Chapter Eighteen

1343 Words
Bumuntong-hininga na lang ako dahil nang makauwi na ako sa bahay namin akala ko may aabutan akong Ice sa loob ng condo. Mag-gagabi na ah? Kinuha ko ang cellphone ko at unattended ang kabilang linya? Nabaling ang tingin ko sa suot ko hindi naman marumi at pinagpag ko na lang nang mawala ang alikabok ng kalsada. Tumalikod na ulit ako para balikan ang motor ko sa parking lot hindi siya ganito gumalaw kaya nagtataka ako. Umalis na ako at nagpunta sa pinag-trabahuan niya nang bumaba na ako nakita ko ang gwardiya na may hinahatak na lalaki. "Kuya, anong nangyayari?" tanong ko sa lalaking nakikipag-usap sa kapwa empleyado ng pinag-trabahuan ni Ice. "Sinampal ng lalaki 'yong attorney na babae, mabuti pinagtanggol ng baguhan namin," kwento nito sa akin at tumango ang katabi nito. "Oo, si Winter Kevin mukhang magkakilala sila ni attorney eh at galit na galit siya nang ginawa ng lalaki sa harap niya 'yon." sambit ng katabi nito natahimik naman ako sa sinabi ng dalawa. Magkakilala? Sino? Biglang dumating ang patrol ng pulis at dinampot ang hawak ng gwardiya na nagwawala pa rin. "Ayan na sila!" narinig kong sambit ng dalawang katabi ko. Napalingon ako at nakita kong lumabas siya kasama ng dalawang babae nakatingin lang ako sa kanila. "May trabaho pa ako sa loob, ate," sambit niya sa dalawang babae. Tumingin ako sa relo ko kung anong oras na, gabing-gabi na ah? "Ikaw ang witness ni Ging para malaman ni Papa ang nangyayari sa kapatid ko, ikaw ang nakakita sa pangyayari kung nandito lang ang asawa ko patay na ang lalaking 'yon ngayon." wika nito natahimik naman siya sa kanila gusto kong lumapit pero may pumipigil sa akin. "Ayoko makigulo pa sa anumang nangyayari sa kanila," pag-amin niya sa kanilang dalawa nang marinig ko at mukhang kilala niya talaga ang dalawang babae. "Ang alam ko at bulung-bulungan ah, ninong ni attorney Win ang Papa nina attorney Ging at miss Pam kaya nakapasok ito sa ULF." kwento ng katabi ko parang limang tao ang pinapakinggan ko ngayon. "Oo, pero, legit na hindi alam ni attorney Win na ang ninong niya ang may-ari nitong ULF dahil kwento ito ni miss Garcia sa atin akalain mo 'yon totoo ang small world pinagtagpo sila ulit at hindi ba, nanggaling pa sa ibang bansa sila attorney Ging at miss Pam wala na silang communication." narinig kong sambit ng isa sa taong kausap ko kanina. Nabaling ang tingin ko sa kanila at sa tatlong nag-uusap nang marinig ko ang sinabi ng isa sa babae. "Para sa kanilang kaligtasan, Win ayokong mapahamak silang mag-ina mag-susumbong lang tayo sa Papa ko, judge siya, Win." anito natahimik naman ako sa sinabi nito sa kanya. May anak 'yong Ging, pero dahil witness siya kailangan niyang sumama sa dalawang babae. Nakita kong lumingon siya sa akin at nakita ko ang kakaibang emosyon na ngayon ko lang napansin. Tumalikod na rin ako nang humawak sa braso ko kaya nabaling ang tingin ko. "Artista ka, hindi ba?" tanong ng mga lumabas na empleyado sa akin umiling na lang ako at kaagad na umalis para umuwi sa condo namin. Hindi niya na-kwento tungkol sa dalawang babae lalo na ni kuya Jirah, anong meron sa pamilyang 'yon at ganito ang malasakit mo sa kanila? Huminga na lang ako nang malalim bago ko pinarada sa parking lot ang motor ko. Bumaba ako at inalis ang helmet na suot ko sinuksok ang helmet sa braso kasama nang helmet niya. Lumakad na ako papunta sa elevator na malapit sa pinaradahan ko hinarang ko ang kamay ko nang may isang dalagang papasok sa loob. "Hi, kuya Light!" tawag nito kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "Kilala mo ako?" tanong ko sa dalaga at kaagad na tumango sa akin. "Yeah, artista kayo eh," sagot naman nito sa akin oo nga naman, makikilala niya ako dahil singer ako. "Anong floor ang pupuntahan mo?" tanong ko nang pipindutin ko na rin sa kanya. "Sa isang floor lang tayo, kuya Light," sambit nito sa akin sumandal siya sa gilid. Napansin ko na puro mukha ni Win ang nakalagay sa cellphone nito baka crush nito ang babe ko matutuwa 'yon kapag nakilala nito ang dalaga. "Ano ang pangalan mo?" tanong ko na parang walang motive. "Win," sagot nito nakayuko pa rin siya sa akin natigilan naman ako sa narinig. Tumitig na lang ako sa kanya at kumunot na parang may kakaiba sa dalaga. "Nakakailang ang pag-titig mo sa akin, kuya Light." sabi kaagad nito sa akin napatigil naman ako kaya umiwas ako nang tingin sa kanya. Nang bumukas ang elevator hinayaan ko siyang maunang lumabas bago ako sumunod natanaw ko pang tinaas niya ang kamay bago huminto sa dulo ng floor namin. "Mama!" tawag nito mula sa labas at lumakad na rin ako para pumunta sa condo namin. Nang makapasok ako sa loob napasandal naman ako sa likod ng pintuan. Ka-pangalan niya lang ang babe ko walang kahit ano. Hindi naman ako nakapagsalita at sinabunutan ko ang buhok ko pagkatapos. "Babe!" tawag ko nang bumungad siya sa harap ko at sinugod niya ako nang yakap. Nang yakapin ko siya bigla siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko. Anong nangyari sa'yo, babe? "Babe? Anong problema?" pagtatanong ko sa kanya kahit naka-yakap pa rin siya sa akin. "Sobrang saya ko..." mahina niyang sambit sa akin nang humiwalay siya sa akin at pinunasan niya ang luha sa pisngi. Ha? "Anong sobrang saya, bakit ka umiiyak kung masaya ka?" tanong ko naman sa kanya pumunta kaming dalawa sa loob ng kwarto namin. "Sorry muna, babe kung hindi ko na-kwento na may naging ka-relasyon akong babae noon nung nahulog na ang loob ko sa'yo dahil sa pagtulong ko sa pag-iwas mo kay Helga noon," sambit naman niya napatingin ako sa kanya nang banggitin niya 'yon. "Anong konek sa kasiyahan mo ang ex mo?" tanong ko naman sa kanya at tumayo ako sa tabi ng pintuan. Umatras ako sa kanya ayoko marinig na ang sasabihin niya. "Nagkaroon na kami ng closure, babe masaya ako na kasi wala nang alinlangan sa puso ko," aniya sa akin tinignan ko ang mga mata niya. "Nag-aalinlangan ka para saan?" tanong ko bigla sa kanya. Sa sampung taon na may relasyon kami nag-aalinlangan ba siyang ako ang pinalit niya sa ex niya? "Na wala akong masasaktan na tao, babe kasi kahit hindi kami magkasama noon may mahalaga siya sa akin at mahal ko siya may pangako kami sa isa't-isa ako nga ang dahilan ng pagka-sira ng pangako namin nang magsimulang mahulog ang loob ko sa'yo noon." sambit na lang niya. "Ano ngayon ang meron?" seryoso kong tanong sa kanya. "Okay na kaming dalawa, babe nagkapa-tawaran na at tanggap niyang hindi na kami babalik sa dati." aniya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Mahal mo pa ba siya?" tanong ko sa kanya nang seryoso. "Hindi naman maaalis 'yon dahil siya ang unang pag-ibig ko at dekada na rin ang naging relasyon namin at malapit ang pamilya ko sa pamilya niya pero ikaw na ang forever ko, babe kung takot kang mawala ako sa'yo hindi mangyayari 'yong bumabagabag sa puso mo." sambit na lang niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya nakita ko na lumalapit siya sa akin. "Ano ngayon ang balak mo ngayong okay na kayo?" tanong ko sa kanya hindi ko kilala ang ex niya kaya gusto ito malaman. "Friends na kaming dalawa ulit, at bumalik na ang dati naming turingan alam na namin ang limitasyon sa isa't-isa ngayon dahil alam na niyang may mahal akong iba," nasambit na lang niya sa akin nakita ko na maayos na ang tungkol sa kanila. Pero, bakit parang takot pa rin ako? Kahit sinabi niyang wala na silang dahilan para magka-balikan? Inaya na niya akong matulog dahil may trabaho pa kami bukas. Tinignan ko na lang siya habang natutulog dahil sa nalaman ko, sino sa dalawang babaeng kasama niya ang naging ex niya? Hindi ako makatulog dahil may bumabagabag pa rin sa akin. Niyakap ko na lang siya nakasuot na ako ng boxer short at sando bago pinikit ang dalawang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD