Nang makarating kami sa bahay nila sinalubong kami ng magulang nila at ng isang lalaki at mga bata. Sa tingin ko ang mga anak ni ate Pam at asawa nito ang kasama ng magulang nila.
"Sinabi sa akin ng secretary ko ang nangyari sa law firm, ayos ka lang ba, anak?" pag-bungad nila sa kanilang bunsong anak.
Napatingin ako sa asawa ni ate Pam na seryoso ang mukha kaagad akong umiwas ng tingin at tumingin sa kanila.
"Okay lang ako, Papa niligtas ako ni Win sa lalaking 'yon," nasambit ni Ging sa magulang bago tumingin sa akin.
Tumingin sa akin ang magulang ni Ging at tumingin na lang ako sa kanila.
"Kamusta ka na?" tanong ng Mama ni Ging sa akin nang hawakan niya ang braso ko.
Hinila niya ako papasok sa loob ng kanilang bahay namiss ko ang bahay na palagi kong tambayan noon.
Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng bahay kagamitan lang ang nagbago sa loob.
"Long time no see, hijo ang laki nang pinagbago mo." wika ng ina ni Ging sa akin at nilapitan ako.
Hindi na lang ako nagsalita at tumingin lang sa Mama ng dating girlfriend ko. Nang makarating kami sa sala pinaupo nila ako at nagpaalam si ate Pam sa amin para magpunta sa kusina sumunod sa kanya ang asawa't-anak niya pinakilala kaagad ako.
"Okay lang ako, tita." nasambit ko na lang sa Mama ni Ging nang tumingin ako.
"Mas naging gwapo ka, hijo," puna nito sa akin nahiya naman ako sa sinabi niya sa akin.
"Ma!" pagtawag ni Ging sa Mama niya at lumingon ito sa anak niya.
"Totoo naman, anak kilala natin siya as person pero ngayon ko lang siya ulit nakita in person napapanood ko lang siya kumakanta sa TV alam mo ba na nagulat kami ng ninong mo na pinasok mo ang mundo ng showbiz." pagasasalita ng Mama ni Ging at tumingin ulit siya sa akin.
"Maraming nagbago sa nakalipas na taon, tita." aniko na lang para wala nang masabi pa tungkol sa pag-showbiz ko.
"Marami at isa ka dun, Win at ang kuya mo naging mailap siya sa amin." wika ng Mama ni Ging.
"Hijo, salamat at niligtas mo si Ging sa lalaking 'yon obsessed sa kanya mula nang magkakilala sila sa Canada." banggit naman ng Papa ni Ging kaagad akong napatingin sa kanila.
"Bakit hindi nyo siya ipa-blotter?" pagtatanong ko naman sa kanila at napansin ko na tumingin sila sa akin.
"Ayoko makaladkad ang pangalan namin, hijo sa mali at kumalat sa mga kakilala namin sa mundo ng law firm alam mo na bubuksan nila ang buhay natin wala silang pakialam kung may masira silang pagkatao basta sumikat lang sila kapag nalaman nila ang ginagawa ng lalaking 'yon sa anak ko, ano ang iisipin nila sa amin?!" wika ng Papa ni Ging bumuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya.
Kaya nga nag-hiwalay noon sina kuya Jirah at ate Pam dahil sa ganitong gesture ni tito Edwin huwag lang makaladkad ang pangalan nila kaya kahit tutol sila sa arrange marriage na gustong mangyari ni tito Edwin kaso, wala na silang choice ng malugi na ang unang negosyo ng pamilyang Ramirez.
Hindi tutol si tito Edwin sa relasyon namin sa dalawang anak niya kaso, sa panahon noon kailangan lang ng sakripisyo para sa kanilang pamilya.
"Kahit ganun, tito pina-blotter nyo ang lalaking 'yon hindi imposibleng makagawa ito ng masama kay Ging." pag-amin ko na lang sa kanila nabaling ang tingin ko.
"Hijo, alam mo na bang anak ka na sa kanya? Ging, sinabi mo na ba sa kanya?" sambit ng Mama ni Ging umiwas naman ako ng tingin sa kanila.
"Si Papa ang nagsabi bago ko sabihin sa kanya," wika ni Ging sa Mama pinalo nito ang asawa niya at nakita namin na sinamaan ng tingin.
"Pinangunahan mo na naman ang anak mo sa desisyon nila hindi ka pa ba nadadala sa panganay mo?" paninita nito sa asawa at umiling na lang pagkatapos.
"Nandyan na eh," sambit ng Papa ni Ging sa asawa nito.
"Hay naku dyan kami naiinis sa'yo eh," wika ng Mama ni Ging.
"Sa ngayon, hijo pwede ko siya i-blotter dahil pati ang kliyente mo tinakot na niya." wika ng Papa ni Ging hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.
Naisip ko bigla 'yong ama ng lalaking 'yon kanina sariling ama kinakalaban para makuha ang mana.
"Win, pwede ba na bantayan mo ang anak ko at ang apo ko sa lalaking 'yon?" tanong ng Mama ni Ging sa akin nabaling ang tingin ko sa kanila.
"Wala na kami, Ma may sarili na siyang buhay ngayon at sa palagay ko may iba na siyang mahal ayoko na guluhin ang buhay niya nang dahil dito," sambit ni Ging sa Mama niya nang sundan ko sila ng tingin nakita kong tumingin sila sa akin.
"May anak kayo at hindi pa hiwalay, hindi ba?" tanong ng Mama ni Ging sa aming dalawa.
"Tita, I'm taken na pero hindi kay Ging masaya na ang buhay ko ngayon mula ng mawalan ako ng communication sa kanya at tumagal ng isang taon inisip ko na wala nang kami kung ano man ang kasalukuyang sitwasyon at relasyon naming dalawa sana po unawain nyo kung totoo man na may anak kaming dalawa may responsibilidad ako sa anak namin co-parenting ang gagawin namin lalo na ngayon ko lang nalaman na may anak ako gusto ko rin na magpa-DNA test ako at ng anak ko hindi dahil iba ang nasa isip ko kundi gusto ko lang maka-sigurado," mahaba kong sambit sa kanilang harapan bumuntong-hininga na lang ako pagkatapos.
Tumahimik sila at si ate Pam nang bumalik sa amin tumingin pa ito sa pamilya niya.
"Walang nabanggit ang Mama mo na taken ka na," sabat ng Mama ni Ging sa akin nang tumingin siya.
"Nagkita kayo ni Mama?" tanong ko na lang sa Mama ni Ging.
"Oo, nagkita kaming dalawa sa mall at may kasama siyang lalaki nun parang pamilyar din sa akin hindi ko lang matandaan kung saan ko 'yon nakita hindi naman anak ni kumare eh." anito sa amin natahimik ako bigla at ang naisip ko baka si Light dahil hindi namin kasama sa bahay si kuya Jirah may sarili na itong bahay.
"Ma," tawag ni Ging sa Mama niya pagkatapos.
"Ma, kaya nandito si Win hindi tungkol sa buhay nila o niya ang dapat pinag-uusapan, Win sorry." wika ng Papa ni Ging sa akin.
"Ayos lang, tito sa tagal nating hindi nagkita ganyan si tita sana maunawaan nyo ang gusto kong mangyari at sana ipa-blotter nyo 'yong lalaki para sa kanya o sa anak namin, tito." sambit ko bigla sa kanila napapailing na lang ako pagkatapos.
"Sa'yo namin ipagkakatiwala ang anak at apo namin, hijo dahil mag-iina mo sila kahit ngayon lang kayo nagkita muli, sorry at hindi ko rin ito pinapaalam noon sa Mama mo." wika ng Mama ni Ging sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Po?" aniko na lang hindi naintindihan ang gusto nitong mangyari.
"Kahit hindi na kayo magkaka-balikan, Win dahil sabi mo nga taken ka na at wala nang pag-asa para mabuo ang pamilya nyo 'yon lang dalawin mo lang sila o silipin kung okay lang sila ganun lang kuntento na ako, Win anak na ang turing ko sa'yo at kahit naputol ang kumunikasyon masaya ako magkasama kayo sa iisang trabaho tinupad mo pa rin ang pangarap nyong dalawa." wika ng Mama ni Ging sa akin naluha naman ako sa sinabi niya.
"Opo, tita gagawin ko hindi dahil sa sinabi mo pero responsibilidad ko sila gusto ko rin makilala in person ang anak ko," sambit ko.
"Sa anniversary ng law firm, hijo ipapakilala ka namin sa kanya at-" putol ko naman sa sasabihin ng Papa ni Ging.
"Huwag nyo sabihin na may anak ako sa publiko, tito gusto ko na magkaroon ng privacy ang buhay ng anak ko na tayo lang ang nakakaalam ng katotohanan at kapag magkikita kami sa hindi napupuntahan ng mga tao hindi siya hindi ko siya kayang ipagmalaki." pag-amin ko na lang takot akong malaman ito ni Light at may hindi magandang mangyari.
Tumingin sila sa amin at sabay silang tumango pagkatapos maliban sa asawa ni ate Pam naiilang ako sa pag-tingin niya.
"Nauunawaan ko," sabat naman ni Ging sa akin napatingin ako sa relo at nagpaalam na ako sa kanila.
"Kailangan ko ng umuwi, tito at tita kukunin ko lang ang gamit ko sa opisina ko basta po ipa-blotter nyo ang lalaking 'yon 'yon lang ang paraan para hindi na sila guguluhin pa," aniko at tumayo na ako sa sofa.
"Hindi ka na ba kakain ng hapunan dito?" tanong ni ate Pam dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya.
"Hindi na, ate Pam," aniko at nagpaalam na ako.
"Ihahatid ka ng driver namin sa bahay nyo," sambit ng Papa ni Ging sa akin.
"Huwag na, tito." pag-tanggi ko na lang nakakahiya sa kanila.
"Huwag ka ng tumanggi," sambit ng Papa ni Ging sa akin hindi na ako umangal pa at sinamahan nila ako sa labas ng kanilang bahay.
Nagtaka pa ako ng sumakay si Ging sa sasakyan.
"Nasa iisang condo unit tayo nakatira, Win nakikita kita kasama ng kaibigan mong lalaki hindi sarado ang utak ko sa ganitong sitwasyon siya ba ang karelasyon mo?" tanong niya sa akin.
"No, he's my bestfriend." pagsisinungaling ko sa kanya at hindi naman mahahalata dahil ibang-iba na talaga ako hindi na ako si Winter Kevin na kilala niya noon.
"Sure ka?" tanong niya sa akin.
"Oo man o hindi wala ka ng pakialam sa buhay ko, Ging matagal na tayong wala," aniko sa kanya at bumalik kami sa law firm security guard na lang ang nandun at nakita pa kami at bumati lang ako pinapasok ulit kami nang sabibin namin na may naiwan kami sa loob.
Nang makuha namin ang gamit sa opisina parehas pa kaming lumabas ng sariling opisina marami akong message mula sa kanya at sa mga kaibigan ko. Lumakad na kaming dalawa palabas ng law firm tinanguan na lang namin ang security guard wala akong pakialam kung pag-usapan kami kinabukasan sumakay na kaagad kaming dalawa sa sasakyan at hinatid na kami ng kanilang driver sa condo unit.