging ninong ko ang ama nun may malasakit ako, Light," sambit niya sa akin natahimik naman ako at hindi ko alam kung ano ang iisipin.
"Sasama ako, Ice kapag nakipagkita kayo sa lalaking 'yon," aniko at hinawakan ko ang ulo ng anak ni Ging at para akong natakot ng hindi ko maintindihan.
Yumakap sa akin ang anak ni Ging at tinugon ko naman nang yakap napangiti na siya sa amin.
"Sige, Frey tawagan mo ang Mama mo sa nangyari," aniya sa anak ni Ging nang lumayo siya pagkatapos yumakap sa akin.
"Tito, tinawagan ko si Mama nang matapos kita tawagan hindi ko lang alam kung pupuntahan niya ako ngayon dahil madaling araw pa lang." wika naman ng anak ni Ging sa kanya.
Kakakilala lang nila pero parang matagal na silang magkakilala sa nakikita ko.
"Dito muna kami ni tito Ice mo, Frey para may kasama ka na grabe naman ang lalaking 'yon obsessed kay Ging," sabat ko.
Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko at dinadampian na lang niya ng basang bimpo na malamig ang mukha ng anak ni Ging.
Baka, gusto niya nang magkaroon ng anak kaya ganito siya sa anak ni Ging. Kaso, takot akong mawalan siya nang oras sa akin kapag may kasama na kaming dalawa ayokong mangyari 'yon.
"Paano ba nagkakilala 'yon at ang Mama mo?" tanong ko nabaling ang tingin niya sa anak ni Ging.
"Hm, nung nag-trabaho na si Mama sa isang law firm sa Canada noon ang natatandaan ko kilala nun ang isa sa kasamahan na abogado ni Mama at mula noon kinukulit na niya si Mama binasted ni Mama 'yon kaso hindi natigil hanggang sa bumalik kami dito noong nakaraang taon para takasan 'yon kaso ito na nga hindi pa rin tumitigil." wika ng anak ni Ging sa aming dalawa at nakikinig lang ako.
Napatingin ako sa kanya nang magbago ang itsura niya nang mabaling ang tingin ko.
"Ibig mong sabihin mula nang makilala nung lalaki ang Mama mo hindi na niya tinigilan ito kahit nalaman nitong may anak? Hanggang sa bastedin?" tanong ko sa anak ni Ging at tumango kaagad ito sa sinabi ko.
Baliw na ang lalaking 'yon! Kung hindi pala nakilala ni Ging ang lalaking 'yon hindi ito babalik ng Pilipinas at muli silang magkikita ni Ice?
"Yes, tito Light naiintindihan ko siya na gusto niya si Mama dahil may nanliligaw din sa akin noon pero nang sabihin kong hindi pa ako handa tu—" putol ng anak ni Ging nang sumabat siya at parang tumaas ang tono ng boses nito sa narinig.
"May manliligaw ka na at sino naman 'yon?" tanong niya tumitig ako sa anak ni Ging at sa kanya.
Anong reaksyon 'to? Hindi ko matukoy kung anong reaksyon 'to.
"Eh, sabi ko nga meron noon wala na ngayon magkaibigan lang kaming dalawa nasa ibang bansa 'yon." natatawang wika naman ng anak ni Ging sa kanya at umiwas siya nang tingin.
"Okay? Change topic, Ice at Frey hindi tungkol dyan ang topic natin iba-iba kasi ang mga lalaki, Frey kung magmahal," sabat ko sa kanila at humarang ako sa gitna nila umiwas siya nang bahagya sa akin nang sasandal na ako kaya nagtaka ako sa ginawa niya.
"Nagmahal na ba kayo?" tanong ng anak ni Ging sa amin nakita kong sinamaan niya nang tingin ang anak ni Ging.
"Yes, Frey balanse dapat ang pagmamahal natin sa sarili at special someone mo," sambit ko na lang sa anak ni Ging hahawakan ko sana ang kamay niya nang ilayo ito sa tabi ko.
"Paano kung may cheating?" tanong ng anak ni Ging nabaling ang tingin ko sa kanya.
May tinatago ka ba sa akin, babe? May dapat ba akong alamin?
"Depende na 'yan sa sitwasyon ng dalawang taong nagmamahalan kung papalayain nyo ba ang isa't-isa o hindi meron pa—kung ang tiwala nyo ba malulusaw o hindi ganun," sambit ko at nagpaalam siya sa amin para magpunta sa kusina
"Tito Light, sana mag-tiwala ka kay tito Win kung ano man ang pagdadaanan nyo sana huwag mo siya iwanan mahal ka niya nang lubos para magbago siya." wika ni Frey sa akin napatingin tuloy ako sa kanya.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko.
"Alam kong may relasyon kayo ni tito Win hindi ako bulag sa nakikita ko sa isang taon nakikita ko kayong magkasama hindi na ako curious masaya pa ako sa inyong dalawa dahil nakikita kong masaya si tito Win sa buhay niya ngayon," sambit ni Frey, ano ang tinutukoy niyang masaya siyang nakikita si Win?
"Sino ang ex ng Mama mo?" tanong ko sa kanya si Win ang nasa isip ko kahit ayokong isipin.
"Ang alam ko, tito Light may first love si Mama na hanggang ngayon mahal niya," wika naman ni Frey sa akin nang bumalik siya hindi ko na lang siya pinansin.
"Ang daddy mo ba 'yon?" tanong ko, baka may iba pang lalaki sa buhay ni Ging.
"Walang nabanggit si Mama, tito Light saka, masaya na ako nandyan si Mama at naging Papa ko pa siya hindi man namin ito kasama alam namin okay siya ayoko nang guluhin ang tahimik na buhay ni Papa," wika ni Frey sa amin at napansin ko na tumingin ito sa kanya.
"Ayaw mo na bang mabuo ang pamilya mo?" tanong ko na lang.
"Gusto kong mabuo kami ikasal silang dalawa kaso ayoko naman maka-sarili, tito dahil paniguradong masaya na ang Papa ko sa buhay niya ngayon okay na sa akin at kay Mama na alam namin na buhay siya," wika ni Frey sa akin nang tumingin ulit siya.
Sino ba ang ama mo?