Chapter Twenty Nine

2005 Words
Masaya akong kasama si Ging nang may bumangga sa likod niya. "Tumingin ka naman sa nilalakaran mo," puna ko at lumingon sa akin ang magkakaibigan na hindi yata napansin ang kanilang ginawa. Bumalik sila na masama ang tingin sa aming dalawa hindi ako nagsalita at tinuluyang umayos sa pagkakatayo si Ging. "Hindi naman siya napilayan, OA mo!" bulyaw naman ng isang lalaki at maangas na tumingin sa amin. "Sana naman tumingin kayo sa dinadaanan mag-sorry ka sa girlfriend ko," aniko at hindi naman sila nagsalita seryoso akong tumingin sa kanila. Elementary pa lang kaming dalawa pero umamin kami sa isa't-isa na may pag-tingin kapag may kumukulit sa amin sinasabi namin na girlfriend ko siya o boyfriend hindi namin sinabi sa magulang namin ang nakakaalam lang ang kapatid namin. Hanggang sa nagkaroon kami nang relasyon nang manligaw ako sa kanya sa harap ng magulang niya noong high school na kami. Nabigla kami na hindi man lang nagalit ang magulang namin noon. "Ano kaya ang itatawag ko sa'yo?" tanong ko na lang sa kanya nakadungaw kaming dalawa sa veranda ng kwarto niya nasa ibaba ang pamilya namin. Naka-dantay siya sa grills kaya dumantay ako sa likod niya para akong nakayakap sa kanya. "...hmmm..aha!" tili niya at tinakpan ko ang bibig niya dahil magpunta sa kwarto ang pamilya namin. "Ging! Pagagalitan tayo!" aniko sa kanya nang tumili siya baka iba ang isipin ng pamilya namin. "Sorry! Na-excite ako sa naisip ko, Win!" sambit naman niya sa akin at lumingon siya nakita ko ang ganda ng mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya nang hahawakan ang pisngi ko. "Ikaw si daddy love, at ako si mommy love, okay ba? Hindi common halos.." sambit naman niya sa akin at niyakap na lang niya ako sa baywang. Hinayaan ko lang siya at tumugon ako nang yakap sa kanya nag-sway lang ng katawan. "Mommy love..." tawag ko na lang sa kanya nang mahina, hmm... "Hm..daddy love, mahal kita!" aniya sa akin dinantay ang ulo niya sa dibdib ko. "Mahal kita," bulong ko na lang sa kanya. Mommy love... Daddy love... Para kaming mag-asawa na ang tawagan namin madalas iba ang tawagan sa mag-jowa. "Win! Ging! Tinatawag na kayo!" tawag ni ate Pam sa amin at humiwalay na kaming dalawa. Lumabas na kami at bumungad sa amin ang nakangisi niyang kapatid. Hinaltak niya si Ging palayo sa akin tinignan pa ako at ang kapatid niya. "Kung ano man ang iniisip mo, ate wala kaming ginawang kababalaghan," aniya sa kapatid niya. "Ano ang narinig namin ni Jirah at nang magulang natin?" pagdududang tanong ni ate Pam sa aming dalawa tinignan niya kami nang may kahulugan. "Naka-isip ako ng tawagin namin ni Win, 'te na hindi common pakinggan at halos walang ganung tawagan," aniya sa kapatid at natawa ito sa aming dalawa. "Wala ba kayong tawagan ni Win?" tanong ni ate Pam sa amin. "Wala, 'te pangalan lang, siya si daddy love at mommy love naman ang tawag niya sa akin," aniya sa kapatid niyakap ko na lang siya sa likod. Inasar-asar pa nila kaming dalawa at sumunod na lang sa kapatid niya sinabi ni ate Pam sa magulang namin ang binanggit niya. "Cute!!" sambit ng Papa niya sa amin nahiya naman ako sa sinabi nito. Natawa sila pagkatapos at kinausap ni Papa ang kaibigan niya. "Namumula na ang tenga niya oh, kumpare nahiya na sa'yo," wika ni Papa sa kaibigan niya. Tinapik ako sa balikat ng Papa ng girlfriend ko kapag weekend nasa bahay kami ng magulang niya kadalasan sila naman ang nagpupunta sa amin. Nang matapos kumain nag-aya ang magulang namin na mag-inuman. "Maaga tayong uuwi, Win at Jirah may klase pa kayo bukas." paalala ni Mama sa amin nang makita kami sa sala. Tumango na lang kami kay Mama at hinalikan niya sa pisngi ang girlfriend ko at si ate Pam. "Kuya, itutuloy pa rin ang audition?" tanong niya kay kuya Jirah naka-akbay ito kay ate Pam tumingin sila sa kanya. "Oo, alam nila ang balak ko tatapusin ko muna ang college ko ngayon." wika ni kuya Jirah sa amin at hinalikan niya sa pisngi si ate Pam na kinilig. Dumantay sa dibdib ko ang girlfriend ko hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa binti ko. Nanood kami nang movie kasama ang kapatid namin nang matapos nagpunta na kami sa guest room kung saan madalas kami matulog ng kuya ko. Nakita pa namin na inaawat na nang Mama namin ang kanilang asawa sa pag-inom ng alak. "Mabuti ka pa, hon hindi ka pala-inom, ano?" narinig kong sabi ni ate Pam sa kuya Jirah ko. Nakita kong tumingin ito kay ate Pam at kaagad na nagsalita. "Kung iinom man ako kasama kayo o nang pamilya natin mahirap na kung kasama ko ang mga kaibigan ko." wika ni kuya kay ate Pam napaka-loyal talaga nito kaya swerte nila sa isa't-isa. "Daddy love, magkita na lang tayo sa school ah?" bulalas niya sa akin napatingin tuloy ako sa kanya at pinisil ko ang kamay ko. "Sure, mommy love.." bulong ko at sinamahan ko na lang siya sa kwarto niya nang aalis na ako hinila niya ang laylayan ng damit ko kaya napalingon ako. "Daddy love..." tawag niya sa akin at lumapit ako para halikan ko siya sa noo bago ako tuluyang tumalikod sa kanya. Nagising ako bigla nang may narinig akong tunog dumilat naman ako at hinanap ang pinang-gagalingan ng tunog. Tumingin ako sa cellphone ko at nakita ang oras napatayo ako bigla sa kama nang makitang alas dos nang hapon. "Babe?" tawag ko bigla at lumabas ako nang kwarto namin. Bakit napanaginipan ko siya? Nakita kong nakatalikod siya at may kausap sa cellphone yumakap ako mula sa likod niya dahilan para napa-liyad siya. Hindi niya ako tinulak palayo sa kanya dinantay ko ang leeg ko sa balikat niya at nakikinig sa kanilang pag-uusap. Nang matapos binaba niya kaagad ang cellphone at humarap sa akin hinalikan niya ako sa labi ko tumugon na lang ako. "Napagod kita kaya humaba ang tulog mo," aniya sa akin at humiwalay siya naalala ko ang panaginip ko at ang mag-ina ko sa kabilang side. Napatingin ako sa kanya bago ako magsalita tinitimbang ko ang magiging reaksyon niya. "May balita ka ba kay Frey at Ging?" tanong ko kaagad at hinila ko siya. "Wala, babe concern ka ba sa anak niya?" tanong niya sa akin at kaagad akong tumango. "Oo, nakita mo naman ang nangyari sa kanya pwede ko ba sila puntahan para kamustahin?" tanong ko. Tumitig muna siya sa akin bago siya magsalita. "Kung wala lang akong gig ngayon at guesting sasamahan kita," sambit niya sa akin tinampal ko naman ang noo niya sa sinabi niya. "Bakit mo pa ako sasamahan? Saka, wala nang dahilan para magselos ka kay Ging kung ano man ang namagitan sa amin nakaraan na 'yon." pagsisinungaling ko inaalala ko ang kalagayan ng anak ko sorry, babe. "Ex mo siya," aniya. "Ex mo si Helga pero hindi ako nagselos sa kanya dahil may tiwala ako sa'yo, babe na hindi mo ako lolokohin." aniko. Niyakap ko siya bigla nag-aalinlangan siyang umalis dahil sa nalaman niya tungkol sa amin ni Ging naisip ko tuloy ang napanaginipan ko. "Oo na, uuwi kaagad ako pagkatapos ng gig at nang guesting ko mabuti na lang hindi ako full-time teacher sa unibersidad natin," aniya at hinalikan niya ako sa noo bago ako iwanan. Sumunod na lang ako sa kanya at kumaway nang lumingon siya tinuro ko ang direksyon ng tinutuluyan ng mag-ina ko. Lumakad na ako at nang kakatok sa pintuan bumukas ito bumungad sa harap ko ang anak ko na may ngiti sa labi. Niyakap niya ako nang mahigpit matangkad na siya kaya parang nanghihinayang ako na hindi ko nasubaybayan ang paglaki niya hindi rin kasalanan ng Mama niya kung bakit hindi niya ako nakita. Pumasok kami sa loob at dinala niya ako sa isang kwarto bumungad sa akin ang mukha ko maliban sa mukha ni Light. "Papa, alam mo ba nang sabihin ni Mama na ikaw ang Papa ko nung pinakita niya sa akin ang pictures nyo noon nangarap ako na makita in person." wika naman ng anak ko sa akin nabaling ang tingin ko sa kanya. "Hm?" aniko na lang. "Tapos nang bumalik kaming dalawa ni Mama dito sa Pilipinas mula sa Canada at nalaman namin na celebrity ka sinabi ko sa grandparents ko na dito kami tumira ni Mama na malapit sa'yo alam namin na may sarili ka nang buhay, Pa kuntento na ako na nakikita kita sa malayo at nakakasabay sa elevator noon." wika ng anak ko sa akin at hinawakan ko ang kamay ng anak ko nang sabihin niya 'yon. "Bakit hindi pa rin inamin ng Mama mo sa akin ang tungkol sa'yo kung nandito lang pala kayo? Hindi ko rin alam na nakabalik na siya mula sa Canada." aniko sa anak ko at tumingin ako sa paligid ng kwarto ng anak ko. Bumitaw ang anak ko sa akin at umupo sa kama niya. "Ayaw ni Mama na istorbohin ka, Pa alam namin na masaya ka na ngayon kahit wala kami sa buhay mo okay na sa amin ni Mama na nakikita kang maayos at good health." sambit naman ng anak ko sa akin. "Anak?" tawag ko na lang at umupo ako sa tabi naman ng anak ko. "Papa, okay na ako na makasama ka sa ganito okay na sa akin na alam mong may anak ka hindi ako bulag, Pa sa nangyayari sa buhay mo may relasyon kayo ni tito Light ayoko na guluhin ang masayang pagsasama nyong dalawa ng dahil sa akin." nasambit naman ng anak ko sa akin tumitig na lang ako sa kanya. Yumakap na lang ako sa anak ko at tumugon siya nang yakap sa akin. "Mahal ko ang Mama mo noon, anak sobrang mahal pero ngayon ang pagmamahal na meron ako sa Mama mo bilang kaibigan at kapatid na lang." pag-amin ko kaagad sa anak ko dahil iba na ang taong nagpapatibok sa puso ko. "I know, Papa hindi alam ni Mama ang tungkol sa inyo ni tito Light." wika naman ng anak ko sa akin, nasaan si Ging? "Nasaan ang Mama mo?" tanong ko bigla hindi nakita ang Mama niya. "Nagpunta sa presinto, Papa kasama si tita Pam at si lolo kakasuhan nila ang lalaking 'yon." wika ng anak ko sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ging inawat naman ako ng anak ko bumaling ang tingin ko sa kanya. "Pa, pwede mo ba ako turuan tumutog? Jamming tayo?" aya ng anak ko at tumango ako nagpaalam muna ako sa anak ko para kunin ang gitara ko sa condo. Nang bumalik ako sa condo nila pinuntahan ko ang anak ko sa kwarto nito at ngumiti kami sa isa't-isa. Umupo ako sa tabi ng anak ko at inayos ang pwesto ng gitara ko. Nag-stream ako ng gitara at kumanta kaming dalawa ng mga favorite songs niya napalingon kami nang may pumalakpak sa harap namin nakita ko nakatayo si Ging sa harap namin. "Ging!" tawag ko na lang sa kanya at huminto kami ng anak ko. "Mama!" tawag ng anak namin nanghihinayang ako na hindi ko na maiibigay sa kanila ang pangarap ng anak ko. "Pwede ko ba kayo vodeo-han habang kumakanta ng sabay? Father and daughter duet?" wika ni Ging sa amin tumingin pa sila sa akin nang sabay. "Sure," sambit ko hindi ko 'yon ipagkakait sa kanila 'yon. Kumanta kami ng anak ko sa harap ng Mama niya habang nag-video ito natuwa ako sa bawat reaksyon ng anak ko. Nang matapos niyakap ko silang dalawa nang mahigpit hindi na pwede kami mabuo as family dahil may masasaktan at ayokong makasakit mahal ko ito nang sobra. Nagpaalam na sa kanila nang mag-text siya sa akin at lumabas na ako dala ang gitara ko nakita ko sa mahal ko ang seryoso niyang mukha. "Babe?" tawag ko sa kanya nang makalapit ako naamoy ko sa hininga niya ang alak. Niyakap niya ako at pumasok na kaming dalawa sa loob ng condo namin nagtataka ako kung bakit nagpaka-lasing ito tapos magmamaneho pauwi ayoko pa naman na ganito siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD