Chapter Twenty One

1252 Words
Nang matapos ang klase ko, pumunta ako sa faculty room ng school at binasa ko ang mga tinuro kong kanta kanina sa mga estudyante ko. Kinuha ko naman ang gitara ko at pina-tugtog ang note na tinuro ko pumikit ako para madama ko ang ginagawa ko. Hindi naging maganda ang mood swing ko sa klase dahil naalala ko ang kaganapan sa elevator sa condo. Normal sa aming dalawa na may fans kaming nasasalubong o yumayakap sa amin pero, iba ang naramdaman ko nang yakapin siya nang dalaga at lalo nang sabihin niya na kilala niya ang ina nito. Bakit naging lutang ako mula ng may mapansin akong kakaiba sa kanila? Hindi naman ako ganito noon sa mga fans namin kahit sa kakilala niya minsan pa nga pinag-tatawanan namin 'to. Hmmmm..... Hmmm..... Dumilat ako nang may pumalakpak at nabaling ang tingin ko sa taong pumalakpak. "Mars!" tawag ko bigla sa kaibigan ko nang mapalingon ako sa likuran ko. Tumigil ako at tinabi ko ang gitara sa gilid ko kaagad akong tumayo sa inuupuan ko. Nakita kong lumakad siya palapit sa akin hindi na lang ako kumilos sa kina-tatayuan ko. "Ang ganda talaga ng boses mo kaya nainlab sa'yo si Ice eh," nasambit niya sa akin at nilapitan niya ako sa pwesto ko lumingon pa ako sa likuran. "Ang bibig mo," saway ko na lang walang nakakaalam kung sino ang ka-relasyon ko ang nakakaalam lang ang mga kaibigan at pamilya ko. "Ops..wala ka na bang klase?" tanong naman niya sa akin at umiling na lang ako kaagad sa kanya "Wala na, Mars mamaya ulit ang klase ko." nasambit ko na lang at umupo ako sa upuan ko. Nakita kong pumunta na siya sa pwesto niya at inikot ko ang inuupuan ko sa kanya. "Kayo ba ng jowa mo, okay ba kayo?" tanong ko naman sa kanya napansin kong hindi sila nag-papansinan. Lumingon siya bigla sa akin nang marinig ang sinabi ko at tumango pagkatapos humarap na lang siya nang ilapag ang bitbit niya. "Maayos naman ang relasyon namin ni jowa walang problema nagkataon lang na busy kaming dalawa kaya hindi magkasama ngayon," sambit na lang niya sa akin. "Napansin ko kasi na hindi kayo nag-papansinan ng jowa mo," sambit ko. "Ganyan talaga siya kapag seryoso sa trabaho," aniya sa akin bumuntong-hininga na lang ako pagkatapos. Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya naalala ko si Win. "Bakit ganyan ba si Win sa bago niyang trabaho?" tanong naman niya sa akin. "Hindi ko masasabing ganun, Mars, dahil kapag umuuwi naman siya normal naman katulad ng nakasanayan namin pero alam mo 'yong feeling ko ngayon kakaiba at walang maayos na paliwanag," sambit ko. Tumingin siya sa akin at napa-iwas ako nailang ako sa mapanuri niyang tingin. "May bumalik ba sa nakaraan niya at ganyan ka ngayon sa relasyon nyo?" tanong niya at sumagot naman ako kaagad sa kanya. "Isa sa mga kasama niya sa trabaho anak ng ninong niya at alam mo 'yong feeling na makita mo may meaning ang tinginan nila na dapat hindi ko bigyan ng meaning dahil, normal na magkikita at magkakausap sila dahil malapit sila sa isa't-isa," aniko. "Nagseselos ka ba?" tanong niya sa akin. "Hindi ako nagseselos alam ko kung nagseselos ako o hindi," aniko sa kanya. "Naguguluhan ka nga, brad halata sa pagmumukha mo na hindi mo malaman kung ano ang nararamdaman mo," wika niya sa akin. Nilagay ko ang kamay ko sa likod nang ulo ko at bahagyang lumiyad. "Sinabi mo pa, brad alam mo ba na may ka-pangalan niya ang anak ng anak nang ninong niya." aniko sa kanya nakita ko ang pag-kunot ng noo nito sa sinabi ko. "Ano?" tanong niya sa akin umayos pa siya nang pagkaka-tayo. "'Yong anak ng ninong niya may anak na rin at ka-pangalan pa ni Win, at lalo akong nakaramdam ng hindi kanais-nais at hindi mapaliwanag na emosyon," pag-amin ko sa kanya. "May naging ex ba si Ice na babae? Kilala mo?" tanong naman niya sa akin. Lumingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin at nabanggit ko ang mga suspetsa ko. "Hindi sa nag-iisip ako ng iba, Light-baka ex niya 'yong babae? Alam mo 'yong feeling na nagkita kayo ng ex mo at malalaman mong may anak na tapos noong huli silang nagkita nag-hiwalay o hiwalay na, nakuha mo ba ang tinutumbok ko sa'yo? Ito ang sumagi sa isip ko ng sabihin mo ang suspetsa mo." wika naman niya sa akin tama ang punto 'yon din ang bumubuo sa awkwardness napansin ko sa kanilang dalawa sa elevator. "Ang sabi niya sa akin, Mars nagkausap sila ng ex niya para closure ng kanilang relasyon okay na daw sila ngayon at magkaibigan na sila ulit," aniko sa kanya at pumitik siya nang kamay sa harapan ko at pumalakpak. "Wala silang maayos na pag-uusap ng mag-hiwalay silang dalawa, at nang magkilala kayo noon dito napansin ko sa kanya na aloof siya sa mga babae at sa'yo kahit natapos na ang deal nyo noon-" putol ko sa kanya nang magsalita naman ako. "Noon parehas na ang nararamdaman namin at mas pinili niya akong mahalin kahit iba pa siyang mahal?" tanong ko. "At ngayong bumalik na ang dati niyang mahal naguguluhan siya, kung sino sa inyo ang pipiliin niya hindi man niya sabihin sa'yo kaya nag-usap silang dalawa, Light ayusin na lang ang kanilang closure para walang masaktan pa," aniya natahimik naman ako sa sinabi niya. "Ito nga ba ang totoo?" natanong ko na lang sa kanya nang tumingala ako. Lahat ng suspetsa namin-totoo? "Kausapin mo siya alamin mo ang katotohanan, Light jowa mo siya may karapatan kang malaman ang lahat ng tungkol sa nakaraang ka-relasyon niya at ganun ka rin sa kanya kung ang kinatatakot mo na iiwanan ka niya kapag natauhan na siya sa relasyon nyo," wika naman niya sa akin. Nilapitan niya ako at kinuha ang gitara ko babawiin ko sana nang lumayo siya sa akin at nag-stream siya nang kanta. Mask all my pain hold back my tears "Hmm..." huni niya at kinalabit niya ang string ng gitara ko tumayo ako bigla at inagaw ang gitara ko. I'm going insane Nobody knows "Akin na! Isa!" saway ko sa kanya inaasar na niya ako gamit ang pag-tugtog kilala ko siya dahil halos schoolmates kami mula elementary at college. "Mag-usap kayong dalawa parehas kayo ng sitwasyon ni Ice, Light ang sa kanya hindi niya masabi sa'yo ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya hindi ko alam ang dahilan pero 'yon ang napansin ko sa kanya nang magkita kami sa resto kasama ng mga ka-trabaho niya at ikaw natatakot kang mawala siya sa'yo," wika niya sa akin at binigay ang gitara ko sinamaan ko siya nang tingin. "Putang ina mo!" aniko sa kanya nagmura na ako ng malutong dahil totoo ang sinasabi niya. Ganun din kaya ang nararamdaman niya? Bumalik na ako sa pwesto ko, mabuti na lang wala pang teacher na bumabalik sa faculty room tinabi ko na lang ang gitara ko sa lalagyanan nito at inayos ang lesson plan ko. "Kung kailangan mo ng advice, Light nandito lang ako alam kong hindi mo ito sinasabi kina Chana, at Mike dahil aasarin ka lang nilang dalawa," wika niya at inirapan ko na lang siya bago ko iwanan sa faculty room. Nagpunta ako sa canteen para bumili ng biscuit at softdrink bago umalis para sa gym na lang siya tumambay. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon may bumabalik sa buhay niya. Mali ba na maramdaman ko ito ngayon kahit alam kong ako naman ang mahal niya at hindi ang ex niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD