Chapter Nineteen

1166 Words
Nagising ako na wala akong katabi sa kama at bumangon ako at lumabas ng kwarto hinanap ko siya. "Babe," tawag naman niya sa akin natuwa naman ako nandito pa siya ngayon. "Wala kang trabaho?" tanong ko na lang sa kanya at lumapit ako para dumikit ang mga balat namin. "Meron, babe half day ako dahil sa nangyaring gulo sa law firm." sambit na lang niya kaagad nabaling naman ang tingin ko sa kanya. Naalala ko tuloy ang nakita ko sa labas ng pinag-trabahuan niya. "Sino ang dalawang kasama mo noon?" pagtatanong ko naman napatingin siya sa akin at hindi siya kaagad nagsalita. "Ikaw nga pala ang nakita ko kagabi akala ko guni-guni ko lang," sambit niya sa akin. "Oo, ako nga 'yon susunduin sana kita." aniko na lang sa kanya. "Ah, 'yong babaeng nakita natin sa 7-eleven siya si ate Pam ex ni kuya Jirah at 'yong kasama niya ang kapatid niya." aniya sa akin malapit siya sa ex ng kuya niya. Hm... "Ah, bakit may napansin akong lalaking kinakaladkad ng mga security guard?" tanong ko naman. "'Yon ang nanggulo sa loob ng law firm kliyente ko ang ama nun kaya kinaladkad ng security guard," sambit niya hinawakan ko tuloy ang mga braso niya kung pasa at tumayo pa ako para makita nang mabuti pati ang ibang parte. "Bakit ka pa nila sinama?" tanong ko na lang sa kanya habang kumakain. "Witness ako sa nangyaring gulo," aniya sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi niya at tumango ako kumain na lang kaming dalawa pagkatapos. Nang matapos kami kumain nauna na siyang maligo at ako naman ang naghugas ng pinag-kainan namin. Napalingon ako nang may yumakap sa likod ko at dumantay ang baba niya sa balikat ko. "Ipapakilala kita sa kanila as friend, okay lang ba sa'yo?" tanong niya sa akin. "Oo naman, babe kung hindi ka pa rin handang i-broadcast ang relasyon natin sa publiko naiintindihan kita." aniko sa kanya at ngumiti na lang ako sa kanya alam ko kasing sisirain ng ibang tao ang relasyon namin. "Thank you, babe ninong ko ang ama nila kaya malapit ako sa kanila alam mo ba huli ko nalaman na sila ang may-ari nang pinag-trabahuan ko." aniya sa akin nang matapos ako maghugas lumingon ako sa kanya. "Hindi nga?" nasambit ko na lang sa kanya at tumango siya sa harap ko. "Oo, kagabi lang kami nagkita tapos ganun pa ang nangyari sa muling pagkikita namin." aniya at napapailing na lang siya pagkatapos at lumayo na sa akin para sumandal sa lababo. "Matagal mo na silang kilala, ano, bakit hindi mo ito sinabi sa akin noong una?" tanong ko naman sa kanya. "Ngayon ko lang ulit sila nakita," sambit naman niya sa akin napatingin ako sa kanya. Pumunta kami sa kwarto namin at kinuha niya ang twalya at pumasok siya sa loob ng banyo, may banyo sa loob at labas dun na ako naligo. Nang matapos ako bumalik na ako sa loob ng kwarto namin naabutan ko siyang nagsusuot ng sapatos. "Kagalang-galang na ang babe ko," bungad ko nakabihis lang ako ng polo shirt at itim na pantalon kasama ang black shoes. "Ikaw rin naman, babe kagalang-galang ang itsura mo." aniya sa akin at inayos niya ang kwelyo ng damit ko. "Gwapo ako eh," sambit ko na lang sa kanya at hinalikan ko ang ilong niya. Pumikit naman siya sa ginawa ko at lumabas na kaming dalawa dala ang gamit namin para sa trabaho. Naglakad na kami papunta sa elevator pinindot ko ang arrow na pababa bumunkas naman at bumungad sa kanila ang isang babae at dalaga. Napansin ko na huminto siya at nakipag-titigan sa babae pati sa kasama nitong dalaga. "Mahuhuli ka sa trabaho mo," sambit ko sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin bago kami pumasok sa loob ng elevator. Nakaramdam ako ng ackwardness...bakit? Tinignan ko siya na tahimik lang lalapitan ko sana siya nang lumapit ang dalagang nakasabay ko rin kagabi sa elevator. "Hi po! Hindi po ba kayo 'yong singer na si Ice Kevin?" tanong naman ng dalaga sa kanya dahilan para mapansin kong tumitig siya sa dalaga. "O—" napatingin tuloy ako sa dalaga nang bigla nitong yakapin si Ice napansin kong hinaltak siya ng babae. "Pwede po ba magpa-picture? Idol ko po kayo." sambit ng dalaga at binitawan naman ito ng babae. Siya 'yong babaeng kasama niya rin kagabi pamilyar siya sa akin. "Pamangkin mo?" tanong ko sa babae nang tumingin ako. Bumaling naman nang tingin sa akin ang babae at umiling kaagad. "No, she's my daughter." anito sa akin napatingin sila sa amin at lumapit ang dalaga. "Mama! Ang gwapo niya, ano!" ngiting sambit ng dalaga sa ina niya. Tumango naman kaagad ang babae nang tignan niya si Ice at tumingin siya sa akin pagkatapos. "Oo, gwapo naman talaga siya, 'nak." sambit ng babae sa anak niya at bumukas kaagad ang elevator hinayaan namin na mauna ang mag-ina. "Siya 'yong kasama mo kagabi at kapatid niya?" bulong ko sa kanya nakita kong sinundan niya nang tingin ang dalawa. "Hm?" aniya nang lingunin niya ako kaagad at inulit ko ang sinabi ko. "Oo, siya nga." aniya at lumakad na kami papunta sa parking lot. "May anak na pala siya," aniko na lang sa kanya. Sumakay na kaming dalawa sa motor at pinaabdar ko at hinatid ko siya sa pinag-trabahuan niya. Bumaba kaagad siya at binigay sa akin ang helmet sumenyas siya na mag-text na lang siya sa cellphone nang ituro ang hawak niya. Kumaway na rin ako sa kanya at umalis na para pumunta sa unibersidad para mag-trabaho. Nang makarating ako sa school pinarada ko sa parking lot ang motor ko at bumaba ako dala ang gamit ko. Lumakad naman ako papasok sa loob kahit wala akong pinakitang ID papasukin na rin ako hindi naman kasi ako regular na trabahador dito. Pumunta ako sa faculty room at binati ko ang mga guro nakaupo sa kanilang pwesto. "Maaga ka yata ngayon?" tanong ng isa sa guro ko noon napakamot ako nang batok. "Maaga po po hinatid ang mahal ko sa trabaho," aniko kahit tanghali na halos. "Ah," anila sa akin umupo ako sa pwesto ko para ayusin ang dadalhin ko sa classroom. "Kailan ka magpapakasal sa mahal mo, hijo?" tanong ng guro ko sa akin napatingala tuloy ako sa harap. "Hindi ko po alam," aniko na lang. "Hindi ka na bumabata, saka bigyan mo naman ng anak ang future wife mo ikalat mo ang lahi mo." wika ng guro ko sa akin napatigil tuloy ako sa ginagawa ko. Feeling ko may ilaw na tumama sa mata ko nang sabihin niya 'yon at nakita ko ang kakaiba niyang emosyon nang maalala kong niyakap siya ng dalaga hindi ko lang mapangalanan. Nagpaalam na lang ako sa kanila para pumunta sa klase ko bumuntong-hininga na lang ako. 'Yon ang kulang sa aming relasyon hindi ko siya mabibigyan ng anak, masaya naman kami eh... Nang pumasok ako sa klase ko kahit wala sa tinuturo ko ang isip nag-pokus pa rin ako para hindi ako mag-isip ng negative.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD